Chapter 43: Meeting Friends. Friending Enemies.

46 2 0
                                    

"Wow, interesting." Komento agad ni Slatie nang nilapitan niya agad ako. I guess she is all surprised na makita akong ganito kaganda. Patulis na sa dulo ang buhok ko and it's a total makeover for me. I guess wala na talaga akong takas dito, at wala nang takas sa'kin 'to.

"Slatie." Simpleng sabi ko sa kanya nang tiningnan niya ako. Inikutan pa ako nang ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa ibang direksyon. Masyadong nagpapapansin. I must say na kapansin-pansin naman talaga siya. Mukha nga lang siyang tanga.

Ilang ikot din ang ginawa niya at nahilo rin ako sa ginawa niyang iyon. Ngayon naman ay hinamon niya ako ng titigan. Nakaharap siya sa'kin habang tinitingnan ako sa mata kong nakatingin sa ibang direksyon. I told you guys, I find myself awkward.

"Traig o? Ang ganda na ni Bethel." Sarkastiko niyang sabi sa kapatid niya nang inapakan ko naman ang paa nito dahil hindi ko sinasadya. Too bad for her dahil nakaheels pa ako nito, hindi nakabota. Kung hindi ay wala na siyang paa ngayon dahil tatapak tapakan ko ang paa niya kasabay ang pang rakista kong ayos na may head bang pa.

She screamed for the pain at dumiretso naman ako sa babaeng nakatayo sa gilid namin. Magkasingtangkad kami nito at nakikita ko siya kay Rafael sa matang medyo singkit.

"Hi, I am Bethel Rosel."

Nakipagkamay naman siya sa'kin nang pinanlakihan niya ako ng mata. "Talaga? Ang banal ng pangalan mo."

Narinig ko ang pagtawa ng kuya niya sa likod habang siya naman ay tumawa nang napatingin siya kay Rafael.

"Well, the last time I heard that was from your brother. Magkapatid nga kayo. I hope banal na nga ako ngayon, right Rafael?"

Tumingin naman ako sa likuran ko pa-counter clockwise para lang 'di ako makaikot na ang Yoh ang makikita ko.

"Oo."

Magsasalita pa sana si Rafael para kausapin ang dalawa pero sumabat na agad ako sa malakas kong boses para tanungin ang pangalan ng nakakamayan ko.

"Danks na lang ate."

Pinanlakihan ko rin siya ng mata. Ginaya ko lang ang reaksyon niya kanina. Dudugtungan ko pa sana ito ngunit wala akong naisip na maire-react kagaya na lamang ng naiakto ni Danks.

"Ano pala ang pinunta mo Slatie--"

"Pero ano ang tunay na pangalan mo?"

Sinabayan ko sa pagsasalita si Rafael, dahilan para matigil ang pagtatanong niya kay Slatie.

"Danka Basilla po. Adik po ata kasi sa herbs si mama kaya ganito naging resulta ng pangalan namin." Masiglang sabi naman nito at tumawa ako para ma-out of place na ang dalawa.

Para di naman ako maging rude, which is I am right now, ay naggive way na ako para makapagsalita ang kuya ni Danks. Napatahimik na kaming dalawa nang pumunta sa kinatatayuan namin si Slatie.

"Ano, tapos na kayo?"

Masaya akong tumango at humarap na ako sa tatlo. Gano'n din si Danka.

"Pasensiya ka na pala...Slatie?" Siniguro pa ni Danks ang pangalan ng best friend ko at siguro naman sa aming dalawa ay mas gusto niya ako kay Rafael if ever, ngunit hindi ko na papatulan pa ang kapatid niya. Mamaya at kagaya rin pala ito ng syndrome ng magkapatid na Yoh.

"It pronounced as Is-Late-tee, not Is-Latte; as the coffee."

"Oo Danks. Slut-tee---" Naemphasized ko pa ang ayaw niyang marinig kaya naman ay napatingin siya sa'kin. "---Slut-tee is not the correct pronunciation, right Is-Late-tee?"

At kinarugtungan ko naman 'yon ng tamang pagkabigkas. Gusto ko mang tumawa ngunit baka mahalata iyon ng nakababatang kapatid ni Rafael, na ginagawa kong katatawanan ang pangalan ng best friend ko. "No Danka, Ate Slut...Is-Late-tee ang dapat."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon