Chapter 38: No Thyme for you, Slatie

42 5 1
                                    

Kahit na may natitira pa akong araw sa Castrierre ay hindi ko na iyon pinasukan. I hate bulls and shits there and I'm not going there anymore. May pasok din si CG kaya naman naiwan ako sa bahay nila. Hindi pa niya ako napagpapaalam sa magulang niya na didito ako ng mga ilang araw kaya medyo limitado pa ang galaw ko rito

But besides all of that, The peace is embracing me. Kahit papano ay nakahinga naman ako.

Nakahiga pa rin ako sa kama nang nagring na naman ang cellphone ko sa tawag ni Mommy. Hinintay ko munang tumigil ang ringtone bago ko kunin ang cellphone.

34 missed calls from Mommy

I am not going anywhere just yet. Dito muna ako.

Dahan dahan akong tumayo sa kama ni CG at sumilip sa pinto kung may tao ba sa labas. Nang nakarinig ako ng kaluskos ay isinirado ko agad iyon at dumiretso sa banyo ni CG.

Naghugas ako ng mukha nang nagring naman ang phone ko na katabi lang ng gripo. Sinagot ko naman iyon ng basa ang mukha ko at si Sarmie ang nasa kabilang linya.

"Nasa'n ka?"

Simpleng tanong nito nang nanliit ang mata ko sa harap ng salamin.

"Bakit?"

"Kasama ko yung Ex ng Ex mo. Do you want to hang?"

Napatigil naman ako sa pagpunas ng mukha ko gamit ang tissue sa alok ng kabilang linya. "Are you kidding me?"

And he answered yes. "I am definitely joking."

At humalakhak naman siya pagkatapos. Nakakainis talaga ang Sarmie na 'to. "Ano nga kasing kailangan mo?"

I insisted of asking him dahil alam ko may kailangan sa'kin ito.

"Yung test mo kasi kakasoli lang. Nagvolunteer ako na ako na ang magbibigay sa'yo since absent ka. Ako lang ang friend mo do'n na gustong magbigay ng papel mo e."

Hindi ko alam kung ano ang nabuo ng labi ko pero napangiti ako sa ginawa niya. Siya lang ata itong hindi ma-issue sa buhay ko, and everyone else likes to change my guts.

"Okay so saan tayo magkikita?"

Huminahon naman ang boses ko nang may naisip akong bigla na meeting place. "Meet me at Slarro Mix."

My lips formed a smile na para bang nililigawan niya ako at pinapili niya ako kung saan kami magda-date but it's not going to happen. I don't want to ruin his life. Siya na ata ang pinakamatinong lalaki na makakasama ko up to this date at ayokong sirain ang pagsasama namin.

"Great. Sounds like a plan."

At binabaan ko na siya. This is it. Bagong buhay para sa'yo na si Sarmie ang unang makakasalamuha mo.

Maya't maya lamang ay biglang sumikip ang dibdib ko dahil may narinig akong katok mula sa pintuan. Hindi alam ng magulang ni CG na nandito ako kaya naman nagtago agad ako sa sliding closet ni CG.

Pero naisip ko agad kung 'di alam ng mga tao dito na walang tao sa kwarto niya, bakit sila kakatok? Kaya naman dali dali kong ini-slide ang closet ng kaibigan ko at dahan dahan na binuksan ang pintuan.

Bumungad sa'kin ang lalaking male version ni CG. Tanned ang balat nito at makapal ang kilay. Well shaped ang labi nito na para bang heart ang kurba ang gitna at kitang kita mo ang jaw nito. Napatulala ako sa kanya habang nasa likod pa rin ako ng pinto, pinagaaralan ang mukha niya.

Hindi maalis ang aking mga mata sa kulot niyang buhok na para bang isa siyang miyembro ng sikat na boy group.

"Baba ka na at kakain na."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon