The Girl I'm Looking For

77K 1.9K 323
                                    

Almost one week na hays di na ako pinagchichismisan sa school buti na lang naumay na din sila, so balik na ako sa pagiging normal na buhay ko bilang dyosa dito sa school haha !

Natuyo na din yung mga sugat ko, boset nga e mukha akong dalmatian ngayon dahil sa mga sugat at pasa ko sa tuhod ko e huhu ! Nakakaasar ngang magpalda ngayon e kita kasi yung tuhod ko, buti na lang long sleeves uniform namin at di nakikita yung mga iba ko pang depungal na sugat sa siko. Letche ! Karmahin talaga sana yung may gawa sa akin nito.

Naalala ko pa nung pagpasok ko sinalubong ako ng halos lahat dahil kalat na yung nangyaring pagbundol sa akin. Tapos nakakainis pa yung tipong nakita na ngang may sugat ako tapos tatanungin pa kung nasagasaan ako ? Posanggala nakaka imbyerna e ! Sabagay mukha naman kasi akong nadapa lang.

Papunta ako ngayon sa dean's office para ipasa yung thesis proposal namin, mga letchugas ko kasing mga kagrupo e ako lang ang bibo sa amin. Three days na nga akong absent di man lang inasikaso yung thesis namin aguy ! Buhat gaming.

Pagbukas ko ng room nakaready na ako sa pang aasar ni Sir Esgarra sa akin, remember ? siya lang naman yung palaging nangmumurder sa napakaganda kong pangalan !

"Sir ?" sabi ko pagkabukas ko ng pinto.

Nakita ko si sir na nanunuod ng kung anong kembular sa laptop niya tapos may mga ilang lalaking students yung nakatambay doon habang kumakalikot ng mga system units.

"Oh ikaw pala Breezy girl bakit ?" sabi niya ng may nakakalokong ngiti tapos yung mga stupidents na nandito naririnig kong nagpipigil ng tawa shete !

Naningkit bigla yung mata ko, posang gala ang sarap niyang i-laser gun, may bago na naman siyang panlait sa pangalan ko, dapat ko na bang sisihin ang nanay ko ?

"Sir Bree nga po" sabi ko pero potek natatawa lang tong dean na to pag napipikon ako.

"Sus okay na yung Breezy kesa naman sa Breef no haha !" natatawang sabi niya tapos yung mga kaninang stupidents na nagpipigil ng tawa ayun tumawa na talaga.

"Ts ! Eto na po yung proposal namin" sabi ko sabay abot ng folder na hawak ko, kung pwede nga lang na ipang hampas ko to e ginawa ko na.

Kinuha naman niya tapos pinirmahan sabay abot sa akin.

"Oh eto Breezy baka gangsterin mo pa ako e, oo nga pala ayus yung intermission number mo sa may gym nung nakaraan ah haha !" natatawang sabi niya.

Jusko ko po ! Nakakalimutan na nga ng lahat yung pagplanking ko noon sa may court na iyon pinapaalala pa ng damuho na ito.

"Elibs ka na naman sir no ?" sabi ko, yan ganyan dapat Bree cool lang wag kang mapikon.

"Haha oo galing mo nga nun e, oo nga pala nabalitaan ko may part two ka nun sa may tawiran ah haha !" tawa na naman siya.

Shemay naman talaga oh ! Lahat na lang ng kamalasan ko updated siya, saan kaya nakatira to ng makidnap ko yung mga pamilya niya grr !

"Oo sir meron sayang di ka nakabili ng ticket buwis buhay yung act ko nun" sabi ko tapos kinuha ko na yung folder at umalis, letche baka ano pang mga evil plan ang magawa ko sa kanya pag di pa ako umalis doon.

Pabalik na ako ng room ng marinig ko yung pangalan ko.

"Tovee yung girlfriend mong si Bree oh pumasok na" sabi nung isang lalaking di ko knows habang nakaturo sa akin. Pagtingin ko kasama niya si Tovee.

Nagulat naman ako bigla, posanggala isigaw ba ? Bulgaran koyaa ?

"Tange ! Sinabi ko na nga sayong di nga diba ang kulit mo" sabi ni Tovee sabay baba sa kamay ng lalaking nakaturo sa akin.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon