17

957 40 1
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

Unedited...

Napabalikwas si Sunny nang maramdamang bumangon si Moon.
"Come here, baby," bulong ni Moon na patungo sa banyo ni Eclipse. "Good."
Napayakap si Sunny sa unan at ipinikit ang mga mata. Mayamaya pa'y naramdaman niyang pabalik na ang dalaga.
"Quiet, magising si Mommy."
Umiihi talaga si Eclipse sa tuwing madaling araw at matiyagang tinuturuan ni Moon para kapag lumaki na, hindi na iihi sa kama.
Naramdaman niya ang pagyakap ni Moon sa kanya pero biglang lumuwag nang pumagitna si Eclipse.
"Sa baba ka na lang kaya matulog?" bulong ni Moon kaya napangiti si Sunny at muling natulog.
Kinabukasan, mas naunang nagising si Moon sa kanya.
"Come on, take that phone."
Narinig niya nang pababa na siya sa hagdan.
Tumakbo si Eclipse at kinuha ang cookie na nakapatong sa cellphone at kinain.
"Haist! 'Yung phone ang kunin mo, hindi 'yong cookie," desperadong sabi ni Moon.
"Malamang unahin niya ang cookie. Try mong pakuha muna ang cellphone at bigyan ng cookies."
"Hindi nga e," sagot ni Moon at hinapit sa bewang Sunny at hinalikan sa mga labi. "Morning sa napakaganda kong asawa."
"Siyempre baby pa si Eclipse." Tinali niya ang buhok at dumiretso sa kusina.
"She must learn to use phone."
"It takes time, Honey," sagot ni Sunny at naghanap ng maluluto sa ref. "What do you want for breakfast."
"You!" nakangising sagot ni Moon.
"Nakaisa ka na kanina," sabi ni Sunny.
"Thrice," pagtatama ni Moon.
"Whole night, thrice kaya tama na iyon. Ano na? Egg, hotdog or what?"
"Anything. May beef tapa?"
"Meron pa," sagot ni Sunny at kinuha ang tapa. "Paubos na ang ulam natin, grocery tayo after class ko."
"Okay. Lista mo na lang ang mga bibilhin natin."
Habang nagluluto, napangiti si Sunny nang marinig ang pagtawa ni Moon habang nakikipaglaro kay Eclipse.
"Baby? Should we buy her food?"
"Marami pa po," sagot ni Sunny saka kinuha ang tapa at inilagay sa plato na may plate tissue.
"Breakfast is ready. Kain na po, Honey."
"Sit here. Huwag kang umalis, okay?" bilin ni Moon at iniwan muna si Eclipse saka tumungo sa kusina.
"Marami pa pala tayong naiwan na kanin kagabi?"
"Yes. Kaya ito na lang. Nilagyan ko lang ng hotdog," sabi ni Sunny at nilagyan ang plato ni Moon.
"Honey? Paparamihin natin si Eclipse ha?"
"Saka na pagkaya na niyang magka-baby."
"Oo naman, magbubuntis siya. Hindi naman siya—" napapreno si Moon at napasulyap sa asawa. "Kain na tayo, ang sarap mo talagang magluto, Honey. Kaya nga hindi talaga kita maiwan-iwan e. Love na love ko kaya ang asawa ko!"
Naunawaan ni Sunny si Moon. Alam niyang ayaw lang siya nitong ma-offend pero nandoon pa rin ang sakit sa loob.
"Damihan mo ang kain, Buwan. Tiyaka magluluto kami ng Italian pizza at pasta mamaya, dadalhan kita," sabi niya. If nag-aadjust si Moon, kailangan din niyang mag-adjust. Ilang beses na niyang naisipang makipag-annul dito para magkaroon ito ng pagkakataong magkaanak sa iba pero madalas na nawawala sa isip niya sa tuwing iparamdam ni Moon na kuntento na ito kahit na si Eclipse na lang ang baby nila pero hanggang kailan?
"Moon?" tawag niya kaya napasulyap ang asawa. "B—Bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako iniiwan?"
Matamis na ngumiti si Moon. "Siyempre mahal kita, Sunny. For better or for worse. 'Till death do us part, mamahalin kita."
"H—Hindi ka ba naghahanap ng baby? Marami ang gustong—"
"Kapag magka-baby ako sa iba, iiwan kita para mabuo ang pamilya namin. Sunny, hindi ko kaya 'yon," nakangiwing sagot ni Moon.
"Handa akong—"
"Walang sinuman ang makapagpabago ng isip ko, Sunny! Mahal kita. May Baby Eclipse na tayo!"
"H—Hindi ko alam kung paano mo naatim na wala kang baby sa akin."
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Moon.
"Masuwerte ako na ikaw ang walang kakayahang magkaanak sa ating dalawa dahil alam kong hindi talaga kita iiwan, Honey. Huwag kang mag-alala, iniisip ko rin naman na baog ako kaya okay na sa akin si Eclipse bilang baby," mahabang paliwanag ni Moon kaya napayuko si Sunny.
"Salamat, Buwan."
"Hmm? Kain ka na nga. Tapos boom boom paw muna tayo bago ka pumasok, okay?"
Natawa si Sunny at ipinagpatuloy ang pagkain.
After nilang kumain, iniligpit ni Sunny ang pinagkainan at iniwan sa dish washer ang mga plato.
"Bihis ka na, Buwan."
"Ano ba? Naiinis na ako sa 'yo ha!" pikong sabi ni Moon kaya nagtago sa ilalim ng sofa si Eclipse. "Cellphone ang pinapakuha, hindi cookies!"
"Hayaan mo na, baby pa 'yan e."
"Come here. Eclipse!" tawag ni Moon pero hindi talaga ito lumabas kaya lumapit na si Sunny.
"Baby?" tawag ni Sunny at kinuha ang isang cookie saka ipinakita kay Eclipse. "Come here."
Takot ang mga matang lumabas si Eclipse. Dahan-dahan pa talaga pero nang makita si Moo ay agad na tumakbo kay Sunny at nagpakalong.
"Hindi naman ako galit, ba't takot na takot ka?" sabi ni Moon na medyo kumalma na.
"Huwag mo na kasing pagalitan. Magtiyaga ka lang, matututo rin siya," sabi ni Sunny at tinap ang ulo ni Eclipse. "Magbihis ka na po at aalis na tayo."
Umakyat na silang mag-asawa. Inilapag muna ni Sunny si Eclipse sa ibabaw ng kama para makapagbihis.
"Which one, baby?" tanong ni Moon at pinakita ang tatlong Chanel dog clothes kay Eclipse.
Alanganing lumapit si Eclipse sa kulay pink na damit.
"Come here. Pasuotan na kita," sabi ni Moon at binuhat si Eclipse saka pinabihisan at sinuklay ang medyo humahabang buhok ng tuta. "Behave ka sa office, okay?"
Nang matapos na silang tatlo, bumaba na sila. Saktong dumating ang katulong para maglinis at maglaba. Twice a week lang ito pumapasok dahil ayaw ni Moon na may ibang tao sa bahay nila sa kadahilanang hindi niya raw ma boom boom paw si Sunny sa sala, kusina, hagdanan, corridor at garahe.
Kakasakay lang nila sa kotse at agad na pinindot ni Eclipse ang radyo kaya tinap ni Moon ang ulo nito.
"Good girl."
Nag-uusap sila habang nasa biyahe at si Eclipse naman ay lumusot sa backseat at nahiga sa basket nito.
"Makabait ka rin sa klase at huwag kang makipaglandian sa tukmol na 'yon, okay?"
Natawa si Sunny.
"Okay po."
Malapit na sila sa gate.
"Ingat kayo ni Eclipse, okay?"
"Fine. Pero basta, Sunny? May asawa ka na ha?"
"Ako ang dapat na magsabi niyan, Moon! Huwag mong kalimutang may asawa ka na!" Inirapan niya si Moon na ngumiti. "Anong ngingiti-ngiti mo riyan?"
"Wala. Masaya lang ako, Honey."
"Hmm? Alis na ako," paalam ni Sunny nang tumigil si Moon sa tapat ng gate. Hinalikan niya si Moon sa mga labi matapos tanggalin ang seatbelt. "Ingat sa pagbiyahe."
"I love you," sabi ni Moon.
"Bye, Baby!" paalam niya kay Eclipse na nakatingin sa kanya.
Kumaway pa siya bago paandarin ni Moon ang sasakyan.
"Maswerte ka talaga," naiinggit na sabi ni Cherilyn nang makasabay niya.
"Ikaw rin naman."
"Anong swerte ko roon? Iba talaga kapag middle class lang tapos ang asawa ko e, alam mo na, todo paputok lang, nakatatlo na tuloy kami. Hirap kaya mag-alaga ng anak habang nag-aaral," reklamo nito.
Pinilit ni Sunny na ngumiti at hindi na sumagot. Ano kaya ang sasabihin nila kapag malamang hindi sila magkakaanak ni Moon? Na ang swerte ng mga ito dahil may biyaya sila mula kay Lord? Baby is a blessing. Kahit na nasa kanila na ang lahat, hindi pa rin sila binigyan ni God. Kaya naman nilang magpakain at magpalaki ng anak e. Masipag naman si Moon at matiyaga sa pag-alaga kay Eclipse.
Nalulungkot man siya pero sinusubukan niyang huwag sisihin ang nasa Itaas.
"For sure magiging maganda at guwapo ang mga anak ninyo," sabi ni Cherilyn. "Wait, wala pa ba kayong balak? Naku, sayang ang lahi ninyo."
Mapaklang tumawa si Sunny. "Hindi pa sa ngayon."
Pumasok sila sa classroom kaya hindi na nangulit pa ang kaklase. Okay na sila ni Jimson. Mabait pa rin naman ito sa kanya at nakikipagkuwentuhan na rin. Mukhang may iba na namang prospect at teacher din ng Westbridge.
Malapit na ang uwian. 10 minutes na lang ay luto na ang Italian pizza nila kaya natatanaw na niya si Moon katga si Eclipse na palapit sa classroom nila.
"Nandiyan na ang pogi mong asawa," sabi ng bakla niyang kaklase kaya nilabasan niya.
"Hi," bati ni Moon at hinalikan siya sa mga labi. "Matagal pa ba?"
"Malapit na."
"Laro lang si Baby sa playground," soccer field.
"Sige," pagpayag ni Sunny. "Puntahan ko na lang kayo."
Naglakad si Moon palapit sa soccer field. Saktong walang naglalaro kaya pinakawalan niya si Eclipse.
"Go and play." Utos niya sa tutang lumingon sa kanya na tila nagpapaalam pa.
"Huwag kang lumayo, I'm watching you!" pagbabanta niya.
Tumahol muna si Eclipse saka nagtatakbo na sa field.
Naupo si Moon at pinagmasdan ang baby nila ni Sunny.
Uwian kaya marami ang nawiwiling nakatingin kay Eclipse hanggang sa hinahabol na nito ang ilang estudyante para makipagharutan. Tawa naman nang tawa ang students pero ang iba ay nagpapapansin lang kay Moon.
"Tapos na," sabi ni Sunny at naupo sa tabi ng asawa. "Tikman mo ang pizza ko."
Binuksan niya ang box at kumuha ng isang slize saka isinubo kay Moon na kumagat naman habang nakatingin kay Eclipse.
"Hmm, masarap."
"Talaga? Niloloko mo lang ako e."
"Kailan pa kita niloloko?" tanong ni Moon. "Masarap talaga pero kulang lang ng pineapple."
"Eh?"
"Gusto ko maraming pineapple. Pineapples are for pizza," depensa ni Moon.
"Luto ako ulit sa bahay at dagdagan ko ng maraming pineapple tapos magluluto ako ng seafood pizza mamaya."
"Bawal shrimp!" Inunahan na niya si Sunny kaya napasimangot ito.
"Paano ko matatawag na seafood pizza kung walang shrimp?"
"May pusit naman at fish ah. Lagyan mo ng tahong or what."
"Okay," pagpayag ni Sunny at tumayo. "Alis na tayo, mamalengke pa tayo."
Tumayo na rin si Moon at inubos ang isang slice ng pizza. "Baby! Let's go na."
Sumipol siya kaya tumakbo palapit si Eclipse.
"Sorry, girls, uwi na kami," paumanhin ni Moon at nginitian ang mga babae.
"Huwag kang magpa-cute, sakalin kita e!" bulong ni Sunny kaya natawa si Moona at binuhat si Eclipse saka inakbayan ang asawa.
"Ikaw lang talaga ang i-boom boom paw ko kaya don't worry, Honey."
Naglakad sila patungo sa parking lot at pinaupo si Eclipse sa backseat. Pagod na pagod ito kaya napailing si Moon.
"Diyan na lang tayo mag-grocery para malapit," turo ni Sunny sa mall na malapit lang sa Westbridge kaya nag-Uturn si Moon at naghanap ng mapa-parking-an.
Bitbit si Eclipse, naglakad sila papasok sa supermarket pero hinarang sila ng guard.
"Pasensiya na po, bawal po ang hayop dito, sir," magalang na paumanhin ng lalaking guard.
"Anak ko ho siya," sagot ni Moon.
"Bawal po kasi talaga ang mga hayop e," depensa ng guard at tinuro ang sign board na "No pets allowed."
"Hindi ba talaga puwede?" ulit ni Moon.
"Bawal po, sir e. Sumusunod lang po kami sa utos. Kung gusto mo, iwan mo na lang po 'yang tuta."
"Anak ho namin siya!" giit ni Moon. "Hindi siya basta-bastang tuta lang."
"Pasensya na ho," paumanhin ni Sunny at hinawakan sa braso ang asawa. "Lipat na lang tayo, Honey. Sumusunod lang si Kuya."
Hinila na niya si Moon palayo. Short-tempered pa naman ito.
"Bakit ba bawal? Hindi naman magkakalat si Eclipse ah!"
"Hayaan mo na, sumunod na lang tayo," sabi ni Sunny kaya naghanap sila ng supermarket na puwede si Eclipse.
"Buti pa rito, walang discrimination!" nakasimangot na sabi ni Moon saka pinaupo si Eclipse sa cart.
"Sumusunod lang po si Kuya Guard sa policy."
"Papasara ko 'yong store na 'yon e!" gigil na sabi niya kaya natawa si Sunny. "Bakit?"
"Kina Tito Black mo po 'yon," sabi ni Sunny.
"Tsk! Si Tito Black talaga, may discrimination!" pagtatampo niya.
"Minsa kasi may mga hayop na hindi well-trained kaya nag-iingat lang sila. Para naman 'yon sa lahat."
"Fine!" naiinis na sabi ni Moon at kumuha ng mga prutas. "Nasaan na ang listahan mo?"
"Wala. Kumuha na lang tayo ng gusto natin," sagot ni Sunny at kumuha ng ampalaya at watermelon.
"Sa meat section tayo," sabi ni Moon at tinulak ang cart. "Huwag na tayong bumili ng fish, may dala naman sina Matter palagi e."
"Okay," sagot ni Sunny at lumapit sa shrimps. "Kuya? Tatlong kilo nga po."
"Honey, huwag!" pagpigil ni Moon kaya napatingin ang salesboy sa kanila.
"Sige na po, tatlong kilo," sabi ni Sunny. "Tapos isang kilo lang sa pusit."
"Honey, huwag 'yan."
"Magluluto ako ng seafood pizza."
"Utang na loob, ayaw ko talaga ng shrimp!"
"Huwag kang kumain kung ayaw mo!"
"Sunny."
"Salamat, Kuya!" Inilagay ni Sunny ang hipon at pusit sa cart saka dedma sa nagtatampururot na asawa.
"Ba't tatlong kilo?"
"Lutuin ko sa butter at lagyan ng Sprite saka papakin, bakit?"
"Hindi mo talaga ako mahal," bulong ni Moon na nakabuntot sa asawa. Kukunin sana niya ang hipon pero lumingon si Sunny.
"Kapag alisin mo 'yang hipon, ibig sabihin, ikaw ang hindi nagmamahal sa akin!" pagbabanta ni Sunny kaya agad na itinago ni Moon sa likod ang isang kamay saka tinulak ang cart ng kaliwang kamay.
"Gusto mo dagdagan pa natin ang hipon, Honey? Gawin mong sampung kilo."
"Sige!" masiglang pagpayag ni Sunny at bumalik saka nagpadagdag pa ng pitong kilo kay Kuya kaya napanganga si Moon. Hindi ba nito alam ang salitang sarcastic?
" Magka-allergy ka sana!" nagtatampong bulong ni Moon.

I'm not Jealous, Just TerritorialWhere stories live. Discover now