Chapter 25: Mean

67 8 0
                                    

Natanaw ng aking mga mata ang titig ni Traigan kanina sa'kin. Hindi ko pa rin makalimutan 'yon at para bang alam niya ang lahat ng kahibangan ko para tingnan niya ako in a suspicious way.

Ngayong iniwasan ko na ang commotion na nangyari sa amin ni Slatie ay pumanik na lamang ako sa parking lot para hintayin si Jurvis. Habang papunta do'n ay natanaw na naman ng aking mga mata si Traigan na may kasamang ibang babae. Napangiti ako sa nakita kong iyon. Baka nga baliw na ako pero natutuwa ako sa nakikita ko.

Sinenyasan ko ang babae na tumingin agad sa aking direksyon at kinindatan ako nito. You go Torrine!

Napansin ata ng kasama niya na may tinitingnan siya sa ibang direksyon habang patungo sila sa pupuntahan nila kaya naman napatingin din si Traigan. Nagpaawa ako sa itsura ko dahil alam kong alam niya ang ginawa ko. Nakikita ko iyon sa paglapit pa lang niya sa'kin na hindi kasama ang kaibigan ko. Iniwan niya iyon kung saan niya ako natanaw.

Natigilan ako nang nakatayo na siya sa harap ko. Para bang tumigil ang oras sa pagtayo niya lang 'yon. Mawawalan na siguro ng oras kapag once na kinausap niya ako...especially he's not going to make time for me anymore.

"Kakausapin—"

"We are definitely going to talk!"

Mariin nitong sabi nang nagpahila na lang ako sa kanya kung saan man niya ako dahil. We ended up going on a vacant space sa may tabi ng mga basurahan.

"Traig mabaho rito. Why here?"

"Bakit, hindi rin ba madumi ang ginawa mo kanina? You flirted and you sabotaged my sister!"

Para bang hindi na niya ako pinagsasalita dahil kada sagot ko sa kanya ay sinisingitan niya na agad 'yon. "It's a girl fight. Men cannot just meddle in a girls fight."

"At concern ako sa kapatid ko. Hindi ko gustong binabastos mo lang siya ng ganun gano'n lang sa harap ng maraming—"

"This is so unfair Traigan!"

Pati ako ay hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na sumigaw. It's really unfair for both of us. Hindi man lang namin nadate ang isa't isa sa mismong blind date. Siguro dahil pagbubulag-bulagan naman talaga ang meaning ng blind date habang nakikita mo ang kasintahan mong may kasama kang iba.

"Pa'no naging unfair sa'yo? Ang dami daming lalaki na pagpipilian kanina, hindi pa ba fair sa'yo 'yon? Hinayaan kitang sumama kanina sa mga 'yon dahil 'yan naman ang ginusto mo 'diba? To be the ultimate flirt."

Akmang sasampalin ko na siya sa kanyang palad ngunit nang napansin kong napangiwi ito sa pagbanta kong iyon at sa pagiwas ay hindi ko na lang tinuloy. Duwag siya. Duwag! Naiyak na lamang ako sa dapat na deserve niyang gagawin ko sana.

"Oh c'mon. Slap me! Yung mas malakas sa ginawa ni Kika ah? Dali, sampalin mo ako. Magkunwari kang nasaktan ka talaga sa sinabi ko kahit hindi."

Mas lalo akong nainis sa pangiinsulto niya kaya sinunod ko ang iniutos niya. Asking me to slap him? Fine. I mean it for the mean words!

"Saktan mo 'ko. Magalit ka sa'kin, para naman mawala na 'ko diyan sa puso mo."

Matapos kong pakawalan ang palad ko sa pisngi niya ay idiniin naman nito ang daliri sa aking gitna. Masakit ang pagkaduro nito sa aking dibdib dahil napaatras ako sa ginawa niyang 'yon. Napasandal ako sa basurahang may tambak na garbage bags sa gilid nito. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha na galing sa aking mata kaya hinayaan ko na lang itong pinarolyo hanggang sa aking pisngi. Masakit no'ng sinabi niyang para naman mawala na siya sa puso ko dahil kahit man may kapalit ang pagmamahal ay talagang mananatili pa rin siya sa puso ko...ng puno nang poot!

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon