Flame

48K 1.6K 399
                                    

"Si Bree ba yun?" agad na tanong ni Zackie kay Alex.

"Hala sht oo nga si Bree nga" sabi ni Alex na kumakain ngayon ng potato chips.

"Ano naman ngayon kung nandoon sya?" nagtatakang tanong ni Lloyd.

"Tange e broken hearted yan e" sagot ni Zackie.

"Paktay na! Baka magpapakamatay na yan dali" sabi ni Jhaze at dali-daling tumakbo papaakyat ng building.

Tahimik lang ako na nasa taas ng biglang halos mamatay na ako sa gulat dahil sumigaw sila.

"WAG BREE!" sigaw nilang lahat na halos ma out of balance ako sa kinakatayuan ko. Lintik na muntikan na kong ma deads doon ah. Halos mahiwalay sa katawan ko yung kaluluwa ko sa gulat kanina.

"Depungal na yan! Ano ba?" naiinis na sigaw ko sa kanilang lahat na halos ma litid na yung ugat ko.

"Wag ka magpakamatay!" sigaw ni Zackie.

"Bree may pagkain ako sayo na lang please wag" sabi ni Alex sabay alok ng potato chips niya.

"Ayaw ka naming mawalan ng poging kaibigan ka kagaya ko" sabi ni Lloyd at tinignan ko siya na nandidiri ako.

"Mamahalin na lang kita wag ka ng magpakamatay" sabi ni Jhaze.

"Kadiri ka! Pwede ba di ako magpapakamatay. Mahal ko pa buhay ko no" sagot ko.

"Akala namin papakategi ka na" sabi ni Zackie.

"Ano ko tukmol?" sabi ko sabay kuha sa potato chips ni Alex.

"Kasi naman todo dramatic scene ka kaya sa may karinderya nun" sabi ni Zackie. At naalala ko na naman yung lintik na kanta na yun. Isusulat ko nga yun mamaya sa death note ko.

"Eh anong ginagawa mo dito Bree?" tanong ni Alex.

"Wala lang pumunta lang. Bakit pag sawi bawal na pumunta dito?" sabi ko sabay kuha ulit sa potato chips niya kaso bigla niyang tinampal.

"Tama na nakakarami ka na" sabi niya sabay layo ng pagkain niya. Damot!

Sport fest.

Sport fest ngayon dito sa school pero isa akong dakilang KJ. Wala ako sa may gym para panuorin yung mga nanggigitatang mga pawis at libag nila charot haha! Di ayoko lang talaga wala ako sa mood. Umupo na lang ako sa may bench at nilabas yung phone ko at earphone, makikinig na lang ako ng music sabay emote. Ang lakas kasi ng tiliian doon sa may gym e kala mo mga kinakatay na biik sila.

Agad lang akong nag play ng music, bahala na kung anong music yung mag play basta magkaroon lang ako ng sariling mundo ngayon. Umayos ako ng upo na tipong akin lang tong bench na to, goodbye world. Napatigil ako ng biglang nag play yung intro sht! At sa ke-dami-dami ng kanta na nakalista dito sa phone ko e anak ng meant to be ito pa yung tumugtog. Lord inaasar niyo po ba ako?

Intro pa lang di na ako nagkakamali. Una ko agad na naisip si Izce, nagflash yung mukha niya sa utak ko at bumalik yung memories yung first anniversary namin. Yung naka earphone kaming dalawa, nakayakap ako sa waist niya habang yakap din niya ako. Tapos bigla niya tong kinanta habang direktang nakatingin sa mga mata ko.

Wrap your arms around my waist

And you will see, and you will see how i melt.

I'm under your spell.

Whatever you says go I'm lost in you, I'm lost in you.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon