Chapter 27: Deserved

78 8 2
                                    

Galit ako pero naipagtanggol ko ang sarili ko, oo. Ang hinding hindi ko makakalimutan ay ang huling titig ni Traigan na bumaon sa alaala ko at tumagos sa puso't kaluluwa ko. I just did what I think is the best ngunit hindi pa ata sapat ang mga sinabi ko para maconvince si Traig na mali siya at tama ako.

Ngayon ay nasa kotse na ako at yakap ang Jansport na bag ko. Tinanggal ko na rin ang ribbon na nakatali sa kamay ko na ibinigay sa'kin ni Traig. Tinago ko iyon sa bag ko at niyakap ang Jansport. Hindi ko akalaing halos mawalan ako ng boses sa naibuga ko kanina ngunit hindi pa rin 'yon sapat para kalimutan na lang ang mga binitawan ni Traigan na masasakit na salita sa'kin. Para bang ininsulto ko na rin sila kanina dahil pangiinsulto lang ang alam nila sa pakikipagbangayan.

Malandi ako at hindi siya nagtiwala sa akin simula pa lang. Sa dami kong sinabi sa kanya ay nabura lang ang lahat ng iyon dahil sa malaking pang-iinsulto niya. I can't believe this! Nasaktan ang pagkababae ko.

Pasalamat siya ay hindi ako kasing sensitibo ng kapatid niya kapag nasaktan; kundi ay malulunod na lang siya sa mga idudura ni Slatie sa pangmamaliit lamang.

Ngayon ay hinayaan na lang kami ng driver ni Jurvis na ihandle ang kotse dahil hiniling ni Jurvis 'yon. Nandito kami sa isang lugar kung saan sinabi niya ay hiding place nila ng kanyang Ex. Maganda ang view dahil mga kutitap ng ilaw ang makikita mo na galing sa mga matataas na buildings. Kasabay pa ng pagka-Bokeh effects nito kapag may namumuong luha sa aking mga mata, na gustong tumulo pababa, na kanina ko pang pinipigilan.

Dahil nga wala ako sa mood na makipagbiruan ay umupo na ako sa passenger seat kung saan ang katabi mo ay ang driver. Nakatahimik lang ako habang si Jurvis ay naririnig kong sumisinghot ng kanyang slime na nalalaglag sa sarili nitong ilong.

Para mabasag ang katahimikan ay nagsalita na ako, "Para namang mas babae ka pa kung makapagreact sa break up. Dinaig mo pa ko sa dramahan," pagbibiro ko at napatingin na kami sa isa't isa. Napangiti na lang kami and we added chuckles in it.

Ngayon ay binalak ko naman siyang kuwentuhan sa sentimental value na iniwan sa'kin ni Traig, which is the ribbon. Kinuha ko na naman iyon sa bag ko at pinakita sa kanya. Simpleng simple lang ang laso na ito pero lagi ko itong dala dala na parang kayamanan ang hawak ko. Dito ko na lang pinapakiramdaman na espesyal pa rin ako sa buhay ni Traigan.

Pinahawak ko sa kanya ang ribbon na iyon at may kinuha naman siya sa likuran na siguro ay galing din kay Slatie. Napangiti naman ako nang inabutan niya ako ng isang rolyong tissue dahil sa pagpikit ko ay may isang patak ng luha pala ang tumulo pababa sa pisngi ko.

"Salamat."

Responde ko sa kabaitan nito pero tumawa siya ng kaunti. "Naalala mo ba yung kanina? Sinabi ko kanina 'diba galing kay Slatie yung tissue na yan?"

Now I remember. Akala ko ba naman ay concern siya sa'kin.

"Siya ang unang nagbato nito sa kotse ko bago ang mga kaibigan niya. I was so innocent back then na akala ko ay talagang binubully nila ako kasama ng mga kaibigan niya pero sabi nila ay paglalambing lang daw nila iyon at itinulak pa nila na si Slatie ang may pakana no'n."

Gusto ko mang laitin si Slatie sa kinwento niya pero may pagkacheesy din pala 'tong kausap ko. Napakasentimental din pala niya. Dinadaig niya nga talaga ako.

"Marami ako sa trunk niyan kung gusto mo."

Ngumiti na lamang ako sa sinabi niyang iyon nang naisipan ko namang ibahagi yung hawak niyang ribbon.

"Ayan naman, hindi naman talaga niya binigay sa'kin yan ora mismo e. Nagpumilit lang akong kunin yan kasi nalaglag yan sa gamit niya. Kaya nung nakita niyang inangkin ko ay nagalit siya. Feeling niya kasi ay inaangkin ko na rin ang status niya at nagpupumilit ako na pumasok siya sa buhay ko and I would do the same thing too. Kaya siya nagagalit sa'kin dahil nga sa pagpilit ko ay ramdam niyang obligado siya na I-girlfriend ako which is at the first place ay dapat inilugar ko muna ang sarili ko."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon