16

970 43 0
                                    

I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

Unedited...

"Huwag ka na lang kaya bumaba?"
Tiningnan siya nang masama ni Moon.
"Kasi issue na naman. Ne hindi ko nga alam kung—" Hindi pa siya tapos pero bumaba ni Moon saka pinagbuksan siya.
"Kapagod na, Honey. Labas na," sabi ni Moon sa asawang nakatingala sa kanya.
Lumabas si Sunny at agad naman siyang inakbayan ni Moon. Medyo naiilang siya dahil hindi naman sila sanay na ganito in public. Mula noon, tago ang relasyon nila.
"Susunduin kita mamaya. Kapag wala pa ako, sa tambayan ka lang, okay?"
"Okay. Dito na lang ako."
Inabot ni Moon ang bitbit na paperbag.
"Ano 'to?"
Tiningnan niya ang laman—ice cream.
"May ref sa loob ng classroom ninyo, ilagay mo 'yan at kapag nagcre-crave ka sa ice cream, 'yan ang kainin mo, maliwanag?" bilin niya kaya napasimangot si Sunny. "At huwag mo nang tanggalin ang singsing mo."
"Kailangan nga hubarin kasi nagluluto ako."
"Kakausapin ko 'yong teacher mong mukhang tukmol!"
"Tumahimik ka na," mahinang saway ni Sunny habang naglalakad. Tahimik naman ang mga tao pero napapasulyap sa kanila.
"Sunny!" masiglang bati ni Kristala nang makitang papasok siya kasama si Moon.
Iginala ni Moon at mga mata habang nakapamulsa.
"Morning," bati ni Sunny sa mga kaklase na napatingin sa kanila.
Napasulyap si Moon kay Jimson.
"Alis na 'ko, Honey!" paalam ni Moon. "Sarapan mo ang pag-bake, okay?"
"Okay."
Yumuko si Moon at ginawaran ng halik si Sunny sa mga labi.
"Sige na, alis na 'ko," paalam ni Moon at lumabas na.
"Uy, grabe ka! Ikaw pala ang secret wife ni Moon?" tili ni Kristala sabay hampas sa balikat ni Sunny.
"Gurl! Ang hot ng asawa mo a!" tili ng bakla na lumapit.
"Maganda naman si Sunny e. Kaya pala hindi naagaw ni Kristel si Moon e, mahigpit din ang katunggali!" sabat ni Kristala kaya napangiti na lang si Sunny at napasulyap kay Jimson.
Ang bait nito sa kanya at wala namang ginagawang masama pero nadamay pa sa away nila. Hihingi siya ng tawad mamaya.
Nagsimula na ang klase. Pansin niyang umiiwas na si Jimson sa kanya kaya nang breaktime ay nilapitan niya ito.
"Sir?"
"Hi, Sunny."
"G—Gusto ko lang sanang humingi ng paumahin sa nangyari noong nakaraang araw."
Ngumiti si Jimson.
"Wala iyon, Sunny. Pasensiya ka na, akala ko wala ka ring asawa," paumahin ni Jimson.
"May hindi lang ho kaming pagkakaunawaan ng asawa ko that time kaya mainit ang ulo niya," paumanhin ni Sunny.
"Wala iyon. Kung ako siya,  ganoon din ang ire-react ko lalo na't ganyan kaganda ang asawa niya," sabi ni Jimson. Yes, he trully admired Sunny. Sobrang cute nito at basta. Iyong tipong kapag ikaw ang boyfriend nito, masasabi mong napaka-swerte mo nang lalaki. Kaya siguro nakita niya ang takot sa mga mata ni Moon nang makita sila nito.
"Salamat po sa pag-unawa," pasalamat ni Sunny. Medyo masama pa rin naman ang loob niya sa Panginoon dahil sa kapalaran pero wala na siyang magagawa sa plano nito. Ilang beses din niyang tinatanong si Lord noon kung bakit siya pa? At kung bakit naranasan niya ang ganito?
Natatakot pa rin siya na baka iwan siya ni Moon dahil sa kakulangan niya.
"May problema?" nag-aalalang tanong ni Jimson nang makita ang lungkot sa mga mata ni Sunny.
"W—Wala ho."
Bumalik na siya sa upuan at tiningnan ang cellphone saka nag-reply kay Moon.
Nagpatuloy ang klass nila. This time, cookies na naman ang niluto nila.
"Sarap!" sabi ni Kristala. Groupmate sila.
"Uy, asawa mo!" bulong ng bakla nang makita si Moon sa labas.
Napalingon si Sunny at kumaway sa asawang naghihintay sa labas.
"Naks, may pa-flower si Hubby," kinikilig na sabi ni Kristala dahil may bitbit na roses si Moon. "Labasan mo na."
"Hindi pa tapos ang klase," sabi ni Sunny na nahihiya sa mga kaklase.
"Maghuhugas na lang tayo kaya alis na!" sulsol ni Kristala.
"Kami na ang bahala, gurl!" sabi ng bakla. "Pag asawa ko 'yan, ihi lang talaga ang pahinga niyan."
Natawa sila.
"Sure kayo?" alanganing tanong ni Sunny.
"Oo!"
Kinuha niya ang bag at kumuha ng tatlong cookies saka lumabas.
"Honey," bati ni Moon sabay abot ng bulaklak.
"Thanks. Nag-abala ka pa," sabi ni Sunny. Hinalikan siya sa pisngi ng binata at inakbayan.
"Uwi na tayo," yaya ni Moon na kanina pa pinagtitinginan ng mga tao. Walang pagbabago, ganito pa rin naman ang Westbridge. May mga nabago lang na pintura pero ang structures, ganoon pa rin. Nagdagdag lang ng mas maraming puno sa treepark at isda sa mini fishpond nila.
"Honey? Daan muna tayo sa tambayan," yaya ni Moon.
"Bakit?"
"Basta."
Walang imik na sumama si Sunny sa asawa. Naunang naglakad si Moon kaya pinagmasdan ni Sunny ang likod ng guwapong asawa. Akala niya noon, ang malas niya rito dahil walang ibang alam kundi ang mangbabae pero lahat nagbago. Isa pa, kahit namadalas niyang sirain ang mga gamit nito, hindi pa rin siya nito iniiwan.
"Okay ka lang?" tanong ni Moon nang lingunin ang asawa.
"Oo. Mauna ka na, mukhang excited ka e," nakangiting sabi ni Sunny kaya naunang pumasok si Moon.
Pagod na inilapag ni Sunny ang bag at naupo sa couch.
"Honey?" tawag ni Moon. "Halika sa kuwarto."
Napasimangot si Sunny. Kaya pala siya dinaan e may gagawing kalokohan.
"Ayaw ko!" tanggi niya at inirapan ang asawa.
"Tara na."
"Naku, Moon—kyah!" Binuhat siya nito kaya hindi na siya nakapalag. Pagpasok nila, ibinaba siya ni Moon.
"Ano bang—" Natigilan siya nang makita ang nasa ibabaw ng kama.
Isang puting teddy bear na nakatitig sa kanya na sa tingin niya ay isang dangkal lang niya kalaki. Nagulat siya nang gumalaw ito at nagtatakbo sa kama.
Ang kanang paa nito ay tila nagwe-wave pa sa kanya at nagsasabing buhatin niya.
"Kyah! Ang cute! Oh my ghad!" tili niya at mabilis na nilapitan ang tuta. "Hello, sweetie."
Maingat na binuhat niya ang mabalahibo ngunit sobrang liit na tuta.
"Oh my ghad! H—Hello?" naiiyak na sabi niya at nilingon si Moon. "Ano'ng lahi nito?"
"Pomeranian dog," sagot ni Moon at niyakap ang asawa mula sa likuran. "Babae 'yan, Honey. At mula ngayon, siya na ang baby natin."
"O—Oh my ghad!" naiiyak na sabi niya at hinalikan ang tuta. "Hello, baby."
Naupo si Moon at pinagmasdan ang asawang magiliw sa regalo niya. Ito ang mga ngiting kahit kanino o anumang bagay ay hinding-hindi niya ipagpalit.
"Ano ang ipangalan natin sa kanya?" masayang tanong ni Sunny.
"Di ko pa alam. Ano ba?" balik-tanong ni Moon.
"Bahala ka," sagot ni Sunny at hinalikan ang mabangong alaga.
"Tutal, Sunny ka naman at Moon ako, Eclipse na lang kaya ang ipangalan natin?" suhestiyon ni Moon kaya natawa si Sunny. "Bakit? Nakakatawa ba?"
"Hindi naman," masayang sabi ni Sunny. "Iba lang talaga kayong magpamilya mag-isip."
"Eh?"
"Sige. Si Baby Eclipse na 'to. Boy or girl 'to?"
"Girl," sagot ni Moon. "Para magkaapo tayo."
Natawa si Sunny at lumapit sa asawang nakatayo na.
"Thank you, Honey," pasalamat niya at tumingkayad para halikan sa mga labi si Moon na agad namang tinugon ng asawa.
----------------------
"Honey?" excited na wika ni Moon nang sagutin ni Sunny ang tawag nito.
"Saan ka na ba?" tanong ni Sunny.
" Malapit na."
"Ba't ang tagal mo? Kanina ka pa hinihintay nina Mommy Taira," tanong ni Sunny. Si Moon na lang ang hinihintay at kakain na sila. May reunion sila ngayon dahil nagbabakasyon sina Dust at Angela.
" Papasok na sa villa. Dumaan pa kasi ako sa kakilala ko, bumili ako ng dog house, Honey. Tapos may mga damit din ako ni Eclipse."
Napangiti si Sunny. Two weeks nang inaalagaan nila ang si Eclipse at madalas na excited si Moon umuwi dahil kay Eclipse. Mas excited pa nga ito kaysa sa kanya e.
"Ingat. Sige na, bye." Paalam niya nang matanaw ang sasakyan nito.
"Tawagin na nga ang mga bata." Utos ni Taira kay Sky.
"Babymine? Nasa playground pa ba sila?"
"Oo," sagot ni Taira at sinamahan na ito.
"Honey!" masiglang tawag ni Moon na may bitbit na paperbag.
"Ano 'yan? Pasalubong?" tanong ni Star.
"Puro ka pasalubong!" reklamo ni Moon.
"Sa mga pamangkin mo naman a," ani Star.
"May anak na ako kaya tigilan na ninyo ako! Lugi na ako sa inyo a! Puro na lang ako!" reklamo ni Moon. Totoo naman, siya ang walang anak pero wallet niya ang nauubusan dahil puro sa pamangkin. "Hoy! Ang anak ko, Twinkle!" saway niya sa pamangkin na buhat si Eclipse.
"Ang cute po, Tito," sabi ni Twinkle sabay abot kay Moon sa tutang pagod na pagod sa habulan.
"Mga pasaway talaga kayo. Tingnan ninyo, pinagod ninyo ang baby ko."
"Baby?" bulalas ng anak ni Seola. "Tuta naman po 'yan, Tito e."
"Tuta po si Eclipse e," segunda ni Ocean at inakbayan ang pinsang si Twinkle.
"Hey! Anak ko  'to! Huwag kayong ano! Mas mahal ko pa 'to kaysa sa inyo, noh!" saway ni Moon kaya natawa ang mga bata.
"Uy, kain na tayo," sabi ni Ash sa mga pamangkin kaya nagsitakbuhan papasok sa bahay.
"Baby Ash?"
"Hindi na ako, Baby, Kuya Moon!" nakasimangot na sabi ni Ash at sinundan papasok ang mga pamangkin.
"Pag may malaman ko lang na may nanliligaw na sa 'yo, lulumpuhin ko talaga 'yon!" pahabol ni Moon.
"Akong bahala!" segunda ni Clouds.
"Ugh! Ewan ko sa inyo, mga kuya!" naiinis na sabi ni Ash kaya nagtawanan ang team galaxy. Sarap asarin ang dalagita nila e.
"Honey? May binili akong mga damit ni Eclipse. Nasa kotse ko," sabi ni Moon kaya napangiti si Sunny. Mula nang dumating si Eclipse, naging masaya na ang buhay nilang mag-asawa. Katabi nila itong matulog at alaga ni Moon na parang isang tunay na anak. Nag-oorder pa nga ito ng maliit na kumot, dog collar at plato sa louis vuitton para lang kay Eclipse.
"Kain na tayo. Lapag mo muna 'yang anak ninyo at baka tumakbo sa mesa," saway ni Sky sa anak. Nauunawaan naman niya si Moon. Isa pa, ganoon din naman siya noon kay Taira at tama lang ang naging desisyon nito. Sa ngayon, hindi pa nila napag-usapan ang tungkol sa IVF dahil mukhang natutuwa naman ang mag-asawa sa tuta. Isa pa, sanay na silang parang tao ang turing ng iilang pamilya sa alagang hayop. Katulad na lang kina LL at GV na awayin na lahat huwag lang ang mga alaga nilang pusa.
"Baby? Behave ka, okay?" Bulong ni Moon at sumenyas sa aso saka inilapag sa maliit nitong upuan. Well-trained si Eclipse. Sobrang tiyaga ni Moon na magturo dito ng tamang pagkain, paggamit ng sariling toilet at pag-akyat sa kama gamit ang maliit na hagdan.
Tahimik na naupo naman ang cute na alaga at inosenteng nanood lang sila.
"Halika, Honey," yaya ni Moon at inakbayan si Sunny papasok sa dining room.
Napasulyap si Sunny sa asawang maaliwalas ang mukha. Mula nang magkabati ulit sila, hindi na ito nangulit pa ng anak.
"Tingin mo, kailangan na nating pagupitan si Eclipse? Ang haba na ng buhok niya," tanong niya.
"Next week na lang," sagot ni Sunny.
Hinalikan siya ni Moon sa noo. "I love you!" bulong nito saka hinila ang isang upuan sa harapan nina Star, Chummy, Clouds at Seola.
"Hindi ako kakain ng talangka!" naiinis na sabi ni Clouds.
"Kailangan ba talaga may pusit?" salubong ang kilay na tanong ni Matter.
"Allergic po ako sa hipon!" sagot ni Moon.
"Dami n'yong reklamo! Minsan na nga lang umuuwi si Dust, panay pa reklamo ninyo!" sabi ni Sky. "Ganito na lang. Ikaw, Matter, talangka ang kainin mo! Ikaw Clouds, hipon at ikaw Moon, pusit! Kainin ninyo ang gusto ninyong kainin! Daming satsat!"
Ayun, nagsikain na nga ang mga ito at masayang nagkukuwentuhan.
"Nandoon pa ba si Eclipse?" bulong ni Moon sa asawa at nilingon ang alagang natutulog na. "Kawawa naman ang baby natin, napagod."
"Buhatin ko na lang pag-uwi mamaya," sabi ni Sunny.
"Ako na lang ang bubuhat, Honey," ani Moon at nilagyan ng pusit ang plato ng asawa. "Kain ka pa nang marami."
"Gusto ko hipon," sabi ni Sunny. "Masarap 'tong pusit!"
"Gusto ko talaga, hipon, Buwan!"
"Talangka?" Nilagyan ni Moon ng talangka ang plato ng asawa pero hindi ginagalaw ni Sunny. "Honey naman!" daing ni Moon at niyakap ng kanang kamay ang bewang ni Sunny. "Kumain ka na."
"Ba't ayaw mong makinig?" naiinis na tanong ni Sunny kaya napatingin ang mga team galaxy sa kanila. "Gusto ko ng hipon! Binibigyan mo ako ng pusit! Nung sinabi kong hipon, talangka ulit!"
Masama man sa loob pero inabot ni Moon ang tinulak ni Star na plato ng hipon at nilagyan ang plato ng asawa.
"M—May kailangan ka pa?"
"Wala na," sagot ni Sunny at kinuha ang pusit saka talangka at inilipat sa plato ng asawa.
Nanggigigil na tinusok ni Moon ang malaking inihaw na pusit at kinain.
" Paslamat ka talaga, mahal kita!" bulong niya.
"May sinasabi ka, Buwan?"
"W—Wala. Sabi ko ganda-ganda ng asawa ko. O, hipon pa, Sunny!" Kinuha niya ang isang plato at inisa-isang binalatan ang hipon na para bang buhay ang mga ito at kunwari tino-torture niya.

I'm not Jealous, Just TerritorialWhere stories live. Discover now