5

951 42 0
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

UNEDITED...

Napatayo si Moon nang pumasok si Sunny.
"H-Hon," usal niya at hinarangan si Sunny nang nasa punonghagdan na ito. "Let me explain."
"Magsasayang ka lang ng oras."
"Si Kristel, magkaibigan lang talaga kami. Nag-usap kami kanina at sabi niya, ipapaalam daw niyang magjowa kami para maisalba ang career niya pero friends lang talaga kami. Wala kaming relasyon at hindi kami nagboomboom paw."
"Pagod ako," tinatamad na wika ni Sunny at planong lalampasan ang asawa pero hindi siya pinapalusot ni Moon
"Makinig ka naman oh. Baka nextmonth, ianunsiyo rin niyang wala na kami."
"Bahala ka. Padaanin mo na ako."
"Hon naman--" Napatigil siya nang makasalubong ang nagbabagang mga mata ni Sunny. "H-Hindi naman talaga ako dapat na nagpapaliwanag pero asawa na kita. Sinusubukan kong makipagbati sa 'yo. Kung ayaw mo ako, at least sana maging friends tayo. Nasa sa 'yo naman lahat ng pera ko ah."
"Pagod ako, Moon."
"Pagod ka? Bakit? Nag-dinner na ba kayo ng tarantadong manliligaw mo?"
"Alis!" singhal ni Sunny.
"Sunny naman," hinawakan niya sa braso ang dalaga. "Bati na tayo."
"Puwede ba, Moon? Wala akong pakialam sa buhay mo! Huwag kang magpaliwanag dahil hindi ko hinihingi at padaanin mo na ako!" Bahagyang tinulak niya ang lalaki kaya nabitiwan siya nito.
"Bakit ba ang suplada mo? Ano ba ang problema, Sunny?" pikong tanong ni Moon. "Kaya mo ba ako hinahayaan dahil gusto mo pang magpaligaw?"
"Bakit? Bawal ba?"
"Oo!" matapang na sagot ni Moon. "Asawa na kita! At ano na lang ang sasabihin ng mga tao lalo na ang pamilya ko?"
Nagulat siya nang biglang tumawa si Sunny.
"A-Anong nakakatawa?" alanganing tanong niya.
"Iniisip mo ang kahihiyan ng pamilya mo kapag magloko ako?" tanong ni Sunny saka tumawa.
"Bakit? Totoo naman ah."
"Pero hindi mo naisip ang kahihiyan namin nang makipaglaplapan ka sa iba nang gabing kakakasal lang natin?" sumbat ni Sunny kaya natigilan si Matter.
"S-Sun--"
"Huwag mo akong kausapin dahil nabubuwesit ako sa 'yo!" singhal ni Sunny na nanginginig sa galit.
"Sabi ko na nga ba, galit ka e."
"Sa tingin mo, matutuwa ako?"
Tumingala si Sunny para harapin ang asawa.
"Sige, sabihin mong natutuwa ako sa ginawa mo, Moon! Bigyan mo ako ng matinding rason para matuwa!" hamon niya kaya ibinaba ni Moon ang tingin.
"A-Alam kong mali ako. Pero Sunny naman, first night natin tapos hindi mo pa ako inintindi? Okay, nauunawaan kitang pagod ka pero mag-asawa na tayo. At least tumabi ka man lang sa akin, hindi yung sa kabilang kuwarto ka matutulog. Ano 'to? Virgin lang? Madalas nating gawin 'to pero bakit ngayong kasal na tayo, lumalayo ka pa?" sumbat niya.
"So? May karapatan ka nang makipagtalik sa iba dahil sa gina--"
"No!" agarang sabat ni Moon. "Hindi kami nag-sex. I'm sure sa bagay na 'yan. Naghalikan lang kami."
"Tabi, dadaan ako!" madiing sabi ni Sunny pero hindi nagparaya si Moon.
"Alam kong mali ang ginawa ko. Umalis lang ako para dumalo sa bar at suportahan ang kaibigan ko pero wala sa utak ko na makipaglandian. Pero siguro dala sa kalasingan at galit kaya nakagawa ako ng mali at aminado ako roon, Sunny," paliwanag niya.
Walang imik na nilagpasan ni Sunny ang asawa. Napupuno na siya. Isa sa pinakaayaw niyang mangyari ay humantong sila sa kasalan at magsama sa iisang bahay.
"Yan ang hirap sa 'yo!" sigaw ni Moon nang nakaisang hakbang pa lang si Sunny sa hagdanan. Hinarap niya ang nakatalikod na asawa.
"Mahirap bang sabihin na Moon, mali na ang ginagawa mo. Moon, tigilan mo na ang pambababae mo. Moon, bawal kang manigarilyo't uminom. Moon, puwede bang huwag ka nang umalis? Moon, puwede bang sa akin ka na lang? Moon, huwag mo 'kong iwan. Moon, mahal kita!" mahabang sabi ni Moon na naikuyom ang kamao.
"Mahirap bang sabihin 'yon, Sunny?"
"Mahal mo ba ako?" mahinang tanong ni Sunny na hindi pa rin nakaharap sa asawa.
"Tinatanong ba 'yan? Sa tingin mo, pagtitiisan kita kung hindi kita mahal?" tanong ni Moon saka lumapit kay Sunny at niyakap ito mula sa likuran. "Mahal kita, Sunny. Alam ng mga kapatid ko 'yan."
Napapikit si Sunny saka tinanggal ang mga kamay ni Moon. "Kung minahal mo ako, hindi ka gagawa ng bagay na ikakasama ng loob ko."
Ipinagpatuloy niya ang pag-akyat.
"P-Pero--" Moon.
"Kung mahal mo 'ko, dapat gumawa ka ng mga bagay na ikatuwa at hindi ikagalit ko," dagdag ni Sunny saka umakyat na.
Napabuntonghininga si Moon habang nakatingin sa asawa.
Mahirap mag-assume pero minsan lang niyang narinig na mahal siya ni Sunny.
Oo, nagloloko siya pero may lalaki rin naman ito a. May mga manliligaw rin kay Sunny. Paano kung kaya ayaw na nito sa kaniya dahil may iba na ito?
--------------------
Nagising si Sunny nang may maramdamang bigat sa tiyan at mga binti. Paglingon niya, si Moon ang nakayakap sa kaniya. Wala siyang maalalang pinapasok niya ito o pinatulog.
"Sunny," usal nito at niyakap siya nang mahigpit saka isinubsob ang mukha sa batok niya.
Napabuntonghininga siya. Pagod na pagod siya kagabi dahil dumami ang customer nang umuwi na sina Moo at Kristel. Suki na nila si Kristel kaya natatandaan niya ang mukha.
Hinayaan muna niyang yakapin siya ni Moon. Ganito sila palagi kapag magtatalik, ang bait-bait nito na para bang siya lang ang babae pero hindi.
Nagulat siya nang biglang gumalaw si Moon at pumatong sa kaniya.
"Morning, hon," bati ni Moon at hinalikan siya sa noo saka pinaliguan siya ng halik sa mukha. "I love you."
"Ano 'to?" walang ganang tanong ni Sunny.
"Lipat ka na sa kuwarto ko," paglalambing ni Moon.
"Bumaba ka na, magluluto na ako."
"Promise, magbabago na talaga ako," pangako ni Moon habang nakatitig kay Sunny pero napaismid si Sunny.
Pang ilang beses na nga ba niyang narinig ito mula kay Moon? Pero sa halip na magbago, mas lalong naging babaero ito. Noong una, naniwala at umasa pa siya pero ang hindi niya makaya ay narinig niyang nakipagtalik ito sa model na kaklase nila ni Nica. Hindi pa nga siya sana maniwala pero nakita niya ang litrato ng mga ito sa motel. Nakatalikod at naka-towel lang si Moon na obvious na ayaw magpalitrato. Never in her entire life na nanaginip siyang magka-boyfriend ng lalaking marami sila. Kahit sino naman e. Ayaw niya noon.
Kinompronta niya si Moon at inamin naman nito ang kasalanan kaya sa sobrang inis niya, sinira niya ang laptop at binutasan niya ang gulong ng ducati nito.
Nagalit nang sobra si Moon. Ang akala niya, makipaghiwalay ito pero hindi naman. Tuloy pa rin ang relasyon nila. Paulit-ulit lang ang panloloko nito kaya paulit-ulit din ang pagsira niya ng mga gamit ni Moon. Hanggang sa napagod na siya at siya na mismo ang nakipaghiwalay kay Moon. Tinanggap naman ni Moon at pareho silang nagkasundo roon.
Ang pagkakamali lang niya, napapayag siya nitong mag-sex sila sa tuwing magkasalubong sila sa party.
Tinulak niya si Moon kaya bumangon ito.
Pumasok siya sa banyo at naghilamos.
"Magluluto ka na ng breakfast natin?" tanong ni Moon na sinabayan sa pagbaba ang asawa.
Dumiretso sila sa kusina. Naghalungkat si Sunny ng maluluto sa ref.
"Kapag may gusto kang bilhin o lutuin--" Napapreno siya dahil naalalang wala pala siyang kapera-pera dahil na kay Sunny lahat ng pera niya. "Bilhin mo na lang, nasa iyo naman pera ko."
Kumuha si Sunny ng apat na itlog at corned beef. Sumalang na rin siya ng sinaing.
Habang naghihiwa ng sibuyas, napasulyap siya kay Moon na umakyat sa kuwarto.
Napatigil siya sa ginagawa at nagpakawala ng malalim na hininga. Mahirap maniwala sa taong paulit-ulit ka niyang sinasaktan.
Patapos na siya ng pagluluto nang bumaba si Moon na nakabihis na.
"May meeting daw kami sa office ni Dad," sabi nito. "Pero dahil nagluto ang asawa ko, kakain muna ako ng breakfast."
Napilitan si Sunny na maglagay ng dalawang plato sa mesa. Tahimik na nagpasalamat siya sa pagkain at nagsimulang kumain.
Napasulyap siya kay Moon na nakatunghay sa kaniya. Nang magsalubong ang mga mata nila, napangiti ito. Ang aliwalas pa ng mukha nito.
"Bakit?" tanong ni Sunny na naiilang siya.
"Wala lang," ani Moon. "Masaya lang ako kasi first breakfast natin 'to bilang mag-asawa."
Napataas ang kanang kilay ni Sunny. Binobola na naman siya nito.
"Anong kailangan mo, Moon?"
"Psh! Wala!" ani Moon at pinapatuloy ang pagkain.
"Alam kong nasa 'yo ang pera ko pero kapag ba maglambing ako, may kailangan na kaagad? Di ba pwedeng nakikipagbati lang?'
Hindi pinansin ni Sunny ang pagdadrama ng asawa. Sanay na siya. Second chance? Ilang lintik na second chance ba ang binigay niya rito? Kumbaga, bato na siya. Paulit-ulit na sinasaktan hanggang sa wala na talaga siyang maramdaman.
"Huwag kang mag-alala, magbabago na talaga ako, Sunny Villafuerte. Ngayong dala mo na ang apelyido ko, hindi na kita sasaktan."
"Ngayong nakuha ko na ang gusto ko, promise, hinding-hindi na ako mambabae pa. Ikaw na lang talaga sa buhay ko. Hindi na ako titingin sa iba," ulit ni Sunny sa ipinangako ni Moon noong pagkatapos ng una nilang pagtatalik.
Natigilan si Moon. "I-Iba naman yon. Bata pa tayo noon eh," depensa ni Moon. "Ngayon, totoo na 'to, honey."
"Kumain ka na at umalis!" ani Sunny at ipinagpatuloy ang pagkain. Nakakawalang gana e.
"Ganon pa rin ba number mo? Tawagan kita mamaya, okay?" pag-iiba ni Moon para hindi na humaba pa ang usapan.
"Kahit huwag na."
"Hon? Grocery tayo mamaya, sunduin kita sa shop mo," sabi ni Moon.
Nang hindi sumagot si Sunny, tinapos niya ang breakfast at umalis na.
Niligpit ni Sunny ang pinagkainan tapos nagbihis na at pumunta sa coffeeshop.
"Ma'am? May flowers na naman sa 'yo," sabi ng cashier niya kaya nginitian niya ito.
Naging masugid na manliligaw niya si Karlo. Nakilala niya ito noong birthday party ng kaklase nila ni Nica at madalas siyang yayain na mag-dinner. Okay naman si Karlo, mabait ito at matiyaga sa panliligaw.
Inayos niya sa flowervase ang bulaklak saka tumulong sa pagbe-bake ng cupcake at cookies. Ito ang hilig niya.
HRM graduate siya pero naging busy na sa negosyo kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin ang pagpatuloy ng pag-aaral sa Europa. Pangarap niyang maging isang sikat na master chef sa ibang bansa pero wala silang sapat na pera. Sariling pera niya ang ginamit sa pagpatayo ng bakeshop at nang medyo nakaluwag na at nabawi ang capital, isinunod nga niya itong coffeeshop.
"Ma'am? May naghahanap sa 'yo," sabi ng baker na pumasok.
"Anong oras na ba?" tanong niya.
"Ala una na po," nakangiting sagot nito kaya hinubad niya ang apron. May usapan pala sila ni Karlo na mag-lunch ngayon.
Inayos muna niya ang sarili at nagpalit ng damit sa maliit na opisina bago lumabas.
Sabay na napatayo sina Karlo at Moon.
"Let's go?" Karlo/Moon.
"May lunch kami ni Sunny," sabi ni Karlo na kay Moon nakatingin.
"May appointment ako sa kaniya," sabi ni Moon na kay Sunny nakatingin.
"Sunny? Di ba may lunch tayo?" tanong ni Karlo.
"Personal stylist ko si Sunny at malaki ang pinirmahan niyang kontrata sa akin," ani Moon na salubong ang kilay. "Hindi pwedeng unahin niya ang personal na buhay kaysa sinumpaan sa akin?"
"Bukas na lang, Moon," sabi ni Sunny. Of course, uunahin niya si Karlo.
"Nagsayang ako ng oras para pumunta rito, Sunny. Anong klaseng stylist ka?" sumbat ni Moon. Seryoso ba talagang uunahin ni Sunny ang tarantadong lalaki kaysa sa kaniya?
"Okay lang, bukas na lang," pagparaya ni Karlo.
"Anong bukas?" tanong ni Moon na pinagmasdan si Karlo mula ulo hanggang paa.
"May utang ka lang na lunch sa akin," sabi ni Karlo at napangiti kay Sunny.
"Ako na ang magbabayad," sabat ni Moon. "Saan kayo magla-lunch?"
"Pakialam mo?" pikong tanong ni Karlo. "Babayaran mo?"
"Oo naman. Utang ni Sunny kaya babayaran ko!" taas noong sagot ni Moon at hinila na si Sunny palabas ng coffeeshop.
"Baliw ka talaga!" singhal ni Sunny nang makapasok sa kotse at nagmaneho na si Moon. "Sinadya mo talagang pumunta kasi alam mong may lunch date kami ni Karlo noh?" Kabisado na niya si Moon kaya malamang ito talaga ang sinadya nito.
"Oo," pag-amin ni Moon. Isa sa kinaiinisan ni Sunny ay ang pagiging honest nito pero pagdating sa pangako, napakasinungaling.
"Lakas ng loob mong mag-alok ng bayad eh, wala ka namang pera!"
"Sinong nagsabing babayaran ko siya ng pera?" tanong ni Moon na nasa unahan ang mga mata.
"Anong--"
"Ako ang makipag-lunch date sa kaniya bukas," seryosong sagot ni Moon habang nakatingin sa unahan.
"Nahihibang ka na ba?"
"Lunch date ang utang mo. Alangan naman pera ang ibabayad ko?" sagot ni Moon. "Eh wala naman akong pera." Wala na siyang pakialam. Ang mahalaga, natakas niya ang asawa sa kerido nito. Bukas na lang siguro sila magsuntukan ng lalaking 'yon kapag mag-date na sila. Basta mula ngayon, wala nang manliligaw sa asawa niya.

I'm not Jealous, Just TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon