Chapter 14: Para-Paraan

121 7 3
                                    

"PLEASE, bigyan mo na kasi ako. Todas kasi kami sa masungit naming teacher kanina." Paki-usap ko sa kanya habang panay ang handa nito sa event mamaya. Halos hawakan ko na siya sa kung ano mang bahagi ng katawan niya sa pagmamakaawa, bigyan niya lang ako ng excuse slip!

"Todas na rin naman kayo e. Edi huwag na." Pang-asar pa nito habang patuloy pa rin niyang iniiwas ang sarili nito sa amin. "Hindi mo kasi naiintindihan."

"Hindi talaga." Matipid nitong sabi.

"Ayaw mo 'kong bigyan ng excuse slip ah!"

Dahil nainis ako sa inaasal niya sa akin, ay dali-dali akong pumunta sa fire alarm para galawin ang 'In case of fire, pull'. Alam ko kasi masasayang ang pinaghirapan niya.

"Sis, huwag na oy! Magpa-detention na lang tayo."

Pagpupumilit ni Kika pero hindi ko ito pinakinggan. "You Silly. Nakita mo naman halos patayin tayo sa takot nung teacher natin kanina tapos sasabihin mo sa'kin huwag na?"

Inilapit ko na ang sarili ko sa emergency alarm ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ay pinigilan ako ng katabi ko. "Ano ba 'yan, Kika. Hindi marunong makisama ang Madungis na Jurvis na 'yon kaya pakisamahan niya ako."

Sa pagprotesta ko sa kanya, ay ngumuso naman siya sa aking likuran. Huli na ang lahat sa mga isinambit kong curses dahil narinig ito ng hindi dapat na makarinig niyon.

"Parang excuse slip lang na hindi mabigay, nagkakaganyan ka na."

Matipid na seryosong sabi nito nang napahiwalay agad ang nagsalubong na mga kilay ko. "Don't you have a school spirit? Sisirain mo ba talaga lahat?"

"Ako naman ang nag-ayos lahat ng 'yan ah?"

"Sumuporta ka naman. Puro kaartehan lang naman 'yang ikinikilos mo."

Pang-iinsulto nito habang nanunumbat na siyang nakapagpatahimik sa akin. "Oo na."

Matapos no'n ay lumayo na nga siya nang tuluyan. Siya nga ata 'tong walang damdamin sa akin! Nakakapagselos ang school ah? Mismong dito pa niya ibinuhos ang sarili niya!

"My Traigan, sandali! Ikaw na lang humingi ng excuse slip sa'min please? Takot sa tao, nahihiya kami."

Bago pa man gawin ni Kika ang paghabol kay My Traigan, ay sinenyasan naman ako nito na siya na lamang ang gagawa ng paraan. Dahil ang excuse slip is under his control now, ay napagpasyahan ko namang lapitan si Jurvis para landiin.

Busy-ng busy parin sa pag-aasikaso sa event si Jurvis. Todo asikaso sa kung anu-anong bagay ang lalaki kaya naman dahil sa atraso niya sa'kin ay inabala ko siya. "Excuse slip please?"

"No. Magka-cutting classes kayo tapos saka ka hihingi sa'kin ng pampalusot sa kahibangan mo? Ano akala mo sa'kin, 'di ko alam na nagbubulakbol lang kayo ng kasama mo? Pinagsamantalahan ko lang talaga kayo dahil alam kong nag-cutting kayo kaya pinatapos ko ang table arrangements sa inyo."

Abala siya sa mga papel na inaasikaso niya no'ng sinabi niya ang lahat ng iyon. At maparaan nga itong lalaking 'to ah? I am not confident na makakakuha si My Traigan ng excuse slip para sa'min ni Kika because I know him. He won't tolerate my business, as ever, but alam ko na gagawin niya ang lahat para suportahan ako sa alam niyang tama.

"Sino ang speaker niyo mamaya?"

"Ikaw."

"Huh? Maka-utos ah! Nagtatanong lang ako."

"Kako, kung gusto mo. Kapalit ng naitakas mong klase kanina."

"Gagawin mo 'yon para sa'kin?"

"Sure, just don't ruin the program."

Definitely ruining it! May mga batas naman ditong mas nakaka-dominate sa eskwelahang ito at kaya kong lamangan 'yon. Kinuha ko naman ang papel na pinagkakaabalahan niya and I grinned on him.

"Ikaw talaga kung hindi mo inayos 'to, hindi kita ihihingi ng excuse slip sa assistant principal."

Dahil sa narinig kong iyon, ay bigla ko na lang siyang tinulak ng pabiro. "Walang hiya ka! Akala ko ba naman makukuha ka lang sa paglalandi ko, hindi pala sayo manggagaling ang excuse slip. Papahirapan mo pa 'ko."

Akala niya malulusutan niya ako ah? Hinawakan ko naman agad ito para sa magiging pangba-block mail ko sa kanya.

"Samahan mo ko-"

Bigla naman nitong piniglas ang pulso nitong hinawakan ko sa magiging pagkahila ko sa kanya, kasunod ng paghalakhak nito. "Wait, you were flirting with me?"

"Oo nga! Tuwang tuwa ka naman!" Sabi ko sa kanya nang binalak kong dagdagan iyon dahil halatang gustong-gusto niya 'yon.

"Pasalamat ka at dinidiktahan kita ng ganito! This is the way I seduce, naninigaw! Maswerte ka dahil minsan lang ako manigaw sa gusto kong sigawan. You were worth-shouting naman kaya huwag na huwag mo 'kong iniinsulto."

"Hindi ka marunong! Ahahahaha!" Patuloy pa rin ang halakhak nito nang pinagtangkaan ko siyang itulak sa entablado. "This is my seductive voice. Kaya manahimik ka."

Napatahimik ko naman ito dahil sa kaba niyang akala nito ay mahuhulog na siya nang tuluyan sa palapag.

And now, he hisses. "Tayo na nga! Last na last na 'to ah? Basta ikaw ang speaker mamaya ah? Kakabwisit ka."

Dahil alam kong magtatagumpay ako, ay mas lalo ko pa siyang kinulit. "Ayaw mo ba ng katulad ko?"

Kunwaring pagpapa-cute ko sa kanya nang iniwas niya ang balikat nitong hinawakan ko. "Bakit mo alam?"

"Kasi manggugulo lang ako mamaya bilang speaker. Gusto mo bang kumanta lang ako do'n? Sige ka, organizer ka pa naman dito at ayaw mong masisira 'to 'di ba?"

Kumamot naman ito sa ulo niya at makikita ko talaga ang pagkairita nito.

"Bwisit talaga." Sumunod naman ang pagka-inis sa bulong nito.

NANG makarating kami sa assistant principal, ay mismong siya ang naki-usap para sa hihingiing excuse slip ko. "Anong pangalan?"

Pagtatanong ng kanang kamay ng punong guro. Wala ako sa wisyo kaya naman hindi ko iyon naintindihan. "Ano raw pangalan, oy!"

Pagtapik naman sa'in ni Jurvis nang tuluyan na nga akong napatingin sa nagtanong no'n. "B-bethel Rosel po. I am Bethel Rosel."

Matapos kong sabihin 'yon, ay may iba pa itong inasikaso sa mga papel nito. "Excuse ka na sa mga klase mo. Pumunta ka na dito kanina 'di ba?"

Napansin ko naman ang pagpigil ni Jurvis sa assistant principal ng school at bigla na lamang niya itong pinatahimik.

"But yeah, excuse ka na hija."

"Salamat po."

Matapos naman naming iprisinta ang sarili namin sa harap ng kanang kamay ng punong guro, ay hinigitan ko kaagad si Jurvis. "Ano, crush mo talaga ako ano? Gusto mo papahirapan mo pa ako para lang makasama mo ako dahil nga may gusto ka sa'kin."

Sa prangka kong pagsabi niyon ay humalakhak na naman siya sa harapan ko. "Ang swerte ko nga sa'yo. Pili talaga ako sa sinisigawan mo ng ganyan. It is worth to be shouted nga talaga."

Patuloy pa rin nitong paghagalpak ng tawa nang pinalo ko ang likuran nito dahilan para mapaubo siya. "Crush mo naman pala ako e, ayos lang naman sa'kin. 'Di ako mahinhin sa mga ganyang bagay kaya ayos lang talaga."

Pagbibiro ko sa kanya nang tumigil na siya sa kakatawa dahil sa paglabas ng assistant principal namin na sinusulyapan na pala kami."

"Bethel, magbo-volunteer ka ba para mamaya?"

Pagtatanong naman ng lumabas na assistant principal nang umiling ako. "Manonood lang po siguro."

Tumango naman ito nang tuluyan nang umalis.

Bago ko pa man harapin muli si Jurvis, ay nakita kong nakalayo na rin pala ito. Gusto ko pa man siyang habulin pero hindi na. Sapat na sa'kin ang mahiya siya sa pagkakagusto niya sa'kin.

Sapat na ang kapal ng aking mukha sa pagiging malakas ko sa kanya.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon