7

891 48 0
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7

Unedited...

"Sunnnny!" tili ni Nica nang magkita sila sa isang fastfood restaurant dahil usapan nilang magdi-dinner sila.
"Nicaaaa!" sigaw ni Sunny habang patakbong sinasalubong ang bestfriend. "Kyah! Kamusta?"
Niyakap nila ang isa't isa at walang pakialam sa mga tao.
"Ayieee. Mabuti. Uy, gumanda ka lalo ah," puri ni Nica.
"Ikaw nga nagiging chubby na."
"Masarap kumain eh," sagot ni Nica. "Isa pa, kilala mo naman si Gab, kain lang kami nang kain."
"Pero sexy ka pa rin at dyosa," puri ni Sunny at naupo sa upuan sa bakanteng table na pina-reserve ni Nica para sa kanila. "Kamusta ang Japan?"
"Okay lang. Uy, pasensiya na kung hindi ako nakadalo ng kasal mo. Ayieee. Villafuerte na siya," tukso ni Nica na ikinasimangot ni Sunny. "Okay ka lang? I heard the news."
"Ano pa nga ba ang aasahan mo sa mokong na 'yon?" pikong tanong ni Sunny.
"Wala na ba talagang chance na magbago si Kuya Moon?"
"Huwag mo 'kong tanungin dahil kumukulo ang dugo ko!"
Napabuntonghininga si Nica. Siya ang takbuhan ni Sunny kapag magkaproblema ang dalawa. Noong una, natuwa siya nang malamang ikakasal ang dalawa pero nang mabalitaan ang isyu, nainis na rin siya kay Moon.
"I feel you," malungkot na sabi ni Nica. "Pero baka magbago rin siya?"
"Hindi siya si Gab na pagkain lang ang kaagaw mo," nakasimangot na sabi ni Sunny. Sa totoo lang, nakakainggit si Nica dahil sobrang mahal ito ni Gabriel Lacson. Mataba lang ang asawa nito pero hindi marunong tumingin sa ibabang babae. Lahat pa ay ginawa para mapa "oo" si Nica. Iyong ligaw kung ligaw talaga.
"Iba-iba tayo ny istorya sa buhay," sabi ni Nica at nginitian ang bestfriend. "Pero umaasa ako na darating ang araw na magiging okay rin ang lahat."
"Hindi magiging okay lalo na't nakatali ako kay Moon," sagot ni Sunny at napatingin sa waiter na palapit sa kanila at dala ang in-order ni Nica bago pa sila dumating.
"Here's your order, ma'am," magalang na sabi nito.
"Thank you," pasalamat ni Nica.
"Dami naman," ani Sunny.
"No rice ako," ani Nica. Kahit na kain sila nang kain, may advice sila sa dietician nila ni Gab dahil tabain ang asawa.
"Bahala ka," ani Sunny na walang ganang kumain.
"Alam mo, huwag mong problemahin si Kuya Matter. Enjoy lang at huwag ka nang umasa sa kaniya."
"Hindi ako umaasa."
"Really?" nagdududang tanong ni Nica.
"Oo," sagot ni Sunny saka inirapan ang kaibigan.
Kumain na sila. Nagkukuwento si Nica tungkol sa Japan tour nito. Kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata nito kaya nakaramdam ng lungkot si Nica. Oo, gusto niyang masaya ang kaibigan pero sana ganoon din siya.
Patapos na silang kumain nang may naupo sa tabi niya.
"Uwi na tayo," mahinang sabi ni Moon kaya napatingin si Sunny sa kaniya.
"Ginagawa mo rito?"
"Sinusundo ka. Sabi ng papa mo, kanina ka pa hindi umuuwi," sagot ni Moon.
"Kain," alok ni Nica.
"Busog pa 'ko," tanggi ni Moon. Napatingala si Nica kay Gab na nakatayo sa harapan niya.
"Nagpaalam naman ah," agad na depensa ni Nica.
"Sinusundo lang kita," sagot ni Gab at naupo sa tabi ng asawa. "Tapusin mo na ang pagkain mo at uuwi na tayo."
"Hindi ka pa ba kumakain? Order tayo," tanong ni Nica.
"Busog pa ako," sagot ni Gab.
"Uuwi ako kung kailan ko gusto," sagot ni Sunny saka tinapos ang pagkain.
"Di ba sabi ko, mag-usap tayo? Dalawang araw ka nang hindi umuuwi ah," sumbat ng asawa.
"Ayaw ko nang makipag-usap sa 'yo!"
"Sunny naman," bulong ni Moon saka hinawakan ang kanang kamay ng asawa. "Uwi na tayo, oh." pakiusap niya.
"Uwi na kayo?" tanong ni Sunny sa mag-asawa.
"Yes," sagot ni Gab para bigyan ng privacy ang dalawa.
"Oo, baka hinahanap na kami ng junakis namin," sagot ni Nica na naunawaan ang sitwasyon.
"Uwi na rin tayo, hon," sabat ni Moon.
Naunang nagpaalam sina Nica.
Tumayo si Sunny at naunang lumabas. Dahil ayaw ng eskandalo, tahimik na sumunod si Moon hanggang sa makalabas na sila. Madilim na ang paligid. Kaninang dumating siya, papalubog pa lang ang araw. Nilapitan niya si Sunny dahil medyo madilim sa kinatatayuan nito.
Pumara si Sunny ng taxi pero agarang napigilan siya ni Moon.
"Salamat na lang po," pasalamat ni Moon sa taxi driver. "Sa akin na po sasabay ang asawa ko."
"Bitiwan mo ako!" mahina pero puno ng hinanakit sa boses ni Sunny.
"Alam kong galit ka sa akin at aminado akong may mali ako pero sana bigyan mo naman ako ng chance na magbago," pakiusap ni Moon.
"Unlimited chance?" panunuyang tanong ni Sunny.
"Mahirap naman talaga patunayan e. Paano ko maipakita kung palagi mo akong inaaway? Uwi na nga tayo," yaya niya saka mahigpit na hinawakan ang kamay ni Sunny at hinila ito palapit sa sasakyan niya hanggang sa maipasok niya sa frontseat. Hindi naman nagmatigas si Sunny.
"Sa bahay namin ako uuwi," sabi ni Sunny na nasa unahan ang mga mata.
"May bahay naman tayo."
"Wala akong pakialam! Tapos na ang kasal natin."
"Mag-asawa tayo kaya sa bahay ka uuwi!"
"Ayaw ko!"
"Potang ina!" Singhal ni Moon saka agad na napapreno sa pagkapikon. Muntik nang mapasubsob si Sunny sa biglaang pagpreno niya. Buti na lang naka-seatbelt din ito.
Taas baba ang dibdib ni Moon habang pinapahupa ang galit.
"Huwag mo akong piliting puwersahin ka, Sunny! Ikaw na nga itong sinusuyo, ikaw pa ang nag-iinarte. Alam mo bang marami ang babaeng nagkandarapang makasal sa akin?" Tumaas na ang boses niya. Napasulyap siya kay Sunny na nasa unahan pa rin ang nagbabagang mga mata. "Ano? Galit ka sa akin? Sa tingin mo, mabuti ka ring girlfriend noon?"
Napalingon si Sunny sa kaniya.
"Oo, Sunny! Hindi ka mabuting kasintahan! Wala kang ka-sweet-an sa katawan! Hindi ka malambing! Ne ayaw mong hawakan kita sa kamay kahit na may nangyari na sa atin! Minahal mo ba talaga ako? O gusto mo lang ako dahil isa ako sa team galaxy?" sumbat niya. Patay na patay 'to sa team galaxy noon pero hindi siya nito kilala. Ang unang nakita lang niya ay sina Clouds, Sun at Star. Nagulat na lang ito nang makita siya nito sa CTU at nalamang isa siya sa team galaxy.
"Ano? Ayaw mong sumagot? Ayaw mong aminin ang totoo?" dagdag niya. Sarap tirisin ni Sunny.
Nakaramdam ng galit si Sunny. Iyon ba ang tingin nito sa kaniya? Na mababa at karangyaan lang ni Moon ang habol niya? Paano siya maging sweet eh, hindi nga niya ramdam na girlfriend siya nito. Nakikipagkita lang ito kapag mag-sex sila. Every week, kung sino-sino pa ang nakakasama nito sa party.
Napahigpit ang hawak niya sa seatbelt nang muling pinaandar ni Moon ang sasakyan saka matulin na pinatakbo hanggang sa makarating sila sa bahay nila. Naunang bumaba si Moon at padabog na pumasok sa bahay pero agad na napapreno at muling bumalik sa sasakyan at hinawakan ang kanang kamay ni Sunny na kakababa lang. Baka kasi umuwi na naman ito.
"Huwag ka nang umuwi, tatawagan ko si Papa na dito ka na sa bahay," sabi niya habang tangay na ang asawa papasok ng bahay. "Huwag kang mag-alala, hindi kita gagalawin hanggat hindi ka pumapayag para sa ikagaan ng loob mo. Basta dito ka lang para matahimik naman ang loob ko na hindi ka nakikipag-date sa ibang lalaki."
"Malandi na pala ako," mahinang sabi ni Sunny kaya napatigil si Moon at hinarap siya.
"Makinig ka, Sunny. Hindi mo ako naiintindihan eh."
"Hindi naintindihan? Takot ka bang gawin ko ang ginagawa mo sa akin?" walang ganang tanong ni Sunny. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sakit dahil kay Moon.
"Alam kong hindi ka ganoon," mahinang sagot ni Moon at napabuntonghininga. "Takot lang ako na maagaw ka ng iba sa akin nang dahil sa ugali ko."
Pagod na umakyat si Sunny sa hagdan. Kailangan niya ng kama para makapagpahinga.
"Pasensiya ka na kung madalas kitang saktan," paumanhin ni Moon. "Hindi ko rin kasi alam kung paano mo ma-appreciate ang existence ko."
Sa halip na lingunin, tuloy-tuloy lang si Sunny kaya napahilamos siya sa mukha. Gaano ba siya kahirap mahalin? Bakit ang iba, kulang na lang na lumuhod para mahalin din niya pero si Sunny, binabalewala lang siya?
Umakyat na rin siya at binagalan ang paglakad hanggang sa makapasok si Sunny sa kuwarto nito.
"Sabi ko na nga bang mahirap talaga mag-asawa eh," bulong niya. "Kasalanan kasi talaga 'to ni Sky Villafuerte! Kung hindi lang ako pinilit ng matandang 'yon, dapat hindi ako magkakaproblema ng ganito!" pagmamaktol niya saka dumiretso sa mini gym ng bahay. Kailangan niyang magpapawis.
"Okay sana kung mag-away kami basta may sexlife eh," reklamo niya habang nagpapalit ng damit. Kailangan niyang maglabas ng sama ng loob bago pa siya tuluyang sumabog.
Nang mapagod, nagpahinga muna siya bago maligo. Gusto sana niyang pasukin ang asawa pero baka mas lalong lumala lang ang sitwasyon kaya ipagbukas na lang niya.
Nahiga siya sa kama at dahil sa pagod, agad siyang nakatulog.
Nagising siya sa tumatawag sa cellphone niya kaya inaantok na kinapa niya sa bedside table at sinagot.
"Yes?" nakapikit na sagot niya.
"Nandiyan ba si Sunny?" boses ng ama ng asawa.
"Yes po, kagabi pa, Papa," magalang na sagot niya at natampal ang noo dahil nakalimutan niyang ipaalam kagabi.
"Sige. Buti naman," sabi nito saka tinapos na ang tawag. Dahan-dahang iminulat ni Moon ang mga mata, alas otso na pala ng umaga kaya tumayo siya at naghilamos saka toothbrush at lumabas ng kuwarto.
Bumaba siya pero walang nakitang lutong pagkain kaya bumalik siya sa itaas.
"Galit talaga siya," bulong niya at napatigil sa kuwarto ng asawa. "Hon?" tawag niya at kumatok ng dalawang beses pero walang sumasagot kaya napabuntonghininga siya. Umalis yata ng maaga si Sunny.
"Mahalungkat nga ang gamit niya," usal niya saka kinuha ang duplicate ng susi sa kuwarto niya.
Pagbalik niya, binuksan niya ang pinto at pumasok. Madilim ang silid dahil sa makapal na kurtina kaya binuksan niya ang ilaw.
Muntik na siyang mapatalon nang makita si Sunny na nakahiga sa kama. Akala niya multo dahil hindi niya inaasahang nandito pa ito.
"H-Honey?" tawag niya at nilapitan ang kama pero hindi gumagalaw si Sunny. "Are you okay?"
Nagtalukbong si Sunny ng kumot kaya hinila niya para makita ang mukha nito.
"Ano ba!" malakas na singhal ng asawa at hinila ang kumot. Para itong mabangis na asong pinalabas ang pangil.
"Alas otso na," sabi ni Moon saka naupo sa kama at hinawakan si Sunny sa kamay. "H-Hon? Ba't ang init mo?"
Tumalikod si Sunny saka muling nagtalukbong.
"H-Honey, may lagnat ka," natarantang sabi ni Moon. "A-Anong gagawin ko? T-Tawag ako ng doctor."
"Subukan mo at papatayin kita!" pagbabanta ni Sunny.
"Mainit ka eh."
Inabot ni Moon ang telepono at tinawagan ang ina.
"M-May lagnat po si Sunny," sumbong niya. "M-Mom? Anong gagawin ko?" naiiyak na tanong niya. Ang init ng katawan ng asawa.
Pinakalma siya ng ina at sinabihang painumin ito ng gamot at punasan ang katawan at kapag hindi pa humupa, saka na nila dalhin sa hospital o magpatawag ng doctor.
"H-Hon? Inom ka ng gamot," mahinang sabi niya at tinapik ang balikat ng natutulog na asawa.
"Gusto ko pang matulog."
"Kain ka muna."
"Lumabas ka na, Moon!"
"Kahit gamot lang. Sige na, please," pakiusap ni Moon at hinila ang kumot.
"Ba't ba ang kulit mo?" naiinis na wika ni Sunny.
"Uminom ka lang ng gamot para hindi na kita kulitin. Mahirap bang gawin 'yon?"
Napilitang maupo si Sunny kahit na parang mabibiyak ang ulo saka kinuha ang baso at gamot na inabot ng asawa.
"Akin na," sabi ni Moon saka kinuha ang baso at inilapag sa bedside table. Nang mahiga muli si Sunny, tumayo siya at kumuha ng bimpo. Matiyagang pinunasan niya ang asawa ng maligamgam na tubig ayon sa payo ng ina.
"Palitan ko damit mo ha," paalam niya dahil basa na ang likod nito ng pawis. Walang lakas si Sunny kaya hinayaan na lang niya si Moon sa ginagawa sa kaniya. Nasusuka siya pero tinatamad siyang tumayo at bumangon.
Sa sobrang sakit ng ulo, mabilis siyang nakatulog.
Puno siya ng pawis nang muling magising. Napatingin siya sa kanan ng kama. Nakita niyang nakatagilid pahiga sa couch si Moon na mukhang ang lalim ng iniisip.
"Hon," usal nito nang mapansing gising na siya saka tumayo at nilapitan siya. "M-Magpapa-hospital na ba tayo?"
Napasulyap si Sunny sa wallclock. Alas tres na ng hapon.
"Hindi na kita ginising. Kain ka na, mainit pa 'yang kanin at ulam." Inalalayan niya si Sunny na maupo. From time to time, pinupunasan niya ito kaya bumaba na ang lagnat sa 37.5°C. Kanina kasi nsa 39.5 kaya kinabahan siya.
Naupo si Sunny at kumain.
"Kain ka na rin."
"Busog pa--"
"Alam kong hindi ka pa kumakain! Kumain ka na nga," alok ni Sunny kaya naupo na rin si Moon sa tabi niya at kumain.
"Bakit durog ang gulay?" tanong niya. Nilaga ang ulam na pinadala ni Taira kanina.
"Ahm... Iniinit ko kasi eh," Nakangiwing sagot ni Moon. Every 30 minutes, mina-microwave niya ang kanin at ulam para kapag magising ang asawa, kakain na lang ito. "S-Sorry. Ayaw mo ba? Magpapadala ako ulit sa katulong. Marami naman ang niluto ni Mommy." Hinawakan ni Sunny ang kanang kamay niya na tatawag sana sa bahay nila.
"Kumain ka na," sabi ni Sunny at ipinagpatuloy ang pagkain. Nawala na ang sakit ng ulo niya dahil pinagpawisan siya.
Nang matapos silang kumain, si Moon na ang nagligpit ng pinagkainan nila.
Bitbit ang tray, nagpaalam siya kay Sunny na ibaba lang ang hugasin.
"Moon?" tawag ni Sunny nang malapit na ang asawa sa pinto.
"Hon?" sagot ni Moon at nilingon ang asawang nakaupo sa gilid ng kama.
"Salamat pala," pasalamat ni Sunny at tipid na nginitian si Moon.
Agad na tumalikod si Moon at lumabas ng kuwarto. Nang maisara ang pinto, napakagat siya sa ibabang labi para pigilan ang mga labi pero ngumiti pa rin siya. Naramdaman din niyang bumilis ang pagtibok ng puso niya nang ngumiti si Sunny. Kailan nga niya ito unang naramdaman? Ah, noong una niyang makita ang asawa.

I'm not Jealous, Just TerritorialWhere stories live. Discover now