11

924 43 0
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

Unedited...

"Good morning," bati ni Sunny.
First day of school nila sa Westbridge at sobrang saya niya dahil maipagpatuloy niya ang hilig sa pagluluto at bake. First semester ay kailangang hands on sila sa ingredients kaya heto, may bitbit siyang kung ano-ano at practice sa paggawa ng cakes and cookies. Excited na siya.
15 silang estudyante at ang apat ay medyo may edad na. Tatlong gay, dalawang lalaki at puro babae na.
"Excited na 'ko," sabi ng isa niyang kaklase.
"Ako rin!" bulalas ng isa. "Gusto kong lagyan ng twist ang online cakes and cookies ko."
Obviously, may mga negosyo sila at nais lang na i-improve.
"Sino ba ang teacher natin?" bulong ni Nancy.
"Morning, guys!" bati ng lalaking kakapasok lang kaya napanganga ang mga girls. "So? Are you ready? By the way, I'm Jimson David, your chef instructor in baking." Half-Italian kaya matangkad at mestizo. Sakto lang ang pangangatawan nito pero malakas ang karisma sa mga babae.
"Wow, ilang taon ka na, Sir?" kinikilig na tanong ni Nancy sa guwapong guro.
"Thirty six," sagot ng binata at napasulyap kay Sunny na abala sa paglagay ng dalang ingredients sa mesa. "Guys, mamaya na muna ang ingredients. Please makinig muna kayo, okay?"
Tumigil si Sunny at nahihiyang tumingin sa instructor na nginitian niya kaya lumabas ang dimple nito sa kanang pisngi.
"May asawa ka na, Sir?" tanong ng bakla kaya natawa si Jimson.
"Wala pa," sagot ng binata at napatingin muli kay Sunny na nakatingin na sa kaniya. Ang amo ng mukha ng estudyante niya at sobrang baby face pa. Cute na parang nangungusap ang mga mata.
"Magsimula tayo sa 'yo, Miss? Tell me about you: Name, age and everything na gusto mong i-share sa amin," sabi niya na kay Sunny pa rin ang mga mata.
"M-My name si Sunny. Graduate na ako sa CTU. I have a small bakeshop at gusto ko talagang mas ma-improve pa ang pagbe-bake ko."
"Children?" tanong ni Jimson.
"Wala pa," sagot ni Sunny.
Nagpakilala rin ang ibang kasamahan niya. In-introduce muna ni Jimson ang instruments na gagamitin at kung paano ito gamitin. Twice a week lang ang klase nila kaya kailangang susulitin nila ang oras.
"I'm sure basic na lang sa inyo ito but guys, back to basic muna tayo. Tingnan ko kung maayos na kayong mag-mix ng ingredients."
Vanilla cake batter ang gagawin nila.
Habang gumagawa ang mga ito, iniikot niya ang mga estudyante at tinitingnan kung tama o mali ang ginagawa o pagkakahawak ng gamit.
Napatingin siya kay Sunny na magaan kumilos at tila sinasabayan ang bawat galaw ng baking powder. Hindi rin ito makalat.
"Tama po ba?" tanong ni Sunny nang mapunang nakatingin sa kaniya ang guro. "Sir, sabihin mo kung mali ha."
"Tama naman ang paghalo mo," sabi ni Jimson at lumipat sa isang estudyante pero napabalik nang makitang pahulog ang spatula ni Sunny at sinalo niya kaya napadikit ang mukha sa tagiliran ng dalaga. Ang bango nito.
"Nahulog," sabi niya at ibinigay kay Sunny.
"Thank you, Sir," magiliw na ipinagpatuloy ni Sunny ang ginagawa nang tumunog ang cellphone sa bulsa.
"Need my help?" tanong ni Jimson. "Baka mahalaga ang tawag."
"Huwag na po," nakangiting sabi ni Sunny. "Call back na lang ako mamaya. Baka si Mama lang 'yan."
Tumango si Jimson at lumapit sa isang bading na kalat na ang ginagawa at mali ang galaw ng mga kamay.

-------------------

"May kailangan ka pa?" tanong ni Star sa kapatid na pabalik-balik sa silid habang hawak ang cellphone.
"Si Sunny," sagot ni Moon.
"Ano'ng mayroon sa kaniya?"
"Hindi niya sinasagot ang tawag ko."
"Malamang nasa klase 'yon."
"Bituin, p-paano kung na-kidnap siya?" kinakabahang tanong niya.
"Kumain ka na nga! Kung ano-ano ang iniisip mo e! Tara, kain na pala tayo. Nandoon na sina Daddy sa baba ng office."
Nag-aalala talaga siya kay Sunny. Mahigpit na ibinilin niyang tumawag ito o mag-text sa kaniya kapag nasa school na. Ayaw pa nitong magpahatid dahil baka raw malaman ng lahat na ito ang asawa niya. Baka hindi na raw ito itatama ng guro at lahat ng gagawin ay tama lang daw.
"Halika na, Buwan!" yaya ni Star. "May dalang cheesecake si Chummy ko."
"I-enrol mo rin kaya si Chummy?" suhestiyon ni Moon. "Para may kasama si Sunny."
"Ayaw niya. Isa pa, okay na kay Chummy na cheesecake lang. Na-perfect na niya ang cake e."
"E kung kay Chummy na lang kaya si Sunny magpaturo?"
"Ano ba ang problema mo, Moon? Sa Westbridge naman si Sunny kaya huwag kang mag-alala. Kaysa naman ipadala mo siya sa ibang bansa."
"Ay, hindi puwede!" pagtutol ni Moon. "Hindi ko kayang malayo sa asawa ko."
"Eh 'di magtiis ka. Kumalma ka nga. Kain na tayo."
Napilitan siyang sumama sa kapatid para kumain.
"Wait, mauna ka na," sabi niya nang makitang tumatawag si Sunny.
"Honey," sabi niya. "Kumusta ang klase? Busy ka ba? Ba't hindi mo sinasagot ang tawag ko?" nagtatampong tanong niya.
" Sorry, Buwan. May ginagawa ako kanina nang tumawag ka. Okay naman ang pasok namin.
Masaya."
" Halata nga sa boses mo," sabi niya at napangiti. "Honey? Sunduin kita mamaya."
" Pagpiyestahan tayo ng fans ng kabet mo!"
" Hindi ko 'yon kabit! Hindi na lang ako bababa ng kotse, promise."
" Buwan-"
" Sige na. Miss na talaga kita, Honey ko."
Narinig niya ang seksing tawa ng asawa kaya napangiti siya.
"Para kang sira! Bilisan mo na raw!" tawag ni Sun na sinusundo siya dahil siya na lang ang wala.
"Oo na," sagot niya. "Hon? Tawag ako mamaya ha. Di ba four hours lang kayo? Until what time kayo?" tanong niya.
" Four. Six hours kami ngayon," sagot ni Sunny.
"Sige na. Tawag ka kapag hindi ka busy. I love you."
Tinapos na niya ang tawag at pinuntahan ang pamilyang naghihintay sa kaniya. Nasa main office silang lahat ngayon dahil na rin sa pakiusap ng kanilang ama. Nagpapatulong ito kung ano pa ang gagawin at magandang programa sa empleyadong may kapansanan sa toy factory nila.
"Mag-anak ka na, Moon," sabi ni Sky sa anak. "Ikaw na lang ang walang anak."
"Sige. Kakausapin ko si Sunny," sagot ni Moon at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Baog ka yata e!" biro ni Star. "Baka ikaw ang nagmana kay Mommy?"
Natigilan si Moon at napatingin sa mga kapatid at ama na nakatingin sa kaniya. Hindi naman siya nagco-condom e. Panay pasok pa nga siya kay Sunny. Bigla siyang kinabahan. Paano kung baog nga siya? Napalunok siya ng laway.
"Biro lang, Buwan. Ano ka ba, hindi pa ninyo time," pagbawi ni Star nang mapansing namutla ang kapatid.
"P-Paano kung baog nga ako?" wala sa sariling sagot niya kaya natahimik ang lahat. Masyadong maselan ang topic na ito. "P-Paano kung hindi ko mabigyan ng anak si Sunny?"
"Haist! Huwag nga kayong ganiyan! Magkakaanak ka! Anak kaya kita!" saway ni Sky at inakbayan ang katabing anak. "Huwag kang mag-alala, Buwan. Magkakaapo pa ako sa 'yo."
Humarap si Sky sa mga anak. "Kayo, kumain na nga kayo. Masarap ang ulam kaya ubusin ninyo."
"Ang sarap talaga ng ginataang talangka!" pag-iiba ni Star kaya nagbabaga ang mga matang tumingin si Clouds sa kaniya pero dedma lang ito.
"Sinadya n'yo 'to, 'no?" tanong ng binata kaya natawa si Star.
Walang kibong kumain si Moon at kung saang lupalop na nakarating ang diwa niya.

--------------------------

Sa wakas, uwian na kaya tinext niya ang asawa para masundo siya.
"Kumusta ang firstday?" tanong ni Jimson.
"Okay lang po," sagot ni Sunny habang nililigpit ang gamit. Ang iba ay umuwi na. "Masaya po. Nag-enjoy ako. Hilig ko talaga ang baking."
"Good," sagot ni Jimson. "Pauwi ka na ba?"
"Ahm? Yes po." Tumingala siya sa matangkad na guro. "Bakit ho?"
"Ah, I heard na may masarap na ice cream house na malapit lang dito," sagot ni Jimson at napatingin sa maamong mukha ng estudyante.
"Oo nga raw ho e. Kaso pauwi na ako. Try mo na lang po, Sir. Masarap 'yon."
"Really?"
"Yes po. Ilang beses na kaming kumain diyan ni Nica."
"Nica who?"
"Bestfriend ko po," sagot niya. "Noong college kami, madalas kaming naliligaw rito para lang bumili ng ice cream."
"Hindi ka ba dito nag-aral?"
Umiling ang dalaga. "CTU po ako nag-graduate."
"Oh, school of frasorities," ani Jimson.
"Yes po. Ikaw, Sir?"
"Dito," sagot ni Jimson. "Westbrinian ako."
"Good," sabi ni Sunny at nginitian ang binata. "See you sa Friday."
Tumango si Jimson at sinundan ng tingin si Sunny.
Inayos ni Sunny ang buhok at damit habang naglalakad. Palabas na siya ng gate nang makita niyang tumigil ang sasakyan ng asawa.
"Ayaw ko na sa mga Villafuerte!" sabi ng isang estudyanteng nasa unahan niya. Tatlo silang naglalakad. Isang mataba at dalawang sakto lang ang pangangatawan.
"Bakit?"
"Niloko lang ni Moon si Kristel! May asawa na pala siya tapos pinatulan pa niya si Girl!" pagdadabog ng isa.
"Si Moon pa. E, playboy 'yon."
"Baka pangit ng asawa kaya humanap ng iba!" Nakasimangot na sabi ng isa dahil sobrang idol niya si Kristel. "Pag makita ko ang asawa niya, sasabunutan ko talaga!"
"Ano kaya ang mukha ng asawa ni Moon at pumatol pa siya kay Kristel?" curious ng mataba.
"Showbiz lang. Panigurado, dudumugin ang asawa nun kapag magpakita sa publiko!"
Napasimangot si Sunny. Hindi porket sikat ang Kristel na 'yon, aawayin na siya?
"Excuse me!" pagtataray niya at dumaan sa gitna ng tatlo para maunang maglakad.
"Sino 'yon?" nagtatakang tanong ng mataba.
"Attitude, ganda ka, gurl?" tanong ng isa sa kanila kaya lumingon si Sunny at tumigil.
"Pasensiya na po, nagmamadali lang ako. Hindi ko kasi kayo maunahan," paumanhin niya at matamis na nginitian ang tatlo. Ewan ba niya pero na-starstruck yata sila dahil napatulala.
Tumakbo na siya palapit sa sasakyan ng asawa at sumakay sa frontseat saka mabilis na isinara ang pintuan.
"Hi," bati niya kay Moon pero nawalan na ng gana.
"Hello," matamlay na sagot ni Moon saka inabot ang 3 white roses sa kaniya.
"Salamat."
Tumango lang si Moon at nagmaneho. Dahil wala sa mood si Sunny, hindi siya nakipag-usap sa asawang mukhang wala ring gana.
Dumiretso siya sa kuwarto at nagpalit ng damit saka bumaba sa kusina at naghanap ng maluluto.
"Anong gusto mong ulam?" tanong niya mula sa kusina pero hindi sumasagot si Moon kaya sinilip niya. Tulala ito habang nakaupo sa sofa kaya lumapit siya at naupo sa tabi ni Moon. Pogi talaga ng mokong. Kaya marami siyang karibal e.
"May problema ba, Buwan?" tanong niya kaya napatingin si Moon sa kaniya.
"W-Wala, honey," sagot niya at napatitig sa magandang mukha ni Sunny. Umangat ang kanang kamay niya at hinaplos ang kaliwang pisngi ng asawa. "Alam mo bang mahal na mahal kita, Sunny?"
"Nagdadrama ka na naman? Oo na po, pinapatawad na kita sa mga kasalanan mo noon," sabi ni Sunny pero hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata ni Moon.
"Honey? G-Gusto ko nang magka-baby," alanganing sabi ni Moon. Tinabig ni Sunny ang kamay niyang nasa pisngi nito.
"Magluluto lang ako, Buwan. Dito ka lang, okay?"
Malungkot na sinundan ni Moon ng tingin ang asawa. Paano kung baog nga siya? Iiwan kaya siya ni Sunny? Oo, nasa kaniya na raw ang lahat pero aminado siyang anak ang bubuo ng isang pamilya. Paano kung hindi niya iyon maibigay kay Sunny? Maghahanap kaya ito ng iba?
" Gusto ko lang naman ng anak na si Sunny ko ang ina," naiiyak na bulong niya.

I'm not Jealous, Just TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon