Gonna Love You Inside Out (Ending Part II)

74.2K 2.2K 1.3K
                                    

After three years sa sobrang haba ng panahon marami ng nangyari, ang dami ng lumipas na araw, dami ng nagdaan. Akala ko di aabot sa ganito pero di rin pala nagtagal hanggang sa nawala na, isinuko na lang.



Hindi na kami ni Izce.








HAHA CHAROT LANG! Kami parin at 5 years na kaming mag jowabels ng apo ni Zuma.



So eto ang lola niyo turning 24 years old na bilis nga naman ng panahon no parang kailan lang sweet 16 lang ako now 24 na pero hitsurang sweet 16 parin hays nga naman.

Napromote narin ako sa trabaho nakailang loan narin si ako haha medyo oks na yung buhay namin nabayaran na lahat ng utang at di na namomoblema sa pang araw-araw si mudra. Kuya ko ayun kinasal na sa jowa niya ng 10 years pawer! Si papa matagal ng retired kaya sa bahay na lang at ako maganda parin syempre.

Si Alex ayun jowabels na niya yung mabagyong si Jhaze mga two years narin silang naglolokohan charot. Si Zackie ayun nagtigil na kakaboy hunting motto naman niya ngayon yung dalawang salitang "ako lang" kaya hala nag travel mag isa wala daw kasi siyang relationship goals kaya travel goals muna. Si Lloyd ayun puro work at inom nag aalala na nga ko liver nun e ayoko pa naman mag donate ng laman loob sa kanya pag nagkataon. Si Eli ayun bakla pa din haha chos career women na daw siya lols. Yung Paige ayun nakita ko siya sa IG kaya inistalk ko siya nag asawa na pala yun nandoon sila nakatira ng bebe lab niyang foreigner sa Paris tarush! Nakita ko din sa isa sa mga post niya si Tracey at Rufer pak bff parin sila nag bonding pa nga sila sa California niya hays mga mayayaman nga naman mag get together sa ibang bansa pa kami ng mga tropa ko ng college hanggang Padis at Chills parin hahaha.

Si Flare ayun nakakalakad na haha balik na siya doon sa syota niyang basketball minsan tumawag yun sakin sabi niya nasa tv daw siya at panuorin ko daw yung pogi niyang mukha ews then ayun dahil naawa naman ako edi pinagbigyan ko na at ayun nga nasa tv nga si kumag naglalaro ng basketball, famousets na. Di ko siya pinuri dahil baka lumaki yung ulo at magka hydrocephalus pinaalahanan ko na lang siya na wag paring kalimutang bisitahin yung puno ayun naasar tinawag na naman akong baliw.

Hinahanap niyo kung kamusta na yung apo ni Zuma? Ayun pogi parin si kupal kaya mas lalo akong naiinis kasi e ang tagal niya miss ko na yung hugs, yung kiss hehe tsaka yung topless niyang katawan syempre papabebe pa ba? Kasi tuwing ka video call ko siya lagi siyang may suot at ballot paano malamig kasi doon at oo na sige na miss ko na rin yung pagpisil niya sa pisngi ko tapos sasabihin niyang chubby cheeks ako. Basta miss na miss ko na talaga si Izce tipong kahit yung existence niya lang sana, tipong kahit nakatayo lang siya sa harap ko okay na okay na.

Minsan nga naiiyak na lang ako mag isa pag miss ko siya e maraming beses ko na rin iniimagine na siya yung unan na yakap-yakap ko tuwing matutulog ako tapos iiyak na naman ako. Then naexperience narin namin yung nag uusap kami sa video call then umiyak ako tapos di ko expect umiyak din si Izce kasi miss na miss na din niya daw ako. Three years ba naman e ang tagal na kaya. Nakakayanan lang namin ngayon kasi gabi-gabi bago ako matulog mag vvideo call kami kahit isang oras lang tapos mag kkwento ng nangyayari sa buong araw na yun.

Yung tanong niya lagi na.

"How is your day? Kwento ka girlfriend" sabi niya sabay smile.

Napapangiti narin ako tapos magkkwento na ko makikinig naman siya, ngingiti, tatawa tapos sasabihan niya ko na baliw talaga ako. Buo na bigla yung araw ko lalo na bago mag end yung call sasabihan niya ko ng I love you.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon