Chapter 7: Domination

192 11 4
                                    

Pumasok ako sa gate ng Castrierre University kung saan nakita ko ang babaeng iba ang suot na uniform na sumisilip sa gate ng campus namin. She don't even belong here and yet, she's stalking another creature! Got surprised because she isn't even starting to flirt with My Traigan.

Dahil sa inis kong pagpapakita niya sa umaga ko, I simply nudge her sarcastically when I pretended that I didn't see her in my way.

"Freaky-Kika. Bakit ka nandito?"

Tanong ko sa kanya ng napipilitan lamang. At talagang pinipilit niya na pumarito para maging belong siya ha?

Nagulat na lamang ako nang bigla akong hawakan nito sa bandang siko ko at para bang nagtago sa aking likod dahil sa kanyang kinahaharap ngayon. Tss, ito pa ang bubungad sa umaga ko sa gitna ng aking hangover. Ang isang duwag na babaeng minsan nang tinalo ako.

Itinulak ko naman siya sa kawalan because this body within her presence is trying to hide herself behind me. It starts to creep me out. Napasandal naman agad siya sa gate ng school namin. Dahil ilang beses na naming napag-awayan ito ng aking My Traigan, ay nagawa ko na siyang tulungan.

Nasobrahan yata ako ng pagkatulak sa kanya. Kung ako ang nasa lugar niya ay sasabunutan ko na ang nanakit sa akin ngunit bilib rin ako sa dugo nitong hindi manlang umiinit kahit minsan.

"Bwisit ka kasi. Ano ba kasing kailangan mo dito?"

"Ikaw." Ngumiti naman ito nang mala-anghel sa akin nang sinimangutan ko siya. I don't like her guts, pretending to be kind to her rival over some guy we were both fighting for.

At talagang hindi siya ma-pride, dahil kailangan pa rin daw niya ako matapos kong  siyang  batikusin sa mga hirit nito.

"Oh, anong kailangan mo sa'kin?"

Naiiritang pagkakamot ko sa ulo at pinahalata ko talaga sa kanya na I'm not a good company to make a warm welcome to her unusual place, cause this is hell! Mananakawan lang siya rito!

"Samahan mo ako sa loob. Mag-eenroll ako. Ayoko na kasi sa Sparluke University. They were bullying me for being a loser there so I expected at least... I can fit myself here though," Patuloy naman nitong tinitingnan ang paligid ng aming eskwelahan sa kanyang harapan.

I hissed. Mas naghahanap pa siya ng ikakapahamak niya ah? Ironically, hindi siya nag-iisip. Hindi nito sinali sa kanyang choice na isa ako na gagawing hell ang buhay niya.

I hissed, again. Pinarinig ko talaga sa kanya iyon!

"Ang arte arte mo! Kakabwisit!"

Bulong ko sa sarili ko nang nagulat na lamang ako sa pag-sang-ayon nito sa panghuhusga ko rito sa likuran niya.

"I know, and I would die to transfer here for another experience of life."

Pasarkastiko ko siyang tinitigan at dahan-dahang iniwan dahil naiinis talaga ako sa kanya. "Hey, sa'n ka ba pupunta? Akala ko ba sasamahan mo 'ko? Wala akong kaibigan dito. Uy!"

She got her nerve that we have established some friendship before. Ano akala niya sa'kin backstabber ako dahil dumi-distansiya na ako sa kanya? Plasticity is definitely not my thing! It isn't really enough to cover flaws, like really!

Nagpapaka-plastic at kunwari na mabait siya sa'kin dahil naduduwag siya sa new environment? Dapat niya munang inisip na wala akong concern sa kanya even with our first encounter before. Bago niya i-claim na may pinagsamahan kami back then when she acted like a barrier between me and my boyfriend.

"I-experience mo mukha mo. Dapat inisip mo muna 'yan noong sinadya mong halikan ang My Traigan ko noon sa Jogging Session namin."

"I told you, that was a helping hand..."

Tinakpan ko na agad ang kanyang bibig nang nakita kong parating sa direksyon namin ang dalawang bwisit.

Nahalata namin iyon dahil may narinig na kaming tilian na para bang musika na sa pandinig ng mag-pinsan na ito.

"Hey, Freaky-little-g-"

Bigla ko namang sinikuhan si Sarmie nang tinangka niyang sambitin iyon. "Ang sakit."

Umungol ito sa sakit at naramdaman ko ang unti unting pagyuko nito mula sa pagkakasiko ko sa kanya. "Ano palang pangalan mo-"

Akmang sasabihin pa rin sana ng Brick Danger na ito ang nickname na ibinigay ko sa Freaky-liitle-girl na ito ngunit hindi na niya ito tinuloy. "-little-girl?"

He just continued and said it clearly yet innocently.

"Call me, Keerish Jaryio. I will probably be your classmate."

Pinakita nito ang asset niya sa pagngiti nang nakita ko namang namugto agad ang mga mata ng mga babae ng mag-pinsan sa binati nilang baguhan na si Freaky-little-girl.

Papalapit na sana ang alipores ng mag-pinsan para sugurin si Kika, ngunit bigla ko namang ginamit ang aking tuhod, dahilan para tamaan ang ari ng isa sa lalaki ng fan girls dito sa eskwelahan. I just kicked a crotch of one from the Castigo's cousins, indirectly using my knees.

Dahil alam nang lahat na ako lang ang makapag-papatigil sa kanila ng pag-sugod dahil kaya kong patayin ang mag-pinsan na ito, ay umatras na sila para makaiwas sa pag-sasadista ko.

"Pwede mo namang gawin na lang iyon sa delikado kong pinsan e, pero bakit ba sa'kin pa rin? You hit me twice, bethel!"

"Ang arte arte mo! I can dominate whoever I want. In fact, this is my place. My freedom. I can hurt anyone, anywhere, anytime."

Pinarinig ko naman iyon sa katabi kong si Keerish, na ngayon ko lang narinig na mas mala-anghel pala ang pangalan nito kaysa ang gamitin pa ang apelyido ng boyfriend ko with her matching Kika name.

"...my territory."

Binulong ko pa sa kanya nang tinitigan niya lang ang ribbon sa aking buhok. Naagaw naman ng pansin ang aking mga mata nang nakita ko nang muli ang bag kong buhat buhat ni My Traigan, na ngayo'y papalapit sa amin.

Gusto ko mang ako ang una nitong lalapitan ngunit nauna na itong Freaky-little-girl na ito na lapitan ang pinaghahatian namin ng atensyon sa mundong ito.

Naunahan ka nanaman, Bethel!

Ini-abot lamang ng aking My Traigan ang bag ko nang sumukli na siya ng paglalambing sa Kika na ito. Kakasira ng araw!

"My Traigan, samahan mo naman ako mag-enroll sa loob o? Natatakot kasi ako sa mga tao rito. Kanina niligtas pa ako ni Bethel. Natakot talaga ako."

Pag-iinarte naman nito nang hinila ko na siya palayo kay My Traigan.

As in hinila ko talaga ito palayo sa gate ng campus, mga labing dalawang hakbang na layo.

"Don't you get the sarcasm? I can dominate whoever I want... Anyone, anytime, anywhere tapos ikaw 'tong naglalakas loob na pasukin pa 'tong eskwelahan namin? Nakita mo naman kung pa'no ka na muntik dumugin ng mga mas desperadong kababaihan dito kaysa sa'yo kanina kaya kung ako sa'yo, step off beyond your comfort zone now!"

I can't believe na sa kabila ng frustrations ko sa babaeng ito, ay nagawa ko pa siyang alalahanin! Damn, Bethel! Hindi ka pwedeng maging kasing-bait niya!

"I can't believe I am being concerned with you! Damn damn damn Freaky-little-girl!!!!" I freakishly shouted at her but she didn't took at it as a dangerous concern caution. Natuwa pa ito dahil sa pagbabanta ko dito at mas lalo ko pang kinainis.

"Mabuti na lang at kaya mo na ang sarili mo dahil sa paglipat ko sa campus niyo, ay alam kong ako na ang pagtutuunan ng pag-aalaga ng My Traigan mo, hindi na ikaw."

Then she just beat me in one damn SNAP, again!

May puso pa ba ang mga ganitong klaseng tao? Ikakapahamak niya ang buhay niya rito. Well I guess it is really worth-trying for her to go here, with literally have tons of evil creature.

She could be one of them, for threatening my capability within My Traigan's right to be with him. I cannot just dominate her for doing that dahil may magagalit nanaman...

Instead, she could control my place in his place. Hindi kailanman nanginginig ang mga tuhod sa takot ang isang dominator. I won't let her to bring me down.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon