10

1K 40 0
                                    

I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...

"Hmm? Wala po kasi tayong closure," sabi ni Moon at iniunan ang ulo ng asawa sa kanang bisig niya tapos kinuha niya ang kamay nito saka pinayakap sa bewang niya.
Magsa-shower na sana si Sunny pero hinila niya pahiga sa kama.
"Basta ka na lang kasi nawala tapos may iba ka na."
"Kasi iniiwasan mo na ako at sumama ka sa lalaki mo," sumbat ni Moon.
"Hmm? Di naman kami a. Minsan lang ako gumagala. Susulpot ka lang kapag kasama ko ang barkada ko. Di ka pa nakipaghiwalay."
"Ayaw ko kasi ng closure. Ayaw ko ng breakup. Gusto kong isipin na wala tayo pa rin para anytime, maaangkin pa rin kita."
"Selfish!" ani Sunny kaya ngumiti si Moon at mabilis na nagpalit ng puwesto saka bumaibabaw kay Sunny. "Hon? I miss you."
"Gulo mo," ani Sunny.
"Hmm? Di na ngayon," nakangiting sabi ni Moon at yumuko saka masuyong hinalikan si Sunny.
Ngumiti ang dalaga at hinaplos ang mukhang nakatunghay sa kaniya.
"Talaga?" tanong niya.
Ngumiti si Moon. Ngiting tumutunaw sa puso niya mula noon. Bakit ba kahit nakakainis ito, palagi siyang nadadala sa mga ngiti ng mokong?
"Yes," siguradong sabi ni Moon pero umarko ang kanang kilay ng asawa. "Promise, honey. Mahal kita at magbabago na ako para sa 'yo. Hindi dahil sa magboom boom paw tayo ngayon kundi dahil sa mahal talaga kita kahit na wala pang boom boom paw."
Ngumisi si Sunny kaya napakunot siya ng noo.
"Wala palang boom boom paw ha?"
"Uh-uh. Hon naman, biro lang 'yon. Meron talagang boom boom paw. Alam mo namang miss na kita eh," reklamo niya. Nandoon na e. Sarap putulin ng dila niya.
"Nasabi mo na."
"Shocks! Honey naman, kahit lang naman pero meron talaga," yumuko siya saka hinalikan ang asawa sa leeg pero tinulak siya ni Sunny. "Damn! Ilang linggo na akong nagtitiis, wala pa tayong honeymoon."
Tumayo siya saka nagmamadaling naghubad. Wala namang magagawa si Sunny kapag magpumilit siya. Kanina pa siya sa sasakyan nasasabik pero nagpipigil lang siya dahil ayaw niyang mabitin.
Napangisi siya nang makita ang pagnanasa sa mga mata ng asawa nang tuluyan niyang nahubad ang saplot.
"I'm sexy and I know it," proud na sabi niya. Napayuko siya. Tamang-tama dahil tayong-tayo ang alaga niya na handa na sa pakikipagdigmaan.
"I know, honey," matamis na ngumiti si Sunny. Ngiting nagpasimangot kay Moon.
"Fuck!" bulalas ni Moon. "No way!"
"See it for yourself," may paghamon na wika ni Sunny kaya unti-unting nawalan ng kulay si Moon.
"H-Honey naman, not now. Hindi magandang biro 'yan," ani Silver.
Tumayo si Sunny at hinatak ito papasok sa bathroom. Parang robot na nagpatangay si Moon sa asawa. Naghubad ng saplot si Sunny saka binuksan ang shower. Nanlumo si Moon nang makitang pumula ang tubig sa sahig na nagmula sa katawan ng asawa.
"Fuck! Malas naman oh!" naiinis na sabi niya sabay padyak pa ng kanang paa kaya natawa si Sunny. "Hindi nakakatawa, Sunny!"
Sinabayan niya itong maligo saka nilaro ang sandata sa harapan ng asawa.
"Di ka nahiya?" tanong ni Sunny.
"Psh! Asawa na kita," ani Moon saka yumuko ang inangkin ang right boob ni Sunny habang ang isang kamay ay hawak ang ano niya.
Naawa naman si Sunny kaya tinulungan na niya si Moon na makaraos.
Kinabukasan, maaga pa siyang nagising at hinayaan niyang matulog si Moon dahil mukhang pagod ang mokong.
Nagtimpla siya ng gatas at kinuha ang newspaper. As expected, nasa headline nga sila ni Moon pero blurred ang mukha niya kagaya ng ipinangako ni Moon. Habang pauwi sila kagabi, tinawagan nito ang may kontak sa reporters. Lahat daw ng reporter na nandoon ay hawak nila. Ang ibang fans naman ay kakasuhan oras na maipalabas ang litrato nilang hindi naka-filter ang mukha niya.
Hindi na niya binasa. Ang mukha lang naman niya ang chineck niya dahil gusto niya ng simple at tahimik na buhay. Hirap na kapag isapubliko siya dahil artista pa naman ang nali-link kay Moon.
Sa social media, kesyo ginagamit daw ni Moon si Kristel at niloloko lang etc...
"Ano ba!" reklamo niya nang hablutin ni Moon mula sa likuran niya ang cellphone.
"Magbabasa ka tapos ako na naman ang kawawa niyan," sabi ni Moon saka hinila ang upuan at naupo sa tabi ng asawa.
"Tsk! Ba't ba kasi gumawa ka ng eksena kagabi?" naiinis na tanong niya. Wanted na tuloy siya.
"I want to live my life the way I want. Pakialam nila!" sagot niya at kinuha ang newspaper saka binasa ang nilalaman. "Ba't ko naman lolokohin si Kristel e wala namang kami?"
"Kayo nga, 'di ba?" pagtataray ni Sunny.
"Eh? Walang kami. Ba't ba kasi ako pumayag."
"Kasi nakipaglaplapan ka sa kaniya!"
Napabuntonghininga si Moon. Iyon na yata ang pinakabangungot na nangyari sa buhay niya.
Hinawakan niya ang kanang kamay ng asawa.
"Huwag kang magalit, honey, ha?"
"Saan?"
"Sa isyu namin ni Kristel. Pinagsisisihan ko 'yon. Sana naman magsimula na tayo ng panibagong buhay. 'Yong ngayon lang talaga. 'Yong di na natin ibalik ang nakaraan."
"Pabor sa 'yo eh, noh?" ani Sunny.
"Sige na. Siyempre nagbabago ang tao."
"Oo na," pagsang-ayon ni Sunny.
"Thank you, hon." Dinala niya sa mga labi at hinalikan ang kamay ng asawa. "I love you."
"By the way," ani Sunny. "Maiba tayo. Gusto kong matuto pa sa pagbe-bake. Alam mo 'yon? Matagal nang nakatengga ang utak ko. I want to create something you. Something unique. Iyong kakaiba sa lahat."
"Tapos?"
"Gusto kong mag-aral ulit kahit six months lang," sabi ni Sunny kaya natigilan si Moon. "Sa ibang bansa."
"I-Iiwan mo ako?" natarantang tanong ni Moon.
"Six months lang naman," naka-pout na sabi ni Sunny pero sunod-sunod na umiling si Moon.
"Hindi ako papayag."
"Honey?" may paglambing na wika ni Sunny.
"No. Kahit maglulupasay ka pa riyan."
"Para naman 'yon sa future natin."
"Anong future?" bulalas ni Moon at pinagmasdan si Sunny mula ulo hanggang paa na para bang isang kriminal. "Eh, secure naman future natin. Nasa iyo na nga lahat ng pera ko e. May bakeshop ka na nga, ano pang hanap mo?"
"Iba pa rin kasi talaga na may experience ako at diploma sa baking, 'di ba?" malapit nang maubos ang pasensiya niya. "Parang six months lang e. Dali nun."
"Madali?" ulit ni Moon. "Sunny? Never pang umabot sa one month nahindi tayo nagkita!"
Totoo naman. Kahit na wala na sila o nag-away, hindi lumagpas sa one month na hindi niya nakita ang dalaga. Madalas gumagawa siya ng paraan para kunyari magkrus ang landas nila.
"E di sumama ka na lang."
"Alam mong hindi puwede. Matagal ang six months at sa anim na buwan, marami ang mawawala sa negosyo."
"E di dalawin mo na lang ako kapag na-miss mo 'ko. May video chat naman ah."
"Huwag mong sirain ang araw natin," seryosong sabi ni Moon.
"Gusto ko talagang mag-aral," nanlulumong sabi ni Sunny.
"Dami namang paaralan dito sa 'Pinas, ba't sa ibang bansa pa?"
"Magagaling kasi doon eh."
"Psh! Mas magaling sa 'Pinas. Magpapahanap ako ng mas magandang school."
"Ayaw ko sa CTU," tanggi ni Sunny. Isa pa, magulo ang paaralang 'yon.
"Sinong nagsabing sa CTU ka?" salubong ang kilay na tanong ni Moon.
"Ha?"
"Sa Westbridge ka!"
"Kyah! Talaga?" tili ni Sunny at hinarap ang asawa. "Really?"
"Psh! Mukhang gusto mo naman. Mas okay na 'yon kaysa sa ibang bansa ka pa mag-aral."
"Thank you, honey," masiglang pasalamat ni Sunny at niyakap ang asawa. She loves baking. Ito ang pangarap niya mula noong bata pa sila.
"Pasyal tayo," yaya ni Moon matapos tumingin sa relo.
"Saan?" tanong ng dalaga at sinalubong ang mga mata ng asawa. Gosh, ang suwerte naman niya dahil kada umaga, ang guwapong mukha ni Moon ang nasisilayan niya. Sana lang ay tuparin na nito ang pangakong magbago at magsimula sila bilang mag-asawa.
"Masyado kang obvious na inlove sa akin, honey," nakangiting wika ni Moon.
"Saan nga tayo papasyal?" pag-iiba ni Sunny habang pinupusod ang mahaba at tuwid na buhok kaya natawa si Moon.
"Diyan lang, maglakad-lakad," sagot nito at tumayo.
"Sige," pagpayag ni Sunny at inubos ang gatas saka sumama sa asawa.
Hawak-kamay silang naglakad sa kalsada. Sariwa ang hangin dahil may malalaking puno ng mahogany sa gilid ng kalsada at may acasia rin. Halos lahat ng gilid ay may puno at pati playground ng villa ay ganoon din. May swing, slides etc...
"Buti naman at wala tayong nakakasalubong," sabi ni Moon.
"Hmm? Nahiya kang ipaalam na bati na tayo?"
"Hindi ah!"
"Hmm? Natatakot ka kasi ang OA mo noong ikinasal tayo."
"Ikaw rin naman, Sunny!" Pinisil niya ang kamay ng asawa. "Bili tayo ng buko juice sa labas," yaya niya dahil may nagtitinda sa labas ng villa. Madalas itong makita ng Lolo Skyler nila pero hindi nito mapaalis si Manong dahil magagalit ang Lola Kimberly nila. Wala naman daw ginagawang masama ang tao sa kanila.
"Sige," pagpayag ni Sunny.
Bumili sila ng buko juice. Nakatatlong baso pa si Moon.
"Hindi halatang mahilig ka sa buko," sabi ni Sunny matapos itapon sa basurahan ang plastic cup.
"Hindi nga. Dapat magtatanim talaga kami ng buko sa bawat gilid ng kalsada e," anito na napailing na lang.
"Oh? Ba't hindi kayo magtanim?"
"Sinubukan namin nina Star pero kinaumagahan, nasa basurahan na ang kawawayang binhi ng buko," sagot ni Moon.
"Ha? Bakit?"
"Mahabang istorya. Basta," sagot ni Moon.
"Uwi na tayo, mainit na," yaya ni Sunny at naunang maglakad.
"Honey!" tawag ni Moon kaya napalingon si Sunny.
"Bakit?" tanong ng dalaga na nginitian ang asawa.
Natigilan si Moon. Noon pa man, gandang-ganda na siya kay Sunny. Parang bumalik lang siya noong teenager pa sila. Ang puso niya, ganoon pa rin makipagkarera kapag ngumiti si Sunny.
Madalas na nai-insecure ito sa mga babaeng nakapaligid sa kaniya pero hindi lang nito alam na para sa kaniya, ito na ang pinakamagandang babaeng nakilala niya maliban sa mga babae sa pamilya nila.
Ang simple nito at sobrang sarap pang yakapin. Sobrang inlove siya kay Sunny mula pa noong una nilang pagkita.
"Ano 'yon?" tanong ni Sunny dahil natulala na ang asawa. "May problema ba, Moon?"
"I l-love you," sambit ni Moon at inakbayan siya. "Mahal kita kaya pakabait ka, okay?"
"Ikaw kaya ang pasaway," sabi ni Sunny saka inilagay ang kamay sa bewang ng asawa.
"Nagbabago na ako, promise," pangako ni Moon.
"Let's see," sabi ni Sunny habang naglalakad sila papasok sa villa.
Tumigil ang itim na auto at bumukas ang bintana sa driver's seat.
"Wow, mukhang madadagdagan ang apo ni Daddy ah!" tukso ni Clouds.
"Lumayas ka na nga!" pagtataboy ni Moon at tinanguan si Seola na nginitian sila.
"Good luck, Sunny!" may paghamong sabi ni Clouds bago isinara ang bintana ng sasakyan at lumabas ng villa.
"Ang aga naman yata nilang umalis," puna ni Sunny.
"Alam mo naman ang mga 'yon. Kung hindi showbiz, business ang inaatupag," sagot ni Moon.
Tiningala siya ni Sunny.
"Bakit hindi ka kaya mag-artista? Guwapo ka naman."
"Salamat sa compliment, honey," ang lapad ng ngiti ni Moon. "Alam kong pogi ako pero hindi pa nga ako artista, pinag-aagawan na ako. Paano na lang kaya kapag pinasok ko pa ang showbiz?"
"Yabang!"
"May maipagmayabang naman."
"Hmp!"
"Sayang noh? May buwesita ka!" nanghihinayang na sabi ni Moon kaya natawa si Sunny. Naalala niya kasi ang mukha ng asawa kagabi. Sabik na sabik pa talaga ang lokong magboom boom paw pero parang binuhusan ng yelo nang malamang meron siya. "Di na bale, may nextime pa naman."
"Wala na. Whole year akong meron," biro ni Sunny.
"Hihintayin talaga kita. Lagot ka sa akin kapag umalis na 'yang lintik na buwesita mo!" pagbabanta ni Moon. Sagabal talaga kagabi. Hindi pa naman niya inaasahan pero sa dami ng araw, bakit kagabi pa? Naputol tuloy ang kaligayahan niya. Pasalamat na lang siya at tinulungan siya ng asawang makaraos sa shower room.
"Hmm? Bakit naman ako malalagot, aber?" nakataas ang kanang kilay niya habang nakatingala kay Moon.
"Dahil nextyear na siya babalik ulit," malokong sabi niya.
"Nextyear?"
"Oo. Gagawa na tayo ng baby," excited na sagot ni Moon kaya natahimik si Sunny. "Nakikita mo ang playground na 'yan? Pulunuin natin 'yan ng mga bata. Diyan mo hahabulin sila araw-araw at dito sa buong villa kayo maghanapan."
Napabuntonghininga na lang si Sunny. Eh kung ito na lang kaya ang magdalang-tao? Tutal ilang taon na rin naman itong nagkandarapang magkaanak sila.

I'm not Jealous, Just TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon