Chapter 49: Bethel's Influence

69 2 0
                                    

Hindi na talaga magbabago si Traigan. I know that. Kasing balimbing niya si Kika. Kung ano ang nasabing tama ay iyon na ang susundin niya. He doesn't have an opinion at all.

Nagparamdam na naman si Jurvis. Nang hinanap ko si Sarmie ay siya ang bumungad sa akin. Medyo teary eyed pa ako nang nakaharap siya. "Bethel are you okay?"

I rubbed my eyes as some of my tears fell down. Mas lalo namang nagalala si Jurvis at siya ang nagpawi ng iilan pang tumutulo na luha ko. "It's okay. Shhh."

Niyakap naman niya ako nang sumuko na ang mga mata ko sa pagpigil sa mga luhang 'di ko pinapababa. Hinawi niya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko at inilagay niya 'yon sa likod ng tainga ko.

"Jurvis pasensiya ka na. Hindi mo dapat ako nakikitang ganito."

Gusto kong pumiglas sa kanya ngunit hinayaan niya akong sandalan ang kanyang dibdib. "Sometimes you need to be weak too because being strong takes a lot of energy."

Hindi na ako nagsalita at mukhang napatahan na niya ako. Pagiinarte ko lang siguro ito o baka naman masyado ko lang siyang na-miss. "Sa tingin ko may oras ka na makipagkape sa'kin, yeah?"

Sumangayon na ako sa aya niya at pumiglas na sa bisig niya. "Hazelnut Frappuccino for the rescue."

"For the rescue."

Sinakyan naman niya ako nang inakbayan ako. Hindi ko malaman kung bakit kumabog ang dibdib ko sa pagdapo lang ng kanyang kamay. Kumpara sa ginawa ko kay Traigan ay kahihiyan lang ang inabot ko.

Napatingin ako sa kamay niya at bigla naman niyang tinanggal iyon. "Sorry."

Gusto ko mang ibalik 'yon pero wala namang gumagawa no'n kaya ginawa ko na lang. I put his hands back firmly na hinding hindi makakawala iyon sa balikat ko. "You are the rarest creature I've ever encounter."

"And you're just like one of the typical guys whom I've met."

Tumawa naman siya at tiningnan ako habang nakaakbay pa rin sa'kin. I saw something that sparks in his eyes. Makikita mo sa tingin pa lang niya ay ang sayang hindi ko nakita noon. Ang ngiti naman nito sa kanyang bibig ay abot hanggang tainga. 'Di mo maipagkakaila na gusto ka talaga niyang makasama. Wala 'yong emosyon na napipilitan lang siya sa'kin.

"I miss you Jurvis."

Sambit ko naman sa kanya and he chuckled. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko? "And you missed me by your side. Pinagpalit mo na lang ako sa kung sino lang. I thought it's going to be only me?" And he turned naughty. I smiled at him, sarcastically.

"Jurvis will be Jurvis. Ikaw lang ang natatangi. Remember you were the only one who swept off my feet through dangers. Hindi mo ako hinayaang magisa kahit na nagkaro'n ako ng atraso sa'yo."

"I am glad you are being straight forward again." Mahinahon na komento ni Jurvis at ngumiti ng simple sa kanya. Nothing extravagant, just a simple accommodation as a peaceful friends. Hindi na yung masyadong pormal na kailangan pa maging maganda ang bihis para mas mukhang desente ang pakikisama sa isa't isa. Ayoko na lang alalahanin ang nangyari no'n. Sometimes keeping something simplified is better...way better than making it complicated.

Naglakad kami palabas ng campus nang sumalubong sa paningin namin si Slatie, kasama ang mga kaibigan nito. I guess malaki laki ang haharapin ni Jurvis ngayon. I am not surprised dahil lumapit ang tatlo sa amin, well except for Slatie.

"Jurvis nami-miss ka na ng kaibigan namin."

"At ang dami mo na ring na-missed sa amin. Hindi ka na nagha-hang out kasama kami."

Magkasunod na sambit ng magkaibigan nang nakatahimik lang si Jurvis. It looks like he's having an issue for these girls then. Or maybe until now?

Hindi lumapit si Slatie sa amin. Magkahawak ang dalawang kamay nito at nakalapag lang ito sa kanyang harapan. Mukhang humuhugot pa siya ng lakas para harapin ang Ex niya.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon