Burned

41.9K 1.4K 399
                                    

"Shet bakla ang ganda mo" sabi ni Zackie sabay hawak sa kinulot kong buhok.

"Sus wag mo kong linlangin gusto mo lang na puriin din kita e" sagot ko sabay ayos ng curly hair ko paano ginugulo niya.

"Tange hindi papicture dali para may behind the scence habang pinipicturan ako dun" sabi ni Zackie sabay abot sa akin ng cellphone niya.

"Tsk oo na ponyeta" sabi ko tapos lumarga na yung bruha para ma picturan ko na.

Pagkatapos nun, umalis na ako para dumiretso naman sa ojt ko. Di ko alam pero nakakaramdam ako ng lungkot. Ang ganda ko naman ngayon, babaeng-babae ako. Naka make-up, naka kulot. Ang dami na ngang pumuri sa akin na maganda ako e, siguro naman di lahat yun e boka lang.

Nilabas ko yung cellphone ko tapos tinignan ko yung selfie ko na naka snapchat filter pa ng dyosa habang naka filipiniana tapos yung isa naman yung naka toga ako. Graduation pictorial namin kasi kanina at pak na pak ang feslak ko ngayon tipong gandang di mo inakala kasi sobrang ginalingan talaga.

Tapos nagpunta ako ng messenger hinanap ko yung convo namin ni Izce last na nandoon yung Izce Madrid called you, nung december pa yun. That feeling na gusto kong isend sa kanya yung picture ko, super excited siguro ako yung tipong natatae na habang tinatype sana yung boyps gagraduate na ang dyosa ng buhay mo lol pak aura! Kaso hindi e, walang ganun. Di ko nga kaya isend sa kanya kasi nandoon yung pakiramdam na unti-unti na kaming nagiging di magkakilala.

Isang oras na lang yung duty ko at uuwi na ako ng utusan akong bumili ng supervisor ko ng mga pang give aways para sa birthday party ng anak niya, keribels lang naman kasi may meeting siya tsaka okay lang naman din sa akin kasi enjoy din yun.

So ayan na nga gumugora na ako sa may Trinoma, ayoko talagang pumupunta ng mall e nalulungkot lang kasi ako. Kasi kahit di mall to ng apo ni Zuma na yun nadadamay ko parin lahat ng mall ng dahil sa kanya. Feeling ko nga meron na akong mall-traumatic-chenesis e.

Izce kasi e! Nasaan ka na ba? Tagal mo umuwi, yung bulaklak na binigay mo malalanta na wala ka parin kaynis!

Dumiretso na ako ng supermarket para simulan ang mission. Bibili lang ako mga candy, mallows, chocolate and chemkabush tapos babalutin ko na yun ng give away bags na binigay sa akin ni maam kanina.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtanaw sa mga pagkain ng biglang may naghagis sa akin ng flat tops na ultimong tumama pa talaga sa baba ko. Peste to! Pagtingin ko sa sino mang hinayupak na yun nagulat at sumama na lang bigla yung paningin ko.

Kumag 101

Lord bat po ang sama niyo sa akin? Broken na nga po ako tapos gusto niyo pa na magalit at sumama ang loob ko.

Hinayaan kong mahulog yung flat tops na hinagis niya sa sahig at nagsimula akong maglakad far-far away from him. Para kasi siyang itim na pusang makakasalubong mo e, tipong pag tumuloy ka pa mamalasin ka genern.

Matahimik kaluluwa na akong naglalakad papalayo sa kanya pero yung kamalasan nga naman susundan ka pa. Bigla niyang kinuha yung mga bibilhin ko, bitbit ko lang yun kasi ayokong magdala ng basket e. Tapos nilagay niya sa cart na tulak-tulak niya na medyo kalahating mapupuno na. Nakita ko puro snacks, drinks and sweets lang naman yung laman.

"Ang pampam mo e no" sabi ko at isa-isa sanang kukunin yung mga bibilhin ko na nasa cart niya ng paluin niya yung kamay ko na siyang ikinagulat ko. Abayga--!

"Hands-off" sabi niya nung tanggalin niya yung lollipop sa bibig niya tapos naglakad na siya habang tulak-tulak yung cart niya.

Ayoko makipag talo wala kong powers maimbyerna ngayon.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon