Faults

39.7K 1.4K 243
                                    

Fourth year, second semester. Isang kembot na lang gragraduate na ako lintik na kupal na yan haha! Mas nagiging busy kasi pasa dito, pasa dyan ng mga requirements yung ginagawa ko feeling ko nga kahit fresh pa ko e nagmumukhang hagardo parin ako ng dahil sa pashnea na college na ito e. Dito ko lang ata naranasan yung papunta pa lang ako e amoy pauwi na ko.

Pagkatapos ng klase pumunta kami nila Zackie at Alex sa may mall ng apo ni Zuma para bumili ng mga ilang depungal na gamit na di parin namin nabibili, nyeta ang gastos naman grumaduate oh.

Kasalukuyang nasa may National Bookstore kami nun ng biglang may mga dumaan na mga army, ang weird kaya napatingin ako doon at napaisip.

Ano na naman kaya yung pakulo ng mall nila Izce at may ganitong pakemerut pa, sabagay ganun naman talaga lahat ng mga mall e no may mga pautot para mas dumami yung mga customers.

Halos lahat ng taong nasa mall na nakakakita sa mga army e napapalingon sa kanila, may shooting kaya? Sino kayang artista? Naku baka may shooting ng Probinsyano ngayon dito, shet gusto ko makita si Cardo. Tsk patay talaga tong apo ni Zuma na to sakin, di sinasabing may artista ngayon dito sa mall nila.

Mas lalo pa kong napaisip nung makita kong may nakasulat na FBI sa likod nung mga army tapos may ilang naka suit pa na kano at nigga. Are they Americans? Shet nu ba yan napapaenglish pa tuloy ako, so ano to pang hollywood ba yung nagshoshooting ng movie ngayon dito?

Di nagtagal nawala na sila sa paningin ko, ang bilis nila mukhang masyadong nagmamadali, may mga lakad ata. Lumingon-lingon ako sa paligid chinicheck kung nasaan ba banda yung mga camera, malay mo di ba mahagip man lang ako ng konti kahit bangs ko lang edi maipagmamalaki ko ng mapasama ako sa isang hollywood film, bongga!

"Tara sundan natin baka mapa extra pa tayo dali" tuwang-tuwang sabi ni Alex samin.

"Oo tara gusto ko makita si Onyok at si kuya Cardo" excited na sabi ni Zackie sabay hila sa braso ko tapos parang die hard fans kaming tumakbo para sundan yung mga foreigners.

Medyo buwis buhay yung ginawa naming pag sunod sa kanila ang dami din kasing pampam na peoplets na gusto din atang mapabilang sa movie e, so patayan kaming nakipagsiksikan makalapit lang kaso mukhang di pala ata sila nagshushooting dahil may caution yellow line ng ipinalibot para di kami makalapit o makalagpas man lang tapos walang camera, walang direktor at yung mga baril mukhang totoo pa ata, bigla akong kinabahan ng di ko alam.

Pero mas lalo akong kinabahan nung makita kong doon sila dadaan sa may fire exit, bakit?

Bumitaw ako ng kapit kila Alex at Zackie tapos nun agad akong tumakbo ng mabilis at lapastangan na lumusot sa may yellow line, wapakels ako bes kailangan kong masigurong mali itong hinala ko.

Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko nung makita ko silang may balak na sirain at pasukin yung DO NOT ENTER DOOR.

"Our GPS pointing into this way sir" sabi nung isang army.

"Then destroy it. We don't have time, we need to catch the suspect before he or she can escape from us" sabi nung kanong naka suit.

Pagkasabi nila nun isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

SI IZCE.

Patakbo na ako para pigilan sila, pero bago ko pa magawa yun hinawakan na ako nung ibang army para pigilan.

"Who is she? Rid of her" utos sa kanila at agad akong pinaalis.

"Hindi wag! wag!" yun lang yung paulit-ulit na sinisigaw ko habang patuloy na dumadaloy yung luha ko. Di ko alam kung paano ko sasabihin, di ko alam.

Nung mapaalis na nila ako, napaupo pa ako nun sa sahig kasi itinapon lang ako nung panget na yun.

"Hoy anyare? Bakit ka sumugod? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Alex at Zackie pero di ko sila pinapansin.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon