2

1.2K 49 0
                                    

I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

Unedited...

Napilitang umuwi si Moon pero alas sais na dahil bumalik siya ng tulog sa hotel. Pagod siya. As in pagod na pagod dahil para siyang niyog na piniga nang piniga hanggang sa tuluyang maubusan ng gata. Ganiyan talaga siya kapag magkita sila ni Sunny. Kung kailan lang kasi ulit sila magkita.
"Anong meron?" tanong niya nang madatnan ang mga magulang sa sala.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Sky.
"Napagod ako," sagot ni Moon. "Alam mo namang rest day ko ngayon, Dad."
"Alam mo na siguro kung bakit ka namin pinatawag?"
"Ayaw kong mag-asawa!" diretsahang sagot niya.
"Anong plano mo sa buhay?"
"Mabuhay ng malaya at masaya."
"Hindi ka ba titino?"
"Matino ako, hindi lang halata."
"Aba't sasagot ka ba?" Inambagan ng suntok ni Sky ang anak pero hindi man lang ito natinag.
"Dad? Bakit ba pinipilit ninyo ako?"
"Kasi wala ka nang ginawa sa buhay kundi uninom dito, uminom doon. Aba, baka may liver cancer ka na!"
"Cancer agad? Advance mag-isip ah," ani Moon.
"Hindi pa ba kayo titigil?" naiinis na tanong ni Taira nang bumaba.
"Siya kasi/Siya kasi!" sabay na sabi ng mag-ama habang tinuturo ang isa't isa.
"Ikaw, Sky, hayaan mo na si Moon. Huwag mong pilitan ang anak mo. Paano kung maikasal yan sa maling tao?"
"Tama, Mom," pagsang-ayon ni Moon. "Buti ka pa, naintindihan ako."
"At ikaw naman, tigil-tigilan mo ang paggala. Alam mo namang marami ang may sakit ngayon. Hindi ka ba titigil sa pambabae mo?" sermon ni Taira kaya napakamot si Moon sa ulo. Kapag magsalita ang mommy nila, galit na talaga ito. "At ikaw, Sky! Utang na loob, tama na ang pagreto sa anak mo. Kahit sa lamay, wala kang patawad!"
"Last na 'to, babymine. As in ito na ang last," hirit ni Sky. Lumapit ang katulong at sinabing dumating na ang mga bisita.
"Papasukin mo," sagot ni Sky kaya sumalubong ang mga kilay ni Moon.
"Umayos ka!" saway ni Sky at sinipa ang paa ng kaharap na anak.
"Psh! Hindi ko type ang ipapakilala mo!"
"Hindi mo pa siya nakita!"
"Kahit na sino pa--" Natigilan si Moon nang makitang papasok si Sunny at ang mga magulang nito.
"Nandito na pala sila," sabi ni Sky at tumayo. "Maupo kayo."
"A-Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Moon na kay Sunny ang mga mata pero inirapan lang siya ng dalaga. Naka turtle neck clothes ito para pagtakpan ang kissmark na ginawa niya kagabi.
"Maupo kayo," ulit ni Sky kaya naupo ang mag-asawa pero nanatiling nakatayo si Sunny.
"Uwi na ako," walang ganang sabi ni Sunny.
"Mabuti pa nga," sagot ni Moon. "Uwi na ho kayo."
"Maupo ka," seryosong sabi ni Sky sa dalaga.
"Uwi ka na," ani Moon.
"Maupo ka!" Tumaas na ang boses ni Sky kaya napaupo si Sunny sa tabi ng mga magulang. "Ngayon, pag-usapan natin ang kasal."
"What?" bulalas ng binata na napaharap sa ama. "D-Dad?"
"Huwag kang makialam, Moon!"
"D-Dad?" naiiyak na sabi ni Moon. "Can we talk muna bago umpisahan ang kung ano mang meron?" pakiusap niya na sa ina nagmamakaawa ang mga mata.
"Kausapin mo na muna," bulong ni Taira sa asawa kaya napilitang tumayo si Sky at nagpaalam muna sa mga bisita at sa kusina dinala si Moon.
"Dad? Are you crazy?" bungad ni Moon. "Bakit mo ako ipakasal?"
"Nang tumino ka. Ang tanda mo na. Ilang taon ka na nga ba? Tenta'y kuwatro ka na, Moon."
"Ang bata ko pa!"
"Tigilan mo ako!" mahina pero napipikong sabi ni Sky.
"Dad? Ipapakasal mo ako sa babaeng 'yon?" bulalas ni Moon sabay turo sa sala.
"Huwag kang sumigaw! Mahal mo ba siya?" pabulong na tanong ni Sky kaya natigilan si Moon. Hala, paano kaya nalaman ng ama ang tungkol kay Sunny?
"S-Sandali, pag-isipan ko--shit! Ayaw ko talaga siya," alanganing sabi ni Moon.
"Mahal mo ba siya?" ulit ni Sky.
"Dad, hindi n'yo kasi alam ang ugali niya!"
"Mahal mo ba? Tang'na! Oo o hindi?" pikong tanong ni Sky.
"Dad, nagger siya tapos ubod ng selosa tapos muntik na niya akong putulan ng--"
"Punyeta! Mahal mo hindi?" singhal ni Sky at sinapak na ang anak sa pagkapikon.
"Naalala mong wasak na wasak ang celpon at laptop ko? T-Tapos pati gulong ng kotse ko nabutas?"
"Wag nang pakasal!" galit na sabi ni Sky saka tinalikuran ang anak pero agad siyang nahawakan ni Moon sa braso.
"T-Teka lang, kasi--haist! Bahala na! Magpapakasal ako basta lahat ng gamit na masisira niya kapag magselos, palitan n'yo!" sabi niya. Hindi lang kasi nila kilala si Sunny.
"Mahal mo? Isa pang alibi at ipapakasal na siya sa iba!" pagbabanta ni Sky. Ito na ang last shot niya. Kapag hindi pa pumayag si Moon na mag-asawa, hindi na niya ito pakialaman pa kahit kailan.
"Saglit--Oo na! King ina!Kasal kung kasal! Bahala na kung sunugin niya ang bahay!" pagpayag ni Moon saka sumama sa ama na bumalik sa sala. Nagsalubong ang mga mata nila ni Sunny pero agad niyang iniwas. Ikakasal ba talaga sila?
Wala sa sariling naupo siya sa tabi ng ama. Sinimulan na nila ang plano sa kasal habang sila ni Sunny ay tahimik na nakikinig sa usapan. Wala naman silang gusto sa kasal kaya bahala na ang mga magulang. Lumulipad na rin ang isip ni Moon. Never in his entire life na na-imagine niyang magpakasal sa kahit sinong babae lalo na kay Sunny. Ito ang kahuli-hulihang babaeng pipiliin niyang pakasalan o makasama habambuhay.
" Sa kama, puwede," bulong niya. Doon lang yata sila magkakasundo ng dalaga.
"Okay na ba tayo? Payag kayo?" pagtatapos ni Sky.
"Teka lang po," wika ni Sunny kaya napatingin si Moon sa kaniya.
" Tumutol ka," lihim na panalangin ng binata. Actually, kanina pa niya kinukurot ang sarili dahil baka binabangungot lang siya pero hindi e. Totoo ang mga nakikita't naririnig niya.
"Payag akong ikasal kami sa isang kundisyon," pagpayag ni Sunny.
"Sure hija," ani Sky.
"A-Anong kundisyon?" kinakabahang tanong ni Moon. Swear, wais talaga si Sunny.
"Ipa drug at HIV test natin si Moon," taas noong sagot ni Sunny kaya napaubo si Moon nang mabulunan ng laway.
"Baliw ka na ba?" singhal ni Moon na napatayo pa para sugurin sana si Sunny pero agad na napigilan siya ni Sky.
"Maupo ka!" ani Sky.
"Pero, Dad? Nakita mo na ang ugali ng ipapakasal mo sa akin?" galit na tanong ni Moon na kulang na lang ay pumutok na ang ugat sa leeg niya.
"Maupo ka sabi!" utos ni Sky na siya ang nahihiya sa inaasal ng anak. Ilang taon na ito pero ang ugali, pambata.
"Haist! Malas naman!" bulong ni Moon at napilitang bumalik sa pag-upo.
"Anak--"
"Huwag kang makialam, Papa!" agad na sabi ni Sunny. "Kung  hindi sila papayag, hindi ko itutuloy ang kasal. Bahala na kahit na maghirap tayo at mamulubi sa kalsada."
"Parang walang nangyari--" Moon.
"Tuloy mo!" Paghamon ni Sunny kaya napapreno si Moon.
"Fine. Payag ako na magpa drug at HIV test pero dapat magpa-psychiatric test ka rin," pagpayag ni Moon. "Ayaw kong malahian ng may sayad sa utak!"
"As if na gusto kong magpalahi sa 'yo!" singhal ni Sunny na umuusok na ang ilong.
"Para matapos na, magpa check-up kayong dalawa. Ikaw Sunny sa psych, at ikaw naman Moon sa drug at HIV," Pagpagitna ni Sky.
"Kain muna tayo, luto na ang hapunan," yaya ni Taira nang sumenyas na ang ina ni Chummy na ready na ang hapag-kainan kaya tumayo na silang lahat at tumungo sa dining room.
"Walang ne isang pumunta sa mga kapatid ko?" tanong ni Moon sa ama habang naglalakad patungo sa kusina.
"Busy sila," sagot ng ama kaya naikuyom ni Moon ang kamao. Ang mga kapatid lang naman niya ang nakakaalam tungkol sa kanila ni Sunny.
Habang kumakain, ino-obserbahan ng binata ang kilos ni Sunny. Kaunti lang ang kain nito at nagpaalam agad na lumabas muna para magpahangin.
"Sundan mo siya," utos ni Sky kaya agad na tumayo si Moon. Kanina pa nga niya gustong layasan ang mga ito.
Sinundan niya si Sunny na palabas na ng bahay. Sa hardin ito patungo.
"Hoy, Sunny!" tawag niya kaya napatigil ang dalaga at nilingon siya.
"Ano ang kailangan mo?"
Maliwanag ang paligid dahil sa ilaw ng posteng nakapalibot.
"Bakit ka pumayag na makasal tayo?"
"Hindi ko rin gusto pero ang ama mo ang may gusto. Mahirap lang kami," sagot ni Sunny kaya natahimik si Moon. Oo nga pala, desperado ang ama na makasal siya kaya madalas siya nitong mina-market sa kung kani-kanino.
"Magkano ang kailangan n'yo?"
"Mas mayaman pa rin ang ama mo," sagot ni Sunny. Naiinsulto na siya. Una, dahil wala silang magawa dahil mahirap lang sila. May kaunting negosyo pero kumbaga para silang langgam tapos elepante naman ang mga Villafuerte. Pangalawa, pinilit siyang magpakasal. Pangatlo, kay Moon pa. Sa lalaking walang ibang ginawa kundi mambabae.
"Sana hindi ka pumayag!" galit na sabi ni Moon at nilapitan si Sunny pero napatigil siya nang amoy alak ito. "Anak ng--lasing ka?"
"Pakialam mo?" galit na tanong ng dalaga.
"Lasing ka ba talaga?"
"Nakainom lang."
"Ba't ka uminom?" singhal ni Moon. "Ganyan ba ang tinuturo ng lalaki mo?"
"Wag mong idamay si Jaycee dito!" singhal ni Sunny. "Wala siyang kinalaman."
"Kampihan mo pa siya?"
"Totoo naman ah!" depensa ni Sunny. "Sana sa kaniya na lang ako ipakasal." Nagulat siya nang hawakan siya ni Moon sa kanang braso.
"Ulitin mo ang sinabi mo, Sunny!" mahina pero puno ng galit na sabi ni Moon.
Tumingala si Sunny at sinalubong ang nagbabagang mga mata ni Moon.
"Sana kay Jaycee na lang ako--uhmp!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang marahas na inangkin ni Moon ang mga labi niya. Sinusubukan niyang itulak ito palayo pero ang tigas ng katawan ng binata lalo na nang hapitin siya nito sa bewang. Nawawalan na siya ng lakas at alam niyang mauubos lang ang lakas kapag ipagpatuloy pa niya ang panlaban kay Moon.
Hinihingal na pinakawalan ng binata ang mga labi niya.
"Ganito ba ang natutunan mo sa kaniya? Ang uminom? Ang pumunta sa night club?" Hindi pa rin niya pinakawalan ang katawan ni Sunny.
"Walang kinalaman--"
"Bakit ka uminom?"
"Dahil pagdating ko ng bahay, sinabi nilang ikakasal na ako sa 'yo!" puno ng hinanakit na sagot ni Sunny. "At ang masama, ginamit pa ninyo ang kapangyarihan ninyo para masunod ang gusto ninyo!"
"May sakit ba ako para pandirihan mo?" tanong ni Moon. "Ano 'yon? Ipa HIV test mo ako? Eh, nakipagtalik ka na nga kagabi!"
"Para habang maaga, maagapan ko na kung nahawa ako," sagot ni Sunny. Paano siya makatakas eh, ang laki ng katawan ni Moon.
Pinakawalan ni Moon ang dalaga at napaupo sa bench. Sumasakit ang ulo niya.
"Alam mo, Sunny? Ako ang dapat na magsabi niyan dahil kung anu-ano na ang pinaggagawa mo sa buhay. Malay ko ba kung kani-kanino ka nakikipagtalik," puno ng galit na sabi ni Moon.
Nakatayo lang si Sunny sa harapan niya habang nakatitig sa kaniya kaya iniwas niya ang mga mata saka nagbilang ng lima para ihanda dahil mukhang sisigawan na naman siya nito pero sa halip na sigaw, isang malakas na sampal ang nakuha niya.
"Kung ganiyan kababa ang tingin mo sa akin, mas mabuti pa ngang sa inyo na ang lahat ng pera namin! Mas gustuhin ko pang maghirap kaysa makapangasawa ng mapagmataas!"
"At kanino ka pupunta?" tanong ni Moon na tumayo. "Kay Jaycee mo?"
"Oo!" matapang na sagot ni Sunny kaya napulot ni Moon ang napakamalaking bato sa kanang bahagi niya.  Sa inis, inihagis niya ang bato pero mga dalawang dipa lang naman ang layo dahil sobrang bigat.
"Bakit mo ako ipagpalit sa mahirap at gagong 'yon?" tanong niya na pigil na pigil ang sigaw. Kumukulo talaga ang dugo niya sa galit.
"Kasi hindi siya ikaw!" sagot ni Sunny.
Naikuyom ni Moon ang kamao. Sagad. Sagad na sagad na ang pasensiya niya.
Ngumisi siya. "Tingnan natin kung anong gagawin niya kapag malamang ikakasal na tayo?"
Tinalikuran niya si Sunny pero agad na napabalik nang marinig ang pagsusuka nito.
"Ugh! Bakit ka ba uminom?" naiinis na tanong niya habang hinihimas ang likod ng dalaga.
"I-Iwan mo na ako." Sabi ni Sunny saka sumuka na naman. Empi kasi ang meron sila sa bahay kaya pinatos na niya dahil sa sobrang inis.
"Ilabas mo lang," sabi ni Moon na hinahagod pa rin ang likod ni Sunny. "Tsk! Hindi ka ba napagod sa ginawa natin kagabi at uminom ka pa?"
"Tumahimik ka na!" saway ni Sunny at tinulak si Moon saka padabog na bumalik sa bahay para yayain na ang mga magulang na umuwi.

I'm not Jealous, Just TerritorialTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang