It's My Job

38.4K 1.4K 388
                                    

Kinabukasan mahaba naman yung tulog ko pero feeling ko bitin, nandoon pa yung feeling na kinakabahan ako kasi magkikita kami ni Izce ulit ngayon. Bakit ganun, bakit ako kinakabahan?

"Bree!" tawag ni Tovee sa labas ng pinto. Naglakad ako at binuksan iyon.

"Tara na" salubong ko sa kanya.

Sabay na kaming naglakad papunta sa kung saan kami kakain ng breakfast. Bree kalma-kalma okay?

Pagdating namin doon nandoon na sila Izce, si Santa Claus and the company at si Snow White. Nakakabastos din tong Snow White na to e no ang puti na nga, nakaputi pa.

Nak ng grasya! Ang daming pagkain, yung mga pang rits pa talaga na breakfast. Sadla kailangan ko na namang magpaka demure habang kumakain. Eh kung kumuha na lang kaya ako ng madami sa plato tapos dalhin ko na lang doon sa kwarto ko no? Ay wag nandito si Izce, Bree focus i-set aside mo na muna yang food Izce muna okay?

"Okay" sagot ko na naman na parang timang sa sarili ko.

"Bree oh!" sabi ni Tovee sabay abot ng plato kaya naman tinanggap ko.

"Thank you" sabi ko tapos pagtingin ko sa kaliwa ko nandoon pala si Izce may hawak din na plato at nakatingin sa akin. Teka iaabot niya ba sana sa akin yun?

"Tsk!" sabi ni Izce sabay balik nung isa pang platong hawak niya.

Tapos habang nakatingin ako kay Izce bigla na lang nilagyan ni Tovee yung plato ko ng scramble egg, bread na may jam at inabutan ako ng isang baso ng milk.

"Thank you" sagot ko ulit sa kanya tapos nagulat na lang ako ng tanggalin lahat ni Izce yung mga pagkain na nasa plato ko at yung hawak kong milk at ibinalik yun lahat sa mga pinanggalingan nila.

"Teka may problema ka ba?" kunot na noong tanong ni Tovee sa kanya.

"She likes sunny side up than a scramble, she never eats jam cause she wants a bread with a peanut butter and lastly she doesn't drink milk cause she is more into coffee" sabi ni Izce habang isa-isang nilalagay yung mga yun sa plato ko at inaabot sa akin. Ang malala pa nakatingin pa siya ng diretso kay Tovee.

Ops!

"Hehe" the best answer ko. Tawa ka na lang Bree ng mawala yung kru-kru na sound sa paligid.

"Then how would you know?" tanong ni Tovee na may halong panghahamon kay Izce.

"Of course I know what she likes, in 2 years it's my job of taking care of her" sagot ni Izce.

"Gentlemens let's eat" sabi ni Santa Claus, kaya naman pumunta na kami sa mga upuan namin buti naman hays!

Sa buong pagkain namin ng breakfast si Izce tingin ng tingin sa akin, obvious kaya paano kada titingin ako sa kanya pagtingin ko nakatingin na siya agad sa akin. Triny ko na nga rin na tumingin sa peripheral vision ko e at ayun bes nakatingin parin siya. Naaawkward tuloy ako tong apo ni Zuma na to di rin masyadong pa obvious e no, para akong nilalaser kung makatingin e.

Nag-uusap lang si Santa Claus and the company together with Tovee about doon sa mga food na ihahain and everything. Ang true pala e yung isang member ng the company ni Santa Claus e yung anak nun ikakasal as in beach wedding na tropa din naman ng daddy ni Tovee. So bali sila Santa Claus at yung anak niyang si Snow  White e bisita lang din pala from US kung saan galing si Izce. What a small world Lord, feeling ko pinaglalapit mo lang talaga kami ni Izce.

"Thank you sir!" sabi ni Tovee sabay tayo ng lahat at nakipagkamayan.

Pati ako nakikamay narin paano kinamayan nila ako, buti na lang di ko kinamay kanina yung kinain ko at nagtiis na lang sa pagdedemure kundi gg ngayon nakakahiya.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon