At Home

112K 3.9K 480
                                    

Izce's POV

Tinuturo ko sa kanya kung bakit nagiging ganun yung output ng codes na nilagay ko para sa program niya.

"Ano gets mo ?" tanong ko.

Pero paglingon ko boset natulog na si babae ! Nakasandal siya sa sofa halos mababali na yung leeg niya tapos nakanga-nga pa.

So wala pala siyang naintindihan sa pinagsasabi ko ? Kaya pala kanina pa siya tahimik akala ko nakikinig, ayoko kasi siyang lingonin kanina nahihiya ako yun pala tulog na tsk !

Paglingon ko sa kabila tulog na din si Moby sa sahig, inaantok na din ako kaso ang sama ko naman kung hayaan ko siyang matulog dito sa sofa tapos ako sa kwarto ko.

Lumapit ako sa kanya at binuhat siya.

Sh*t ! boxer ko pala yung suot niya, nahahawakan ko tuloy yung legs niya. Potek Izce labanan mo yang tukso !

Diniretso ko yung tingin ko at hindi ko siya tinignan baka kasi sapian ako ng kamanyakan eh ! Paglapag ko sa kanya sa kama, narealize ko na --

Ang panget niya pala talagang matulog !

Reality talaga, sino ba naman kasi yung may pakana sa tv na maganda matulog yung tao baka oo sa simula pero pag tulog na tulog na hindi na. Kita mo nga tong babaeng to ! Nakanga-nga tapos humihilik pa.

Matapos ko siyang kumutan eh lumabas na ako ng kwarto buti na lang sa may sala ako matutulog di ko maririnig yung hilik niya.

End of Izce's POV

"Aaaah hay sarap !"

*inat-inat*

Napapadalas na yung pagtulog ko ng masarap ah ! sana ganito lagi, teka ? kailan ba kami nagkaroon ng malambot na foam ?

"Ay posa ka !" napasigaw ako at bumangon.

Narealize ko na wala pala ako sa bahay namin, lagi na lang nangyayari to ah ! Na mimini heart attack ako lagi pag narerealize kong nakitulog pala ako sa condo ng apo ni Zuma.

First thing to do !

Check-check sa sarili.

Hay thank God, virgin parin ako. Smile.

Lumingon-lingon ako sa paligid ng buong kwarto, wala yung apo ni Zuma at wala din yung halimaw na aso niya.

Nakanang bebe ! Solo ko pala itong kwarto na ituu ! Waaah !

Bumaba na ako ng kama at lumabas ng kwarto tapos --

"ARF ! ARF ! ARF !"

Sinalubong ako bigla nung halimaw na aso, potek ang aga-aga ! Kaya tatakbo na dapat ako agad pero paglingon ko nandoon na pala si Izce kaya tumama ako sa super duper mega ultra hot chest niya. Hehe ! OA sa description no ? doon kasi ako nasubsob, kasi nga topless siya always diba ?

*Pause*

Yung feeling na huminto yung oras at nagkatitigan lang kaming dalawa, akala ko sa palabas lang nangyayari pero sa totoong buhay din pala.

*Play*

"ARF ! ARF !"

Panira ng eksena yung depungal na halimaw na aso na ito.

"Waaah ! Mama !" sigaw ko habang nakatago sa likod ni Izce.

"Stop it Moby" sabi ni Izce tapos nanahimik naman yung aso kaso sinusundan parin ako ng tingin.

"May poot siguro sakin yan !" sabi ko.

"Tsk ! Kumain ka na" sabi ni Izce kaya umupo na ako sabagay gutom narin ako.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon