Chapter 35: Courage

51 6 4
                                    

Magkasama pa rin kami ni Jurvis. Magkatabi, magkausap...name it all. Simula nang makita ko siya kasama si Slatie sa coffee shop, matapos no'n ay palagi na kaming magkasama; but in all companionship that he's offering, he didn't even bother telling me about what's going on between him and Slatie. Alam ko na labas na ako ro'n pero gusto ko pa rin malaman bakit nagkita pa sila sa oras na nasa coffee shop sila. Is it for closure or for opening their chances of being together again. 

Concern lang talaga ako sa nararamdaman niya at gusto kong makabawi sa ginawa kong paninira kay Slatie sa mga mata niya.

Sa tuwing makakasalubong namin ang magkapatid na Yoh ay tipikal kong hinahawakan ang braso ni Jurvis at nagkukunwaring may pinaguusapan kami. Ritwal na namin iyon kaya mabilis lang niya akong sakyan.

As for Keerish Jaryio, napapansin kong umiiwas siya sa tuwing nakakasalubong ko siyang mag-isa. I know she knew I am still furious with her evil doings. Mas dumidikit ito kay Traigan and I think it doesn't even matter anymore if she has a relation between Yoh's. Magkapatid man sila sa ibang magulang ay wala na akong pakialam.

Konting panahon na lamang ang natitira at makakaalis na ako sa school na 'to. Kailangan ko na rin maghanap ng trabaho at bago ko pa mang layuan si Jurvis ay kailangan ko na rin sabihin ang atraso ko sa kanya. Hindi ko kaya--imposible nang magkaayos na kami ni Slatie ngunit susubukan ko ang aking makakaya para magkaayos sila.

But before I proceed to my plans, still that guy Rafael bothers my mind.

"Bakit kasi ayaw mong sabihin sa'kin ang pinagusapan niyo ni Slatie? I know it's just between you and her pero I swear, I am not going to do anything crazy anymore." I blurted out with one hint.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi pa rin niya ma-realized na ako ang may kagagawan sa lahat ng ito, lalo na ang pagsira ng sa kanila ni Slatie. I badly want him to be mad at me, literally, right now pero kailangan ko pa nga atang sabihin sa kanya ng direkta para maisip niya iyon ng lubos.

Napabuntong hininga naman ito habang nakaupo pa rin kami sa lamesa ng desk kung saan ay madalas na naming pagtambayan after class.

"She wants me to go back to her. I declined." He simply answered. Gano'n niya lang kasimpleng pinaliwanag iyon at blangko ang expresyon nito sa tuwing io-open up ko ang pagkikita nila ni Slatie.

"But, I offered a closure. Sinabi ko muna ang simpleng sagot ko sa tanong niya, which is a rejection. Pagkatapos no'n ay direkta ko namang sinabi sa kanya ang gusto ko, which in that case is the closure."

Tumango naman ako ng mabagal at napalunok na ako. Gustong gusto ko nang iparamdaman at ipaintindi sa kanya na ako ang sanhi kung bakit sinadyang ayawan na siya ni Slatie.

Magsasalita na sana ako pero nagkasabay kami ng may sasabihin. Kinabahan ako kaya naman pinauna ko na siya. Nagkibit-balikat naman ito sa pagkabahala.

"Kayo ni Traigan? Bakit ka niya hiniwalayan? I know you're so crazy over him but do you think he gave up because you are too crazy for his life?"

Mariin na ingles niyang tanong. Gusto ko nang balewalain ang tanong niya at direkta nang sabihin sa kanya ang ikakasaya niya matapos nito.

Wala na ako sa sarili ko. Hindi ko alam ang isasagot ko pagdating sa usapang Traigan kaya bahagya na lamang akong tumango.

Now it's my turn to ask again.

"Si Rafael. Pinagseselosan mo siya?"

Bago pa man niyang gawin ang trademark niyang paghinga ng malalim ay ako na ang gumawa at napahalakhak ko naman siya sa ginawa kong iyon.

"Of course. Pero bilang lalaki kasi hindi ko makita kung ano'ng meron ang Rafael na 'yon na wala ako. Hindi naman maipagkakaila na mas galante ako pagdating kay Slatie pero bakit nung nagbreak kami ay siya ang unang nilapitan niya?"

Napansin ko na may pagka-immature itong kausap ko. Kailangan pa niyang ikumpara kung ano ang meron siya na wala ang karibal niya pero naiintindihan ko naman ang punto nito.

"Ang mga babae kasi Jurvis, atensyon ang madalas na gusto naming makuha kaya kami nagaalboroto kapag hindi kami napapansin."

Here it goes Bethel.

"Kaya no'ng nakita niya tayong magkasama sa speed dating event na iyon instead na dapat kayo ang magkasama, siyempre hindi niya matatanggap 'yon." Nakayuko ko nang sabi.

Kahit naman ako kung isang Jaryio man ang nakasama ni Traigan no'n instead of a Rosel ay magagalit din ako.  I would do the same thing as Slatie did.

"Did you get my point?" Mabagal ko nang utas because reality is really happening.

"Are you blaming yourself Bethel?"

Napapikit ako sa pagtango ko at wala akong narinig mula sa kanya matapos kong iakto ang sagot ko.

Gusto ko na siyang magreact towards sa realization na sinabi ko sa kanya kaya naman hindi ko na 'to ipagkakait. Mabait na tao si Jurvis. Even if he will get mad at me, I will accept it wholeheartedly at maiintindihan ko iyon. As I said before, I will allow people to treat me like shit if they really care for me, not the ones who don't.

"Yes Yes Yes. Jurvis, didn't you realized that I used your existence as purpose to get closer to Traig? Pinilit kong kumbinsihin ka na pumunta sa event na 'yon ay para sirain din si Slatie. Yes, I'm not going to deny it anymore. I'm saying this because I want to change for myself. So much craziness that I had, ginawa ko iyon dahil unang inilayo sa'kin ni Slatie ang akin, which is his brother, at ayaw niya sa'kin bilang girlfriend ni Traig."

Bulalas ko nang napansin kong tapatahimik siya sa mga sinabi ko. I deserved it. Tatanggapin ko kung ayaw na niya akong kaibiganin o bilang kasama niya, lalo na't mawawala na rin naman ako dito.

Lumuwag naman kahit papano ang dibdib ko sa pagkasabi kong iyon pero dinalaw ulit ako ng takot kaya naman napagpasyahan kong gawing safe para sa'kin. "Si Slatie ang nauna."

Okay Bethel. You spitted immaturity. This is the last time you're going to do this. Therefore, It is really true that..."A person who you don't want to become, is a chance for becoming the new you."

I feel worthless.

"Sinasabi ko ito para bawiin ang pagkakataong nawala sa inyo ni Slatie. Hindi ko sinasabi 'to para lang kay Slatie, kundi para sa'yo; para sa inyong dalawa dahil alam kong siya ang nagpapasaya sa'yo."

Tumulo na lamang ang luha ko nang yumuko siya sa sinabi ko. Alam kong disappointment ang gumuhit sa puso niya dahil sa ginawa ko at pinaikot ko siya sa palad ko. Ngayon ay wala nang takot na bumabalot sa akin. Tatanggapin ko na ang gagawin niya sa akin.

Ang palad niya ay napalagay sa hair line nito at napatakip na lamang ako ng bibig sa sinabi ko. I will say this continually until he can forgive me: He doesn't deserved the pain that I've given to him. I deceived him by my power and I regretted for doing such thing for a person that all he did is to care for me.

Hindi ko na inaasahang makakatanggap pa ako ng sagot galing sa kanya kaya naman napagpasiyahan ko na lang na lumabas sa silid.

Pagkasarado ko ng pinto ay nakarinig ako ng pagdadabog sa loob. Mas lalo akong naalarma sa ginawa niya pero hindi ko na siya kukulitin pa at baka makatanggap pa ako ng pisikal na atake kaya naman lumayo ako sa silid na puno ng disappointment sa sarili ko.

Tumakbo ako palayo sa tambayan namin habang pahina na ng pahina ang pagdadabog ni Jurvis sa silid. Hindi na ako pumuntang banyo dahil ayokong makita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon kung saan ay mahinang mahina ako. Tapang ang ipinakita ko sa pagsasabi ng totoo kaya lulubos-lubusin ko na.

Napagpasiyahan ko nang umuwi. Dumaan ako sa may corridor kung saan ang mga pinto ng mga bumubuo sa eskwelahan nang napansin ko ang pinto ng prinsipal. Nakatayo do'n si Mommy at Daddy, kasama si CG. Alam na nila. Wala nang atrasan 'to Bethel. You surpassed one already and get ready to face this.

I will let my courage roared out.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon