13

867 40 0
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

UNEDITED...

"Honey?" nagsisipilyo siya nang yakapin ni Moon mula sa likuran.
"Hmm?"
"Ba't ang ganda mo?" bulong ng binata habang nakatitig sa repleksiyon nila ng asawa sa salamin.
Ipinatong niya ang baba sa kanang balikat ni Sunny at hinigpitan ang yakap sa bewang nito.
"Hon? Akin ka lang, ha?"
Nagmumog si Sunny at ibinalik ang toothbrush sa lagayan.
"Bilisan mo na, Buwan at male-late na po ako."
Napaungol sa pagtutol si Moon. Tinatamad pa siyang kumilos.
"Huwag na maging tamad, Buwan!"
Lumabas siya sa bathroom kaya sinundan siya ni Moon.
Hinubad niya ang bathrobe saka nagpalit ng damit.
"Huwag ka na lang kaya pumasok?" Naupo si Moon sa kama at pinagmasdan ang pagbihis ng asawa. "Di ba inaantok ka pa? Matulog na lang ulit tayo, Honey."
Humarap si Sunny kay Moon. "Maghahatid ka lang naman sa akin e. Magbihis ka na nga!"
"Gusto ko magkulong muna tayo sa kuwarto ng one month tapos gawa lang tayo ng baby."
Napasimangot si Sunny. Nandiyan na naman sila sa pagiging isip-bata ng asawa niya.
"Magta-taxi na lang ako o makisabay kina Star. Matulog ka na lang diyan maghapon!"
"Baby!" inaantok na sabi ni Moon. "Gusto ko ng baby!"
"Puro ka baby! Ang tagal mo nang gumagawa ng baby pero hindi pa tayo nakakabuo kaya wala nang pag-asa!" pikong sabi ni Sunny kaya napabangon si Moon.
"K—Kapag baog ba ako, iiwan mo ako?" natatakot na tanong niya.
"Magbihis ka na!" Kinuha niya ang suklay at inayos ang mahabang buhok.
"Sana ikaw na lang ang baog!"
Napatigil si Sunny sa pagsusuklay nang marinig ang sinabi ng asawa.
"Para kahit na ikaw ang baog, tayo pa ring dalawa, Sunny! Kasi kung ako ang baog, iiwan mo ako. Maghahanap ka ng iba. Pero kapag ikaw ang baog, hinding-hindi kita iiwan. Asawa pa rin kita at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa 'yo." Nababahala talaga siya na iwan siya ni Sunny. Mamaya magpapa-check sila ng mga kapatid para malaman ang sperm count niya o kung ano ang problema sa kaniya.
Napansin niyang hindi na siya pinansin ng asawa at nagme-make up na ito.
"Huwag ka na ngang magpaganda!"
Tumayo siya at naghanap ng maisusuot. "Maganda ka na, Sunny!"
"Gusto ko, bakit ba?"
"Ayaw ko kasing may nakakapansin sa 'yo lalo na kapag wala ako! Isa pa, dapat ako lang."
"Ikaw lang naman ang asawa ko a!"
"Honey, hindi mo ako naiintindihan e. Natatakot ako na mawala ka, okay?"
"Hindi po ako mawawala," sagot ni Sunny na maingat na naglalagay ng eyeliner.
"Hindi mo lang kasi alam kung gaano kita ka mahal at kung gaano ako kapatay na patay sa 'yo!" madamdaming pahayag ni Moon kaya natawa si Sunny. "Walang nakakatawa, Sunny!"
"Bilisan mo na po, mahal kong asawa. Late na po ang asawa mo."
"Ang maganda kong asawa," sabi ni Moon at napangiti.
"Opo, pogi kong asawa!"
Sabay silang natawa. Binilisan na ni Moon ang pagbihis nang makita na tapos na si Sunny.
"Mauna na ako sa baba," sabi ni Sunny at kinuha ang bag na binili ni Moon noong isang araw.
Pagbaba ni Moon, agad na itong nagmaneho.
"May tumatawag sa 'yo," sabi ni Sunny nang marinig ang tumutunog na cellphone. "Ako na ang kukuha."
Ipinasok niya ang kamay sa kanang bulsa ni Moon.
"Pag itlog ko madukot mo—"
"Tumahimik ka nga!" Inirapan niya si Moon na ngingiti-ngiti lang.
"Actually, okay rin naman na wala tayong anak. Trabaho, bahay, kain, boom boom paw at gala lang tayo," sabi ni Moon at napatingin sa asawang binubuksan ang cellphone niya. "Wala ka pong mahihilata riyan!"
"Kanina pa si Star tumatawag!"
"Yaan mo siya," sagot ni Moon at tumigil nang mag-red light.
"Kapag makakita ako ng ibang babae na tumatawag sa 'yo, ihanda mo na ang sarili mo at susunugin ko pati kaluluwa ninyo!" pagbabanta ni Sunny.
"Selosa."
"Hindi ako selosa!"
"Siyempre, wala ka namang pagseselosan!"
"Marami!"
"Nagbago na ako."
"Taga mo 'yan sa bato 'yang pagbabago mo, Buwan!"
"Hahanap pa ba ako kung ikaw na ang asawa ko?" tanong ni Moon. "Pano pa kaya kapag magka-baby na tayo? Eh 'di hindi na talaga ako makipag-usap sa iba."
Tumahimik si Sunny at napatingin sa labas. Nafru-frustrate siya sa mga pinagsasabi ni Moon. Napasulyap siya kay Moon na nagmamaneho. Maaliwalas ang mukha nito. Mula nang maging okay na sila at nagkapatawaran, naging mabait na ito sa kaniya at inaalagaan. Napaisip siya. Tatagal pa kaya silang ganito? Paano kung magbago si Moon? Paano kung sa umpisa lang ang pagbabago nito? Ipinilig niya ang ulo. Mali. Hindi siya dapat na mag-isip ng negatibo. Kapag binigyan mo ng chance ang isang tao, dapat buo na ang tiwala mo. Nangako sila sa isa't isa na magsimula ulit kaya buburahin na niya ang dati nilang pagkakasala.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Moon nang manahimik ang asawa.
"Oo. Iniisip ko lang kung ano ang gagawin namin mamaya," sagot ni Sunny at nginitian si Moon.
Hinawakan ni Moon ang kamay ni Sunny at pinisil.
"Kaya mo 'yan, Hon. Ikaw pa."
"Sana nga."
"'Di ba pangarap mo 'yan? Siyempre kakayanin ng honey ko!" pagmamalaking sabi ni Moon at dinala sa mga labi ang kamay ni Sunny. "I love you, Sunny."
"I love you too, Buwan!"
Isang kamay ang nagmamaneho habang ang isa ay nakahawak sa kamay ni Sunny.
"Baba ako, Hon?" tanong ni Moon nang malapit na sila sa gate ng Westbridge.
"Huwag na. Umalis ka na dahil baka ma-late ka."
"Hatid kita sa classroom."
"Honey!" pinandilatan niya si Moon kaya napasimangot ito.
"Dapat malaya na tayong gumalaw e."
"Kasalanan mo dahil nangabit ka!" paninisi niya. Siyempre mga tsismosa kaya ang mga estudyante dahil panaya ang social media.
"Kung 'di lang talaga ako takot sa 'yo, bababa ako at buhatin papasok ss classroom ninyo!"
Natawa si Sunny nang tumigil si Moon.
"Ingat ka—uhmp!" Kinabig siya sa leeg ng asawa at mariing hinalikan sa mga labi.
"H—Huwag ka na lang kaya pumasok? Uwi na lang kita ulit?" seryosong sabi ni Moon habang nakatitig sa mukha ng asawa.
"Alis na—uhmp!" Hinalikan na naman siya ni Moon kaya hindi na niya ito tinulak. Tinugon niya ang maalab na halik ni Moon pero nang marinig ang busina sa likuran ng kotse ay tinulak na niya ito. "Tama na, Buwan. Sa bahay na lang mamaya."
"Kainis!" pagmamaktol ni Moon habang tinitingnan si Sunny na hinubad ang sestbelt.
"Ingat sa pagbiyahe." Inabot niya ang bag sa backseat.
"Honey? Alam kong marami ang mayaman at may hitsura diyan sa Westbridge pero tandaan mo, kasal ka na, okay?"
"Okay," natatawang sabi ni Sunny.
"Kapag malaman kong may kerido ka, itatali ko kayo at ipabaril sa tabi ng Monumento ni Rizal!"
"Oo na po. Bye." Hinalikan siya ni Sunny bago bumaba.
Nang makapasok sa gate, binusinahan niya si Sunny kaya napalingon ito sa kaniya kahit na tented ang salamin niya.
Kumaway si Sunny kaya kumaway siya kahit na hindi naman siya nito nakikita.
"Mahak kita, Sunny ko!" bulong niya bago magneho ulit.
Parang kailan lang, hahabol-habol pa siya kay Sunny at kung saan-saan sinusundan para lang masiguradong hindi ito magkakaroon ng bagong lalaki pero ngayon, asawa na niya ito.
Pagdating sa opisina, agad siyang sinalubong ni Star.
"Ba't nandito ka?"
"Baliw ka ba? Ngayon na tayo magpa-examine, 'di ba?"
"B—Bukas na lang kaya?" nakangiwing sagot niya.
"So, nagsasayang lang kami ng oras para sa 'yo?" sabat ni Sun na papalapit sa kanila.
"Eh? Huwag na lang. Hayaan na 'yang examine na 'yan!" Tatakbo na sana siya papasok sa opisina pero nasa likuran niya si Clouds.
"Ngayon na!" madiing sabi ni Clouds.
"Mga kapatid?" nakangiwing sabi ni Moon. "Huwag na lang—shit! Baba ninyo ako!"
Binuhat siya ng tatlo palabas ng opisina. Sina Sun at Clouds sa magkabilang paa biya habang nakasuporta sa likuran si Star.
"Shit! Baba ninyo ako!" sigaw niya pero naipit siya sa pagitan nina Clouds at Sun tapos si Star na ang nagmaneho.
"Para malaman na natin kung ano ang kailangan mo para magkaanak na" sabi ni Star at napasulyap sa tatlo habang nagmamaneho.
"Tang—ayaw ko na nga! I changed my mind. Come on, guys! Baba na ninyo ako, parang awa na ninyo," naiiyak na pakiusap niya.
"I cancelled my appointments para lang masamahan ka namin kaya huwag ka nang mag-inarte!" sabi ni Sun.
"Palibhasa tuli ka na!" naiinis na sabi ni Moon.
"Mga walang hiya kayo!" naiinis na sabi ni Sun nang tumawa ang mga kapatid.
"Huwag kang mag-alala, bro! Ikaw naman ang pinakamatapang sa team galaxy," nakangiting sabi ni Star. "Kaw ba naman tuliin na walang anesthesia."
"Shutuo!" singhal ni Sun. "Baka nakalimutan mo, ikaw lang ang mapanakit sa atin!" panunuya niya kay Star na naningkit ang mga mata nang maalala ang nangyari noon sa bar.
"Baka may sasabihin ka, Clouds?" tanong ni Moon nang manahimik ang mga kapatid.
"Wala," sagot ni Clouds at tumingin sa labas ng bintana.
"Letter O!" sigaw ni Star bago nag-Uturn.
"Tong tong tong pokotong kotong. Olomongo so dogot! Moloko ot mosorop! Mohorop moholo sopogkot nongongongot!" sabay na kanta nilang tatlo at nagtawanan kaya nagbubuga na naman ng apoy ang ilong ni Clouds sa mga kapatid.
"Dapat hindi na ako sumama sa inyo e!" pagmamaktol ni Clouds pero natawa ang mga kapatid.
Pagdating sa hospital, agad na nagbigay ng semen si Moon.
"P—Paano kung hindi na ako magkakaanak?"
"Ampon ka na lang," suhestiyon ni Star at inakbayan ang kapatid.
"Think positive, bro. Malay mo, baka hindi pa ninyo panahon ni Sunny," seryosong sabi ni Clouds para maramdaman ng kapatid na nandito pa naman sila. "Kung mahal ka ni Sunny, matatanggap ka niya kahit na baog ka na huwag naman sana."
"Hayaan mo na, mahal ka naman ni Sunny kaya mauunawaan ka niya. Pwede naman 'yon e. Eh 'di same lang din ng case natin," sabi ni Sun. "Kita mo, nabuo nga tayong team galaxy na iba-iba naman ang nanay natin. Okay lang 'yan, Buwan. Aambag kami para sa paghanap ninyo ng surrogate mother."
"Oo nga. Puwede namang si Chummy na lang ang magbuntis para sa baby ninyo," suhestiyon ni Clouds.
"Gago! Ba't asawa ko?" bulalas ni Star. "Asawa mo na lang kaya?"
"Payat si Pango ko. Si Chummy malusog," depensa ni Clouds.
Napabuntonghininga si Moon. Buti pa ang mga kapatid niya, may pamilya na. Masaya na sa mga anak nila samantalang siya, mukhang malabo pa dahil siya yata ang nagmana sa problema ng ina nila.
Hindi niya makakayang mawala si Sunny sa kaniya. Ngayon pa ba na asawa na niya ito? Hayaan na ang anak. Pero ang ikinakaproblema niya ay kung paano na kapag gustuhin ni Sunny na magka-baby at hindi niya iyon maibigay? Iiwan kaya siya nito at hahanap ng iba? Ayaw niya ng annulment. Basta sa kaniya lang ang asawa niya!

I'm not Jealous, Just TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon