Comfortable

124K 3.9K 793
                                    

Naglalakad ako papasok ng school ng biglang may nagtext sa akin, na curious ako kaya tinignan ko.

From: Izce

Good morning.

Taray bongga ! Hihi pa kilig tong ahas na to may pa bating good morning pa saken. Too sad wala akong load di ako makakapag reply.

Pumasok na ako room, nagklaklase pero naririnig kong tumutunog yung phone ko, mahina lang kaya hindi naman naririnig nung prof ko. Atat na atat na akong matapos yung class para basahin yung text feeling ko si apo ni Zuma yung nagtetext eh !

Kinuha ko yung bag ko at nilagay sa lap ko, pasimple kong binabasa yung text habang nagtuturo yung prof namin.

Di ko na matiis eh !

From: Izce

Hello ?

--

Psst !

--

Babae ?

--

Nasa class kaba ?

--

Pupunta ka mamaya ?

--

Text me later ;)

Yie ! Dami niya na palang text. Loko tong ahas na to may pa wink-wink pa sa last text niya.

"Hoy babae ! Bala ka mahuli ka dyan !" nagulat ako ng sitahin ako ni Alex.

"Sinaylent ko lang yung phone ko" nakataray na sabi ko.

"Pangiti-ngiti ka pa dyan sino ba yan ?"

"Wala !" sabi ko tapos sinara ko na yung bag ko.

Pagkatapos ng klase di na ako nakatiis na hindi magreplay sa kanya, kaya paglabas ko ng school nagpaload agad ako.

"Anyare sayo at nagpaload ka ngayon ?" sabi ni Zackie.

"Bakit masama ?" sabi ko.

"Eh kasi naman minsan lang sa isang taon ka magpaload kailangan nga tawagan ka pa eh para makontact ka !" sigaw ni Zackie.

"Eh paano may katext !" singit ni Alex.

"Talaga ? Oy bakit di ka nagkwekwento ah !" sabi ni Zackie.

"Oy wala !" sabi ko.

"Sus wala daw eh ngumingiti ka nga kanina habang nagbabasa ng text !" sabi ni Alex.

"Dah ! Joke kasi yun at GM yun kaya natawa ako !" palusot ko.

Kumakain na kami ng lunch kasama ko sina Alex, Zackie, Jhaze at Lolyd. Sila kumakain ako naisipan ko munang replayan si Izce.

To: Izce

Sorry no reps nasa class kasi ako kanina.

Sent !

Binalik ko sa bag ko yung phone ko tapos kumain kaso biglang tumunog, ang bilis niya mag reply ah !

From: Izce

Ah pupunta ka mamaya ?

Ano ba yan tanong agad kung pupunta ako.

To: Izce

Hindi ako sure eh !

♬♪Nice to meet you, were youve been i can show you incredible things. Magic, madness --♪♬

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon