3

1K 49 1
                                    

I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

UNEDITED...

"Kiss na raw," sabi ni Sky saka tinulak ang anak.
"Kiss daw tayo," sabi ni Moon pero tinalikuran siya ni Sunny kaya napaharap siya sa mga magulang. "Kita n'yo na kung gaano kabastos ang napangasawa ko? Wala pang one minute, tinalikuran na ako!"
Naupo si Sunny sa upuan. Ayaw niyang makipagplastikan kahit na matatanda ang mga kasama nila. Alam ng lahat na tutol siya sa kasal kaya bakit pa siya makipagplastikan? Mas mainam nang sa umpisa pa lang, maging bastos na siya at hayagang ipakita na ayaw niya kay Moon. Dito lang siya makakaganti.
"Uwi na nga tayo!" naiinis na yaya ni Moon. Sa mayor lang sila ikinasal at ilan lang ang witness. Ang team galaxy, at parents lang nila ni Sunny.
"Lunch muna tayo sa bahay," sabi ni Taira na nabahala sa kahinatnan ng kabaliwan ng asawa. Paano kung hindi mag-work ang relasyon ng dalawa?
Tumayo si Sunny at nauna nang tumayo. Kahit anong pilit nila, sa sasakyan ng parents pa rin siya sumama.
Kaunting salu-salo lang ang naganap sa bagong bahay ni Moon. Hindi naman tumagal ang mga ito at maagang nagsipaalam.
Pagod na umakyat si Sunny sa kuwarto niya at never pa niyang kinakausap si Moon.
Kakalabas lang niya sa shower room nang sunod-sunod na katok ang narinig. Wala naman silang katulong o ibang kasama sa bahay kaya hindi n niya pinansin at nag-blower ng buhok. Pagod siya. Kaunti na lang ay babagsak na ang katawang-lupa niya.
Hindi pa rin tumitigil sa pagkatok si Moon. Nahiga siya sa kama nang tumigil na ito.
Napabuntonghininga siya habang nakatitig sa kisame. Ang tagal na niyang nakilala si Moon. College pa lang siya noon ay away-bati na sila.
Narinig niya ang pag-click at pagbukas ng pintuan.
"Hoy, Sunny!"
Nagbibingi-bingihan si Sunny kaya lumapit si Moon sa kama.
"Anong ibig sabihin nito?"
"Pagod ako," nakapikit na sabi ni Sunny at tinakpan ng unan ang mukha.
"Baliw ka na ba?" Inagaw ni Moon ang unan kaya napabangon si Sunny at galit na hinarap ang asawa.
'Hoy, Moon! Una, 'wag ko akong i hoy, hoy! Pangalawa, pagod ako! Pangatlo, labas sa kuwarto ko!" nakatingalang sabi niya.
"Kuwarto mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Moon. "Nasa kabila ang kuwarto natin! Guest room 'to!"
"Hindi pa ba maliwanag sa 'yo na ayaw kitang makatabi?"
"What?" mahina pero may diing tanong ni Moon. "Asawa na kita, baka nakalimutan mo." Dinuro niya ang noo ni Sunny. "Kanina lang kasal natin."
"Ayaw kitang makasama sa kuwarto, Moon. Napilitan lang naman tayong magpakasal, 'di ba? Asawa kita pero sa papel lang!" matapang na sagot ni Sunny habang nakapamewang pa.
"Ito ba ang gusto mo?" nakangising tanong ni Matter. "Good. At least alam ko. Kani-kaniya tayo. Malaya pa rin naman pala ako."
"Alangan naman itali kita!" Inirapan niya si Moon.
"Di ba honeymoon natin ngayon?"
"Sinong may sabi?" umarko ang kanang kilay ni Sunny.
"Psh! Pandak!" pikong sabi ni Moon at nagmartsa na palabas. Matutuyuan siya ng dugo kay Sunny. Isa pa, nanlalalim na ang mga mata nito dahil halatang kulang sa tulog at pagod.
Secret marriage lang pala sila kaya malaya pa rin siya.
"Buti naman," usal niya habang pabalik sa kuwarto para magpahinga. Mas pabor sa kaniya na magkaiba sila ng kuwarto ni Sunny. At least may privacy pa rin siya.
Hindi na siya nagbihis at inihiga ang katawan sa malambot na kama. Kapag magising siya mamaya, pupunta siya sa mag-oopen na bar ng kaibigan niya. Tama, malaya pa rin naman siya dahil pareho silang hindi sang-ayon sa kasal na naganap kanina.

------------

Tinatamad na nagmulat siya ng mga mata.
"Bangon!"
Pumikit muli siya dahil sobrang pagod ng buong katawan.
"Hindi ka babangon?" narinig niyang tanong ng ama pero tinatamad talaga siya.
Ilang sandali pa'y naghihilik na naman si Moon.
"Fuck!" bulalas niya nang buhusan siya ng malamig na tubig ng ama. "Papatayin mo ba ako?" bulalas niya at napakayakap sa sarili. "Saan na ang damit ko?" tanong niya nang mapansing naka-boxer shorts lang siya at walang pantaas.
Saka niya napansin na nakatingin ang dalawang katulong sa kaniya.
"Lumayas ka sa pamamahay ko!" pagtataboy ni Sky sa anak na kung hindi niya nadatnan, malamang tulog pa sa sala nila. Takot naman ang mga katulong na gisingin ito dahil nagalit kagabi kaya hinayaan na nila.
Alas otso na ng umaga. Paalis na si Sky nang makita ang anak na nakahiga. Plano pa naman sana niyang hanapin ito dahil sa nabasang news kaninan habang nagkakape. Ngayon lang siya bumaba dahil medyo masama ang pakiramdam niya kaya nagpadala na lang sila ni Taira ng breakfast sa kuwarto.
"Psh! E di lalayas," sabi ni Moon. "Pero hindi tama ang ginawa mo. Paano kapag magkasakit ako?"
"Concern ka na magkasakit ka pero nakahubad ka magdamag sa sahig?"
"Ouch!" nakangiwing sabi ni Moon na nakahawak sa masakit na ulo. May hangover pa siya.
"Layas na at huwag ka nang magpakita sa akin kahit kailan!" singhal ni Sky. "At ayusin mo ang gulo mo!"
"Gulo?" nakakunot ang noong tanong ni Moon pero naglakad na palabas ng bahay ng mga magulang  at naka-boxer na naglakad pauwi sa bahay nila. Sila-sila lang naman ang nandito e.
"Lamig!" reklamo niya. Pagbukas ng gate, dumiretso siya sa kusina saka uminom ng sobrang lamig ng tubig.
Paakyat na siya sa hagdan nang mapatigil nang makita niya si Sunny na pababa rin ng hagdan.
"Anong--" Natigilan siya at napakamot sa ulo. Oo nga pala, kasal na sila kahapon lang.
Blangko ang mukhang tinitigan siya ni Sunny.
Ipinagpatuloy niya ang pag-akyat nang maramdamang wala sa mood ang asawa.
Ne hindi man lang siya binati nito ng 'good morning' o 'kamusta?'
Naligo siya at inalala ang nangyari pero wala siyang matandaan. Nang matapos maligo, tinuyo niya ang buhok saka nahiga sa kama dahil sumasakit pa ang buo niyang katawan.
"Shit!" sambit niya nang lumitaw sa mukha niya ang mukha ng babaeng sumasayaw sa harapan niya. Napaupo siya sa gilid ng kama at napahawak sa dibdib nang biglang kinabahan. Nasa bar sila, lasing na siya at hindi na alam ang sumunod na mga pangyayari.
Napahawak siya sa mga labi.
"D-Did I kiss her?" tanong niya sa sarili. "P-Parang..."
"At ayusin mo ang gulo mo!" umalingawngaw sa utak niya ang sabi ng ama kanina.
"Gulo?" tanong na naman niya sa hangin at napaisip.
Tumayo siya saka nagmamadaling lumabas sa kuwarto at bumaba.
Nasa sala si Sunny, nanonood ng TV. Lalabas sana siya nang marinig ang morning talkshow.
"Ayun na nga, sis. Usap-usapan ngayon ang litrato ng Kristel na nakipaghalikan sa isa sa mga Villafuerte," sabi ng babae kaya tila napako siya sa kinatatayuan at slow motion na napalingon sa TV.
"In fairness, si Moon na lang kasi ang bachelor sa team galaxy," pagsang-ayon ng isang host.
"In fairness, nakita ko na si Moon sa bar at may hitsura talaga," maarteng sabi ng bakla.
Nanlaki ang mga mata ni Moon nang mamukhaan ang litrato nila ng sikat na artista.
Napalunok siya ng laway niya nang i-play ang videong naghahalikan sila ng babaeng nakilala sa bar na in-upload daw ng isang netizen na nasa party kagabi. Patay na siya!
Napasulyap siya kay Sunny na nanonood ng TV habang umiinom ng kape.
Dahan-dahang bumalik siya saka maingat na naupo sa dulo ng couch na inuupuan ni Sunny. Dulo sa dulo sila. Pinakiramdaman niya ang asawa dahil noong sila, madalas itong nagwawala pero hindi naman ito umimik.
Pasimple niyang kinuha ang remote sa center table saka inilipat sa ibang channel pero sila pa rin ang topic ng babaeng hindi niya nakilala kaya no choice, pinatay na niya ang TV.
Patuloy pa rin si Sunny sa pag-inom at walang pakialam sa kaniya.
"Kumain ka na?" parang maamong tupang tanong ni Moon pero agad na iniba ang paningin nang lumingon si Sunny.
Nahihirapan na siyang huminga. Hindi naman sa takot siya kay Sunny pero nag-aalala siya dahil baka kung ano ang maisipan nitong gawin.
Napatingala siya kay Sunny nang tumayo ito at naglakad patungo sa kusina. Gusto niyang sundan pero baka mas lalong maging kumplikado lang ang lahat sa kanila.
Nag-iisip siya kung ano ang gagawin pero ayaw gumana ng utak niya. Bumalik si Sunny na may dalang tubig pero dumiretso ito sa itaas. Matapos ang ilang minuto, kinuha niya ang telepono at tumawag kay Clouds.
"Clouds!" bungad niya. "Nasa bahay ka ba?"
"Wala," sagot niya.
"Psh! Kilala mo siya?"
"Sino?"
"Buwesit! Seryoso nga ako! Huwag na nga magmaang-maangan!" naiinis na sabi ni Moon. Alangan naman hindi nito napanood ang balita.
"Kristel daw. Gago ka talaga! Alam mo namang kakakasal niyo lang, iniwan mo pa ang asawa mo?"
"Ikaw kaya ang nandito, palit tayo ng sitwasyon," sabi ni Moon.
"Bahala ka."
"Psh! Kausapin mo nga si Red!" utos ni Moon. Sa pagkakatanda niya, under ng Bright Star si Kristel dahil minsan na niyang nakitang kasama ito ni Rose.
"Ayaw ko nga. Galit na nga si Seola sa akin dahil hinayaan kitang pumunta sa bar," sabi ni Clouds.
"Bwesit!" ani Moon.
Agad na naibaba niya ang telepono nang makitang pababa si Sunny at bihis na bihis.
"Aalis ka?" tanong niya. Poker face na nilingon siya ni Sunny.
"Obvious ba?" walang emosyong tanong ni Sunny.
"Saan ka pupunta?"
"May pakialam ka?" pambabara ni Sunny.
"Malamang, asawa kita."
"Talaga?" tanong ni Sunny na may halong panunuya.
"Text ka na lang kung magpapasundo ka," bilin ni Moon. Oo, makapal na kung makapal ang mukha niya. Galit kaya si Sunny? Pero mukhang parang wala lang naman sa rito e. Di niya mabasa ang isip ng asawa.
Nang makalabas si Sunny, umakyat din siya saka nagpalit ng damit. Pupuntahan niya ang kakilalang may-ari ng bar dahil baka may CCTV. Wala talaga siyang maalala sa nangyari pero aminado siyang nakipaghalikan nga siya.
Paglabas niya, napa-inspect siya sa mga sasakyan.
Nakahinga siya nang maluwag nang makitang maayos pa ang ducati at tatlong kotse.
Nagmaneho siya papunta sa bar pero sarado pa. Hindi rin sumasagot sa tawag ang may-ari. Baka tulog pa kaya naghanap na lang muna siya ng coffeeshop. Doon na muna siya tumambay dahil masakit ang ulo niya.
Mahigit dalawang oras siyang tumambay bago naisipang umuwi na.
"Sir? Hindi po gumagana ang creditcard mo," sabi ng babae.
"Ulitin mo," naiinip na sabi niya pero binalik ng cashier.
"Wala po talaga, sir."
"Here," sabi ni Moon saka inabot ang isa pang card.
"Ganun din po," sabi ng babae.
"Magkano ba?" tanong ni Moon nang mapansing marami na ang nakapila sa likuran niya.
"Nine hundred fifty po," sagot ng babae.
"Here. Keep the change," sabi ni Moon at inabot ang nag-iisang isang libo sa cashier saka lumabas. Dumaan siya sa ATM machine pero rejected din ang card niya. Kinutuban na siya.
"Huwag lang talaga," bulong niya saka nagmaneho nang mabilis patungo sa opisina ng ama.
Patakbong pumasok siya at agad na dumiretso sa office ni Sky.
"Si Dad?" tanong niya kay Chummy.
"May meeting," sagot ni Chummy.
"Chumz? Pumunta ba rito si Sunny?" tanong niya.
"Hindi ko napansin," sagot ni Chummy pero duda si Moon dahil mukhang nagsisinungaling ang kaharap.
Bumukas ang pinto saka pumasok si Sky.
"Dad..."
Lumabas si Chummy bitbit ang isang folder.
"Ba't ka nandito?" Naupo si Sky sa swivel chair at binuksan ang laptop.
"Pina-close mo ang lahat ng account ko?" galit na tanong ni Moon. "Huwag kang mag-deny!"
"Hindi naman ako nagde-deny ah," depensa ni Sky. "Oo, pina-close ko."
"Dad naman!" bulalas niya.
"Bakit? May mali ba sa ginawa ko?"
"Malamang! Pera ko naman 'yon ah. Pinaghirapan kong ipunin 'yon! Ano ba ang mali ko?" pikong tanong ni Moon na handang makipagsuntukan sa ama.
"Hindi ko naman kinukuha pera mo ah. Intact pa naman 'yon sa bangko."
"Ba't mo pina-close ang account ko?" Sigurado siyang ang ama ang may kagagawan nun. Palibhasa ang mga Villafuerte rin ang nagmamay-ari ng bangko nila.
"Hindi kaya," tanggi ni Sky.
"Huwag nang magsinungaling!"
"Inilipat ko lang naman kay Sunny ang pangalan."
"What?" bulalas ni Moon.
"Bakit? Asawa mo naman siya a. Lahat ng meron ka ay sa kaniya na."
"Bakit pa kailangang ilipat?"
"Request niya," sagot ng ama.
Napasabunot si Moon sa buhok. "Sabi ko na nga ba eh! Tatahimik lang siya pero may binabalak talaga siya laban sa akin!"
"Tanga ka naman kasi! Alam mong kakakasal ninyo, iniwan mo siya at makipaglandian sa iba? Nag-iwan ka pa ng ebidensiya."
"Bawiin mo, Dad."
"Request niya 'yon kaya wala akong magagawa."
"Pano na 'yan?" Aminado siyang may mali siya pero ang ibigay kay Sunny ang lahat ng pinaghirapan niya? Hindi iyon makatarungan. Isa pa, hindi siya si Matter na halos kaluluwa, ibibigay sa babae kapag magmahal. Never.
"Wala. Kapag may kailangan ka, dumaan ka muna sa asawa mo. Kapag may cash ka, e di mabuti," sagot ni Sky.
Nanghina si Moon. Wala siyang pera dahil umaasa siya sa cards niya at hindi talaga siya naglalagay ng pera sa wallet.
"Sir?" tawag ng secretary na kakapasok lang.
"Yes?" sagot ni Sky.
"Tumawag ho ang delivery boy ng gasoline station, nasa labas na po raw sila ng bahay," sagot ng secretary.
"Uwi na ako," paalam ni Moon. Wala na siyang magagawa. Kapag si Sunny ang magdesisyon, hindi na niya mababali iyon.
"Bahay namin?" tanong ni Sky.
"Yata," alanganing sagot ng secretary na nakaharang sa pintuan.
"Bakit? Ano raw?"
"Nag-order kasi si Ma'am ng limang container ng gasolina," sagot ng secretary kaya napatingin si Moon sa kaniya.
"S-Sinong Ma'am ang nag-order?" tanong ni Moon na biglang kinabahan.
"Sunny raw po ang pangalan. Sa bahay niyo po pala sir," magalang na sagot ng secretary kaya nanlaki ang mga mata ni Moon.
"S-Sa bahay k-ko?" Napalunok siya ng laway at nanginig ang mga tuhod.
"Opo," sagot ng secretary.
"S-Sandali..." ani Moon. "T-Teka lang..." Mahigit 500 million ang pagpagawa niya ng bahay kasama ang mga mamahaling gamit pati sasakyan. Umiling siya.
"Hindi puwede," usal niya at humarap sa ama.
"Si Sunny ho?" tanong niya.
"Umuwi na," sagot ni Sky.
"Shit!" Aniya saka tumakbo palabas ng opisina. Kailangan niyang makarating sa bahay bago pa tuluyang sunugin ni Sunny ang bahay na pinaghirapan niya.

I'm not Jealous, Just TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon