Meet The Boyfriend

71K 2.2K 153
                                    

Yung feeling na bukas na pupunta si Izce para magpakilalang boyfriend ko kina mudra at pudra ?

OMOGOD !

Napapanaginipan ko tuloy ngayon naka dress ako at nasa sala kami masasaya at kausap at kasundo nila mama, papa at kuya si Izce. Si Izce ang pogi-pogi ngayon at may dalang flowers and chocolates for me oh diba ang sweet ? Pero mas okay kung pagkain na lang lahat di ko naman makakain yung bulaklak na yun e hehe. Hays excited na kinakabahan para bukas.

"Hoy Bree gumising ka na !"

"Hoy anak ano ba oras ng pasok mo ngayon ? Umaga na !"

Naririnig kong putak ng mudra ko, ang aga-aga nagrarap na agad siya ! E di pa nga nag aalarm yung cellphone ko inuunahan na niya.

"Ano ba mudra nag alarm naman ako e" sabi ko habang naggugusot ng mata.

Badtrip e ! Puyat ako, panira siya ng panaginip ko tapos gumagawa pa ako ng muta e nangiistorbo na siya.

"Ano ba oras ng pasok mo 8:30 na !" sigaw niya sa akin sabay tapik sa balikat ko.

Ako ?

Halos ma heart attack na ! Posang gala 9:00 am pasok ko patay kang kurimaw ka !

"Waah ! Late na ako mama 9:00 pasok ko" sigaw ko habang dali-daling tumatakbo. Boset di ko alam kung ano ang uunahin ko o kung saan ako pupunta.

"Yan kasi puyat pa more !" sermon sa akin ni mudra.

"Nag alarm naman ako e" sabi ko sabay tingin sa phone ko, pero posang gala 7:00 pm pala naka alarm "Takte to walang kwenta" sabi ko sabay hagis sa kama ng phone ko.

Kumuha ako ng towel at pumasok agad ng banyo, wala akong nararamdaman kundi kaba. Paano ba ako gagawa ng himala ngayon ? 8:30 na at 9:00 am ang pasok ko tapos isang oras pa ang byahe ko. Oh diba ! Nandito pa lang ako nawawalan na ako ng pag-asa.

Ligong militar yung ginawa ko, suot agad ng uniform at basang-basa pa yung buhok ko na wala pang suklay tapos labas agad ng bahay boset nga e bumalik pa ako ng bahay kasi nakalimutan ko pa yung relo ko.

Dali-dali akong sumakay ng tricycle yung tipong nagkipagkarerahan pa ako sa iba na pati yung maliit na upuan doon sa loob ng tricycle pinatos ko na basta makaalis lang takte hirap na hirap pa ako kasi nakapalda pa ako. Tapos pagbaba ko tumakbo agad ako pero bumalik din ako kay manong kasi nakalimutan kong mag bayad.

"Ay manong sorry eto po, late na po kasi ako" mabilis na sabi ko tapos nginitian niya ako then tumakbo ulit ako.

Mabilis naman akong nakasakay ng jeep kaso shete mas makupad pa sa pagong yung andar netong jeep na to, kung kelan late na ako doon naman ako napasakay sa karo.

9:00 na at wala na talagang pag-asa dahil late na ako pero tuloy ko na to diba andito na rin ako e. Nagbukas muna ako ng messenger para makibalita sa mga classmates ko.

Zackie: oy babaita asan kana ? Andito na si sir.

Bree: tae late talaga ko tapos karo pa tong nasaktan ko boset.

Zackie: shemay yan kantahan mo na yan ng habang may buhay !

Bree: Takte talaga maiinis na lang ako nito sa tabi.

Tapos nag out na ako. Matapos ang depungal na parada 9:35 am na nung nakarating ako ng school, nakipag marathon agad ako papasok ng campus.

"Hep bawal naka flat shoes" sita sa akin ni kuya guard.

"Kuya late na po ako doon na lang sa may room ako magpapalit" sabi ko habang hinihingal.

"Sige dali bilis pasok na" sabi niya.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon