After The Confession

90.2K 2.7K 235
                                    

"I like you Bree"

"Don't worry I won't kiss you"

"Cause I know that your kiss is just for the man that you love that's why I don't have any rights to steal it"

"Don't mind what I said earlier, just don't stay away from me huh ?"

Bigla akong nagising sa ulirat ng marinig kong isinisigaw na ni manong jeepney driver yung lugar na bababaan ko.

"Para po !" sigaw ko.

Hays ! Di parin ako makaget-over sa scene na iyon. Kahapon lang nung nag confess siya sa akin, matapos nun hindi na kami nagkita, nagtextsan o nagtawagan. Hell week kasi namin ngayon eh puro pa test.

Hindi na ba ako makakabalik doon ?

Pero wala naman siyang sinabi na huwag na akong babalik eh.

Matapos kasi nung nakakapalpitate na scene na iyon niyaya niya akong kumain sa may sala. Tahimik lang kami tapos makalipas ang isang oras nagpasya na akong umuwi, inihatid niya ako sa may fire exit tapos nag babye kami sa isa't-isa.

"I like you Bree"

Damn ! Gusto niya daw ako, narinig ko yun kahit may music pa nun.

Naalala ko tuloy yung nangyari noong makauwi na ako ng bahay namin.

Lutang na lutang akong umuwi ng bahay, mula sa byahe nga feeling ko high ako kasi di ko namalayang nakauwi na pala ko.

Pagbukas ko ng gate, nakasara yung pinto pagpasok ko ng bahay sumigaw ako e walang nagrereact kaya sigurado akong walang tao.

Si kuya malamang nasa school niya pa iyon, fourth year, HRM siya at magkaiba ang school namin kasi ayaw niya na magkaschoolmate kaming dalawa, ganun siya eh kahit kelan hindi kami nagka same school since elematary to highschool. Siguro ayaw niya isumbong ko kina mama at papa yung mga ginagawang kalokohan niya sa school. Si papa naman for sure nasa work niya pa iyon at mamaya pang gabi ang uwi nun. Si mama naman siguro namalengke iyon ng hapunan o di naman kaya nakipag chismaks muna dyan sa mga kumare niya sa labas.

Kaya ako lang ang tao ngayon sa bahay namin.

Bigla naman akong napangiti.

"WAAAAAAAHH !" malakas na sigaw ko tapos tumalon-talon pa ako.

"Oh my gee ! Oh my gee !" bigla kong kinurot yung magkabilaang pisngi ko baka kasi na nanaginip lang ako eh.

"Aray ! Yiee totoo nga !" sigaw ko tapos nagpagulong-gulong ako sa sahig namin.

Don't care na kung makapitan ng dumi yung uniform ko.

"Pakshet ! Totoo diba ? Totoo yung nangyari kanina ? Oo totoo yieee !" sabi ko tapos nangisay-ngisay na ako sa may sahig habang may yakap na unan.

"My gad ! Gusto niya din ako ! My gad same feelings po kami ! Yiee" tumayo ako tapos nagsayaw-sayaw ng kahit anong klaseng kemerut lang kahit wala namang tugtog.

"Lord thank you po ! Gusto din ako ng gusto ko kyaah ! I love you Lord !" sigaw ko tapos nag hysterical na.

Feeling ko nga baliw na ako eh ! Kyaaah ! Eh paki ba e sa kinikilig ako ng bongga !

"Don't mind what I said earlier, just don't stay away from me huh ?"

What the fudge !

Bigla akong napatigil sa pagbaliw-baliwan na dance step nung bigla kong naalala yung huli niyang sinabi.

"Don't mind daw" bulong ko.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon