Stuck

87K 2.8K 251
                                    

Hindi ko napansin prefinals na pala. Ayun aguy ! F na F ng mga prof's ang magpagawa ng mga projects ngayon. Yung iba nga kung magpaproject akala mo sila lang yung subject namen eh !

Busy-busihan ako this hell week paano kasabay pa ng mga sandamakmak na projects yung test at defense namin. Wow lang ha ! Magkano ba kilo ng eye bags ngayon ng mabenta ko naman itong akin ng kumita naman ako !

Nandito ako ngayon sa park ng campus namin, nakaupo lang habang nasa harap ko si laptop. Maaga ako pumasok kahit mamaya pa yung class ko, waley lang gusto ko imuni-muni itong program na ginawa ko.

*Tut-tut !*

1 message revieved
From: Izce

Babae !

Depungal talaga to ! Babae talaga lagi yung tawag sa akin. Mabibilang ko lang ata sa daliri ko kung ilang beses niya akong tinawag sa pangalan ko eh.

Gusto ko sana siyang replayan ng Lalake kaso I realized na waley pala akong load haha !

Ibinalik ko yung phone sa bag ko tapos nangalumbaba ako.

"Hey freaky Bree !" paglingon ko si Zackie pala kasama niya si Alex at papalapit sila sa akin.

"Bakit ka naman ba biglang umuwi kahapon ?" tanong ni Alex.

"Eh pano iniwan nyo ko !" walang ganang sagot ko.

"Eh pano kung san-san ka nagpupupunta !" sabi ni Alex.

"Nevermind na, nagugutom na ako" sabi ko sabay pout.

"Ako nga din eh ! Di ako kumain sa amin tara kain tayo" sabi naman ni Zackie.

"Anong kakainin niyo ?" tanong ko.

"Kayo ?" tanong ni Alex.

"Ewan ko" sagot naman ni Zackie.

"Bahala kayo" sabi ko.

Haha ! Ganitong usapan lagi pagdating sa kakainin eh ! Walang matinong sagot, ang layo pa lagi sa tanong.

"Ay magbuburger ako" sabi ni Zackie.

"Sige kami ren" sagot namin ni Alex haha gaya-gaya lang.

Habang niluluto yung burger namin bumili muna ako ng siomai sa kabilang kalsada, after few minutes.

"Hoy luto na yung burger mo" sigaw sa akin ni Zackie.

"Oo wait lang" sagot ko. Katapat nung bilihan ng siomai yung bilihan ng burger, nakita kong hindi makakain ng maayos si Zackie dahil hawak niya yung akin kaya mabilis kong sinubo yung tatlong siomai tapos tumakbo ako papunta sa kanila.

Running with heels.

"Gaga madapa ka" sigaw sa akin ni Alex.

"Keri yan !" tapos nakangiting kinuha ko yung burger at softdrinks ko kay Zackie.

"Lupet mo ! Tumakbo ka pa" natatawang sabi ni Alex.

"I know right" nakangiting sabi ko. "Oy si pointed nose oh ! Yung crush ni Alex" sabi ko nung mahagip ng mata ko yung isang Architect student.

"Ay oo nga. Kuya --kuya crush ka po neto oh !" sigaw ni Zackie sabay turo kay Alex.

Bigla namang lumingon yung Architect student na lalaki sa amin at nakita si Alex, di ito nakapag react agad sa sobrang shock ayun namula lang naman ng sobra.

Pag lagpas ni kuyang architect.

"Hala ! Grabe naman kayo eh" naiinis na sabi ni Alex sabay hampas sa amin tapos may papadyak-padyak pa. Ngayon natauhan na siya, sabay naman kaming tumawa ni Zackie.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon