Chapter 29: Between Empathy and Sympathy

74 6 6
                                    

Matapos naming makaharap ang current na bwisit sa buhay namin ay dumiretso kami sa isang empty classroom para tumambay. Walang iba kundi kaming dalawa lang ni Jurvis. Tapos na ang klase nang insultuhin na lamang kami ng dalawa kaya naman walang nangialam. Ayun nga lang, dumating si Brick kaya naman nasira ang plano kong hindi kami manggugulo sa magkapatid. Ipapakita sana namin kung ga'no kami ka-immune sa mga hinanakit na ibinuhos nila sa amin.

"Okay na ba 'yang pisngi mo?"

Pag-aalalang tanong ko ngunit tumango lang siya. Kahit na sinasabi niyang hindi masakit ay hawak pa rin niya ang kanyang panga.

"Malakas ba siyang sumuntok?"

Sunod na tanong ko nang tumingin siya sa'kin. "E siya ba, masakit ka ba niyang pinagsalitaan?"

Alam naman nating lahat na walang makakapantay sa emosyonal na sakit ngunit ako itong nasasaktan sa lagay ni Jurvis. Pisikal siyang nasasaktan sa kanyang panga at sa lagay niyang ito ay nararamdaman ko ring malaking kawalan sa buhay niya si Slatie kahit na naipaliwanag naman ng mabuti sa kanya ang katotohanan. He doesn't deserve this.

"Yung kapatid niya? Well masakit din naman. Mas magaling pa nga siya sa'kin magsalita. Ako? Wala 'to. I'm just defending myself all the time," which is true by the way. Minsan ay hindi ko na rin alam ang isasagot ko pero dahil sa mainit niyang galit sa'kin ay nakakabigay pangatwiran pa ako nang wala sa oras.

"Si Traigan? Hmmm... Sa katahimikan ko ngayon? Ganito niya ako nasaktan na pati ang system ko ay naapektohan. Hindi makapagsalita ng mabuti." Which is a lie. He hurted me big time! Big time na pati ako ay hindi ko maamin kung tama pa ba 'tong pagpasok ko ang buhay niya. Puso't kaluluwa ko ay patay na patay sa kanya...patay na wasak, hindi ang patay na masokista.

"E yung isa pa niyang kapatid?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Kanina lang ay iniisip ko kung ano ang magiging opinyon niya at ngayon ay naopen up na niya bilang kapatid pa ng mga Yoh. Pa'no niya nalaman?

"Keerish Jaryio."

Mariin kong sinabi ang pangalan ni Kika pero hindi ko nilabas ang pagkagigil ko.

"Okay lang kung hindi ka muna magsalita. Alam ko nasindak ka sa kanila."

Hindi ko natanggap ang sinabi ni Jurvis. Siyempre nasindak ako pero hinding hindi ako nagpasindak sa kanila. Alam ko hindi na rin sila nasisindak na sinasabi ko dahil hindi nila ako kayang kalabanin.

"Kilala mo si Kika?"

Walang konek na tanong ko at tumingin siya sa'kin na may bugbog sa mukha. "Oo naman. Siya yung kasama mo noong nagcutting kayo 'diba?"

Napatango na lang ako nang nakasara ang aking bibig. Binanggit niya kasi ang kasalanan namin ni Kika. Pre-occupied lang siguro talaga ang isip ko dahil nakalimutan ko na ang pagkakakilala niya kay Kika. Hindi lang ako makuntento sa nakikita ko sa kanya na may tama ang mukha.

Matapos no'n ay wala nang nagsalita sa amin. Awkward na sa'min ang nangyari kanina at wala nang further stories to tell about it.

Maya't maya ay lumabas na rin kami sa classroom at napansin kong nagtitinginan ang mga ka-schoolmates namin. I mean they're not as many as usual in class or break hours but they are staring with us like I did something fabulous.

...Actually I did something fabulous. Mukhang nagustuhan nila ang ayos ko sa naganap na speed dating na pastel dress ang disenyo ng suot ko habang si Slatie naman ay walang kaayos-ayos. Magpapahumble na ako siyempre, Si Slatie ang mas sikat sa pinapanuod nilang video for sure. Ang galing niyang magpasindak sa akin e kahit na hindi naman niya nagawa.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon