8

895 42 0
                                    

I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

UNEDITED...

"Kumain ka na, hon?" tanong ni Moon nang pumasok sa kuwarto.
"Kumatok ka naman," sabi ni Sunny habang nagsusuklay.
"Bakit?" tanong ni Moon.
"Malamang kuwarto ko 'to. Wala na ba akong privacy?"
Naupo si Moon sa kama at pinagmasdan ang asawang nagsusuklay.
"May tinatago ka ba sa akin?"
"Pinagsasabi mo?"
"Ba't pa ako kakatok kung tayo lang ang nandito?"
"Nagbibihis din ako. Wala na ba akong privacy?"
"Hmm? Nakita ko naman 'yan lahat. I saw you naked. Natikman ko na rin kaya bakit ka pa mahihiya? Ano pa ba ang ikahiya mo sa akin? Kapag maglakad kang nakahubad, ano pa ba ang bago?" depensa ni Moon. Kahit na ano pa ang hitsura ni Sunny, wala siyang pakialam. Kahit na makita pa niya itong tumatae, eh ano naman?
"Hindi mo naintindihan!"
"Unless may lalaki kang kaboomboom--"
"Ikaw 'yon!" singhal ni Sunny. Siya ang natatakot na pagbukas niya ng pinto, may katalik ito. Kaya hindi siya pumupunta sa hotel nang hindi ito ini-inform. Ayaw niya ng surprise, surprise na 'yan kasi siya lang ang masasaktan.
"Wee? May boyfriend ka nga e."
"Thinkers are doers," ani Sunny saka inilapag ang suklay at tumayo saka lumapit sa closet.
"Aalis ka?" tanong ni Moon saka lumayo.
"Puntahan ko ang bakery ko," sagot ng dalaga habang naghahanap ng maisusuot.
"May lagnat ka pa."
"Okay na ako."
"Pero baka mabinat ka."
"Kahapon pa ako walang lagnat. Huwag ka ngang OA," ani Sunny. Naupo si Moon sa couch habang nakatingin sa asawang nagbibihis.
"Date naman tayo, Sunny."
Humarap si Sunny kay Moon na naka-poker face.
"Date kayo ng Kristel na 'yon!"
"Selos ka, hon?" Nakadekuwatrong tanong ni Moon at nginitian ang asawa.
"Ba't naman ako magseselos? Sanay na 'ko."
Nang matapos ay dinampot niya ang bag.
"Magju-judge ako sa Binibining Pilipinas," pagbalita ni Moon  kaya hinarap siya ni Sunny. "Sabi ni Tito Blue. Sila kasi ang magho-host ng Binibining Pilipinas ngayon, pero kung ayaw mo, okay lang."
"Mag-judge ka, pakialam ko!" pagtataray ni Sunny saka inirapan siya.
"Okay, tawagan ko na lang mamaya si Tito Blue."
Tumayo siya nang walang paalam na lumabas sa kuwarto si Sunny.
"Ganyan ka ba talaga? Ne hindi marunong magpaalam na aalis?" sumbat niya habang sinusundan pababa ang asawa.
"Nagmamadali ako," sagot ni Sunny na diretso sa labas.
"Psh! Pag ako hindi magpaalam, 'wag mo 'kong hanapin!" pikong sabi ni Moon saka pasalampak na naupo sa mahabang sofa sa sala. Napapaisip siya. Kailan kaya niya makukuha ang loob ni Sunny?
---------------------
"Uy, napasyal ka?" nakangiting tanong ni Nica.
"Huwag kang ngumiti!"
"Bakit? Masama ba?" inosenteng tanong nito.
"Mga anak mo?" pag-iiba ni Sunny sa matalik na kaibigan.
"Ayon, pinasyal ni Gab sa mall."
"Ba't nandito ka?"
"Masama kasi pakiramdam ko kanina. Eh, nangako si Gab na ipasyal ang mga anak namin kaya sila na lang ang umalis."
"Buti pumayag."
"Dito lang naman ako sa bahay."
"Possesive kaya ang baboy na 'yon!" sabi ni Sunny.
"Makababoy ka ah!"
"Fine?" She rolled her eyes. "Chubby na lang po pala."
Napabuntonghininga siya nang maalala si Moon. Buti pa itong bestfriend niya, sobrang loyal ang matabang asawa. Pero si Moon, walang ibang ginawa kundi makipagtalik kahit kanino.
"Ba't di pa kayo gumawa ng baby?" tanong ni Nica.
"Huwag na! Kawawa lang ako."
"Hoy, huwag kang ano. Baka babait na si Kuya Moon."
"Talaga ha? Di na magbabago 'yon!"
"Malay mo."
"Wala nang pag-asa!"
"Hindi naman 'yon magpapakasal sa 'yo kung--"
"Inipit lang siya ng pamilya at alam mong wala siyang kuwentang boyfriend!"
Natahimik si Nica. Aminado siyang tama si Sunny. Kahit siya, ayaw niya rin kay Moon para kay Sunny. Paano, ang daming babae. Madalas pa ngang mahuli ito ni Sunny kaya kahit na magtaray si Sunny, hindi niya ito masisisi.
"Hayaan mo na siya. Baka magbago naman si Kuya Moon."
"E di wow!" naiinis na sabi ni Sunny. "Magbago? Kailan? Kakakasal lang namin tapos gumawa siya ng katarantaduhan kasama si Kristel! Ngayon naman, magju-judge siya sa Binibining Pilipinas!"
"Talaga?"
"Oo. Si Tito Blue raw nagsabi."
"Aw!" nakangiwing sabi ni Nica. Alam niyang galit na naman si Sunny. "Pinayagan mo?"
"Bahala siya sa buhay niya!"
"Baliw talaga 'yon!"
"Yaan mo siya!"
"Hay naku, hindi na ba talaga magbabago si Kuya Moon?"
"Magdi-divorce naman kami kaya hayaan mo siyang magsaya. Walang makakaalam na kasal na kami."
Napailing si Nica at nalungkot ang mukha. "Paano kapag mabuntis ka?"
"Hindi iyon mangyayari," siguradong sagot ni Sunny.
"H-Huwag mong sabihing hindi pa kayo nag-aano?" nagdududang tanong ni Nica. Kilala naman niya si Sunny na hard to get pero impossibleng wala talaga. Ilang beses na nagco-cross ang landas ng dalawa sa galaan at ilang beses na ring sumama si Moon sa tuwing maghang-out silang magbabarkada at madalas pang magkatabi ang mga ito kung matulog.
"Change topic," ani Sunny.
Tumango si Nica at dinampot ang basong may orange juice sa harapan nila. Alam niyang masisira lang ang araw ni Sunny kapag magpumilit siya.
Nag-usap pa sila ni Nica at napag-usapan nila ang nalalapit nilang class reunion. Magtatakip-silim na nang nagpaalam si Sunny dahil ang kukulit na ng mga bata.
"Bye. Mayaman ka na kaya baka naman may regalo na ang inaanak mo," biro ni Nica kaya napataas ang kilay ni Sunny.
"Sa birthday niya," sagot ni Sunny. Wala naman sigurong masama kung babawasan niya ang pera ni Moon. Tutal pamangkin naman nito ang mga anak nina Gab at Nica. Isusulat na lang niya ang pangalan ni Moon sa gift.
Nakasakay na siya sa kotse ng mga Lacson nang tumunog ang cellphone niya. Si Moon ang tumatawag kaya hindi niya sinagot. As expected, nagtext ito. Tinatanong kung nasaan na siya pero tinatamad siyang mag-reply. Dahil sa traffic, alas otso na siya nakarating sa bahay. Dagdagan pa ng aksidente kaya hindi talaga nakausad ang trapiko kanina.
"Saan ka galing?" mahinang tanong ni Moon na nakaupo sa sofa at halatang inaantay siya.
"Nica," tipid na sagot ni Sunny at dumiretso sa hagdanan.
"Hindi ka ba marunong mag-reply?" Napatigil siya sa pag-akyat ng hagdan nang sumigaw si Moon.
Tumayo si Moon at naglakad palapit sa kaniya. "Sa susunod, matuto kang sumagot kapag tumatawag ako!"
"Naka-silent--" napatigil siya sa pagsalita nang tumunog ang cellphone niya.
"Ayaw ko sa sinungaling!" madiing sabi ni Moon.
"Hindi ko obligasyon na ipaalam sa 'yo ang bawat lakad ko, Moon," pagsuko ni Sunny.
"Responsibilidad kong alamin ang bawat kilos at lakad mo," giit ni Moon.
"Hindi na kailangan--"
"Asawa kita!" singhal ni Moon sa nagbabagang mga mata. "Lahat ng meron ako, meron ka rin! Lahat ng ginagawa natin ay kailangan ipaalam natin sa isa't isa!"
"Pinakasalan mo lang ako dahil ginipit ka ng parents mo!" matapang na sumbat ni Sunny at sinalubong ang mga mata ng asawa. Hindi siya nito masisindak. Tutal ito naman ang unang nanigaw.
"Pinakasalan?" ulit ni Moon at nainsultong ngumiti. "The hell I care sa paggipit nila! Kaya kong mabuhay nang wala ang pera nila!"
"Kung ganon, bakit mo ako pinakasalan?" mahina pero puno ng hinanakit na tanong ni Sunny. "Alam mong magkandaletse-letse lang ang buhay natin pareho! Sana hindi ka na lang--"
"Dahil ayaw kong makasal ka sa iba!" pasigaw na sagot ni Moon at napasabunot sa buhok. "D-Dahil hindi ko kayang makitang iba ang kinakasama mo! I can't imagine na gabi-gabi ay may ibang umaangkin sa 'yo! Hindi ako papayag!"
Naitikom ni Sunny ang bibig at nagtatanong ang mga matang sinusuri ang mukha ng asawang namumula ang buong mukha sa galit.
"H-Huwag kang maghintay ng divorce paper dahil hindi iyon mangyayari. Hindi kita papakawalan kahit magkamatayan man tayo," mahinang saad ni Moon. "Akin ka lang, Sunny. Akin ka lang!"
"B-Bakit mo 'ko pinapahirapan, Moon? Bakit ba mula nang maging tayo, w-wala ka nang ibang g-ginawa kundi saktan ako?" umiiyak na tanong ni Sunny. Ang gulo kausap ni Moon. Minsan pinaparamdam nito na mahal siya nito tapos sa susunod na araw, parang wala siyang kuwenta sa buhay nito.
"Hindi na tayo magjowa, Sunny. Kasal na tayo. Wala na akong karapatang makipagsiping pa sa iba. Alam kong mahirap patunayan pero bahala na..." Napabuntonghininga siya. "Kung ayaw mong maniwala, hayaan mo akong ipakita ang pagbabago ko. Oo, fuck boy ako pero for Pete's sake, gusto ko nang magbago. Gustong-gusto ko na talaga," desperadong saad niya.
Narinig niya ang paghagulgol ng asawa kaya nilapitan siya nito.
"G-Galit ako sa 'yo!" singhal ni Sunny saka sinuntok si Moon sa dibdib. "G-Galit ako kasi manloloko ka! G-Galit ako kasi p-palagi ka na lang nangangako pero k-kung sino-sino naman ang kasama mong babae!" Tuloy-tuloy lang ang pagsuntok niya.
Tinanggap ni Moon ang mahinang suntok ng asawa hanggang sa napagod na ito. Uupo na sana si Sunny pero niyakap siya ni Moon.
"I-I'm sorry, honey. Alam kong h-hindi ko na maibabalik ang tiwala mo," malungkot na paumanhin ni Moon at hinigpitan ang pagyakap na para bang mawawala si Sunny sa kaniya. "Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hayaan mo lang akong iparamdam na mahal kita kahit na hindi ka na naniniwala."
Namayani ang katahimikan at tanging mgs hikbi ni Sunny ang naririnig nila. Pagod na siya sa kakaunawa kay Moon.
Kapagkuwa'y kumalas si Sunny sa pagkakayakap ni Moon.
"Magpahinga ka na. Kung nagugutom ka, may pagkain sa kusina," mahinahong sabi ni Moon at masuyong hinalikan si Sunny sa noo. "Punta lang ako kina Matter," paalam niya dahil alam niyang ayaw siyang makita ng asawa.
Lumabas siya ng bahay at naglakad patungo sa bahay nina Matter. Kay Star sana siya pupunta pero baka natutulog na 'yon at makaistorbo pa siya. Silang tatlo ang close sa team galaxy. Siguro dahil sila rin ang kasabayan sa inuman at mas matagal ang bonding nila dahil silang tatlo ang pinakahuling nag-asawa.
"Ba't napasugod ka?" tanong ni Matter na aakyat na sana para matulog. "Nag-away na naman kayo ni Sunny? Kailan mo ba matatanggap na may asawa ka na?" panenermon ni Matter.
"Mahirap magpaliwanag sa mga taong kahit anong gawin ko, sarado ang utak," sagot ni Moon.
"Ikaw naman ang dahilan kung ba't naging ganiyan si Sunny."
"Siya rin naman ang dahilan kung bakit naging ganito ako," sagot ni Moon.
"Bakit mo isisi sa kaniya ang panloloko mo? It's a choice, Moon. Kahit anong ugali ng babaeng mahal mo, kung pinili mo sanang maging faithful, wala sana kayong magiging problema. How can she trust you kung paulit-ulit kang nambabae?"
"I know," pagsuko ni Moon. "Mahal ko siya."
"Kung mahal mo siya, dapat hindi ka gumawa ng bagay na ikaiiyak niya. Pagod na si Sunny sa kakaintindi sa 'yo."
"Alam ko," malungkot na pagsang-ayon ni Moon.
"Dito muna ako matulog," mahinang paalam ni Moon.
"At kung hanapin ka niya?"
"Nagpaalam na ako. Tawagan mo na rin para mas maniwala siya. Baka hindi 'yon maniwala," pakiusap niya. Alam niyang maniniwala na si Sunny sa mga kapatid niya dahil mula nang mag-asawa ang mga ito, nasa pamilya na ang loyalty ng mga kapatid.
"Sige. Magpahinga ka na nga. Laki na ng eyebags mo," napailing na sabi ni Matter. Lumuwas siya dahil may business meeting siya kanina at bukas.
"Thanks bro," pasalamat ni Moon at dumiretso na sa guest room ng bahay.
-------------------------+--+++------
Kinaumagahan, tinanghali na si Sunny ng gising. Bumangon siya pero nagulat siya nang makitang nakaupo si Moon sa couch at pinagmasdan siya.
"Morning," bati ni Moon at kinuha ang tatlong puting rosas sa tabi nito saka tumayo at binigay kay Sunny. "Pasensiya ka na kung nasigawan kiya kagabi."
Kinuha ni Sunny ang bulaklak at tumango dahil tinatamad siyang magsalita. Tinalikuran niya si Moon para pumunta sa banyo.
"N-Nag-alala lang kasi ako dahil hindi mo sinasagot ang tawag ko. Nang pumunta ako sa coffeeshop at bakery, wala ka naman daw doon kaya nag-panic na ako," paliwanag ni Moon. Halos dalawang oras siyang naghintay sa coffeeshop pero ne anino ng asawa, wala. Wala ring idea ang mga tauhan nito.
Dumiretso si Sunny sa banyo. Nang maisara niya, napasandal siya sa pintuan at napapikit. Nang magmulat siya muli, napatitig siya sa tatlong puting rosas na hawak. Tumawag nga ang cashier niya kagabi at ipinaalam na dumaan daw si Moon at hinahanap siya. Inabot na nga raw ito ng dilim sa kakahintay sa kaniya.
Naghubad siya ng damit at nagbabad sa ilalim ng shower. Nang mapagod ay lumabas siya at nagbihis.
Pagbaba niya sa kusina, nakahanda na ang almusal niya pero wala si Moon.
Binasa niya ang puting note na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Honey,
I'm sorry kagabi. Kahit galit ka, sana kumain ka pa rin.
Naupo si Sunny at pagbukas niya ng platong may takip, napailing siya nang makita ang dalawang pritong itlog at tila labing nakangiting ketchup sa ibaba ng dalawang itlog. Kaya nagmukhang smiley ang itlog at ketchup sa bilog at puting plato. Kumain siya ng tocino at itlog na niluto ni Moon. Napatitig siya sa tocino. In fairness, maayos na ang pagkakaluto. Noong una, kung hindi hilaw, sunog ang mga niluluto nito.
Napatigil siya sa pagsubo at napabuntonghininga. Yes, sa kaibuturan ng puso niya, nandoon ang panalanging sana ay magbago nga si Moon at mabigyan ng pagkakataon ang pagiging mag-asawa nila. As of now, sobrang pagod pa siya.

I'm not Jealous, Just TerritorialWhere stories live. Discover now