Les Jumeaux Fraternels

72.4K 2.2K 269
                                    

4:45 pm. Saturday.

Wala akong pasok, sakto ! Ayos din tong boyfriend ko isinakto sa schedule ko yung dinner kemerut nila kaya wala tuloy akong magawang dahilan para di sumama sa kanya. Di naman sa ayaw pero di ba nga feeling not belong ako doon, awkward and their thing are not my thing duh ! Haha ! Pero seryoso di kasi ako komportable sa kanila e, mayayaman sila alam niyo naman yun diba ? Kailangan ko pa bang ipangdukdulan !

Mas gusto ko pa sa maala condo ni Izce e at mas gusto ko pang makasama yung aso niya na si Moby kaysa naman doon, naku po !

Nakatayo ako sa harapan ng salamin at nakatingin sa reflection ko, shete ang ganda ko hehe ! Pero kabado ako.

Nakasimple dress lang ako tapos inipitan ko lang yung kabilang gilid ng buhok ko.

"Ma okay na ba hitsura ko ?" tanong ko.

"Oo okay nga lang" sagot ni mama.

"Kuya ano okay lang ba ?" tanong ko.

"Utang na loob Bree ! Pang ilang tanong mo na yan okay nga lang !" sigaw ni kuya sabay kamot sa ulo paano natalo ata siya sa dota niya.

"Eeh ! Parang hindi e, sabihin niyo kasi sa akin yung totoo !" sabi ko ng nakasimangot.

"Siraulo tong batang to ! Okay nga lang bakit hindi ka ba naniniwala !" sabi ni mama na naiimbyerna na din ata sa akin.

"Sabi niyo yan ah !" sabi ko sabay harap ulit sa may salamin.

"Wag ka na lang kaya umalis no ?" nakasimangot na sabi ni kuya.

"Teka mag heels ka kaya ng magamit mo naman yung sandal mo dyan, nabubulok na e papabili ka di mo naman gagamitin" sabi ni mudra.

"Ayoko, mahirap mag tiis ganda" sabi ko.

"Tiis lang walang ganda" singit ni kuya.

"Tse ! Di ka kausap !" sigaw ko sa kanya "Flat shoes na lang ako dinner lang yun ma, hindi party" sabi ko.

"Sige okay na yan, ayus-ayusin mo ang pagkain mo dun ah ! Wag kang nakakahiya" sabi ni mama.

"Marunong naman ako kumain ng pang matinong tao mama no !" sabi ko.

Nang bigla na lang may pumasok ng bahay yung kumare ni mama na si Ate Bessie.

"O saan lalarga yan ?" tanong nito kay mama.

"Doon sa bahay ng boyfriend niya magdidinner daw doon" sagot ni mudra.

"Oh e maglipstick ka, eto o may dala ako" sabi nito sabay labas ng pouch niya.

Tarush mangangapit bahay lang may pouch for everything pa.

"Di na po" sabi ko.

"Hindi, lalagyan lang kita ng konti, light lang to" sabi niya sabay hawak sa baba ko.

Wala na akong nagawa kundi ang magpalipstick na lang. Ilang sandali may nagtext na sa akin, pagtingin ko si Izce malapit na daw siya.

To: Boyfriend

Naka kotse ka ?

Oh diba level up ! May pang reply na po ang atey niyo, nakakahiya naman kasi sa sim card ko e tinext ako kagabi na maeexpire na daw yung sim ko pag di ko pa din paloloadan. Potek pati simcard nang blablackmail na !

From: Boyfriend

Of course, why ?

To: Boyfriend

Stop ka lang dyan sa may kanto ah !

From: Boyfriend

Why ?

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon