Finale

1.7K 71 5
                                    

I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

ENDING

Unedited...

"Ano ang gusto mong kainin, Honey?"
"Hipon nga."
"Baby naman."
"Huwag ka nang magtanong kung ayaw mo akong bigyan!"
"Fine. Bibigyan kita," sabi ni Moon. "Magluluto lang."
Hipon ang pinaglilihian ni Sunny. Six months na ang tiyan niya at wala siyang maireklamo sa asawa. Ang bait ni Moon sa kanya at lahat ay ibinibigay.
Sumunod siya sa kusina at pinagmasdan si Moon na nagluluto.
"Baby? Doon ka na maupo?" Utos ni Moon kay Eclipse. Tumalima naman ang aso na sa ibabaw ng mesa naupo.
"Ano ang ipapangalan natin kay Baby?" tanong ni Sunny at hinaplos ang sinapupunan. Sabi nila, kambal daw ang anak niya dahil malaki siyang magbuntis. Sana nga.
"Sina Sunlight at Moonlight," excited na sagot ni Moon.
"Moon naman, wala ka bang ibang maisip?"
"Wala na. 'Yan lang talaga," sagot ni Moon. "Ang saya! Magkaka-baby na tayo!"
Napailing si Sunny. Ayaw niya ng pangalang naisip ni Moon.
"Basta Moonlight at Sunlight talaga sila," nakangiting sabi ni Moon at napasipol pa habang nagluluto ng shrimp.
"Baka isa lang 'to."
"Kung hindi kambal, triplets 'yan."
Hawak ang palayok, lumapit si Moon kay Sunny na nakaupo sa upuan at yumuko saka hinalikan ang tiyan nito.
"Malalaman natin mamaya, Honey," sabi ni Moon at kinindatan ito.
"Bahala ka nga," sabi ni Sunny at inirapan ang asawa. "Kyah! Bitiwan mo ako!" tili niya nang buhatin siya ni Moon.
"Boom boom paw tayo, Honey," bulong ni Moon saka ipinatong sa ibabaw ng mesa ang asawa.
"Ayaw ko! Tigilan mo nga ako!"
"Haist! Bakit ba ang arte mo?" reklamo ni Moon. Noong isang araw pa ang huling boom boom paw nila. Kainis lang dahil ayaw ni Sunny dahil wala raw ito sa mood. "Bakit ang mga asawa ng kapatid ko, gusto naman nila parati? Bakit ikaw ang arte mo?"
Bumaba si Sunny at nakasimangot na tiningnan ang hipon.
"Kung nagrereklamo ka, magpalit ka ng asawa, Buwan!"
"Hala, wala naman akong sinabing ganyan a!" sabi ni Moon saka niyakap mula sa likuran ang asawa. "Nakakatampo lang, alam mo namang gusto ko talagang makaano ka palagi e. Alam mo namang love kita, 'di ba?"
"Sex is not love, Buwan!"
"It is a part of love, Sunny!" giit ni Moon na naglalakbay na ang mga kamay sa dibdib ng asawa.
"Ano ba! Ayaw ko nga e!"
Napabuntonghininga si Moon at pinakawalan ang asawa.
"Hipon! Puro ka hipon! Kapag mag-sex, ayaw mo naman!"
"Pinagbibigyan naman kita minsan!" giit ni Sunny.
"Minsan lang," reklamo ni Moon.
"Ang libog mo!"
"Grabe ka, Honey! Libog agad? Di ba puwedeng gusto ko lang maglambing?" Kinuha ni Moon at hinimas sa likod si Eclipse. "Baby, magkakaroon ka na ng kapatid. Magiging happy family na tayo."
"Kain na nga tayo! Aalis pa tayo e!"
Naghanda si Moon ng pagkain sa mesa saka pinakain sina Sunny at Eclipse. Kasalo talaga nila ang tuta sa tuwing kumain dahil ayon kay Moon, pamilya nga nila si Eclipse at kapag pamilya, sabay-sabay na kumain.
Pagkatapos ay nagbihis sila patungo sa ospital para magpa-ultrasound kung ano ang gender ng baby nila.
"Yes!" sigaw ni Moon at nagtatalon-talon habang buhat si Eclipse. "Sabi sa 'yo, Honey, e! Kambal ang anak natin!" Sobrang saya niya nang malamang babae't lalaki ang anak nila.
Masuyong hinaplos ni Sunny ang nasa sinapupunan. Halos hindi siya makapaniwalang dalawang buhay ang nandito sa sinapupunan niya. Dalawang batang mahigit isang dekada na nilang ipinagdasal.
Mababa ang fertility rate niya at sabi ng manghihilot, mababa rin ang matris niya kaya himala na mabubuntis siya. Pero iba pa rin talaga ang kapangyarihan ng Panginoon. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya kung hindi pa pinunasan ng panyo ng asawa.
"Ang swerte pa rin natin," bulong ni Moon at hinalikan sa noo ang asawang nakahiga pa at pinapahidan ng tissue ng OB ang tiyan.
"Oo nga," pagsang-ayon ni Moon at napatitig sa masayang mukha ng asawa. "Mas maswerte ako."
"Honey? Doon na tayo diretso sa bahay ha. Maghahanda raw sina Mommy ng dinner."
"Sige," pagpayag ni Sunny.
"Tinawagan ko rin ang parents mo. Pupunta raw sila," sabi ni Moon at inalalayang tumayo ang asawa.
"Okay naman ang baby ninyo basta sundin lang ninyo ang mga payo ko ha."
"Yes, Doc," sagot ni Moon at kinuha ang suklay ni Sunny sa bag at sinuklay ang nagulong buhok ng asawa.
"Lalaki at babae sila," bulong ni Sunny na kulang na lang ay umiyak sa tuwa.
Pagkatapos nila sa OB, nag-shopping muna sila ng mga damit ni Sunny.
"Gusto ko 'yong malambot lang para hindi mainit," sabi ni Sunny habang pumipili ng maternity dress.
"Honey? Daan din tayo sa dog shop ha. Bili lang ako ng damit at mga gamit ni Eclipse," sabi ni Moon na tinutulungang pumili ng damit ang asawa. "Try mo 'to, Hon, mas sexy 'to sa 'yo."
"Hala, malaki na ang tiyan ko," nakasimangot na sabi ni Sunny dahil white see through nighties ang hawak ng asawa.
"Bakit? Mas sexy ka nga ngayon e."
"Malaki ang tiyan ko!"
Lumapit si Moon at yumuko saka tinitigan si Sunny sa mga mata.
"You're at your most beautiful body when you are pregnant, Honey!" he whispered.
"Sige, utuin mo pa ako, Moon!"
Narinig niya ang mahinang tawa ni Moon.
"Yeah, my wife is too sexy!" pilyong sabi nito kahit na may mga nakakarinig.
"Tumahimik ka!" saway niya sa asawang karga pa rin si Eclipse.
Napailing siya at naghanap ng mga damit. Binilhan na rin niya si Moon dahil pansin niyang wala na itong binibili para sa sarili kundi para na lang sa kanila ni Eclipse.
"Honey? Marami pa akong damit," bulong ni Moon nang nasa counter na sila. "Miss, huwag na 'to."
"Ano ka ba, ibalik mo!" naiinis na sabi ni Sunny.
"Hindi naman kasi importante 'yan e. Bili na lang natin ng damit ni Eclipse," sabi ni Moon kaya napatingin ang nasa counter kay Moon. Mukhang desinte naman ang suot nito at ang pogi pa. Isa pa, napasulyap siya sa Gucci na suot ng hawak nitong tuta.
"Ano ka ba, gusto kong bilhan ka. Balik mo, Buwan!"
"Honey-"
"Malalaglagan ako, sige ka!"
Alanganing binalik ni Moon ang damit.
"Sayang din naman 'yon e, pang damit pa ni Eclipse 'yon," bulong ni Moon.
"Tumahimik ka na nga! Makareklamo ka akala mo malaki ang kawalan ng damit na 'yan sa 'yo!" saway ni Sunny.
"Sayang naman kasi," bulong ni Moon na hindi na pinansin ni Sunny.
Mula nang mabuntis siya, napaka-selfless na ni Moon. Order dito ng damit, order doon pero wala man lang nabili para sa sarili. He showered her with jewelries pero ne relo, hindi na makabili ng bago. Ang rason nito, mas natutuwa raw ito kapag mabilhan sila ni Eclipse ng mga gamit dahil graduate na raw ito sa pagiging maluho. Ang tagal daw niyang nagbinata at puro sarili lang kaya ngayon, dapat sila na naman daw ang atupagin nito.
Marami ang savings ni Moon. Ne wala ngang bawas at tumutubo lang maliban sa pagpatayo noon ng bahay.
Unlike sa mga kapatid na maaga pang nag-asawa at nagkaroon ng pamilya. Kumbaga sulit na sulit ang pagiging binata nito.
Pagkatapos nilang mag-shopping ng gamit ni Eclipse, umuwi muna siya sa bahay nila at inayos ang mga pinamiling gamit bago naglakad patungo sa bahay ng parents ni Moon.
Hawak ni Moon ang kamay ni Sunny habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa tali ni Eclipse.
Pagdating sa bahay, agad silang sinalubong ng mga pamangkin para kunin si Eclipse at paglaruan.
"Huwag ninyong pagurin ang anak ko!" bilin ni Moon na iniwan ang aso sa hardin kasama ang mga pamangkin.
"Congrats, Buwan!" sabay na sabi bg mga kapatid niya kaya lumapad ang ngiti ni Moon.
"Magiging daddy na talaga ako!" masiglang sabi ni Moon at nagtatalon-talon kasama ang mga kapatid.
"Para kayong mga bata," sabi ni Sky na kakapasok lang kasama si Taira. "Babymine, may na-order ka bang lechon?"
"Parents na raw ni Sunny ang magdadala," sagot ni Taira.
"Hello, guys!" masiglang bati ni Star na kakapasok lang.
"Hey, Dr. Villanueva!" bati ni Moon na lumapit sa scholar ng mga Villafuerte na ngayon ay successful doctor na.
"Hi," bati ni Dr. Villanueva sa team galaxy at nakipagkamay.
"Kumusta?" tanong ni Sky nang lumapit.
"Okay lang ho."
"Pasensiya ka na kung hindi kami nakapunta sa lamay ng asawa mo," paumanhin ni Sky na sina Matter at Clouds lang ang pinapunta.
"Nauunawaan ko ho," sagot ni Dr.Villanueva. Kakamatay lang ng asawa niya dahil sa sakit sa puso at naiwan sa kanya ang isang taong anak nila.
"Daddy!" tili ni Ash na papasok at naka-school uniform pa ito.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Moon sa dalaga.
"May dinaanan lang," sagot ni Ash at napasulyap sa bisita.
"Si Dr. Villanueva pala," pagpakilala ni Sky. "Hindi mo pa siya nakita."
"Hi, Doc!" bati ni Ash sa guwapong doctor.
"Hello, Ash!"
"Ayiee, ang pogi mo naman, Doc!" puri niya pero mahinang binatukan ng ama. "Ang bata mo pa para maglandi!"
"Daddy naman, masama bang magpuri? Isa pa, matanda na si Doc para sa akin," depensa ni Ash at nginitian si Dr.Villanueva.
"Magbihis ka na at kakain na tayo," sabi ni Seola sa kapatid kaya agad na pumanhik ang dalaga sa kuwarto para magbihis.
"Akalain mo 'yon, magiging daddy ka na, Moon!" hindi makapaniwalang sabi ni Star at inakbayan ang kapatid.
"Oo nga e," sabi ni Moon at napatingin sa asawang nakikipag-usap kina Seola at Chummy. "Parang kailan lang."
-----------------
One year later....
Naalimpungatan si Sunny nang marinig ang iyak ng kambal nila.
"Ssh, tahan na. Magigising si Mommy," bulong ni Moon habang buhat-buhat si Sunlight na lumakas ang iyak. Dinampot ni Moon ang biberon na nakahanda sa bedside table at pinadede ang anak saka kinantahan.
Jesus loves me! This I know,
For the Bible tells me so;
Little ones to Him belong;
They are weak, but He is strong.
Refrain:
Yes, Jesus loves me!
Yes, Jesus loves me!
Yes, Jesus loves me!
The Bible tells me so.
Jesus loves me! This I know,
As He loved so long ago,
Taking children on His knee,
Saying, "Let them come to Me."
Jesus loves me still today,
Walking with me on my way,
Wanting as a friend to give
Light and love to all who live.
Jesus loves me! He who died
Heaven's gate to open wide;
He will wash away my sin,
Let His little child come in.
Jesus loves me! He will stay
Close beside me all the way;
Thou hast bled and died for me,
I will henceforth live for Thee.
Kanta ni Moon habang sinasayaw-sayaw ang babaeng anak na nakatingala sa kanya at para bang kinikilala. Mayamaya pa'y tulog na naman ang anak.
Tumayo si Sunny at pumunta sa CR. Natawa siya nang marinig ang malakas na iyak ng lalaking sanggol.
"Nagising ba kita?" tanong ni Moon na buhat na naman ang lalaki nilang anak. Matapos ang isa, ang isa na naman ang nagising.
"Hindi naman," sagot ni Sunny at matamis na nginitian si Moon. Nilapitan niya ito at niyakap ang mag-ama niya. "I love you, Moon." Normal delivery siya at mula nang manganak, si Moon na talaga ang nagpupuyat sa gabi kahit na may pasok pa ito sa opisina kinabukasan.
Matamis na ngumiti si Moon.
"I love you too, Sunny!" Hinalikan niya sa mga labi ang ang asawa. "Boom boom tayo ulit kapag makatulog na 'to ha."
"Bilisan mo," nang-aakit na sabi ni Sunny at kinindatan ang asawa na tuwang-tuwa kahit na puyat at pagod pa. Paantok na si Moonlight nang magsimulang magising si Eclipse saka dinungaw si Sunlight sa crib.
"Bantayan mo sila, Eclipse ha," bilin ni Moon at dahan-dahang inilapag sa crib si Moonlight saka bumalik sa kama.
"Patayin mo ang ilaw," bulong ni Sunny.
"Tulog na sila at hindi naman nakakapagsalita si Eclipse," bulong ni Moon na naghubad na sa ilalim ng kumot.
"E? Akala ko ba tao ang turing mo kay Eclipse?"
"Aso siya ngayon," bulong ni Moon kaya natawa si Sunny. Madalas na nakabantay si Eclipse sa kambal sa crib. Kapag umiiyak, agad itong nagtatahol at tumatakbo palapit kina Moon at Sunny.
Naawa na rin naman si Sunny kay Moon kaya pinagbigyan na niya sa boom boom paw nito.
Kinabukasan, maaga pang nagising si Sunny para ipaghanda si Moon ng umagahan. Wala pa ang mga yaya ng bata kaya pinaarawan muna niya ang kambal sa hardin na nakalagay sa stroller. Nasa tabi naman ng mga ito si Eclipse na natutulog pa.
"Dito lang kayo, kunin ko lang ang laruan ninyo," bilin ni Sunny nang maalalang may dala palang laruan si Moon pero naiwan daw nito sa kotse kaya tumungo siya sa garahe.
Binuksan niya ang compartment at kinuha ang laruan.
"Wait lang, I'm comming!" sabi niya nang marinig ang tahol ni Eclipse. Sunod-sunod ang tahol nito kahit na hindi naman umiiyak ang mga sanggol. Pabalik na siya nang marinig ang iyak ng aso kaya napatakbo siya pabalik.
"Shit!" malakas na sigaw ni Moon at patakbong lumapit kay Eclipse na pinupuluputan na ng malaking ahas ang katawan na nasa gilid lang ng stroller ng kambal.
"Eclipse!" sigaw ni Sunny at tumakbo na rin.
Walang takot na hinawakan ni Moon ang sa likod ng ulo ang ahas at hinila. Malakas na umiiyak ang aso habang hila ni Moon ang ahas. Umiiyak na tinulungan na rin siya ni Sunny na kahit na takot sa ahas, wala na siyang pakialam basta mailigtas lang ang alaga.
Nanlalabo ang mga mata ni Moon sa mga luha lalo na nang makita ang dugo sa kanang paa ni Eclipse. Mas lalong humigpit ang kapit ng ahas sa katawan ng Eclipse kaya gigil na tinusok ni Moon ng mga daliri ang mga ng ahas hanggang sa paunti-unting lumuluwag ang kapit nito kay Eclipse.
Malakas na inihagis ni Moon ang ahas sa pool.
"B-Baby!" natarantang sabi ni Moon nang makitang nanghihina si Eclipse habang nakatingala sa kanya. "G-Good girl!" Ginulo niya ang ulo nito. "H-Honey, isugod ko lang siya sa hospital!"
Buhat ang aso, tumakbo si Moon sa kotse at agad na isinugod sa pinakamalapit na hospital ang alaga pero pinalabas din sila dahil sa veterenarian daw nito dalhin.
Agad namang sinalubong si Moon at kinuha ang aso para gamutin.
"M-Moon!" humahangos na tawag ni Sunny nang sinundan ang asawa.
"Ang mga bata?"
"Nasa yaya nila. Nakuha na rin ang ahas," sagot ni Sunny. Saktong pumunta ang hardinero kaya nakuha nito sa pool.
"P-Papatayin ko ang hayop na ahas na 'yon!" gigil na sabi ni Moon at pinahidan ang mga luha.
Umiyak na rin si Sunny at niyakap ang asawa.
"G-Gagaling pa naman si Eclipse,'di ba? Hindi naman nalason ang panganay natin?" parang batang tanong ni Moon na pinapalakas ang loob.
"Oo," sagot ni Sunny. "Gagaling pa siya."

----------

❤❤❤Two and half years later...❤❤❤

"Honey! May dala akong pasalubong sa mga anak natin!" masiglang sabi ni Moon bitbit ang maraming paperbag.
"Bumili ka na naman?" sabi ni Sunny na may bitbit na cookies. Tapos na siya sa pag-aaral at heto, dalaw-dalaw na lang siya sa bakeshop at experiment ng bagong lasa ng cookies, cakes and kung ano pang maisipan niya para sa bakery.
"Bakit? Para naman 'to sa mga anak ko a," sabi ni Moon at napatingin sa dalawang anak na tumatakbo sa playground habang hinahabol ng dalawang yayang kasing edad ng Mommy Taira nila.
"Hindi pa nga nila nasusuot ang ibang binili mo," sabi ni Sunny.
"Natatakot talaga ako kapag magawi sila sa hardin," sabi ni Moon at naalala ang nangyari noon kay Eclipse. "Thank you for saving my twins, Eclipse," bulong niya.
"She's brave," wika ni Sunny at nginitian si Moon.
"Yes, was and she is," sagot ni Moon at napatingin sa tatlong tutang tumatakbo palapit sa kambal niya para makipaglaro. "Pakibantayan ng mga apo ko," sigaw ni Moon sa dalawang yaya.
"Saan na ba si Eclipse?" tanong ni Moon at sumipol.
"Napuyat 'yon e!" reklamo ni Sunny nang makitang paika-ikang tumatakbo si Eclipse palapit sa kanila.
Nabali ang buto nito sa kanang paa pero pina-therapy ni Moon kaya medyo nagamit pa rin nito ang mga paa. Noon talaga, matiyaga si Moon sa pag-alaga kay Eclipse hanggang sa makabawi ito.
Kumakain na rin ang tatlong anak nito kaya nakakapagpahinga na rin si Eclipse at may kalaro na ang kambal.
"Come here, laro tayo!" sabi ni Moon at binuhat si Eclipse palapit sa mga anak nila.
Napangiti si Sunny habang pinagmasdan ang asawang parang batang nakipaghabulan sa mga anak at tuta.
Si Moon ang taong wala nang natitira sa sarili basta ba may maiuwi lang itong pasalubong sa kanila kaya kapag makagala, siya na mismo ang bumibili ng kagamitan nito kagaya ng damit, sapatos at bag.
Ang dating kotse, relo, sapatos at alak na binibili nito, naging gatas at laruan na. Siguro hindi sila binigyan ng anak ni God noon para mas ma-appreciate ni Moon ang buhay bilang isang ama at haligi ng tahanan.
Hindi na siya puwedeng magkaanak pa kaya nagpapasalamat pa rin siya sa himalang nangyari sa kanilang mag-asawa. At least may dalawa na sila.
Minsan, mahirap paniwalaan pero kapag buo lang ang tiwala natin ay ibibigay Niya ang hiling natin. Kung hindi man niya tayo pagbigyan, paniguradong may rason Siya. Pero kung hindi natin makikita ang rason, Siya lang ang nakaalam ng ikabubuti natin.
Para kay Sunny, sapat na ang biyayang ipinagkaloob ni Lordsa kanila, sobra-sobra pa nga.
Naging bestfriend at hero si Eclipse ng kambal nila at responsableng ama naman si Moon. Yes, nanalo si Moon dahil noong nanganak siya, ang birth certificate talaga ang una nitong inatupag at inilagay ang pangalan ng anak nilang Sunlight at Moonlight!

------------------THE END------------

Thank you, Ashters.

Abangan ang "Probinsya/Province" series. Thanks.

I'm not Jealous, Just TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon