18

943 40 0
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 18

Unedited...

"Come here, Baby, give me that phone!" sabi ni Moon sabay turo ng cellphone kay Eclipse pero nakatunganga lang ito sa kanya. "Come on, Eclipse!"
"Hindi 'yan susunod kasi baby pa siya," sabi ni Sunny at inilapag ang pizza sa harapan ng asawa.
"Hindi ako kakain!" madiing sabi ni Moon.
"Eh 'di huwag!" pagsisinuplada ni Sunny.
"Paano ako kakain e, puro hipon 'yan!"
"May pusit naman a!" Tumaas na ang boses ni Sunny. "Bakit ba ang arte mo? Wala ka namang allergy sa hipon a! Kumakain ka naman nito noon! Bakit ba napaka-bitter mo?"
Natigilan si Moon. Ngayon lang niya ulit nakita si Sunny na galit at sinigawan pa siya nito.
"Hindi mo kasi ako naintindihan. Kung kakain ka, kumain ka lang, Sunny!"
"Ah, ganun?" ani Sunny na nakapamewang. "Kumain ka!"
"Ayaw ko!"
"Ayaw mo?" nakataas ang kanang kilay ni Sunny. "Ayaw mo talaga, ha?"
"Honey kasi—" Napakamot siya sa ulo. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya sa inaasal ng asawa. "Hey!" sabi niya at nasalo ang pizza na itatapon sana. "Aw!" Mabilis na inilapag niya sa upuan ang pizza. "Ang init! Bakit mo itatapon?"
"Ayaw mong kumain e!" sabi ni Sunny. "Ginawa ko 'yan para sa ating dalawa pero nag-iinarte ka! Mas mahalaga pa ang pride mo kaysa tikman ang luto ko!"
Napabuntonghininga si Moon. "Alam mo namang ayaw ko talaga sa hipon, 'di ba?"
"Okay lang," sabi ni Sunny at kinuha ang pizza. "Papakain ko na lang 'to kay Star."
Tinalikuran niya si Moon.
"Hey! Wait, Honey! Kakainin ko na!" Habol ni Moon saka hinarangan ang asawa. "Kakainin ko na, Honey. Huwag ka nang magtampo."
Si Sunny ang tipo ng asawang hindi mo puwedeng galitin dahil kung ano ang maisipan, gagawin talaga.
"B—Balik na tayo, Honey. Share na tayo sa pizza, okay?" pag-aalo niya saka iginiya ang asawa pabalik sa sala.
"Kala ko ayaw mo?"
"Siyempre mahal kita e. Matitiis ba kita?"
Naupo sila sa sala at nanonood ng TV habang kumakain ng pizza. Ibinalita na rin ang engagement ni Kristel at inamin nito sa publiko na wala naman talaga silang relasyon ni Moon at pareho lang silang lasing.
Pasimpleng sinulyapan ni Moon ang asawang sarap na sarap sa pizza.
"Bakit?" tanong ni Sunny nang maramdamang nakatitig ang asawa.
"W—Wala," sagot ni Moon na namumula ang magkabilang pisngi.
"Ano nga, Buwan?"
"Masaya lang ako na asawa na kita, Honey. Dati crush lang kita e." Iniwas niya ang mga mata. Mag-asawa na nga sila at kapag mag-request siya ng boom boom paw, pinagbibigyan naman siya ng asawa pero naiilang pa rin siya. "Hindi ko maintindihan pero Sunny, crush pa rin talaga kita hanggang ngayon." Hinawakan niya ang kamay ni Sunny at dinala sa dibdib niya. "Pakiramdam mo, ang lakas pa rin ng tibok o."
Hinila ni Sunny ang kamay at itinuon ang mga mata sa TV. Hindi niya crush si Moon noong una nilang pagkikita. Akala nga niya, hindi ito part ng team galaxy. Si Dust ang una niyang crush pero dahil madalas na kinukulit siya ni Moon, paunti-unti nang nahulog ang loob niya. Isa pa, guwapo naman talaga si Moon, presko nga lang.
Inakbayan ni Moon ang asawa at hinalikan sa ulo.
"I love you, asawa ko."
"I love you too. Basta ubusin natin 'to, Buwan."
"Para sa 'yo," napilitang pagpayag ni Moon at napatingin kay Eclipse na pumagitna sa kanila.
Kinuha ni Moon at cellphone.
"Look, Baby, ginagamit ko ang phone sa pagtawag," sabi niya at inilagay sa tainga pero dedma ang tuta at inamoy ang pizza. "Hey, bawal ka niyan. Matatae ka."
"Hindi pa ba talaga siya puwede?"
"Ginagalis sila kapag kumain ng ibang food, Honey. Tapos nalalagas ang balahibo kapag hindi sanay," sabi niya kahit na hindi sigurado. Well, narinig lang niya sa kaklase noong mahilig sa aso. Kapag hindi raw dog food ang kinakain, nalalagas ang balahibo at ginagalis.
Kumain sila ni Sunny at maghapon na nakatunganga.
"Simba tayo, Sunny," yaya ni Moon. "Sa Baclaran."
"Wala namang mass ngayon."
"Dasal lang," sabi niya kaya pumayag si Sunny.
Bitbit si Eclipse, pumasok sila sa loob ng simbahan. Naunang lumuhod si Moon kaya sumunod si Sunny at taimtim na nanalangin sa isipan.
" Lord, alam kong minsan o madalas na
nakakalimutan kong magpasalamat o manalangin sa 'yo. Alam kong marami akong pagkukulang bilang tao pero nagpapasalamat pa rin ako sa biyayang
ipinagkaloob mo. Pamilya, kaibigan, at asawa. Salamat po at nagbago na si Moon. Salamat kasi
ipinaramdam niya na mahal niya ako sa kabila ng
deperensiya ko."
Mariing napapikit siya at napalunok ng laway saka pinipigilan ang mga luha pero bumagsak pa rin.
" Lord, pakiusap, ipagkaloob mo po sa akin ang matagal ko nang pinapanalangin. Lord,
nagmamakaawa po ako, isa lang. Kahit isang baby lang po. Parang awa mo na po. Magiging mabuting ina po ako. Aalagaan ko pong mabuti ang bata. Parang awa mo na po, bigyan mo po kaming mag-asawa ng anak," Tumutulo ang luhang panalangin niya. Naramdaman niya ang pagtapik ni Moon sa balikat niya kaya napadilat siya at pinahidan ang mga luha.
"T—Tapos ka na?" Naupo siya sa tabi nito. Napahagulgol siya nang yakapin siya ni Moon at hinaplos ang likod niya.
"It's okay, Honey. Tahan na, n—nasasaktan akong makita kang ganito. Please, huwag ka nang umiyak," pakiusap ni Moon na naluluha na rin. Hinagkan niya sa noo ang asawa at hinigpitan ang yakap. "Hindi ko na iyon pinalangin, Sunny."
Napatingala si Sunny sa asawa.
"A—Anong—"
"Noong malaman kong ikaw ang may problema, tumigil na ako sa panalangin at nagpapasalamat na lang sa Kaniya. Ang ipinapanalangin ko na lang ay sana huwag ka nang malungkot dahil nandito naman ako. Sana healthy kayo ni Eclipse at sana malakas pa ako para maalagaan kita. Kung hindi ibigay ni Lord, tatanggapin ko iyon. Ang mahalaga, nasa akin ka. Wala naman akong ibang pinapanalangin mula noon kundi maging akin ka. Kung bibigyan tayo ni Lord ng baby, bonus na lang iyon, Sunny."
"H—Hindi ba kapag family, dapat may baby?" humihikbing tanong ni Sunny at kumawala mula sa pagkakayakap ng asawa.
"Hindi ba't dapat talaga kasal muna ang mauna?" tanong ni Moon. "At kapag kasal na, automatic na pamilya na iyon? At kapag magka-baby, eh 'di lumalaki na ang pamilya. Basta Sunny, kahit tayong dalawa lang, magpamilya pa rin tayo. Nandiyan si Eclipse para maging baby natin at bumuo ng pamilya natin."
"T—Thank you, Moon. Salamat kasi hindi mo ako iniiwan."
"Hinding-hindi kita iiwan, Sunny. Asawa kita at pinakasalan kita dahil mahal kita—hindi para anakan lang."
Ngumiti si Sunny at hinawakan ang kamay ni Moon saka tumayo at habang bitbit ni Moon si Eclipse, dumaan sila sinisindihan ng kandila bago umuwi.
Kagaya ng kinagawian, sa bahay nina Skyler sila nag-dinner. As usual, hinahabol na naman nina Twinkle si Eclipse.
"Kain na!" anunsyo ni Kimberly kaya kumain na ang mga ito.
Habang kumakain, panay naman ang takbo ng bunso nina Clouds kaya habol nang habol si Clouds sa anak. Lahat ng lalaki ay sila ang nag-aalaga ng mga anak nila. Iyon ang tradisyon na pinamana ng yumaong Lolo Ryan nila sa mga Villafuerte.
Nang matapos kumain, naupo muna sila sa sala para mag-usap habang umiinom ng tsaa.
"Kyah! Papa si Tito Moon o!" tili ni Ocean nang yakapin ni Moon. Nagpupumiglas ang bata pero ayaw nitong pakawalan.
"Sa amin ka na lang matulog," sabi ni Moon.
"Ayaw! Papa!" tawag ni Ocean kaya natawa si Matter.
"Yaan mo na si Tito mo, na-miss ka lang niya," sabi ni Moon.
Napatingin si Sunny sa asawang masaya habang nakikipagharutan sa mga pamangkin. Nakaramdam siya ng lungkot. Siguro kapag may anak sila ni Moon, magiging mabuting ama ito kagaya ng mga kapatid.
"Tito, hindi ko po mahanap si Eclipse," sabi ni Twinkle kaya napatayo si Moon.
"Wait, saan na ba siya?" tanong ni Moon.
"Nasa labas po kaso madilim, may mumu e," natatakot na sagot ni Twinkle.
"Shit!" Tumakbo si Moon sa labas at hinanap si Eclipse.
"Eclipse? Baby? Come out, let's go home na!" Malakas na tawag niya at sumipol pero walang Eclipse na lumabas. "Come on, Baby! It's bedtime na!" Nilakasan niya ang sipol pero wala pa ring puting tuta na lumabas.
"Saan na ba siya?" tanong ni Sunny na sinundan ang asawa.
"Pota! Eclipse naman!" pikong sabi ni Moon. "Stop playing na! Uwi na tayo!" Nilakasan pa niya ang sipol pero wala pa rin kaya nagsimula na siyang mag-panic. "I'm serious, Eclipse! Labas na!" sigaw niya at inisa-isa ang halaman sa paligid.
Biglang lumiwanag ang paligid nang buksan nina Sky ang ilaw sa poste.
"Nakita ninyo?" tanong ni Sky. Lumabas na silang lahat nang marinig ang malakas na boses ni Moon.
"H—Hindi e!" sagot ni Moon."Potang ina! Nasaan na 'yon?"
Hinalughog nila ang buong paligid pero wala pa rin si Eclipse.
"Buwesit!" Sinuntok niya ang isang puno at pinagsisipa sa inis.
"Baka lumabas," sabi ni Star na hawak ang umiilaw na cellphone.
"'Yong aso ninyo, iuwi na nga ninyo!" naiinis na sabi ni Skyler na palabas ng bahay at hawak si Eclipse.
"Eclipse!" bulalas ni Moon saka kinuha sa lolo ang tuta at niyakap. "S—Saan ka ba nagsusuot, ha? Alam mo bang nag-aalala kami ng mommy mo sa 'yo?"
Tumahol si Eclipse at nag-wiggle ng buntot.
"Nasa kuwarto na namin 'yang aso ninyo. Napagod siguro kaya nahiga sa kama," sabi ni Skyler.
"Tuta pa lang po siya, Lolo," mahinang pagtatama ni Moon. "At hindi po siya basta tuta lang, anak namin siya."
"Pero—" Napatigil si Skyler nang pinisil ni Kim ang braso niya. "Bantayan na ninyo ang anak ninyo sa susunod para hindi na pumasok sa kuwarto dahil sa liit niyan, baka madaganan ko."
Medyo kumalma na si Moon.
"P—Pasensiya na po," paumanhin ni Moon sa pamilya at hinaplos ang ulo ni Eclipse. "Natakot lang ako. Akala ko nawawala na ang anak namin."
Sinikap ng mga kapatid niya na balewalain ang lungkot sa mga mata. Tumalikod si Taira at pumasok sa loob saka doon na umiyak. Kung mayroon mang nakakaunawa kay Sunny, siya iyon.
"M—Mauna na po kami," paalam ni Sunny at hinawakan ang kamay ng asawa saka hinila na palabas ng mansion. Hindi lingid sa kanya ang nasa isipan ng lahat ng nakatingin sa kanila at gusto niyang sisihin ang sarili. Napatingala siya kay Moon na yakap pa rin si Eclipse at labis na nag-aalala ang mga mata. Napayuko siya at napakagat sa ibabang labi. Selfish na ba siya kung hindi niya pakawalan si Moon?
"S—Sorry kung naging OA ako," paumanhin ni Moon. "Hindi kasi basta tuta lang si Eclipse e. Anak na natin siya, Sunny."
Binuksan ni Sunny ang gate at pumasok na sila.
"Alam ko ang nasa isip mo, Honey," malungkot na sabi ni Moon matapos isara ang gate. "Ikakamatay ko kapag mawala ka, tandaan mo 'yan."
"M—Moon."
"Ilang taon na ako at mas pinili kong hindi na mag-asawa dahil ikaw lang ang gusto kong pakasalan, Sunny. Kapag iwan mo ako, magpapakamatay ako!" Para sa kanya, Sunny is already an answered prayer.
Naluluhang tumango si Sunny at niyakap ang asawa.
"I—I'm sorry, Buwan."
"Psh! Masaya tayo, okay? Kaya huwag ka nang mag-isip nang kung ano."
Umakyat na sila at nag-shower.
Pinatulog na muna nila si Eclipse bago patayin ang ilaw at mag-boom boom paw.
"Moon? Gising ka pa?" Nakaunan siya sa braso ng asawa at pareho silang hubo't hubad sa ilalim ng kumot. Napasinghot siya sa amoy ng asawang sobrang bango.
Niyakap siya ni Moon sa bewang.
"Yes, Honey?"
"Handa na akong magpa-checkup ulit," sabi ni Sunny. "K—Kung may paraan pa, gawin na natin para magkaanak lang ako."
"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung hindi ka pa handa, Sunny."
"Handa na ako, Buwan!" desididong sagot ni Moon.
"Sige, sa Monday. Aabsent ako para makapa-checkup tayo."
Niyakap ni Moon si Sunny at hinalikan sa bumbunan. Kahit wala na silang anak, wala talagang problema sa kanya. Dinuduyan na talaga siya ng antok kaya agad siyang nakatulog.
Sa panaginip niya, namimingwit daw sila ng hipon at niluto nila ni Sunny.
"Ayaw ko," mahinang usal niya habang iiling-iling pa pero pinipilit siya ni Sunny kaya napabangon siya at napahawak sa dibdib. Binabangungot yata siya. Naaamoy pa niya ang hipon sa panaginip.
Napansing niyang wala si Sunny sa tabi niya at si Eclipse lang ang mahimbing na natutulog sa gitna ng uluhan nila kaya bumangon siya. Bukas ang ilaw.
"Honey?" tawag niya kay Sunny na nakaupo sa sofa at pumapapak ng hipong niluto nito kanina. "N—Nagugutom ka ba?"
Lumapit siya kay Sunny at tinabihan ito.
"Kain ka?" tanong ni Sunny hababg pinuputol ang ulo ng hipon at inilalagay sa isang plato sa ibabaw ng maliit na mesa pero inilayo niya ang bowl kay Moon. "Huwag na, ayaw mo sa hipon, 'di ba?"
"Oo," sagot ni Moon at napatingin sa tiyan ni Sunny nang tumunog ito. "Gutom nga talaga ang asawa ko. Sa 'yo na 'yan, Baby."
"Magsuot ka nga ng damit!" utos ni Sunny kaya napatingin si Moon sa hubad na katawan. Natawa siya dahil hindi niya napansing wala pala siyang saplot.
"Ubusin mo na 'yan, Honey. Boom boom paw na tayo. Wait kita sa kama. Maghugas ka ng kamay, okay?"
Bumalik siya sa kama at hinintay si Sunny. Hindi siya matutulog hanggat hindi sila maka-second round.

I'm not Jealous, Just TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon