Miss me ?

122K 3.7K 836
                                    

Na survive ko nga yung program na project ko pero may mga panirang buhay na project parin na dumadating sa akin. Buti na lang mga paper works na lang yun at hindi ko talaga need ng matagalang gamit ng computer.

Sa kabila ng malulungkot na pangyayari meron din namang masaya. Yie ! Bukas na ako magkakaroon ng laptop ! Thanks Lord hihi !

Nandito ako ngayon sa kanto ng school at hinihintay sina Zackie at Alex. Boset talaga sila 8am yung pasok namin tapos 7:25 na wala parin sila.

Lagi na lang ako yung first honor na naghihintay lagi sa kanila, mga posa talaga tong dalawang to eh ! Ang tagal ng OTW nila eh halos isang oras na akong tuod dito.

At eto na nga nakikita ko na kakababa lang ni Alex ng jeep at nakangiti sa akin habang papalapit.

"Bruha ka bakit ang tagal mo ?" sabi ko habang masamang nakatingin sa kanya.

"Traffic kasi" sabi niya tapos nagsuklay ang gaga.

"Tsk ! at eto na ang may hawak ng korona ng pagiging late" sabi ko habang nakatingin sa papalapit na si Zackie.

"Hihi ! peace sorry" sabi niya habang nakangiti.

"Mga leshe kayo tara na at malelate na tayo" aya ko sa kanila.

Ganito kami everyday of school days, hindi ako late pero nalelate ako kakahintay sa kanilang dalawa. Nadadala narin ako kaya nagpapalate na din ako kaso mas late parin sila at nauuna parin ako.

Boset talaga !

"Oo nga pala na post na yung mga nakapasa sa calendar program na project ni ser at kasama ka" sabi ni Zackie.

"Saan nakapost bat diko nakita ?"

"Sa group page ng class naten" sagot ni Zackie.

"Kaya gaga ka ! Kanino ka nagpaturo di mo man lang kami dinamay" sabi ni Alex.

"Ano--sa kaibigan ko --kasi sabi niya ako lang daw eh !" nauutal na sagot ko.

"Tsk ! Daya !" sabi ni Alex.

Breaktime.

"Oh maaga uwi naten mamaya, tara mall tayo boys hunting ulet" aya ni Zackie.

Sus mamaya isang half snake na naman yung ma hunting ko wag na oy !

"Sige tara, oy ikaw Bree sasama kaba ?" tanong sa akin ni Alex.

"Ayoko uwi na ako" sabi ko.

"Ay KJ ang bruha" sabi ni Zackie.

♬♪Nice to meet you, were you've been i can show you incredible things. Magic, madness --♪

Unknown number calling..

"Hello ?" sagot ko.

"Be si mama mo to naaksidente ako kaya umuwi ka agad ha"

"Ha ma ? asan ka ?"

"Okay lang ako basta wag ka ng gumala pa umuwi kana lang"

"Ma--" aba bastos pinatayan ako bigla.

"Ano nangayari ?" tanong ni Zackie.

"Si mama naaksidente daw" natatarantang sagot ko, halos maluha-luha na nga ako eh !

"Anong gagawin mo ngayon ?" tanong ni Alex.

"Uwi na ako di na ako papasok sa next class" sagot ko habang nagmamadaling iligpit ang gamit ko.

"Samahan ka namin ?" alok ni Zackie.

"Hind na okay lang sige ingat" sabi ko.

"Ingat ka din ha !" sigaw ni Alex nung papaalis na ako.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon