He Found Me

145K 4.6K 1.2K
                                    

Halos isang linggo na ang lumipas. Pinilit kong mamuhay ng normal pero nananatili parin ang kaba at takot sa aking dibdib.

Haha ! Ang OA ko ba ? Pero naman kasi eh Huhu ! Totoo naman na isang linggo na akong parang tangang may pinagtataguan.

Feeling ko nga na trauma na ako at kailangan ko ng komunsulta sa psychiatrist. Sino ba naman ang hindi na trau-trauma doon sa naexperience ko diba ?

Lalo na sa tuwing napapabalita sa TV yung nangyaring insidente na iyon. Sabihin ba naman na ako ang puno't dulo ng nangyaring trahedya sa mall, kahit hindi naman binanggit yung pangalan ko affected ako kasi guilty ako na ako yun !

Pero diba bakit ako ? Eh nagawa ko lang naman yun kasi niligtas ko lang yung buhay ko, wala naman namatay o napahamak. Ang true na may kasalanan neto eh yung halimaw na iyon !

Alam niyo ba mas lalo akong natakot at ayoko ko ng lumabas ng bahay nung sinabi pa sa TV na totoong may nakakita sa taong ahas ! WT ? Nangilabot ako nun kasi alam kong totoo yun !

At isa pa sa nakakaintriga, eh yung sinabi sa balita na nawawala yung copy na kuha ng CCTV sa araw na iyon. So anu yun ? nginatngat nung halimaw na iyon ? Pero thankful na din ako kasi baka mamaya nakita ako doon na ako yung pumindot ng fire alarm. Edi baka nakulong pa ako nun diba ?

At eto last na talaga para niya akong minumulto ! Alam mu yun lagi kong naiisip yung mukha niya hanggang sa panaginip ko ! At ang pinaka wierd pa sa mga yun eh yung gwapong-gwapo ako sa kanya. Eeeew ! Kakilabot !

"Hoy Bree" nagulat ako ng bigla akong binatukan "Nakikinig ka ba ?" si Alex pala namumuro na to ah !

"Bakit !" high pitch na sabi ko.

"Nagmemeeting kaya tayo tapos nagdeday dream ka dyan !"

Hindi kaya ako nagdedaydream ! Iniisip ko yung problema ko at mga conclusion ko !

Di na ako sumagot at nakinig na lang.

"So sa may food court ang antayan ah ! Doon malapit sa may Master Siomai" sabi ni Zackie.

"Sige" pagsang-ayon nilang lahat.

Teka sa mall ?

"Sa mall tayo ?" gulat na tanong ko.

"Saan pa ba ? Iisa lang naman yung malapit na mall dito sa school !" masamang tingin na sabi sa akin ni Zackie.

"Teka wag doon ! Ayoko dun !" reklamo ko.

"Wala sang-ayon na lahat !" sagot sa akin ni Alex.

Magmamakaawa pa sana ako kaso bigla naman silang umalis na para mag break.

Kung alam lang nila ang pinagdadaan ko ngayon ! Huhu !

Dumating na ang paghahatol sa akin, feeling ko mamaya na ako bibitayin at mga kaibigan ko pa yung magkakalulo sa akin.

Isang oras na lang at 1pm na. Pupunta ba ako ng mall para sa group project namin o hindi na lang ?

Teka mas mahalaga yung buhay ko no ! kaya hindi na lang, tama. Sa totoo niyan bihis na ako pero okay lang madali namang magpalit no kesa naman mamatay ako.

*Tutooot !*

1 message recieved from Zackie:

Hoy gaga ! Pumunta ka ah ! Nasayo yung USB.

Nanlintikan na ! Oo nga pala USB ko yung ginamit sa project. Huhu ! Paalis na ako ng bahay feeling ko hindi na ako makakauwi pa, so kailangan ko na bang mag farewell goodbye sa family ko ? Huhu !

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon