4

965 42 0
                                    

I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

UNEDITED...

"Schucks!" aniya saka tumakbo papasok ng bahay.
Napalingon si Sunny sa kaniya na ngayon ay nagdidilig ng halaman sa hardin.
"Sunny!" tawag niya. Wala naman siyang nakitang container ng gasolina. "Sabi ng secretary, nag-order ka raw ng gasolina?"
Ipinagpatuloy ni Sunny ang pagdidilig kaya napikon siya. Galit na nilapitan niya ang asawa at hinawakan sa kanang braso kaya nabitiwan nito ang hose.
"Kapag kinakausap kita, sumagot ka!"
"Pakialam mo sa gasolina?"
"Susunugin mo ba ang bahay ko?" prangkang tanong niya at diniinan ang pagkahawak. "Baliw ka na ba? Sunny naman, pinaghirapan ko 'to!"
"Huwag mo 'kong saktan!" singhal ni Sunny sabay tulak kay Moon. "At bakit ko naman susunugin ang bahay mo?"
Natigilan si Moon.
"H-Hindi ba?" tanong niya. "Pero nag-order ka ng--"
"Sa tatay ko 'yon! Nakuha na nila. Umalis ka na nga sa harapan ko, nabu-buwesit ako sa 'yo!"
"Aba't--haist! Alam kong galit ka dahil sa nangyari sa amin ng Kristel na iyon pero gawin mo na ang lahat pero 'wag ang bahay ko, magkakaanak pa ako e."
Pareho silang natigilan sa sinabi ni Moon pero naunang nakabawi si Sunny.
"Biro lang, ayaw ko pala ng anak," pagbawi ni Moon kaya sinamaan siya ng tingin ni Sunny saka dinampot ang hose at ipinagpatuloy ang pagdilig ng halaman.
"A-Ang nangyari pala kagabi, wala iyon. W-Wala namang nangyari sa amin e. K-Kiss lang 'yon."
"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo," walang ganang sabi ni Sunny.
"Pero kinuha mo lahat ng meron ako," naiinis na sabi ni Moon.
"Karapatan ko iyon dahil asawa mo na ako."
"Hindi puwede 'yon! Nagtatrabaho kaming mga lalaki tapos lahat ng pera namin kukunin lang ninyo?" reklamo niya.
Napatingin siya kay Star na pumasok sa gate.
"Uy, sabay na nagdidilig? Ayos ah," tukso ni Star.
"Ginagawa mo?" naiinis na tanong ni Moon
Tumingin si Star kay Sunny. "Thank you, Sunny. Masarap ang cake. Alis na 'ko," pasalamat ni Star. Nagpabili siya kanina kay Sunny ng cake para kay Chummy dahil nabalitaan nga niyang may bakeshop ang pamilya nina Sunny.
Nakalabas na ng gate si Star nang magsalita si Moon.
"Bakit siya may cake? Ako wala?" pagtatampo niya.
"Bumili ka. Birthday mo ba?" sagot n8 Sunny na napipikon na sa asawa.
"Tsk! Sa dami ng babae, bakit ba ikaw ang pinakasal sa akin?" pagmamaktol ni Moon.
" Kasi wala nang makapagtiis ng ugali--" Sunny.
"Kasi alam nilang mahal pa kita!" agarang sabi ni Moon na agad iniwas ang tingin. "Maghiwalay na lang tayo," pabulong na dagdag niya.
"Mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Sunny.
"Haist! Wag ka naman pumayag! Nagseselos lang ako. Pag ikaw magselos, todo paliwanag ako. Sinisira mo pa mga gamit ko. Pag ako magselos, ako pa nagpapaliwanag! Ako pa ang sumusuyo! Nakakagago kang mahalin!" pasinghal na sabi ni Moon dahil parang bato ang puso ng ipinakasal sa kaniya.
"E di, 'wag mo 'kong mahalin," sabi ni Sunny. Kahit siya, ayaw rin sa sitwasyon nila.
"Sorry ka, gago ako eh!" taas noong sagot ni Moon saka tinalikuran si Sunny.
Napabuntonghininga si Sunny saka pinagmasdan ang asawang papasok ng bahay. Minsan, ganito si Moon sa kaniya. Yung mga banat nito, hindi niya alam kung biro lang ba? O totoo na. Pero hindi pa rin niya mapatawad ang ginawa nito kagabi. Imagine, firstnight nila tapos naiwan siya sa bahay at nag-bar ito? Okay lang naman na gumala ito pero ang ma-televised pa ang pakipaghalikan? Katarantaduhan. Hindi na ba siya nito iginagalang?

---------------------------------

"Pupunta lang ako sa kaibigan ko," paalam ni Moon. Two days na silang kasal at sa loob ng dalawang araw na iyon, bihira lang magsalita si Sunny kaya madalas na nasa kuwarto siya. Never pa nga silang nagkasabay kumain. Kaniya-kaniya sila.
"Kahit sa kabit mo pa," sagot ni Sunny.
"So? Puwede pa pala akong magjowa habang may-asawa?" napaismid na tanong ni Moon. "Ang galing."
"Bahala ka sa buhay mo!"
"E di wow!" pamilosopo ni Moon saka umalis ng bahay. Napaka-cold ni Sunny sa kaniya.
Pinuntahan na niya ang kaibigang may-ari ng bar para makita ang CCTV.
"Tol," bati ni Paolo.
"Andiyan na ba ang CCTV?" tanong ni Moon na naupo sa harapan ni Paolo.
"Here," ani Paolo saka iniharap ang laptop sa kaniya.
"Gusto kong makita mula sa umpisa," saad ni Moon saka nirewind ang video.
Sa umpisa, nag-iinuman pa sila. Nang medyo tipsy na, saka siya tumayo at nakipagharutan sa mga babae sa dance floor. Siya ang lumapit kay Kristel. Sa umpisa, nagkukuwentuhan pa sila hanggang sa nakipaghalikan na nga siya rito.
Napasabunot siya sa buhok. Mas malaking problema kapag lumabas pa ang buong video. Mas okay nang kalahati lang ang nakikita ng mga tao. At least marami pa ang puwedeng isipin ng mga tao.
"Burahin mo na lang 'to lahat," sabi niya saka ibinalik ang laptop. "Kapag kumalat pa, patay ka sa 'kin!"
Tumawa si Paolo.
"Relax, masyado ka namang nagpa-panic. Ayaw mo pa nun, sikat ka na."
"Gago!" ani Moon kaya mas lalong lumakas ang tawa ni Paolo.
"Parang hindi na ako nasanay," aniya. Kahit nga makipag-makeout si Moon sa harapan nila, walang problema. Ngayon lang talaga ito nabahala. Siguro dahil celebrity ang kasama nito at may fan pa na nag-upload ng video.
"Psh! Buwesit kasi na mga fans!" ani Moon.
"Huwag ka na kasi sa celebrity," bilin ni Paolo.
Bumukas ang pinto kaya napalingon sila. Pumasok ang seksing babae at napatingin kay Moon.
"Kristel," wika ni Paolo.
"Ugh! Bakit ba may nakakuha sa akin ng video?" bulalas nito at naupo sa harapan ni Moon. "Panagutan mo ang nangyari."
"What?"
"Sirang-sira na ako sa media."
"Hala," ani Moon.
"Come on, artista ako. Ikaw naman ang nag-initiate ng halik ah."
"Tapos?" wala sa modong tanong ni Moon.
"Panindigan mong boyfriend kita."
"Baliw ka ba?" bulalas ni Moon.
"Bakit? Alangan naman hayaan mong masira ang career ko? Kitang-kita naman na ikaw ang humalik sa akin."
"Ako?" sabay turo ni Moon.
"May copy ako ng CCTV," matapang na sabi ni Kristel. Iyon ang payo ng manager niya. Kapag ipalabas nilang magkasintahan sila, mabawasan ang isyu.
"Paolo!" bulalas ni Moon na sa kaibigan humarap.
Nagkibitbalikat si Paolo. "Nauna siyang kumuha ng kopya."
"The fuck!" ani Moon saka humarap kay Kristel. "Ayaw ko ng may karelasyon."
"Okay lang," sabi ni Kristel. "Hindi naman kailangan magkita tayo palagi e. As long na hayaan mo akong aminin na magkasintahan tayo. Don't worry, huhupa rin ito."
"Ayaw ko!" madiing tanggi ni Moon na agad naisip si Sunny. Hindi puwede.
"E di ipalabas ko ang video," pagbabanta ni Kristel. Kapag lumabas ang full video, makikita rin iyon ni Sunny. Plus magagalit pa ang buong pamilya. Pero kapag lumabas na magkasintahan sila, patay rin siya ulit sa pamilya at sa asawa.
"Anak ng--haist! Sumasakit ang ulo ko!"
"Kunyari lang," ani Kristel. "Kahit di tayo magkita. Come on, Moon. Masisira ang buhay ko," naiiyak na sabi ng dalaga. "Hindi kami kasingyaman ninyo. Kailangan ko pa ring magtrabaho."
"Ba't ka ba kasi nagpahalik!" galit na tanong ni Moon.
"Pumayag ka na, wala ka namang asawa eh," sabat ni Paolo kaya mas lalong sumakit ang ulo ni Moon.
Napaisip siya. Kung sabagay, sabi ni Sunny, okay lang naman daw na magjowa siya ng iba. Isa pa, wala naman itong paki sa kaniya.
"B-Basta walang tayo ha. Hindi tayo magkikita at wala lang talaga," panigurado ni Moon. Ayaw niyang magpatali. Siyempre sakal na sakal na siya kay Sunny.
"Okay," sabi ni Kristel saka tumayo.
Tumayo na rin si Moon at nakisabay kay Kristel na lumabas.
"Coffee?" tanong ni Kristel habang palapit sa sasakyan nito.
"No, thanks."
"Hindi ako masamang babae, Moon. We can be friends. Tutal, naghalikan naman tayo."
"I know," sabi ni Moon. "Sige, kape tayo."
Mukhang mabait naman si Kristel e. Ayaw rin naman niyang galitin ito kung pwede naman silang maging friends.
"Sundan mo na lang ang kotse ko. May alam akong masarap na coffeeshop."
Sinundan ni Moon ang kotse ng dalaga hanggang sa tumigil ito sa coffeshop.
Nang makitang bumaba si Kristel, bumaba na rin siya.
"Masarap dito," nakangiting sabi ni Kristel nang lumapit si Moon.
"Sabi mo eh," aniya saka sumabay na pumasok kay Kristel.
"Good afternoon," nakangiting bati ng nagtitinda.
"Macchiato at blueberry cheesecake," sagot ni Kristel at tumingin kay Moon. "Ikaw?"
"Same," sagot ni Moon.
"Good morning, Ma'am," bati ng isang crew kaya napalingon si Moon.
"Shit!" aniya. Ilang beses pa siyang kumurap pero si Sunny talaga ang papasok.
"Busy?" masiglang bati ni Sunny pero agad na napalis ang ngiti nang makita ang asawang kasama ang babaeng kahalikan nito noong isang gabi.
"Medyo," sagot ng staff niya. "Ma'am? May nagpadala pala ng flowers."
Napataas ang kilay ni Moon nang iabot ng babae ang isang bouquet ng red roses sa asawa. Binasa ni Sunny ang card. Humaba ang leeg ni Moon pero hindi niya makita ang nakasulat.
"Ise-serve na lang po namin ang order ninyo," nakangiting sabi ng babae pero agad na tumalikod si Moon at pumunta sa isang sulok.
"Okay ka lang?" tanong ni Kristel.
"Madalas ka ba rito?" tanong ni Moon.
"Yes, suki na ako rito. Nakita mo ba ang babaeng may hawak na bulaklak? Siya ang may-ari nitong coffeeshop. May bakeshop din sila sa kabilang street," pagkukuwento ni Kristel.
"Ah..." ani Moon at napasulyap sa asawang inilapag ang bulaklak. May nanliligaw ba kay Sunny? O baka ang pipitsuging manliligaw na naman nito ang nagpaabot ng pangit na bulaklak?
Pumasok ang lalaking kasing edad lang niya saka dumiretso kay Sunny at kinausap ito.
"Alis ka na?" nagtatakang tanong ni Kristel nang tumayo si Moon.
"Dagdagan ko lang ang order natin, nagugutom ako," sagot ni Moon. "Dito ka lang, huwag kang umalis."
Ngumiti si Kristel.
"Hindi naman ako aalis. Siyempre ikaw magbabayad ng order natin," sabi niya.
Iniwan na siya ni Moon saka lumapit sa counter.
"Sana nagustuhan mo ang flowers," sabi ng lalaki.
"Thanks," tipid na pasalamat ni Sunny.
Tumabi si Moon sa lalaki at tumingin sa cookies na naka-display.
"Okay lang ba sa 'yo na yayain kitang mag-dinner mamaya?" tanong ng lalaki kaya napatingin si Moon kay Sunny.
" Subukan mo lang pumayag na babae ka!" bulong niya sa isip.
"May gagawin ako, busy kami e," tanggi ni Sunny kaya nakahinga nang maluwag si Moon.
"Hmm? Bukas? Baka--damn!" bulalas ng lalaki nang muntik nang matumba dahil bahagyang binunggo ni Moon sabay tulak.
"Sorry pare," paumanhin ni Moon "Nawili akong mamili ng cookiee e. Puwedeng patabi nang kaunti?" Yumuko si Moon at sinilip ang mga cookies.
"Okay lang," sagot ng binata.
"May napili ka na?" blangko ang mukhang tanong ni Sunny.
"Wala pa. Masilan ako sa cookies dahil masarap mag bake ang mom ko. Sige, usap lang kayo, huwag ninyo akong alalahanin," sagot ni Moon.
"Lunch bukas?" tanong ng binata kay Sunny.
Tumayo nang tuwid si Moon at humarap sa lalaki.
"Bibili ka ba?" tanong ni Moon.
"Mamaya," sagot ng lalaki. "Pili ka lang."
"Baka kasi ang makuha mo, nakuha ko na," ani Moon.
"Ha?" naguguluhang tanong ng lalaki.
"Ang cookies, mukhang masarap kaya baka bilhin ko lahat," sagot ni Moon at pinagmasdan ang lalaking kaharap. Ito ba ang ipagpalit ni Sunny sa kaniya kaya okay lang na magjowa siya sa iba? Wala sa kalingkingan niya.
"Okay lang," sabi ng lalaki."Kung kaya mong bilhin lahat, go lang pare."
"Kaya naman," ani Moon. "Pati nga may-ari, kaya kong bilhin."
"Oorder ka o hindi?" seryosong tanong ni Sunny.
"Bibili," ani Moon. "Nagmamadali?"
"So ano, Sun? Payag ka bukas?"
"Hindi!" madiing sagot ni Moon kaya napatingin ang lalaki sa kaniya. "Hindi yata masarap ang isang 'to," dagdag ni Moon saka tinawag ang tindera. "Ito nga, magkano ba 'to?"
"Sige, wala akong gagawin bukas," pagpayag ni Sunny kaya natigilan si Moon at pinandilatan si Sunny.
"Really?" masayang tanong ng lalaki.
"Oo. Usap na lang tayo mamaya, may customer pa kami."
"Sure, sure," sabi ng lalaki. "Thank you, Sunny."
Masayang lumabas ang binata.
"Anong order mo?" tanong ni Sunny nang bumaling kay Moon.
"Red horse," sagot ni Moon.
"Walang redhorse."
"Ba't ka pumayag?" mahinang tanong ni Moon.
"Bakit? May masama ba?" baliktanong ni Sunny.
"Malaya ka pala," ani Moon. "Sige lang, ipagpatuloy mo lang 'yan, Sunny!"
"Anong order mo?" tanong ni Sunny.
"Yang apat na cookies," sagot ni Moon.
"Eighty isa, three twenty apat," sabi ni Sunny habang kumukuha ng apat na cookies. Naalala ni Moon na wala pala siyang pera.
"S-Sunny," bulong niya para hindi marinig ng mga empleyado. May mga bumibili rin naman sa counter.
"B-Baka utang muna?" nakangiwing pakiusap. "Kaw na lang muna magbayad oh."
"Bawal utang!"
"Sa 'yo naman pera ko ah," sumbat niya. "Geh na, bayaran kita mamaya sa bahay."
"Wala kang pera, 'di ba? Pano mo ko babayaran?" nakataas ang kanang kilay ni Sunny.
"Katawan ko na lang," seryosong sabi ni Moon.
"Bumalik ka na nga sa babae mo!" pikong pagtataboy ni Sunny.
"Hindi ko siya babae. Magkaibigan lang kami," paliwanag ni Moon. "Tanong mo pa sa kaniya. Basta, ipaliwanag ko mamaya sa bahay."
Inayos ni Sunny ang paninda pero tumigil siya nang mapansing titig na titig ang asawa sa kaniya.
"May problema ka ba?" tanong ni Sunny. Sa totoo lang, sarap nang tirisin ni Moon.
"Wala," tugon ni Moon.
Bitbit ang cookies, bumalik siya kay Kristel na masama ang loob kay Sunny.

I'm not Jealous, Just TerritorialWhere stories live. Discover now