6

946 45 0
                                    


I'M NOT JEALOUS, JUST TERRITORIAL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

Unedited...

"Sa'n mo 'ko dadalhin?" tanong ni Sunny.
"Sa mall. Stylist kita, 'di ba?" sagot ni Moon.
"Pinanindigan mo talaga, huh?"
"Yup," sagot ni Moon saka iniliko ang sasakyan sa kanan. Ilang minuto pa ay nasa parking lot na sila ng mall.
"Baba na," sabi ni Moon kaya bumaba si Sunny.
Naunang pumasok si Moon at hinintay si Sunny dahil mahaba ang pila sa mga babae. May mga bag pa kasi silang bitbit.
"Tagal nyo," reklamo niya nang makapasok si Sunny.
"Sana nauna ka na," ani Sunny.
"Suplada naman neto," ani Moon at inakbayan si Sunny. Tatanggalin pa sana nito ang kamay niya pero pinisil niya ang balikat nito.
"Hindi ba't may jowa kang taga showbiz?" paalala ni Sunny habang paakyat sila sa escalator.
"Hmm? Selos?" nakangiting tanong ni Moon.
"Ba't ako magseselos? Ang daming nakakakilala sa inyo kaya ayaw kong lumabas na third party," depensa ni Sunny.
"Kailan pa naging third party ang legal na asawa?" tanong ni Moon at hinawakan ang kamay ni Sunny. "Pasok tayo sa jewelry store, hon." Yaya niya.
"Selos ka lang," bulong ni Moon.
"Oo," sagot ni Sunny saka iniwan siya at pumunta sa display.
"Honey!" malakas na tawag ni Moon ay nilapitan si Sunny. "T-Totoo ba?"
"Bilisan mo na at uuwi na tayo," ani Sunny.
"Hmm? Nagseselos ka ba talaga?" mahinang pangungulit ni Moon.
Hindi sumagot si Sunny kaya nanahimik na siya. Pumunta siya sa kabilang display at pinagmasdan ang necklace na may red diamond na pendant.
"Miss? Patingin nga ako neto?" pakiusap niya sa saleslady.
"Sure po," nakangiting sagot ng saleslady at kinuha ang necklace saka inabot kay Moon.
"Maganda ba?" tanong ni Moon sa saleslady.
"Oo naman po. Maganda talaga," sagot ng saleslady.
"Bagay ba sa kaniya?" tanong ni Moon at nginuso si Sunny na tumitingin sa ibang jewelries.
"Opo," sagot ng saleslady na napalingon kay Sunny.
"Sige, wait lang," sabi ni Moon at lumapit kay Sunny.
"May napili ka na?" tanong ni Sunny na walang balak na bumili. Nalulula siya sa mga presyo nito.
"Yup," sagot ni Moon at pinakita ang necklace. "Here oh."
"Kukunin mo?" tanong ni Sunny.
"B-Bilhin natin, hon," nakangiwing sagot ni Moon dahil wala naman siyang pera. "Sige na, ibawas mo na lang sa pera ko."
"Para kanino ba 'yan?" curious na tanong ni Sunny.
"H-Ha?"
"Para kanino."
"S-Sa taong mahal ko," sagot ni Moon at iniwas ang mga mata.
"Kanino?"
Napabuntonghininga si Moon bago sumagot. "Para sa 'yo."
Paunti-unting napakunot ang noo ni Sunny.
"Sure ka?" panigurado ni Sunny.
Tumango si Moon. "Bagay sa 'yo 'to, honey."
"Huwag na," tanggi ni Sunny nang makita ang presyong nakakabit sa kuwentas. 100k.
"Gusto kong bilhin."
"Ayaw ko niyan, tiyaka tingnan mo nga ang presyo," tanggi ni Sunny.
"Pera ko naman ang ibabayad ah."
"Kahit na. Marami naman ang kuwentas--"
"Ito ang gusto ko. Honey naman, bagay talaga 'to sa 'yo. Isa pa, ako naman ang magababayad ah. Promise, magtatrabaho pa ako nang maigi para marami ang papasok sa account natin pero Sunny, bilhin na natin 'to. Bagay sa 'yo 'to eh," mahinang pakiusap ni Moon saka hinawakan ang kamay ng asawa. "Ito lang."
"Hindi ako mahilig sa kuwentas. Bakit ba bibili ka?"
"K-Kasi gift ko sa 'yo. Siyempre mag-asawa na tayo. Wala man lang akong nabili para sa 'yo. Kahit noong kasal natin, sila pa ang bumili ng singsing natin," sagot ni Moon.
"Pero--" Napangiwi si Sunny. 100k? Kuwentas lang? Pang isang negosyo na 'yon ah. Nagsasayang ba ito ng pera? "Iba na lang."
"Ito ang gusto ko," parang batang tanggi ni Moon na napansin ang saleslady na parang nakikinig sa kanila. Iilan lang ang pumapasok dahil pang mayaman lang ang jewelry shop na ito.
Nagdadalawang isip si Sunny. Siyempre hindi naman siya sanay na gumastos. Kahit 3k nga, hindi niya kayang bumili ng gamit. Ito pa kayang 100k? Pero kay Moon naman kasi ang perang hawak niya. Pero may karapatan naman yata siyang hindi bilhin dahil para naman sa kaniya ang necklace?
"Fine!" napilitang pagpayag ni Sunny.
"Yes!" masayang sabi ni Moon at niyakap ang asawa. "Thank you, honey ko!"
"Bitiw na," pagtataboy ni Sunny dahil may mga nakatingin na sa kanila. Baka mamaya, fan ni Kristel ang makakita sa kanila at mamukhaan pa si Moon.
Bitbit ang necklace, pumunta si Moon sa cashier.
"Card mo, hon," paghingi ni Moon kaya napilitang ibinigay ni Sunny amg credit card na sa kaniya na nakapangalan.
Pinapirma si Sunny kaya nakaramdam siya ng hiya. Baka isipin ng mga ito, siya ang gumagastos kay Moon.
"Suot mo na, hon," excited na sabi ni Moon saka kinuha sa box ang necklace at pinasuot kay Sunny.
"Moon," mahinang bulong ni Sunny pero hindi niya napigilan ang asawa. "Bagay sa 'yo."
Nang mabayaran, agad na lumabas sila sa jewelryshop.
"Ang mahal nito eh," reklamo niya.
"Hayaan mo, mura lang 'yan. Binibilhan ko nga ng kalahating milyon ang mga pamangkin ko, ikaw pa kaya na asawa ko?"
"Kadugo mo sila."
"Asawa naman kita ah," depensa ni Moon. "Haist. Huwag mo nang isipin, okay? Pinaghirapan ko naman 'yan."
"Hindi ko alam kung bakit ang bait mo sa akin pero salamat," pasalamat ni Sunny. "Or baka nagiging mabait ka lang dahil gusto mo nang makuha ang account mo."
"Psh! Ganyan na ba ako sa 'yo? Wala akong pakialam sa account ko dahil asawa na kita. Siyempre lahat ng nasa akin ay sa 'yo na."
"Napilitan lang naman--"
"Mahal kita," agarang pagpigil ni Moon habang magkadikit na naglalakad sila. "Hindi ko lang matanggap na nakasal tayo dahil may sayad ka nga sa utak kapag magalit pero mahal kita."
"Wow ha. Ikaw kaya ang may sayad!" sabi ni Sunny. "E di sana iba na lang ang pinakasalan mo!"
"Kung hindi lang din naman ikaw, mas piliin ko pang maging matandang binata," sagot ni Moon.
"Akala ko ba ayaw mo sa akin?"
"Kaya nga hanggang ngayon, binata pa ako, 'di ba?" sagot ni Moon. "Kasi ayaw kong pakasal sa 'yo at sa iba."
"Gulo mong kausap. Sana tumutol ka sa kasal natin."
"Tinakot ako ni Dad na kapag ayaw ko, ipapakasal ka nila sa iba," pag-amin ni Moon.
"Ayaw mo pa nun? At least 'di tayo nakasal."
"Okay nang tiisin kita kaysa makitang ikinakasal sa iba," mahinang sagot ni Moon. 'Yon talaga ang nakapilit sa kaniya na pakasalan si Sunny e.
Napatingala si Sunny sa asawa. Kung hindi lang niya kabisado ito, malamang kikiligin na naman siya. Pero iba e. Mahirap nang magtiwala dahil ilang beses na siya nitong niloko.
Pero aaminin niya, umaasa pa rin siya na balang araw, magbago na nga talaga si Moon.
"Huwag mo 'kong tingnan," sabi ni Moon at sinalubong ang mga mata ni Sunny.
"Huh?"
"Puwede mo naman akong hawakan, Sunny," sabi ni Moon saka inakbayan ang asawang namula ang magkabilang pisngi. "Halika, libre mo na ako ng pagkain. 'Di pa ako nagla-lunch."
--------------
"Moon naman, gabi-gabi ka na lang bang papasok dito?" bulalas ni Sunny.
"Bakit? Tabi na kasi tayo. Kung hindi mo kayang lumipat, ako na lang ang lilipat."
"Akin na ang susi," sabi ni Sunny at inilahad ang kamay.
"Honey naman," may himig na pagtutol sa boses ni Moon.
"Akin na sabi!"
"Haist! Bakit ba noong tayo pa lang, hindi ka naman ganyan ah. Bakit ngayong legal na tayo, ayaw mo nang magtabi tayo. Tapatin mo nga ako, Sunny! May relasyon ba kayo ng Karlo na 'yon?" Uminit bigla ang buong katawan ni Moon sa naisip. Paano kung iyon nga ang dahilan?
"Shit! Aminado akong babaero ako pero iba noon, Sunny! Kasal na tayo kaya bawal ka nang makipagrelasyon sa iba! Ipapakulong ko talaga kayo!"
"Ako pa ngayon ang pinag-isipan mo ng ganyan, Moon?" naiinis na tanong ni Sunny. Gusto na niyang magpahinga at hindi niya magagawa iyon hanggat nandito si Moon. Magtatalo at magtatalo lang sila.
"Bakit? Parang tabi lang, ayaw mo na."
"Gusto kong magpahinga."
"Sa sahig ako matutulog," giit ni Moon.
"Utang na loob, lumabas ka na!"
"Fine! E di lalabas!"
"Ang susi?"
Napilitang ibinigay ni Moon ang susi kay Sunny.
"Parang wala akong asawa!" bulong ni Moon saka pabagsak na isinara ang pinto. Pagdating sa kuwarto, tinext niya si Sunny na siya ang makipagkita kay Karlo bukas pero hindi niya na-send dahil naubusan siya ng load.
Kinabukasan, maaga pa siyang nagising pero mas maaga pa rin si Sunny.
"Morning, hon," bati niya at niyakap mula sa likuran ang asawang nagluluto ng pancit canton. "Ang bango naman ng asawa ko at ng niluluto niya."
"May lakad ka ba?" tanong ni Sunny na mukhang mainit na naman ang ulo.
"Galit ka pa rin ba?"
"Hindi. Maupo ka nga, ang init-init eh!" pagtataboy ni Sunny.
"Meron ka ba? Ba't ba mainitin ang ulo mo?"
Maganda ang gising niya pero mukhang sisirain na naman ni Sunny.
"Kumain ka na," alok ni Sunny saka inilapag ang pagkain at naupo sa mesa.
"Ako pala ang makipagkita sa kerido mo mamaya," sabi ni Moon pero hindi siya sinagot ni Sunny.
Kahit na gusto niya magkape, kumain na lang siya ng pancit dahil luto ito ng asawa at baka simulan na naman ng pag-aaway nila.
"Bakit hindi mo suot ang kuwentas?" puna niya.
"Hindi ako mahilig sa jewelries," walang ganang sagot ni Venize at mabilis na tinapos ang pagkain saka iniwan si Moon sa dining room.
"Sinusumpong na naman siya," bulong ni Matter habang kumakain. Minsan, may topak talaga si Sunny. Siya na ang nagligpit ng pinagkainan at naghugas ng plato. Nagtimpla siya ng kape at lumabas sa veranda. Nang maupo siya, nakita niya ang newspaper. Inaasahan naman niya ito pero nagulat pa rin siya nang mabasa ang headline. Sila na raw ni Kristel at may litrato pa silang pumasok sa coffeeshop ni Sunny.
Napahilamos siya sa mukha. Malamang nabasa na ito ng asawa niya dahil nandito na ito.
"Haist! Kasalanan ko na naman!" pikong sabi niya saka tinapon ang newspaper. Medyo okay na sila kahapon e. "Buwesit na buhay 'to!"
Alam niyang naipaliwanag na niya iyon kay Sunny pero mahirapan pa rin siyang mabawi ang tiwala ng asawa.
Kahit na nahihirapan, binuksan niya ang social accounts niya. Nauna niyang binuksan ang Instagram at kagaya ng inaasahan, marami ang naka-tag sa kaniya like edited pictures nila ni Kristel na ingatan daw niya ito at kung anu-ano pa. Dineactivate niya ang account. Kahit ang Facebook account na pamilya lang ang nakakaalam, deactivated na rin.
"Sunny!" tawag niya nang marinig ang pagtunog ng kotse niya. Hahabulin pa sana niya pero nakalabas na ito ng gate.
"Haist! Gago ka talaga, Moon!" pikong panlalait niya sa sarili.
Umakyat siya saka naligo. Nang makabihis na ay dumaan muna siya sa opisina at nagpaalam sa ama na hindi muna siya papasok pero hindi siya nito kinikibo.
"Galit ka rin ba, Dad?"
"Walang natutuwa sa pinaggagawa mo!" napipikong sagot ni Sky. "Labas sa opisina ko!" Nang mabasa niya ang newspaper, bigla na lang sumakit ang batok niya. Mabuti na lang dahil katabi niya ang asawa at napaklma siya.
"Sorry," paumanhin ni Moon at lumabas. Tinatamad na siyang magpaliwanag dahil si Sunny lang naman ang mahalagang paliwanagan niya.
Nagmaneho siya patungo sa coffeeshop ng asawa. Alam niyang hindi siya nito kakausapin kaya nagtiyaga siyang maghintay sa labas. Matapos ang isang oras, dumating na ang inaabangan nito.
Bumaba si Moon sa kotse at lumapit sa lalaking may bitbit na bulaklak.
"Hoy!" tawag niya kaya napalingon si Karlo.
"Ikaw na naman?" tanong niya.
"Huwag mo nang ituloy ang pakipagkita at panliligaw kay Sunny," sabi ni Moon.
"Gusto mo rin ba siya? Ah, hindi mo naman pag-aksayahan siya ng oras kung wala kang--"
"Asawa ko siya!" diretsahang sabi ni Moon na ikinataas ng kilay ni Karlo.
"What did you say?"
"Ang pinupormahan mo ay asawa ko," ulit niya. Isa pang tanong at paduduguin talaga niya ang nguso nito.
"Wala akong nabalitaang ikinasal kayo. Isa pa, 'di ba si Kristel ang girlfriend mo?"
"Showbiz ka rin, ano?" pikong tanong ni Moon. "Asawa ko si Sunny at iyon ang totoo!"
"Come on--"
"Ba't hindi mo itanong sa kaniya?" pikong tanong ni Moon nang makitang palabas si Sunny.
"Sunny," masiglang bati ni Karlo.
"Totoo ba ang pinagsasabi nitong kasal na kayo?"
"Aminin mo ang totoo," sabi niya kay Sunny nang nasa harapan na ng dalawa.
"Hindi ba tinext na kitang hindi tayo matutuloy?" tanong ni Sunny.
"Sunny? Aminin mong kasal na tayo." Utos ni Moon at humarap kay Karlo. "Kung ayaw mong maniwala, ipadala ko ang copy ng marriage contract namin sa bahay ninyo."
"Umalis ka na muna, Karlo," pakiusap ni Sunny.
"Pero Sun--"
"Hindi mo narinig ang sinabi niya?" sabat ni Moon.
"Kasal na ba talaga kayo?" seryosong tanong ni Karlo kaya napabuntonghininga si Sunny.
"Lastweek lang," pag-amin ni Sunny kaya biglang gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Karlo.
"I'm sorry," paumanhin ni Karlo saka tumalikod at bumalik sa sasakyan.
"Hon? Thank you kasi--"
"Umuwi ka na rin," napapagod na sabi ni Sunny.
"Hintayin kita sa bahay."
"Kina Papa ako uuwi," sabi ni Sunny kaya napanganga si Moon.
"Hon naman, napaliwanag ko na ang tungkol sa amin ni Kristel, 'di ba? Sabi ko aamin siya sa publiko pero babawiin naman niya siguro after a month," paliwanag ni Moon.
"Gusto ko lang magpahinga," mahinang sagot ni Sunny saka tinalikuran ang asawa. Hindi siya katulad ng ibang babae na okay lang na ma-link sa iba ang boyfriend o asawa kasi showbiz personality ito. Hindi naman niya hinihingi na ipagsigawan siya nitong siya ang tinay na asawa pero hindi matatanggap ng pride niya na sa harap ng lahat, iba ang mahal ng kaniyang asawa. Hindi siya ganun ka martyr at alam ni Moon iyon. Aalma talaga siya.

I'm not Jealous, Just TerritorialOù les histoires vivent. Découvrez maintenant