12

888 41 0
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

Unedited...

"May problema ka ba?"
"Wala."
"Bakit kahapon ka pa wala sa sarili?"
"Wala nga!" salubong ang kilay na sagot ni Moon.
"Galit ka ba, Buwan?"
"H—Hindi Sunny a. M—Masakit lang ang ulo ko," sagot ni Moon at inakbayan ang asawa habang naglalakad sila patungo sa bahay ng Lolo Skyler nila.
"Baka may iba ka na, Buwan? Kakatapos mo lang kay Kristel a. Naku, kapag may iba ka na naman, kakalimutan na talaga kita at makipag-divorce ako sa 'yo!" Tiningala niya ang asawang tila may malalim na iniisip. "Nakikinig ka ba?"
"H—Ha?"
"Kainis ka, Buwan!" Tinabig niya ang kamay ng asawa at naunang maglakad.
"Honey!" tawag ni Moon at hinabol si Sunny. "Sorry na, masakit talaga ang ulo ko, promise!"
Sinabayan niya si Sunny at hinawakan ang kanang kamay.
"Sorry na o!"
Tumigil si Sunny at tiningnan ang asawa.
"Tapatin mo ako, Moon! May iba ka o wala?"
"Wala! Wala talaga, Hon."
"So? Bakit sumasakit ang ulo mo?"
Umiling si Moon. "Hindi ko rin alam, Honey."
"N—Nakabuntis ka ba?" Kinakabahang tanong ni Sunny. Gustong-gusto pa naman nito na magkaanak na.
"Grabe, hindi a!" bulalas ni Moon. "K—Kahit na hindi na nga tayo magka-baby basta ikaw lang ang asawa ko."
Natahimik si Sunny.
"H—Honey? Naisip ko na baka mahirapan kang magbuntis kaya mag-ampon na lang tayo. A—Ayaw kong mahirapan ka sa pag-iri tapos ang hirap pa mabuntis, Hon. Ampon na lang tayo," suhestiyon niya.
"Moon!" tawag ni Star na nagjo-jogging bitbit si Twinkle.
"Kailangan mo?" pagsisinuplado ni Moon.
"Kamusta na ang baog kong—"
"Tumahimik ka!" saway ni Moon at hinabol si Star na tumakbo.
Padabog na iniwan ni Sunny si Moon.
Napapreno si Moon nang maalala ang asawa. "Honey!" tawag niya saka hinabol na naman si Sunny.
"Bilisan mo nga! Pupunta pa ako sa bakeshop e!" padabog na sabi ni Sunny.
"S—Samahan kita." Hinihingal na sabi niya.
"Okay lang, makipaghabulan ka muna sa kapatid mo," sabi ni Sunny kaya napakamot si Moon sa ulo.
"Kasi—Honey si Star e," parang batang sumbong niya.
"Matanda ka na, Moon! Hanggang ngayon isip bata ka pa rin?" bulalas ni Sunny at hinarap ang asawa. "Umayos ka nga!"
Sumeryoso si Moon saka hinawakan ang kamay ni Sunny para hindi na magalit.
"Tulungan kita mamaya sa bakeshop, Honey," pag-iiba ni Moon kaya hindi na rin nakipagtalo pa ang dalaga at pumasok na sa gate ng bahay nina Skyler.
"Mabuti at nakapunta kayo. Halina kayo, kain tayo," yaya ni Kimberly. "Nasaan na ba si Star?"
"Nag-jogging kasama ni Twinkle," sagot ni Chummy at nginitian si Sunny. "Kumusta pala ang klase mo, Sunny?"
"Okay lang, Chumz. Masaya naman," sagot niya.
"Business partner tayo after niyan ha," sabi ni Chummy.
"Sure!" sagot ni Sunny.
"Morning!" masiglang bati ni Yesha nang pumasok.
"Friend, buti at nakapunta kayo," sabi ni Chummy at nakipagbeso-beso kina Yesha at Marion. "Saan na sina Riffle at Revolver?"
"Susunod na lang daw," sagot ni Yesha na bestfriend ni Chummy. "Hi, Sunny."
"Hello," nakangiting bati ni Sunny at nakipagbeso sa dalawa. Napansin niya ang maliit na pasa sa leeg nito kaya napakunot ang noo niya.
Pareho lang silang apat nina Chummy na nakapag-asawa ng Villafuerte. No, kambal na Bautista na pala ang napangasawa nina Yesha at Marion.
Pero Villafuerte pa rin naman dahil ang mommy nina Revolver at Riffle ay si Lyn Villafuerte na anak nina Skyler. Minsan naguguluhan pa siya dahil ang dami nang Villafuerte na magkakaedad at ilan lang ang age gap ng mga ito. Pareho pang ang gaguwapo at gaganda.
"Kain na tayo," yaya ni Kimberly sa mga apo at nagsimula na silang kumain. Paminsan-minsan, napapasulyap si Sunny kay Moon na napatitig sa mga pamangkin na ang kukulit. Nakaramdam siya ng awa sa asawa. Patay na patay kasi ito na gustong magkaanak noon pa pero mula nang mag-away sila noong kolehiyo sila, hindi na ito nagme-mention ng tungkol sa anak at kasal.
Pagkatapos kumain, nagpaalam na sila at bumalik sa bahay.
"M—Moon?" tawag niya at napatingala sa asawa.
"Hmm?"
"M—May pasa si Marion," bulong niya habang naglalakad.
"Hayaan mo sila."
"Hindi kaya sinasaktan siya ni Revolver?" nag-aalalang tanong niya kaya natawa si Moon.
"Alam mo 'yong careño brutal?"
"Huh?"
"Ganun naman sila magmahalan ni Revolver. Kung makita mo ang katawan ni Revolver, mas sobra pa kay Marion."
"Hala," nanlaki ang mga mata ni Sunny. "Paano 'yon? Nagsasakitan sila?"
"Malay ko," sagot ni Moon at napatingin kay Sunny na hindi makapaniwala ang mga mata. "Honey, hayaan mo na sila dahil kahit ano man ang manymgyari, hindi po kita sasaktan kahit sa kama pa 'yan."
"P—Pero . . . "
"It's a Bautista's way, okay? Villafuerte ako."
Napalabi ang dalaga. Hindi lang niya ma-imagine na sinasaktan nila ang babae kahit na sa ibabaw pa ng kama 'yan.
"E ang mga babae nila?" curious na tanong ni Sunny.
"Hayaan mo na nga sila," sabi ni Moon.
"Kyah!" tili ni Sunny nang buhatin siya ni Moon na parang bagong kasal.
"Honey? Boom boom paw muna tayo ha," hirit ni Moon kaya napakapit si Sunny sa leeg ng asawa at pinagmasdan ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na sila ni Moon at bantay-sarado pa kung sino ang pinakasalan nito.
"Kapag tingnan mo ako ng ganyan, feeling ko ang guwapo-guwapo ko na," natatawang sabi ni Moon at binuksan ang gate at muling isinara gamit ang mga paa.
"Baba mo na ako, Buwan," pakiusap niya nang nasa sala na sila.
"Mamaya," sagot ni Moon at tumigil sa paglalakad saka yumuko at hinalikan si Sunny sa mga labi.
"Dito na lang kaya, Honey. Di na ako aabot e," sabi niya at inilapag ang asawa sa mahabang sofa.
"M—Moon—uhmp!" Ang mainit na mga labi ni Moon ang sumalubong sa kaniya kaya napapikit siya at niyakap sa leeg si Moon saka tinugon ang paalab na mga halik nito.
"H—Honey," bulong ni Moon matapos tumigil sa paghalik at masuyong hinaplos si Sunny sa magkabilang pisngi habang tinitigan sa mga mata.."Kahit ano ang mangyari, please stay with me. Don't stop loving me, Honey," pakiusap niya kaya nangilid ang mga luha ng asawa.
"A—Ako ang dapat na magsabi ng ganyan, Moon. Please never stop loving me," mahinang pakiusal niya saka hinaplos ang makinis ni Moon na nakatunghay sa kaniya.
"I will, Honey," sabi ni Moon. "I love you!" Walang ibang babae ang makapagpabaliw sa kaniya kundi si Sunny lang.
---------------
Nakabihis na sila nang maisipan ni Moon na gumala na lang para makapag-date naman sila.
"Okay na ba 'tong suot ko?" tanong niya sa asawa na naka-black jacket at
sombrero siya.
"Okay na po 'yan," sabi ni Sunny at niyakap ang braso ng asawa. "Siguraduhin mo lang na walang makapansin sa 'yo dahil huhubaran talaga kita mamaya!"
"Ako ang bahala, Honey ko," sabi ni Moon. "Basta ma-date ko lang ang magandang asawa ko."
"Bolahin mo pa ako, Moon!"
"Totoo naman a. Ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa!"
"Sumbong kina kay Lola Kim at Tita Taira," biro ni Sunny.
"Pangalawa na lang sila. Ikaw na talaga ngayon, Sunny," sabi ni Moon kaya natawa si Sunny.
Lumabas silang dalawa at sa MOA gumala.
"Halika, bili kita ng damit, Honey," bulong ni Moon na medyo nakayuko habang naglalakad para kung may mapatingin man sa kaniya ay hindi makita ang buong mukha.
Pagpasok nila sa boutique, si Moon ang pumuli ng damit para kay Sunny.
"Bagay sa 'yo 'to, Hon," sabi niya at ipinakita kay Sunny ang bulaklaking dress.
"Yes, Sir?" tanong ng saleslady at napatitig sa mukha ni Moon.
"Ito lang ba ang kulay?" tanong ni Moon. "Wala ba kayong pink o purple?"
"W—Wala ho," wala sa sariling sabi ng saleslady nang mamukhaan si Moon.
"Sayang," ani Moon at humarap kay Sunny. "Honey? Alin ba ang gusto mo? 'Yong may ribbon na lang kaya sa bewang?"
"Puwede rin pero isukat ko muna," sagot ni Sunny dahil baka hindi magkasya sa kaniya ang damit.
"Hintayin kita," sabi ni Moon at binigay kay Sunny ang pinagpiliang damit.
Iniwan muna siya ni Sunny kaya nagtingin-tingin muna siya sa mga damit pero wala siyang nagustuhan. Isa pa, si Sunny lang talaga ang gusto niyang ipag-shopping.
" Babae? Kamukha ba siya ni Moon o siya mismo si Moon? " tanong ng isang saleslady sa lumapit sa kanila kanina.
" Siya talaga, girl! Grabe, sobrang kinis niya!" Halos lulundag na ito kaya napangiti si Moon. Iba talaga ang karisma niya sa mga babae.
Sige, kunwari busy siya sa cellphone niya at hindi siya nakikinig sa usapan nila.
" Pero sino ang kasama niya? Siya ba ang pinakasalan niya?"
"Hindi ko rin alam e. Baka kamag-anak? Pero sweet naman nila at 'honey' ang tawag niya." Ang tsismosa talaga ng dalawa pero sige lang. Wala siyang panahon para magalit dahil nasa good mood siya ngayon dahil binagbigyan siya kanina ni Sunny.
Napangiti siya sa naisip. Siyempre part na 'yon ng buhay nila ang boom boom paw. Isa pa, nakaka-ano kasi talaga si Sunny e.
"Sorry, Miss!" Napalingon siya.
"Okay lang—Jaycee!" bulalas ni Sunny at nakipagbeso-beso kay Jaycee.
"Sunny, long time no see!" hindi makapaniwalang sabi ni Jaycee. "Kumusta ka na?"
"Buwesit talaga!" bulong ni Moon at tumayo saka nilapitan ang dalawa.
"Ehem!" tikhim  ni Moon. "May kailangan ka sa asawa ko?" seryosong tanong niya.
"Asawa?" naguguluhang tanong ni Jaycee.
Inakbayan ni Moon si Sunny. "Hindi ka naman yata bingi, 'di ba? Ano ang kailangan mo sa asawa ko?"
Palipat-lipat ang tingin ni Jaycee sa dalawa lalo na kay Sunny.
"Huwag mong sabihin na ikaw ang asawa ni Moon?" hindi makapaniwalang tanong ni Jaycee kay Sunny.
"Bakit? Impossible ba?" sabat ni Moon. "Wala namang masama kung magpakasal kami dahil nagmamahalan namam kami!"
"Sino ang kasama mo?" pag-iiba ni Sunny at pasimpleng siniko ang asawa.
"Mommy ko. Nasa fitting room lang siya," sagot ng binata. "Wow, congrats. Kasal na pala kayo."
"Ano'ng masama?" tanong ni Moon. "Siyempre matagal na kami ni Sunny kaya dapat lang na magpakasal kami."
"Matagal?" kunot-noong tanong ni Jaycee. Kailan lang, nabalitaan pa niyang si Kristel ang girlfriend nito at may issue pa sa bar.
"Secret lang," sagot ni Moon. "Pero siyempre, hindi ko naman hahayaan na mauwi sa wala ang matagal na naming relasyon ng honey ko."
Napabuntonghininga si Sunny. Ano pa nga ba? May mga tsismosa pa naman sa palibot.
"I see," ani Jaycee. "Well, congrats."
"Salamat, dude!" pasalamat ni Moon saka hinila si Sunny para madikit sa katawan niya.
"Mauna na ako, nakabayad na pala si Mommy," paalam ni Jaycee at iniwan na sila.
"Eh 'di nganga siya!" bulong ni Moon.
"Para kang isip bata," sabi ni Sunny at lumapit sa counter para pumila. "Ikaw magbayad nito ha."
"Bakit? Masama bang ipaalam ko sa kaniya na kasal na tayo?" Napalakas yata ang boses niya kaya napalingon ang iba sa kanila at nagulat nang mamukhaan si Moon. Ang tangkad pa naman nito.
"Tingin mo?"
"Hindi. Siyempre hindi dapat ikinakahiya ang asawa kong maganda," nakangiting sabi ni Moon.
"Pogi ka rin naman," sabi ni Sunny habang nakatingala sa guwapong asawa na namula ang magkabilang pisngi. Awts, ang cute!
"H—Honey," nakangiwing sabi ni Moon habang nakatitig sa maamong mukha ng asawa.
"Bakit, Honey?" tanong ni Sunny.
"H—Huwag mo akong tingnan ng ganiyan," mahinang sagot ni Moon dahil baka may makarinig sa kanila.
"Bakit?"
"K—Kasi gusto kitang halikan kahit na maraming tao," sagot ni Moon at iniwas ang mga mata pero narinig niya ang mahinang pagtawa ni Sunny.
"Damn!" aniya saka hinapit si Sunny sa bewang at masuyong hinalikan sa mga labi ng siguro 3 seconds lang kaya ito naman ang namula sa magkabilang pisngi at napayuko.
"I love you, Honey ko," sabi niya at niyakap si Sunny. Bahala na ang mga nasa paligid nila. Basta masaya sila ni Sunny. He wants freedom. Matagal na nga niyang gustong pakasalan si Sunny kaso hindi lang sila noon nagkaunawaan. Tapos ngayong kasal na nga sila, saka pa sila magtago? Pagod na siya. Kung may makapansin sa kanila, okay. Pakialam niya. Subukan lang ng mga lalaki na umaligid sa asawa niya at magkabugbugan na talaga sila.
"Sunny?" bulong niya sa asawang humarap na sa pila.
"Ano?"
Yumuko siya at inilapit ang bibig sa tainga ng dalaga.
"Anakan na kita."
Napailing si Sunny. Loko talaga 'to si Moon, lakas magpakilig sa publiko e. Ang kaso, hanggang ngayon, hindi pa nga siya nabubuntis.

I'm not Jealous, Just TerritorialWhere stories live. Discover now