19

1K 50 0
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

UNEDITED...

"Aabsent ka ba talaga ngayon?"
"Oo, para masamahan kita."
"Kaya ko namang mag-isa."
"Gusto ko nandoon ako para moral support, Honey," sabi ni Moon kaya napailing si Sunny.
"Bahala ka."
"Galit ka?" Sumipol si Moon kaya napatakbo si Eclipse palapit sa kanila. "Bihis ka na, Baby Eclipse, samahan natin si Mommy."
"Bawal siya sa hospital."
"Puwede," giit ni Moon at binuhat ang alaga. "Bango-bango naman ng baby ko."
"Magkakasakit siya, Buwan. Iwan mo na lang si Eclipse!"
"Ayaw kong iwan sa mga kapatid ko, papatayin ng mga anak nila ang baby natin," nag-aalalang sabi ni Moon.
"Kina Mommy Taira na lang, Buwan. Maalaga naman si Daddy Sky e."
"Mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Moon saka tinap ang ulo ni Eclipse. "Be a good girl kina Lolo't Lola, okay?'
"Huwag na kaya tayong tumuloy," sabi ni Sunny na pahawak sa tiyan.
"Bakit? May masakit ba?"
"Bumabaliktad sikmura ko, Honey," sagot ni Sunny at napatutop sa bibig.
"Honey naman, napag-usapan na natin 'to e. Pumayag ka na e. Psychological lang ang nararamdaman mo," sabi ni Moon.
"S—Seryoso ako, Buwan. Bumabaliktad talaga sikmura ko," sabi ni Sunny at tumayo pero agad na nabuwag. Mabuti na lang at nasalo siya ng asawa.
"Shit!" Inilapag ni Moon si Eclipse at inalalayan si Sunny na maupo. "Honey? Okay ka lang?"
Tumango si Sunny.
"N—Nasusuka ako," sabi ni Sunny at napapikit nang maramdamang umiikot ang paligid. Kagabi pa niya iti naramdaman pero sinusubukan lang niyang kalabanin.
"Ngayon—" Moon.
Bwuak! (pano ba sound nung sumuka? Hahaha!)
Sumuka na si Sunny sa saging habang nakahawak sa sikmura.
"Wait!" sabi ni Moon at mabilis na tumakbo sa kusina para kumuha ng tubig at patakbong bumalik. "Honey, inumin mo 'to." Hinimas niya ang likod ng asawang naduduwal pa rin.
"S—Sorry!" paumanhin ni Sunny saka sumuka pa.
"Hey! Huwag!" saway ni Moon nang lumapit si Eclipse at dilaan sana ang suka.
"Sit there!" ma otoridad na utos ni Moon kaya parang batang pinagalitan na naupo si Eclipse sa isang sulok na malapit sa TV at pinagmasdan sila.
Uminom ng tubig si Sunny at pinahidan ang mga luha.
"Masama pa ba? Pa-hospital na tayo, Honey."
"Huwag na, magpapahinga lang ako," nanghihinang sabi ni Sunny.
"No, kailangan mong magpa-checkup, Honey."
"Ayaw ko."
"Sunny, huwag matigas ang ulo! Alam mo namang nag-aalala ako e!" sabi ni Moon.
"Ayaw ko talaga, Buwan."
"Alis tayo pagkatapos ko 'tong linisin!"
Kumuha siya ng mop at nilinis ang suka ng asawa. "Stay there, Eclipse."
Pagkatapos, naupo siya sa tabi ni Sunny.
"Okay ka na?"
"Y—Yes."
"Stop lying, Sunny. Come on, let's go to the hospital!"
"Ayaw ko talaga, Buwan!" naiiyak na sagot ni Sunny.
"Hindi ako mapakali kapag hindi ka okay!"
Tumayo si Sunny saka naglakad pero muling nabuwal kaya mabilis siyang sinaklolohan ni Moon at binuhat.
"Come with us, Baby!" sabi ni Moon kaya agad na tumayo si Eclipse at sumunod sa mag-asawa.
"Baba mo 'ko, Moon! Magagalit ako sa 'yo!"
Pero parang walang narinig ang asawa at binuksan nito ang backseat. Naunang umakyat si Eclipse bago niya ipinasok si Sunny.
"Huwag kang lumabas! Kilala mo ako, Sunny! Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman na okay ka!"
Pumasok siya ds drivers seat at magmaneho. Saktong nadaanan niya sina Star at Clouds na naglalakad kaya binusinahan niya.
"Saan ka pupunta, Buwan?" tanong ni Star nang bumukas ang bintana.
"S—Samahan nga ninyo ako, dadalhin ko si Sunny sa hospital!"
"Bakit?"
"Mamaya. Sakay na muna kayo!"
Kahit na nakapambahay, walang dudang sumakay ang dalawa. Si Star ay nasa tabi ni Moon.
"Okay ka lang?" tanong ni Clouds kay Moon na numumutla.
"Medyo okay na. Nahihilo lang nang kaunti," sagot ni Sunny na kalong na si Eclipse.
"Ang dami niyang naisuka," sabat ni Moon at pinabilisan ang pagpatakbo.
"Hala, baka buntis na si Sunny, Buwan!" sabi ni Star at hinampas sa balikat ang nagmamanehong kapatid. "Magiging ama ka na!"
"Oo nga!" pagsang-ayon ni Clouds. "Naku, magkakapamangkin na kami sa inyo!"
"This is not a joke!" inis na sabi ni Moon dahil alam naman ng mga ito ang tunay na sitwasyon ni Sunny.
"Bakit? Possible naman a! Si Seola nga, ganyan din noong buntis. Nasuka at nahihilo," sabi ni Clouds.
"Hindi mo alam na buntis si Seola noon!" sabat ni Star.
"Alam!" Clouds.
"Hindi!" Star.
"Alam!"
Mas lalong nahilo si Sunny sa dalawa.
"Hindi. Hindi mo nga alam na naglilihi na ng talangka si Seola e," sabat ni Moon at napasulyap sa asawa. Teka, gusto rin naman ni Sunny ng hipon e. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi kaya buntis nga ang asawa? Napahigpit ang hawak niya sa manibela. No, he can't act na masaya sa harap ni Sunny dahil kapag hindi naman ito buntis, masasaktan lang niya ang asawa. Pero na-iexcite siya.
Pagdating sa hospital, pinadiretso sila sa ER. Kinuhaan ng vital signs si Sunny pati blood test.
"Miss, check n'yo na rin kung buntis siya ha," bulong ni Clouds na med tech na kumukuha ng dugo kay Sunny.
"Sir?" tawag ng guwardiya. "Dito lang po tayo sa labas."
"Asawa ko ho siya," sabi ni Moon na hawak ang kamay ni Seola.
"Kapatid kami nitong asawa," sabi ni Star.
"Bawal ho kasi, sir," sabi ng guard.
"Ay, hindi puwede," tanggi ni Clouds na marami na ang kumukuha ng litrato sa kanya mapa-pasyente man o bantay sa labas.
"Sa labas na muna kayo," sabi ni Moon sa mga kapatid.
"Sir, admit natin si Ma'am ha. Dehydrated siya e," sabi ng doktora.  "Nakapag-pregnancy test na ba kayo?"
"Hindi pa ho," sagot ni Moon.
"H—Hindi na ho ako magkakaanak," sabat ni Sunny. Masakit man pero kailangan niyang tanggapin ang katotohanan.
"Marami kaming pasyente na akala ay hindi na pero nabuntis pa rin," sabi ng doktora at tumabi para malagyan ng IVF o intravenous fluid si Sunny.
"Ouch!" daing ni Sunny nang tinusok ng nurse ang right hand cephalic vein ni Sunny.
"Dahan-dahan lang!" saway ni Moon na siya ang nagulat.
Matapos bigyan ng IV fluid, nilipat nila sa private room si Sunny.
"Sabi ko na nga ba e, buntis talaga 'yan!" bulong ni Star na nakaupo na sa upuan at binuksan ang TV.
Napatayo sila nang pumasok ang doctor.
"Doc," wika ni Moon na tumayo rin.
"Heto na ang result. Maliban sa dehydration, kaya siya nasusuka ay well—"
"Ano, Dok?/ Ano, Dok?" sabay na tanong nina Star at Clouds.
"Congratulations—"
"Yes/Yes!" sabay na sigaw nina Star at Clouds saka nagtatalon kahit na hindi pa natapos ng doktora ang sasabihin. "Buntis na si Sunny!" hiyaw ni Star.
"Magkakaapo na naman si Daddy!" masiglang sabi ni Clouds kaya natawa si Doc.
"Tumigil kayo!" saway ni Moon at pinangbatukan ang mga kapatid dahil nabibingi siya sa kabog ng dibdib. Congratulations pa lang ang narinig niya e. Kinakabahan talaga siya. Kanina pa niya tinatago ang excitemet e. Hindi lang niya mailabas. "Ano ho 'yon, Dok?" tanong niya at napasulyap kay Sunny na namumutla habang nakatingala sa kanila.
Ngumiti ang doktora. "Nasabi na nila," sabi ni doktora.
"N—Nasabi na?" usal ni Moon na nahihirapang huminga dahil sa sobrang excitement.
"Yes, congratulations, eight weeks pregnant na siya," sabi ng doktora kaya parehong nagulat ang mag-asawa.
Napapahiyaw sina Star at Clouds.
"G—Gusto kong sumigaw," mahinang sabi ni Moon. Hindi ba dapat masaya siya at tumalon kagaya ng mga kapatid? Pero bakit nanigas ang buong katawan niya at parang dumilim ang paligid? Brownout ba?
"Buwan!" sabay na sigaw nila nang mawalan ng malay si Moon.
-------------
Pagdilat ni Moon, mukha ng ina ang nasilayan niya.
"Mom."
"Baby, okay ka na?" nag-aalalang tanong ni Taira. Napaupo si Moon at napalunok ng laway.
"M—Mom," usal niya. "Si Sunny?"
"Okay na siya," sagot ni Taira.
"Mom?" pabulong ni Moon.
"Okay ka lang, Moon? May masakit ba, 'nak?"
Umiling si Moon.
"M—Masama ba kung mapanaginipan kong buntis daw si Sunny?" naiiyak na sabi ni Moon. "M—Mom, nanaginip akong buntis daw ang asawa ko."
Unti-unting nawala ang pag-alala sa mukha ni Taira at napabuntonghininga na lang.
"M—Mom? Masama ba ako kung nasisiyahan ako?" Napayuko si Moon. Alam kasi niyang masasaktan si Sunny kapag sabihin niya ang panaginip. Ayaw niyang malungkot si Sunny.
"Hindi naman masama," wika ni Taira.
"Secret lang natin 'to, Mommy ha. Pero okay na rin naman sa akin si Eclipse e. Basta magkasama kami ni Sunny, walang problema sa—ouch!"
Tumalsik yata ang utak niya sa lakas ng pagkakabatok sa kanya.
"Tumahimik ka nga!" inis na sabi ni Sunny kaya nanlaki ang mga mata ni Moon at nilingon ang asawang nakaupo sa gilid ng kama at may IF fluid sa kamay nito. "Tumayo ka na riyan at mahihiga ako!"
"H—Honey?" Iginala niya ang mga mata. Hindi familiar ang silid. "N—Nasaan tayo?"
"Tumayo ka na sabi!" Tinulak siya ni Sunny kaya agad siyang tumayo at napatingin dito.
"Ano ang—" Moon.
"Sunny!" tili ni Nica na nagmamadaling pumasok at agad na niyakap ang bestfriend. "Oh my ghad! Congratulations!"
"S—Salamat," naiiyak na pasalamat ni Sunny. "H—Hindi ko inaasahan."
Bubulong-bulong si Moon at pilit inalala ang nangyari.
"Mom," bulong ni Moon sa ina. "S—Sampalin mo nga ako. Baka nananaginip lang ho ako e."
Ngumiti si Taira at kinurot ang pisngi ng anak. "Gising na gising ka."
"Sabi sa 'yo e, magka-baby rin kayo. Ninang ako siyempre!" masiglang sabi ni Nica kaya natigilan si Moon at napatutop sa bibig.
"H—Hindi ako nananaginip," wika niya nang ma-realize na totoo ngang buntis si Sunny. "Shit! Buntis ka, Honey!"
Naiiyak na ngumiti si Sunny. Alam na ng lahat pero ngayon lang nito na-realize. Baliw talaga 'to si Moon.
"Mommy! Buntis si Sunny!" masayang sabi ni Moon at binuhat ang ina saka pinaikot na parang bagong kasal. "Buntis si Sunny! Yohoooo!"
"Ibaba mo na ako, nahihilo na ako," sabi ni Taira at hinampas sa balikat ang anak.
Ibinaba siya ni Moon at mahigpit na niyakap saka humagulgol na umiyak.
Umiiyak na pinagmasdan ni Sunny ang asawang labis ang kasiyahan. Grabe, hindi matawaran ang saya sa mukha ni Moon habang umiiyak. Umuwi na ang mga kapatid nito kanina pa at mamaya pa ras makadalaw si Sky after ng opisina pero halos himatayin din 'yon kanina nang malaman ang magandang balita.
Kumalas si Moon saka pinahidan ang mga luha saka lumabas ng silid.
"Yes! Buntis ang asawa ko!" sigaw niya sa labas kaya napatingin ang mga tao. "B—Buntis po si Sunny!" anunsiyo niya kaya napalabas ang iba sa private room nila. "M—Magiging daddy na po ako! Finally, buntis na siya!"
Masayang sabi niya at todo ngiti habang umiiyak.
"M—Mahigit sampung taon namin 'tong pinagdasal kay God!" sabi niya sa mga tao sa harapan na para bang ka-close niya. "K—Kaya ang saya talaga naming mag-asawa ngayon!"
Pinahidan niya ang mga luha saka umiiyak na tumawa. Kahit ang may anak na bagong admit, lumabas para tingnan kung sino ang sumigaw.
"M—Moon," nahihiyang saway ni Sunny na tulak ang IV stand. "Pasok na tayo."
Imakbayan siya ni Moon. "Heto pala ang magiging nanay ng anak ko. N—Nabuntis ko na po siya! G—Ganda-ganda ng asawa ko, 'di ba?" taas noong sabi ni Moon. "Nabuntis ko na po siya. F—Finally, magkaka-baby na kami! Thank you, Lord!"
"Congrats!" sabi ng isang bantay at lumapit sa kanila saka nakipagkamay kay Moon.
"S—Salamat po," tumutulo ang luhang pasalamat niya kaya napaiyak na rin si Sunny.
Nagsilapit ang mga ito at binati sila saka nakipagkamay.
"Kami three years lang na hindi pinagkalooban pero ngayon nanganak na ang misis ko kaya ramdam ko ang saya mo, dude!" sabi ng lalaki kaya tumango-tango si Moon.
"A—Ang saya ho, 'di ba?" sabi ni Moon.
"Salamat sa pakikiramay sa tuwa. Pasensiya na sa istorbo," paumanhin ni Moon. "Libre ko na po kayong lahat ng dinner at pizza kada room."
Inalalayan na niya si Sunny na bumalik sa loob saka niyakap ang asawa nang maisara ang pinto at sabay na humagulgol.
"H—Honey, ang saya ko," bulong ni Moon na hindi na itinago ang kinikimkim na saya.
Humagulgol si Sunny kaya bahagyang lumayo si Moon at pinahidan ang mga luha ni Sunny.
"Tahan na, baka mapasama pa sa inyo ni Baby. Honey, aalagaan ko kayo, promise!" pasalamat niya at masuyong hinalikan si Sunny sa mga labi. "I love you."
Ngumiti si Sunny at masuyong hinaplos ang makinis na pisngi ni Moon.
"I love you too, Buwan."
Tama nga sila, hindi natutulog ang Diyos kapag lumapit ka lang sa Kaniya.
She wishes na sana lahat ng mag-asawang kagaya sa kanila ay pagkalooban na rin ng Diyos ng anak. They just have to wait.
"S—Si Eclipse?" tanong ni Moon at palinga-linga. "N—Nasaan na ang panganay natin, Honey?'
"Dinala ni Star."
"Shit! Papagurin na naman  ni Twinkle ang baby ko!" reklamo ni Moon kaya natawa si Sunny at muling niyakap ang asawa.

I'm not Jealous, Just TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon