9

885 38 0
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

a/n:
nawawala ako sa story na ito. Hahaha. Pero subukan ko pa ring tapusin. Thanks...

UNEDITED....

"Dalhin mo parents mo dahil gusto nilang manood ng Binibining Pilipinas," sabay bigay ng ticket kay Sunny.
"Hindi ako pupunta."
"Huwag ka ngang maarte."
"Bakit? Kasi judge ka at host ang girlfriend mo?"
"Haist! Hindi ko nga siya jowa. Isa pa, asawa na kita."
"For publicity e. Kaya ka nila kinuha kasi girlfriend mo siya. E di kayo na ni Kristel."
"Bukas na kaya hindi na ako makakaurong. Kung ayaw mo, huwag. Dami mong arte!"
Tinalikuran ni Moon ang asawa. Lahat na nga ng paglalambing, ginawa niya pero dedma pa rin si Sunny.
"Magsama kayo ng Kristel mo!"
"Sabihin mo lang kung nagseselos ka, dami mong dahilan!" pahabol ni Moon at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Sa mansion siya ng mga magulang matutulog. Pagdating niya, nadatnan niya sina Matter at Star na nag-uusap sa sala.
"Binibining Pilipinas na pala bukas," bati ni Star.
"Punta kayo?" tanong niya na naupo.
"Manood na lang kami," sagot ni Matter.
"Ba't nandito ka? Akala ko nextweek ka pa uuwi."
"Ngayon na lang. Birthday ng asawa ko nextweek at sa isla kami magce-celebrate," sagot ni Matter.
"Punta kami doon," ani Star at tumingin kay Moon. "Kayong mag-asawa? Sabay na kayo sa chopper."
"Tingnan ko. Ikaw kaya magkaroon ng maarteng asawa?" problemadong sabi ni Moon. "Pabebe ampots!"
"Baliw. Hiwalayan mo na," sulsol ni Matter.
"Kaya nga. Yaan mo na siya. Daming babae," sabi ni Star.
Tumayo si Moon at walang pasabing iniwan ang mga kapatid. Sumasakit na nga ang ulo niya, dagdagan pa ng dalawa.
Bumaba na lang siya nang mag-dinner na.
Matapos kumain, umakyat na siya sa kuwarto at natulog. Ibinilin niya sa ija na tawagan si Sunny na nandito siya sa bahay para walang away.
Kinabukasan, hindi na siya umuwi pero nanatili siya sa bahay ng mga magulang.
"Kamusta kayo ni Sunny?" tanong ni Sky.
"Buhay pa naman--aw!" Daing niya nang sapakin ng ama.
"Kapag tinatanong ka, sumagot ka nang maayos!"
Nasa balcony siya at nagkakape nang puntahan ng ama.
"Okay lang," sagot niya habang hinihimas ang batok.
"Magkakaapo na ba ako?"
"Hindi pa kami handa," sagot niya.
"Psh! Kailan nyo balak? Tumatanda na kayong dalawa."
"Nextyear," sagot na lang niya para hindi na humaba ang usapan.
"Bakit hindi ngayon?"
"Kasi nextyear."
"Punyeta! Hindi ka ba sasagot ng tama?"
"Dad? Busy ang utak ko ngayon. Kinakabahan ako para mamaya kaya pakiusap, hayaan mo muna akong mapag-isa," pakiusap niya.
"Walang kuwenta kausap!" reklamo ni Sky saka tumayo. "Ayusin mo mamaya, huwag puro papogi!"
Nang umalis ang ama, saka siya nakahinga nang maluwag. Ang kulit nito.
Alas sais na siya umalis ng bahay dahil saktong alas nuwebe raw mag-uumpisa ang pageant.
Sa backstage na siya dumaan para iwas gulo.
Nang ipakilala siya ni Kristel bilang judge, naghiyawan ang mga tao at umugong ang tuksuhan. Ngumiti naman siya pero naglulumikot ang mga mata. At nang makita ang hinahanap, saka siya nakahinga nang maluwag.
Buti at pumunta si Sunny kasama ang parents nito at si Nica. Gusto sana niyang kawayan ang asawa pero makikita sa camera kaya nginitian na lang niya nang magtama ang kanilang mga mata.
"Before we start, may nagpapatanong pala kung ano may jowa ka na, Mister Villafuerte," biro ng lalaking host na kasama ni Kristel.
Kinuha ni Moon ang mic at nagsalita.
"Wala pa," pabirong sagot niya. Inaantok na siya dahil kulang ang tulog. Ang laki nga ng eyebags pero magaling naman ang makeup artist nila kaya medyo fresh pa naman siya tingnan.
"Woah! Wala raw oh," ani Jerson at siniko si Kristel kaya nagtawanan ang audience.
"Wala akong jowa but I'm taken," dagdag ni Moon kaya napa "yieh" ang mga tao lalo na ang teenagers.
Ayun, inumpisahan na ang Binibining Pilipinas. Nagsilabasan ang seksing kandidata na pambato ng iba't ibang lugar.
Paminsan-minsan, sinisilip niya ang asawa sa upuan nito. Umuwi na ang parents nito kaya sila na lang ni Nica ang naiwan.
Kinuha niya ang cellphone at tinext.
"Ok ka lang ba jan?" 091*********
"Paki mo?" 092********.
"Suplada! I luv u!" 091********.
Napangiti siya at ibinalik sa bulsa ang cellphone saka nag-concentrate bilang judge. Marami ang magaganda at marami ang magagaling pero may iilang nangingibabaw.
Kahit sa interview, napapalakpak ang mga kababaihan nang si Moon na ang nagtanong kaya napasimangot si Sunny. Palibhasa si Moon na lang ang naiwang bachelor sa team galaxy. Well, sa pagkakaalam nila.
"Chill. Ganon talaga kapag pogi ang asawa," bulong ni Nica.
Tiningnan niya ang cellphone dahil panay ang vibrate.
"Sbay tau uwi. w8 kta sa backstage" 091********.
"Psh! Umuwi ka mag-isa!"
"Sabayan mo na," ani Nica na nabasa ang text ni Moon.
"Ikaw na lang."
"Uwi na ako, nasa labas si Thabz," aniya. Tumakas lang talaga siya kaya lagot na naman siya sa asawa. Baka nanonood ng live kaya nahuli siya nito. Nakita pa naman niya sa screen ang mukha nila kanina dahil nasa VIP seats sila.
"Sunod na ako."
"Huwag na. Na-text ko na si Kuya Moon na uuwi na ako kaya samahan ka na niya," bilin niya na nakatayo na. Nagbeso-beso ito saka lumabas.
Tapos na rin naman ang interview at mukhang si Miss Cebu ang mananalo.
Nakita niyang tumayo si Moon at sumenyas na sa backstage kaya tumayo na rin siya at lumabas. Marami ang taong nanonood sa labas dahil hindi na pinapasok.
Nakipagsiksikan siya sa hallway pero biglang nagsigawan ang mga tao nang makitang lumabas si Moon para salubungin siya.
"Si Moon!" tilian nila.
"Kyaaah!"
Ayun, nagsitakbuhan sila pero agad na humarang ang tatlong bodyguard nito.
"Eskandaloso!" bulong ni Sunny saka tumalikod. Magta-taxi na lang siya. Ano pa nga ba ang asahan niya?
"Sunny!" malakas na sigaw ni Moon. "Sunny!"
Napatigil siya sa paglakad pero hindi humarap kay Moon dahil lahat ng tao ay nagsilingon at hinahanap ang tinatawag ni Moon.
"Sunny, wait!" tawag ni Moon habang nilapitan ang asawang nagpatuloy sa paglakad.
"Sige, gumawa ka ng eksena!" napipikong bulong ni Sunny na walang balak tumigil. Kunyari hindi siya ang tinatawag ni Moon.
"Honey! Wait!" malakas na sigaw ni Moon kaya natahimik ang mga tao.
"Nasaan si Kristel?" nagtatakang tanong ng mga tao pero pagtingin nila sa screen, nasa loob pa si Kristel.
"Hon? Sandali!" tawag ni Moon na nakipagsiksikan sa mga tao. Tigas talaga ng ulo ng asawa niya.
Hinawakan niya si Sunny sa kanang braso nang maabutan kaya nagsimula na namang mag-ingay ang mga tao.
"Uwi na tayo," tanong niya at inakbayan ang asawa.
"Ginagawa mo?" sobrang hinang tanong ni Sunny na kulang na lang ay ibalibag niya ang asawa.
"Bakit?" inosenteng tanong ni Moon.
"Oh my! May bago siyang girlfriend?"
"Break na sila ni Kristel?"
"Gosh! Two-timee talaga ang mga Villafuerte!"
Ang dami na nilang pinagsasabi pero iginiya ni Moon palabas ang asawa bago pa sila dumugin ng mga tao dahil patapos na ang pageant. May nagkikislapan nang camera na kumukuha sa kanila ni Sunny.
Tumigil si Sunny at tinanggal ang kamay ni Moon sa balikat niya at kalmadong hinarap ang asawa.
"Baka gusto mong magpaliwanag sa fans mo?" mahina niyang sabi nang malapulit na sila sa Exit na sinusubukang maging kalmado at mabait. Puwede pang bawiin ni Moon ang lahat. "Maraming dahilan, Moon. Sabihin mong biro lang ang lahat."
Napalingon si Moon sa mga taong nakatingin at nakasunod sa kanila na halatang naghihintay ng susunod na gagawin nila. Alam niyang inuunawa siya ni Sunny at nais nitong alagaan niya ang pangalan niya kahit na galit ito sa kaniya.
Kapagkuwa'y humarap siya sa asawa at tinitigan ng ilang segundo. Black dress na hanggang tuhod ang suot nito at naglagay rin ng simpleng makeup. Hindi rin ito kasing tangkad ng mga nasa harapan niya kanina.
Hinawakan niya ang kanang kamay ni Sunny at nginitian ito.
"This night will change my whole life," sabi niya at dinala sa mga labi ang kamay ng asawa.
"M-Moon..." usal ni Sunny na nagtataka kung ano ang ginagawa ng asawa niya. "I'm old enough to play, honey. Let them think kung ano ang gusto nila. Basta ako? Gusto kita."
Bago pa man maka-react si Sunny, hinila na siya ni Moon palabas habang ang mga tao ay napasinghap at naiwang maraming tanong sa isipan.
Agad na binuksan ng bodyguard ang backseat at pinapasok ang dalawa.
Nang umusad na ang sasakyan, isinara ni Moon ang maliit na pinto sa pagitan ng backseat at driver's seat.
Nasa labas nakatingin si Sunny at pinagmasdan ang streetlights na nadaanan nila.
"Bakit mo ginawa iyon?" mahinang tanong niya nang hindi makatiis ng katahimikan.
"Iyon naman talaga dapat, 'di ba? Asawa na kita at kapag mag-asawa ay sabay na uuwi sa kahit anumang party o okasyon?" sagot ni Moon.
"Alam mo ang sitwasyon natin, Moon. Dapat nanahimik ka na lang! Puwede naman tayong magkita sa parking lot o kung saan ah." Pikong wika ni Sunny.
"Mula noon, gusto mong magtago tayo pero sa tuwing may lalapit sa akin na iba, nagagalit ka. Ano ba talaga, Sunny? Mahal mo ba ako o ikinakahiya mo?" sumbat niya kaya napaharap ang dalaga sa kaniya na salubong ang kilay kaya umiwas siya ng tingin. "N-Nakakatampo ka eh," dagdag niya na parang tinakasan ng tapang.
"Dahil alam kong iyon ang gusto mo, Moon. Ayaw ko lang ng isyu at alam kong lalaitin lang nila ako," sagot ni Sunny. Isa pa, hindi naman siya sure kung proud ba talaga si Moon na may relasyon sila dahil para sa kaniya, pang kama lang siya nito.
"Bakit ka nila lalaitin?" tanong ni Moon at hinarap ang asawa saka pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Hinatak ni Sunny pababa ang dress nang mapadako ang mga mata ni Moon. "Look at you, Sunny. Natingnan mo na ba ang sarili mo sa salamin?"
"Alam kong pangit ako!" agarang sagot ni Sunny. "Pandak! Puwede ka namang maghanap do'n sa kandidata ng pamalit sa akin eh!"
Napabuntonghininga si Moon.
"Ikaw ang Miss Universe ko," mahinang saad niya. "Sunny? Hindi mo lang alam kung gaano ka kaganda sa paningin ko. Maliit ka man kaysa iba ikaw lang ang nagparamdam ng ganito sa akin." Kinuha niya ang kamay ni Sunny at dinala sa kaliwang dibdib niya. "Ikaw lang ang nagpapabilis ng puso ko. Ikaw lang ang babaeng hindi ako magsasawang titigan magdamag. Alam mo kung ano ang problema sa atin? Miscommunication. Ang totoo, takot akong mawala ka. Takot akong maagaw ka ng iba kasi kapag kasama kita, feeling ko ako ang pinakamasuwerteng lalaki sa balat ng lupa," puno ng pagmamahal na pagtatapat niya habang nakatitig sa mga mata ni Sunny. Sana mabasa ng asawa ang pagmamahal niya.
"B-Bakit naghanap ka pa ng iba?" nauutal na tanong ni Sunny. For Christ's sake, gusto niyang maniwala sa pinagsasabi ni Moon. Kung ang puso niya ang susundin niya, gusto niyang maniwala. Gustong-gusto niya!
"H-Hindi ko alam kung mahal mo rin ako, Sunny. You hate me that much. Or baka pinakisamahan mo lang a-ako dahil may nangyari na sa atin noon at a-ako ang nakauna sa 'yo. Honey, takot ako. T-Takot na takot ako lalo na't madalas mo akong pinagtabuyan. Gusto kong kalimutan ka sa pamamagitan ng mga babae d-dahil baka makalimutan kong mahal kita pero m-madalas kong natatagpuan ang s-sarili kong sinusundan ka kahit saan," naiiyak na sagot niya. Nababaliw siya sa tuwing may tatawag sa kaniya na barkada na nakita raw nila si Sunny kaya kahit na patulog na, halos liparin niya ang kalsada mapuntahan lang si Sunny at iyon na nga, madalas na sa ibabaw sila ng kama napupunta. Pagkatapos nun, sinusubukan niyang magkunwari na parang wala lang ang nangyari dahil sinusumbatan na siya nito kinabukasan na kesyo manyak siya at lahat ng bar ay nandoon siya etc...
Alam niyang hindi valid ang reason niya kung bakit siya nagkaroon ng ibang babae pero natatakot siya sa isiping pinaglalaruan lang siya ni Sunny. Isa pa, parang balewala lang sa kaniya ang paglalambing niya. Ne ayaw nga nitong isapubliko ang relasyon nila.
"B-Bigyan naman natin ng chance ang pagmamahalan natin oh. H-Honey? Ayaw ko ng a-annulment. A-Ayaw ko talaga," naiiyak na pakiusap niya sabay iling. Putiks! Magunaw man ang mundo pero against talaga siya sa annulment. "H-Hindi naman kita pakasalan para lang hiwalayan."
"Bago mo ako pakasalan, ano ang nasa isip mo, Moon?" seryosong tanong ni Sunny.
"I-Ikaw," pag-amin ni Moon. "A-At magiging anak natin."
Biglang natigilan si Sunny at tumulo ang mga luha. Pinahidan ni Moon ang mga luha ng asawa gamit ang mga daliri niya pero biglang humagulgol sa pag-iyak si Sunny kaya niyakap na niya.
"T-Tahan na, hush, honey." Pag-aalo niya sabay yakap nang sobrang higpit. "I love you, honey," bulong niya at hinalikan sa bumbunan ang asawa.
Niyakap nang sobrang higpit ni Sunny ang asawa. Mahal niya ito at hindi lang alam ni Moon kung gaano siya katakot na iwan siya nito. Sana maging maayos ang lahat sa kanila sa kabila ng kakulangan niya.
"I l-love you too, Moon," mahina at umiiyak na wika niya. Narinig niya ang mahihinang hikbi ni Moon nang higpitan nito ang pagkayakap sa kaniya.

I'm not Jealous, Just TerritorialWhere stories live. Discover now