14

824 40 0
                                    

I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 14

Unedited...

Pansamantalang tinanggal ni Sunny ang wedding ring at tinago sa bulsa saka inayos ang apron dahil magsisimula na sila ng layer cakes. From fillings and decorating with universal techniques.
"Ano'ng gagawin mo?" tanong ni Jimson kay Sunny.
"Carrot cake with wallnuts po," sagot ng dalaga. Noong isang araw pa niya pinag-iisipan ang gagawin hanggang sa tinanong na niya ang asawa at iyon nga ang suggestion ni Moon.
"Mukhang masarap nga 'yan," sabi ni Jimson at pinagmasdan si Sunny sa ginagawa.
"Talaga?"
"Oo," sagot ni Jimson. Ang smooth ng paggalaw ng kamay nito habang nakahawak sa mixing bowls at spatula.
"Cake pan," offer ni Jimson.
"Thank you," nakangiting pasalamat ng dalaga na naiilang kumilos dahil sa guro.
"Sir?" tawag ni Kristala kaya lumapit si Jimson sa isang estudyante.
Nakahinga nang maluwag si Sunny at masayang ipinagpatuloy ang ginagawa. Naalala niya si Moon, gusto nitong patikimin niya kaya magdadala siya mamaya.
Napasulyap si Sunny sa bintana, may iilang estudyante na nakasilip sa kanila kaya sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito, si Jimson.
"Hmm? Mahatak talaga si Sir," bulong ng baklang katabi niya habang nag-aayos ng itlog.
"Hayaan mo na," sabi ni Sunny at nag-concentrate sa ginagawa.
"Alam mo, napapansin namin na panay ang sulyap ni Sir sa 'yo," bulong nito.
"Tinitingnan lang niya ang paggawa ko" ani Sunny.
"Loka! Ang manhid mo! Type ka niya!" bulong nito kaya natawa si Sunny. "Seryoso ako, gurl! Bet ka ni Sir. Isa pa, hindi ka na lugi!"
"Tumigil ka nga. Baka may jowa na 'yan at isa pa, ang guwapo niya para magkagusto sa akin. Huwag ka ngang ano!"
"Heh! Ang ganda mo kaya. Kung ako sa 'yo, go na ako!" sulsol nito kaya natawa si Sunny pero agad na napayuko nang mapatingin ang guro sa kanila.
"Anything funny?" curious na tanong ni Jimson at nilapitan sila.
"Ikaw kasi!" bulong ni Sunny.
"May naalala lang ho ako," sagot ng bakla."Naikuwento ko kay Ganda kaya natawa."
"Okay lang naman na mag-usap kayo basta make sure na hindi kayo makaistorbo sa kasama ninyo at hindi masira ang concentration ninyo, okay?"
Napadaan siya kay Sunny kaya hindi nakaligtas ang pabango nitong nanunuot sa ilong niya at 'kay sarap amuyin. Napasulyap siya sa leeg nitong sobrang puti at kinis.
"Mabuti 'yan, tiyak matutuwa ang boyfriend mo kapag matikman ang luto mo," sabi ni Jimson at napasulyap sa mga daliri ng dalaga.
"May boyfriend ka na ba, Ganda?" tanong ng baklang katabi.
"H—Ha?" Hindi alam ni Sunny ang sasabihin. Hindi naman kasi niya boyfriend si Moon e. "Wala pa."
"Ikaw, Sir? May girlfriend ka na ba?" walang hiyang tanong ni Kristala.
"Wala pa," sagot ni Jimson at napasulyap kay Sunny.
"Ayieee!" tuksuhan nila kaya napayuko si Sunny at nakaramdam ng hiya.
"Huwag nga kayo. Ipagpatuloy na ninyo ang ginagawa ninyo," saway ni Jimson sa mga estudyante nang mapansing namumula ang magkabilang mukha ni Sunny dahil sa hiya. Ayaw naman niyang ma-pressure ang dalaga kaya lumipat siya sa ibang estudyante.
"Iba talaga kapag maganda ang nagbe-bake, masarap!" puri ni Kristala.
"Talaga? Maganda ba ako?" tanong ni Sunny at nagpapa-cute sa mga kaklase  kaya napangiti si Jimson.
Ang cute nga nitong estudyante niya. Na-curious tuloy siya sa pagkatao ni Sunny.
"Guys? Sabay na tayong kumain, my treat!" sabi ni Jimson nang matapos n sila sa pagbe-bake. Ang sarap ng cake ni Sunny.
"Talaga Sir? Wow, anong meron?" masayang sabi ni Thomas.
"Gusto ko lang kayong makasama. Siyempre ilan lang naman kayo e. Bonding," sagot ni Jimson at napasulyap kay Sunny na inaayos ang LV bag. Pansin din niyang signature at branded ang mga gamit nito. Kahit nga ballpen, parker pa.
Napatitig si Sunny sa cake. Natutuwa siya at nagustuhan ng mga kaklase at ng guro nila.
" I'm sure magiging proud ang asawa ko kapag
matikman niya," bulong ni Sunny. Siyempre si Moon ang iniisip niya habang nagbe-bake. Gusto niyang maging proud din si Moon sa kanya. Pihikan kaya 'yon sa pagkain.

----------------

"Yes/Yes!" sabay na sigaw nina Moon at Star saka nagyakapan.
"Hindi ako baog!" hiyaw ni Moon at patalon-talon habang yakap ang kapatid. "Bituin, magkakaanak ako!"
"Oo! Yes, hindi ka baog!" parang tanga ring sabi ni Star at nakitalon sa kapatid. Siyempre masaya siya para kay Moon.
"Painom ako, Star!" masayang sabi ni Moon at humiwalay sa kapatid na nakasimangot. "Bibilhan kita ng isang litrong Yakult, okay?"
"Huwag ka na kasing magpainom!"
"Sama mo si Chummy para sure ka," sabi ni Moon dahil may phobia ang kapatid sa alak.
Masaya talaga. Ibig sabihin, hindi pa nila time ni Sunny.
"Paano kung buntis si Sunny at hindi lang niya alam?" tanong ni Star.
"Pero hindi naman siya nagsusuka."
"Ngee. Hindi naman lahat ng buntis, nagsusuka."
"Ganoon ba?"
"Oo, pa-checkup mo. Malay mo, Buwan."
"Sige," pagpayag ni Moon at naglakad na sila palabas ng hospital bitbit ang resulta.
"Sunduin ko lang si Sunny, mauna ka na," sabi ni Moon dahil may dala naman itong sasakyan.
"Sige. Ikaw na rin magsabi kina Daddy Sky at Lolo Skyler," bilin ni Star.
"Sure. Salamat sa pagsama, Bituin!" pasalamat ni Moon. Siyempre suportive ang mga kapatid niya.
Nagmaneho siya papunta sa paaralan. Sabi ni Sunny, patapos na raw ang klase. Sakto lang para pagdating niya, tapos na talaga.
"Eh? Magkaka-baby na kami," bulong niya habang nagmamaneho. Mula noon, ito na talaga ang pinakainaasam niya.
Pagdating sa paaralan, tinawagan niya si Sunny. Palabas na raw ito.
"Ganda talaga ng Sunny ko!" bulong niya nang makita ang asawang palabas na ng gate kasama ang isang babae na sa tingin niya ay kaklase nito.
Binuksan ni Sunny ang pinto at pumasok.
"Kanina ka pa ba? Sorry," paumahin ni Sunny at inilagay sa backseat ang bag.
"Honey!" masiglang wika ni Moon at mahigpit na niyakap ang asawa.
"Hey, ang cake ko!" saway ni Sunny.
"Hayaan mo ang cake, kakainin ko 'yan kahit durog!"
"Ano bang meron?" curious na tanong ni Sunny.
"Honey! Basta masaya ako!"
Lumayo si Moon at ibinigay kay Sunny ang resulta ng sperm count.
"Ano 'to?" curious na tanong niya. Wala siyang maintindihan sa nakasulat maliban sa pangalan ni Moon.
"Honey, nagpa-sperm count ako at okay naman daw. Healthy naman ako at very capable na magka-baby!" sabi ni Moon na kulang na lang ay maglupasay sa tuwa sa harapan ng asawa.
"Ah, okay."
Ibinalik ni Sunny ang papel kay Moon at inilagay ang seatbelt.
"Uwi na tayo."
"H—Hindi ka ba masaya, Honey?"
"Masaya." Tumingin si Sunny sa mga estudyanteng palabas ng Westbridge. Ang iba ay nagtatawanan at ang iba ay nag-iisang naglalakad.
Nagmaneho na si Moon.
"Basta masaya talaga ako at hindi ako baog. Akala ko talaga, hindi na kita mabibigyan ng anak, Sunny!" Para siyang natanggalan ng tinik sa dibdib. Napasulyap siya kay Sunny na nakatitig sa cake na nadurog. "S—Sorry, excited lang talaga ako. Kakainin ko 'yan sa bahay, promise."
Napansin niya ang panahimik ng asawa kaya hindi na rin siya kumibo.
Hindi ba ito masaya? Sumobra na ba siya at hindi niya pinansin ang cake nito?
"H—Honey? Uubusin ko 'yang cake mo, promise," pag-aalo niya nang mapansing tumulo ang mga luha ni Sunny kaya huminto siya.
"T—Tuloy mo," mahinang sabi ni Sunny at pinahidan ang mga luha.
"S—Sorry na," paumanhin niya na hindi alam ang gagawin. "Hindi ko naman talaga sinadya na balewalain 'yan e. Alam ko namang pinaghirapan mo 'yan. Sorry na, Sunny ko," paumanhin niya na kulang na lang ay batukan ang sarili dahil sa katangahan. Oo nga pala, ilang araw na nitong pinag-iisipan kung ano ang cake na lulutuin pero dinurog lang niya.
"Mag-drive ka na!"
"Sunny—"
"Gusto ko nang umuwi," walang ganang sabi ni Sunny.
"S—Sorry."
Muli siyang nagmaneho at wala silang imikan hanggang sa makarating sa bahay. Naunang bumaba si Sunny kaya nagmamadaling kinuha ni Moon at cake na iniwan ng asawa at hinabol ito.
"Honey!"
Tumakbo si Sunny para hindi maabutan ng asawa.
"Shit!" pagmumura ni Moon nang isara ni Sunny ang pintuan kaya nanlumong bumalik siya sa baba at kinain ang cake ng asawa.
"H—Hindi ko naman talaga sinasadya na magtampo siya e!" sabi niya habang sumusubo. "Masarap naman talaga ang cake niya e!"
Sunod-sunod ang subong ginawa niya. Hindi na niya napigilan ang mga luha habang kumakain.
"K—Kasi masaya lang talaga ako!" umiiyak na sabi niya. "Di k—ko naman talaga ginustong madurog 'tong cake e. K—Kakainin ko naman talaga 'to e!" Pinahidan niya ang mga luha. Proud siya kay Sunny. Hindi sa pambobola pero ito na yata ang pinakamasarap na cake na natikman niya sa buong buhay niya.
Pagkatapos niyang kumain, umakyat siya at kinuha ang duplicate saka pumasok sa kuwarto.
"H—Hon?" tawag niya nakahiga asawa. "S—Sorry na o."
Nahiga siya saka niyakap ang nakatalikod na asawa.
"Hindi ko talaga ginustong masira ang cake pero naubos ko. Promise, sobrang sarap, Sunny."
Tumayo si Sunny at pinahidan ang mga luha. Naghanap siya ng damit para makapagpalit.
"Ano ba ang hindi mo maintindihan?" bulyaw ni Moon nang mapikon. "Hindi mo ba ako naintindihan? Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng anak sa 'yo! Hindi mo ba nakikita ang kasiyahan ko? Mas inuna mo pa ang cake mo na kinain ko naman? Kahit madurog man iyon, cake pa rin iyon! Gawa mo pa rin iyon! Hindi mo ba ako samahan sa kasiyahan, Sunny? Pangarap ko 'to e!" sumbat niya pero nakatayo lang si Sunny na nakatalikod sa kanya. "Pag-unawa lang, honey oh. Mahirap bang intindihin ang gusto ko?"
"Tapos ka na?" blangko ang mukhang humarap si Sunny sa asawa.
"Y—Yon lang ang sasabihin mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Moon. "Iyon lang 'yon?"
"Ano ang gusto mong gawin ko, Moon? Magpa-party? Magsaya? Matuwa kasi hindi ka baog?"
Natigilan si Moon sa mukha ng asawa.
"H—Hindi ka ba masaya?"
"Masaya."
"Hindi, Sunny e! Bakit ganyan ka?"
Kumuh si Sunny ng damit at nilagpasan ang asawa.
"Sabihin mo sa akin ang problema, Sunny! Ang cake ba? Ayaw mo bang magkaanak tayo? Ano?" Tumaas na ang boses niya.
"Gusto ko!" pasinghal na sagot ni Sunny at nilingon si Moon. "Gustong-gusto kong magkaanak! W—Wala akong pinangarap kundi ang magkaroon tayo ng baby, Moon!" Humagulgol siya sa pag-iyak kaya natigilan si Moon.
"Wala naman pala tayong problema e," mahinahong sabi ni Moon. "B—Ba't ka umiiyak?"
"D—Dahil ako ang may problema, Moon!" umiiyak na pag-amin ni Sunny. "Ako ang walang kakayahang magkaroon ng anak! Ako ang baog, Moon! Hindi ikaw!"
Napanganga si Moon.
"S—Sabihin mo sa akin, okay lang ba sa 'yo? Hindi, 'di ba? H—Hindi na kita mabigyan ng baby, Moon! Hindi na!"
Napaupo siya at napasiksik sa kama habang niyayakap ang damit. "I—I'm sorry, Moon. H—Hindi ko ito ginusto. I'm so sorry."
Parang isang magaang papel si Moon na hinihila ng isang napakamalakas na ipo-ipo.  Para siyang isang agilang lumilipad patungo sa langit na biglang nabalian ng pakpak at bumulusok pabagsak sa lupa.

I'm not Jealous, Just TerritorialWhere stories live. Discover now