Patience Is A Virtue (Ending Part 1)

50.7K 1.5K 475
                                    

I hear you're taking the town again
Having a good time
With all your good time friends.. 

Nang marinig ko yung kantang yun bigla kong hinablot yun at hinagis sa kung saan.

"Waah!" tili nilang tatlo.

"Ay depungal naman Bree yung bluetooth speaker ko!" malakas na tili ni Eli sabay takbo para pulutin yung hinagis ko.

"Parang timang naman tong si Bree hinagis" sabi ni Zackie.

"Oo nga kabibili lang yun ni bakla sa lazada" sabi naman ni Alex.

"Eh bat niyo ba kasi pinapatugtog yun ha!" masungit na sagot ko epal tong mga to dapat di na lang ako nakipagkita sa kanila e kitang asar ako sa kanta na yun kasi yun yung theme song ko nung na broken hearted si ako.

"Azar naman oh! Basag na yung sound eto kasi tong dalawang to e patugtugin ko daw" nakasimangot na sabi ni Eli.

"Hate niya kasi yung song na yun hehe asarin lang sana namin" bulong ni Zackie kay Eli na narinig ko naman.

"Pwede ba okay naman kami ni Izce ngayon no kahit umalis siya. Kumbaga ldr lang kami mga epal" sabi ko.

"Oo na to naman di mabiro" sabi ni Alex.

"Biro? E kung sabunutan ko kayong dalawa e sira naman speaker ko" reklamo parin ni Eli.

It's been 3 months ago since nung umalis si Izce. Ako ayun work, hang out with stupid friends lol, bigay ng ibang sahod sa magulang, bisitahin yung puno na sumagip sa buhay ni Flare tapos si Flare ayun nagpapaka sleeping beauty parin.

Nag vivideo call naman kami ni Izce pag may time, humahaba na naman nga na parang kpop or emo yung hair niya pero ang pogi parin kaynis. Kasama na niya doon yung halimaw na aso niya na si Moby na minsan epal sa video call namin at kadalasang nagiging sanhi ng pagkaputol ng connection paano kalaki-laking aso gusto ba namang pumatong sa mesa para lang madilaan yung screen ng monitor ayun tuloy bumigay yung mesa at bumagsak.

Nasa kabila ako ng pag aalala kay Izce ng biglang humangin. Alam ko na to may bagyong paparating.

"Hi guys! Nandito na ang pogi" mahangin na sa sabi ni Jhaze.

"Ang baho ng pasok" sabi ni Alex.

"Ikaw tatampalin ko yang noo mo" sabi ni jhaze.

"Subukan mo lang at sasabunutan kita" sagot ni Alex.

"Oh siya order na kayo nagugutom na ko" sabi ni Lloyd.

"Wow ha may patago? Umorder ka dun ng iyo umorder na kami tagal niyo e" sabi ni Zackie.

"Guys help?" sabi ng paparating na si Toby na may dalawang tray siya kasi nag volunteer na umorder kasi 3 and  a half girls kami, you know kalahating babae lang naman si Eli.

"Ako na" sabi ni Eli at pumunta ng counter para kunin yung di nadala ni Toby.

Tapos nung kumain na kami, nagkwentuhan. Nakakamiss sila kasi minsan lang namin to nagagawa kapag sabay-sabay na free yung mga vacant time namin. Samantalang dati daming oras kapos sa pera now may pera pero wala ng time. Hays hirap maging adult.

Kaka rest day ko lang nun tipong pagod parin ako kasi fresh from the stress palang ako at dumadaloy parin sa ugat ko lahat ng kape na ininom ko para di  kunin ng liwanag sa trabaho. Nang biglang tumunog yung cellphone ko kala ko nag alarm ako di pala may tumatawag pala. Pagtingin ko unknown number. Sino ba tong depungal na to na epal sa tulog ko kahit na tanghaling tapat na aber?

"Hello?" pasweet voice parin kahit antok pa, kasi malay mo di ba mamaya tinawagan na pala ko ng kung anong kineme at nanalo ako sa kemerut na paraffle.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon