15

906 36 0
                                    

I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

Unedited

"Tama na, huwag ka nang umiyak," naiiyak na pag-aalo ni Nica sa bestfriend.
"H—Hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot ako, Nica."
Kumuha siya ng tissue at pinahidan ang mga luha. Nang makitang tulala si Moon, tumakbo siya palabas at agad na nagpahatid kina Nica.
"Maiintindihan ka naman siguro ni Kuya Moon. Mahal ka naman non e."
"H—Hindi ko kasi maibigay ang gusto niya," sagot ni Sunny.
"M—Mag-ampon na lang kayo. Isa pa, puwede 'yan. Si Tita Taira hindi rin mabuntis noon e."
Humagulgol si Sunny sa pag-iyak.
"M—Matulog ka na."
Bumukas ang pinto at pumason si Gab.
"Tumatawag si Kuya Moon."
"H—Huwag mong ipaalam na nandito ako, please."
"Nasabi ko na. Nasa baba na nga raw siya."
Umiling si Sunny. "Please, ayaw ko muna siyang makausap."
"Sige, kakausapin ko siya. Magpahinga ka na," malungkot na sabi ni Nica. Matagal na niyang alam ang problema ng kaibigan. Mula noon, nakikita na niya ang takot ni Sunny kaya lumalayo na ito kay Moon.
Nahiga si Sunny at niyakap ang hotdog pillow saka umiyak nang umiyak. Sana lang ay panaginip ang lahat. Pero hindi e. Alam niya kung gaano kasabik si Moon na magkaroon ng baby.
Pinatay rin niya ang cellphone. Wala siyang gustong makausap ngayon. Kakausapin niya si Moon pero siguro sa susunod na mga araw pa. Nasa diwa pa rin niya ang masayang mukha nito nang sinabi nitong hindi ito baog.
Madaling araw na yata siya nakatulog kaya tinanghali siya ng gising.
"Kumain ka na," sabi ni Nica nang pumasok. "Dinalhan kita ng pagkain."
"Huwag mo akong intindihin, Nica. Okay lang ako," sabi niya at sinuot ang tsinelas saka pumasok sa banya para umihi at maghilamos.
Nang lumabas siya, nakaupo pa rin si Nica sa couch.
"Sabi ni Kuya—"
"Ayaw ko munang marinig ang tungkol sa kanya."
Napabuntonghininga si Nica at nirespeto ang kaibigan. Natatakot si Sunny na iwan siya ni Moon. Sana noon pa, hindi na siya binalikan, masaya pa siya.
Napahikbi na naman  siya.
"Marami ang paraan para mabuntis ka. Dapat pag-usapan ninyo ni Kuya Moon 'yan," suhestiyon ni Nica.
"Ayaw kong pag-usapan. Ang sama pa ng loob ko."
Tumango si Nica at lumabas. Kumain muna si Sunny at pagkatapos ay nagpalit ng damit saka lumabas.
"May pupuntahan ka?" nag-aalalang tanong ni Nica na nakaupo sa sala kasama si Gabriel.
"Uuwi na lang muna ako. Salamat sa pagpatuloy, Nica," pasalamat niya sa bestfriend.
"Hatid ka na ni Gab," sabi ni Nica.
"Huwag na, magta-taxi na lang ako," tanggi niya at nginitian ang mag-asawa. In fairness, hindi nagbago ang pagmamahal ni Gab sa bestfriend niya kahit na ang tagal na nilang nagsasama. Mas lalong naging sweet pa nga ang dalawa e.
"Ingat ka, Nic," bilin ni Gab.
"Naku, huwag nga kayong lamon nang lamon, pareho na kayong lumulubo," natatawang sabi niya sa dalawa.
"Huwag ka ngang ano! Si Gab kasi e!" paninisi ni Nica sa asawa.
"Masarap kayang kumain. May pera tayo e. Isa pa, mahal naman kita kahit na tataba ka," sabi ni Gab kaya napailing si Sunny.
"Alis na po ako, bye!"
Lumabas siya at sumakay sa nakaabang na taxi sa labas ng subdivision. Natutukso siyang buksan ng cellphone pero tinatamad siya.
Pagdating sa bahay, nagtanong ang mga magulang kaya nagpaliwanag siya. Inilahad niya ang nangyari pero iisa lang ang advice nila, kausapin niya si Moon.
Nagkulong siya sa kuwarto at nakinig ng music. Paminsan-minsan, umiiyak nang maalala niya ang asawa. Sana masaya na sila ngayon kung hindi lang sia baog e.
Madalas na tumatawag sa landline si Moon pero hindi niya kinakausap. Kahit pumunta, hindi rin niya nilalabasan para kausapin. Nagluluksa pa siya.
Kailangan niyang pumasok sa school kaya kahit na walang gana, pinilit niya ang sariling bumangon at magbihis.
"Ingat ka, okay?" bilin ng ama niya.
"Salamat, Dad!" pasalamat niya at hinalikan sa kanang pisngi ang ama bago bumaba.
Naglakad siya papasok sa Westbridge hanggang sa nakarating siya sa classroom nila.
"Gurl, may nagpapabigay," sabi ni Chloe na kaklase niya sabay abot ng yellow daffodils sa kanya.
"Kanino galing?" tanong niya at kinuha ang bulaklak.
"Di ko alam e," sagot ni Chloe kaya tiningnan niya ang maliit na note.
To: Sunny
Honey, sorry. Let's talk please.
Napabuntonghininga siya at tinago ang card sa bulsa. Hindi naman habambuhay, magtatago siya sa asawa. Kailangan niyang tanggapin ang pinakanegatibo nitong action.
"Morning," bati ni Jimson at napasulyap kay Sunny na may hawak na bulaklak. "Mukhang maganda ang umaga ng estudyante ko a."
Tipid na ngumiti si Sunny at inilagay sa flower vase ang bulaklak.
"Iba talaga kapag maganda," sabi ni Chloe.
"Marami ang nanliligaw?" nakangiting tanong ni Jimson. Sa ganda ni Sunny, mukhang pumipila nga ang manliligaw nito.
"Ang swerte ng lalaking mapangasawa mo, maganda ka na, masarap pang mag-bake!" puri ni Kristala."Nakakatomboy ka kaya, Sunny."
"Hindi naman," ani Sunny na pilit tinatakpan ang lungkot. Hindi lang nila alam, malas ni Moon sa kanya.
Nagsimula ang klase nila. Marami nang naturo ang guro nila. Magaling ito magpaliwanag sa demonstration at nandiyan ito para gumabay sa kanila habang gumagawa.
"May lakad ka ba ngayon?" tanong ni Jimson nang uwian na.
"Bakit ho?"
"Puwede bang samahan mo akong mag-ice cream?" seryosong sabi ni Jimson. "Baka lang naman."
"S—Sige ho," pagpayag niya. Gusto niyang magpalamig at kalimutan muna ang problema. "Pero okay lang ba na tayong dalawa lang?"
"Why not? Wala namang masama."
"Teacher ho kita, ayaw kong may isipin ang iba," sagot ni Sunny.
"May magagalit ba, Sunny?" seryosong tanong ni Jimson.
"Sir," usal niya nang mapansing seryoso ang guro.
"Mabilis ba ako kung aminin kong gusto kita?"
Natigilan si Sunny sa narinig. Heto na naman.
"May asawa na po ako," pag-amin niya kaya natigilan si Jimson.
"M—Mayroon na ba?"
Tumango si Sunny. "S—Sorry."
Nagulat man pero sinikap ng binata na ngumiti. "Okay lang. We can be friends naman kahit na sayang. Ice cream pa rin tayo?"
Ngumiti si Sunny at tumango.
"Sige po."
Kinuha niya ang bag at sumama na kay Jimson palabas ng paaralan.
"So? Taga saan ba ang asawa mo?"
"Basta."
"Ayaw mong sabihin?"
"Confidential," sagot niya at napasulyap sa iilang estudyante na nakatingin sa kanila.
"Ah, artista ba?"
Natawa si Sunny.
"Well, sa ganda mong 'yan, siguro artistahin siya."
"Pogi lang siya," sagot ni Sunny.
"Ayaw mo talagang aminin?"
Umiling si Sunny at natawa pero napalis ang mga ngiti niya nang makitang bumaba si Moon sa kotse na may bitbit na red roses kaya nagsimulang mag-ingay ang paligid. Sa pagkabigla, napakapit siya sa kamay ni Jimson. Para siyang nakakita ng multo.
Hinila siya ni Jimson palabas ng gate pero hinarangan sila ni Moon.
"Excuse us," magalang na wika ni Jimson. Kinakabahan si Sunny.
"Estudyante ka ba rito?" walang ganang tanong ni Moon at napasulyap sa kamay ni Sunny. How dare him na hawakan ang kamay ng asawa niya?
"Teacher ako rito," sagot ni Jimson.
"Teacher," ulit ni Moon at mapaklang tumawa. "Chef?"
"Yes."
Lalong naningkit ang mga mata ni Moon sa narinig. Akala niya babae ang chef nina Sunny. Paanong nakaligtas ito sa kanya?
"Isa kami sa may-ari ng school na ito," pagpakilala ni Moon.
"Alam ko po."
"At ikaw?" baleng ni Moon kay Sunny. "I am one hundred million sure na estudyante ka rito?"
Napayuko si Sunny.
"Here, pakitapon ng bulaklak na 'to sa basurahan." Utos ni Moon sa asawa. "Para sana ito sa asawa ko pero nagbago na ang isip ko."
Napatitig si Sunny sa bulaklak. Si Jimson na ang kumuha. "Ako na ho ang magtatapon."
"Mahal ko ang asawa ko e. Pero mukhang iba ang rason ng paglayo niya," sabi ni Moon na kay Sunny ang mga mata.
Napakagat si Sunny sa ibabang labi. Nami-miss na niya ang asawa niya.
"Ingatan mo 'yang estudyante mo," sabi ni Moon kay Jimson. "Putang ina! Ingatan mo ang asawa ko!" Lumakas na ang boses ni Moon na halos lumabas ang kaluluwa sa katawan.
Natigilan silang lahat sa sinabi ni Moon. Hindi na nagulat pa si Jimson dahil nakaramdam na siya kanina pa.
"Moon—"
"Ilang araw na kitang tinatawagan, Sunny! Ilang araw na akong pabalik-balik sa bahay ninyo para lang magkaayos tayo! Alam mo bang nababaliw na ako?" sumbat ni Moon na masama talaga ang loob.
Nang mapikon ay hinatak niya ang asawa palayo kay Jimson.
"Gago ka talaga! Kapag asawa na ng iba, huwag mo nang agawin pa! Tang'ina! Asawa ko 'to, Pare! Asawa ko ang hinahawakan mo!" gigil na sabi niya. "At kapag asawa ko, ako lang dapat ang makahawak sa kanya, maliwanag? Tang'ina mo! Akin lang 'to si Sunny!"
"M—Moon," saway ni Sunny. "Wala naman kaming relasyon e." Nahihiya na siya sa mga tao.
"Alam ko naman e!" sagot ni Moon. "Pero nagseselos ako, Honey! Selos na selos talaga ako!" pag-amin niya at niyakap ang asawa. "Hindi ba nangako kang akin ka lang?" Naiiyak na sabi niya. "H—Hindi naman ako magbabago, Honey."
Dahil sa sobrang hiya, hinila ni Sunny palabas ng gate si Moon at pinasakay sa kotse. Sumunod naman si Moon at walang imik na nagmaneho.
Napasulyap si Sunny nang marinig ang mahinang paghikbi ng asawa.
"H—Huwag mo akong pansinin," sabi ni Moon at pinahidan ang mga luha.  "M—Miss na kasi kita e."
Napatingin si Sunny sa labas ng bintana hanggang sa makarating sila sa bahay.
Naunang bumaba si Moon at hinila siya papasok sa bahay.
Naupo si Sunny sa couch nang makarating sa sala.
Lumuhod naman si Moon sa harapan niya at hinawakan ang magkabilang kamay.
"Mahal kita, Sunny. Kahit ba ano man ang problema natin, hindi kita iiwan. M—Mahal kita, Sunny. K—Kung hindi ka magkakaanak, walang problema sa akin. P—Puwede tayong mag-ampon. S—Sunny, mas ikamatay ko kapag mawala ka sa akin," luhaang sabi niya at mariing hinalikan ang kamay ng asawa. "K—Kahit na hindi na tayo bibigyan ni God ng baby, basta magkasama lang tayo."
Hindi na napigilan ni Sunny ang mga luha. Umiyak siya nang umiyak.
"N—Natatakot ako, Moon. S—Sorry talaga kung hindi ko maibigay ang gusto mo."
Naupo si Moon sa tabi niya at niyakap siya.
"Nagulat lang ako, Honey. Hindi ko kasi inaasahan na—I mean akala ko, ako ang may problema."
Mas lalong humagulgol si Sunny kaya pinahidan niya ang mga luha nito.
"Hush, tahan na. Kahit na wala tayong baby, h—hindi talaga kita ipagpalit. Mas masaya ako na ikaw ang hindi magkaanak sa ating dalawa," sabi niya at masuyong hinalikan sa noo si Sunny. "Kasi sure akong hindi kita iiwan, Sunny. K—Kahit na ano man ang mangyari, hinding-hindi kita ipagpalit sa iba."
"P—Pero kailangan mo pa ring magkaroon ng baby."
"Ayaw ko na. Kung mawawala ka lang din sa akin, Sunny, hindi ko na hahangarin na magkaanak pa. Mas mahalaga ka kaysa sa baby."
Mas lalong umiyak si Sunny at niyakap ang asawa. Akala niya magbabago si Moon.
"Nangako ako na magbago na ako, Sunny. Di ba nag-promise tayo na magsimula tayo ng panibagong buhay?"
"M—Moon? S—Sorry kung nag-iinarte ako. Natakot lang ako, Moon."
"Hush, okay lang, Sunny. Ikaw na lang ang baby ko at ako ang baby mo. Okay na tayo, okay?"
Bahagyang inilayo niya ang katawan sa asawa at pinahidan ang mga luha ni Sunny saka hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Mag-asawa na tayo, Sunny. Ang problema mo ay problema ko rin. Alam naman ng Panginoon kung gaano kita kamahal. Hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko dahil sa kakulangan mo bilang asawa."
Ngumiti si Sunny at siya na mismo ang humalik sa asawa. "I love you, Moon."
"Hmm? I love you too, Honey. Peeo pakiusap, huwag ka nang sumama sa teacher mo o. Aatakihin ako sa sakit sa puso. Muntik nang nandilim ang paningin ko."
"N—Nabigla lang ako nang makita kita kaya napahawak ako sa kamay niya," paliwanag ni Sunny.
"Saan kayo pupunta?"
"Bibili lang sana ng ice cream," sagot ni Sunny.
"Bibilhan kita ng maraming ice cream basta bawal ka nang sumama sa kanya, okay?"
Natawa si Sunny at niyakap nang mahigpit si Moon.
"Salamat, Buwan. Ikaw lang naman ang mahal ko e."

A/n:
Puwedeng humaba ang story pero ano? Wala nang pinagkaiba kaysa sa iba. Tinatamad na ako mag-heavy drama. Hahaha! Ganun din naman yun e. Magkamabutihan sila. Mas pinaiksi lang. 🤣😂😂

I'm not Jealous, Just TerritorialWhere stories live. Discover now