Unang Kabanata

912 41 7
                                    

"Ano ang tingin mo sa bago nating adviser Lily?" Tanong ni Jenny habang kumakain ng Sandwich.

Nasa Canteen kami ngayon, dahil maaga ng unti ang dating namin sa school ay sinamahan muna ako ni Jenny na magpunta rito para kumain ng almusal. Hindi na kasi ako nakapaggabihan at almusal dahil sa personal na dahilan.

"Okay naman siya, mukhang mabait. Sana nga mabait siya" sagot ko.

"Alam mo sabi saakin ni Lexi strikta daw masyado si Ma'am Irene, mabait raw pero isa sa kinatatakutang guro sa pinanggalingan niyang skwelahan"

"Talaga? Eh bakit naman daw lumipat si Ma'am dito"

"Siguro mas malapit ang school na ito sa bahay niya, hindi ko rin alam eh. Sana mabait sa atin si Ma'am nakakatakot naman pag masyadong strikto" wika nito

"Nako huwag kang magisip ng kung ano-ano diyan, mukha naman siyang mabait"

"Hala dalian na natin Lily! Dalawang minuto nalang at time na, ngayon pa naman ang unang araw ni Ma'am sa atin baka malintikan tayo" nagpapanic na wika niya, napatingin naman ako sa relo ko at tama nga siya malapit ng magtime.

"Ate Anna mauna na po kami ha? Mallate na po pala kami, sarap ng luto mo talaga ate. The best" pagpapaalam ko sa namamahala sa canteen.

Hinila ako ni Jenny at tumakbo kami papuntang room, habang tumatakbo kami ay narinig na namin ang bell ngunit medyo malayo pa ang room namin. Late na kami

Hingal na hingal kaming nakarating sa may pintuan ng room namin, nadatnan namin na nasa harapan na si Ma'am at mukhang nagumpisa na siyang maglecture.

"Good Morning po Ma'am sorry we're late" wika ko at akmang papasok na kami ni Jenny pero natigilan kami ng marinig ang boses ni Ma'am

"Maganda umaga naman sainyong dalawa, bakit ngayon lang kayo?" Simpleng tanong nito sa amin pero nakakataas ng balahibo sa sobrang kaba.

"P-pasensiya na po Ma'am, dumaan po muna kasi kami sa Canteen para mag----"

"Kaya kayo nalate kasi nagcanteen kayo, tama ba?" Naglakad ito palapit sa amin, unti unti naman kaming tumango at yumuko dahil sa kahihiyan. Tinitignan na kasi kami lahat ng kaklase namin.

"O-opo, sorry ma'am"

"Diba before ko kayong dinismiss kahapon ay ipinaalala ko na ang ayaw ko sa lahat ay iyong mga taong late?"

"Unang araw palang pero lumabag na kayo agad sa rules ko, what are your names again?" Tanong niya.

"I am J-jennylyn Po"

"Ako naman po si Lilianne Jade"

Hindi naman galit ang mukha ni Ma'am, hindi rin naman galit ang toni niya pero manginginig ka. Paano kaya yun?

Ma'am Perez balik ka na huhu.

"Jennylyn and Lilianne, this is your first offense papalagpasin ko ito ngayon pero sa susunod ayaw ko nq mauulit ito, kahit ilang minuto lang iyan. Ang late ay late, understand?" Tumango kami ng mahina

"I want an answer for you two, Understand?" Medyo napataas na wika niya

"Y-yes Ma'am Sorry"

"Go to your seat" agad kaming dumiretso sa upuan namin.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay nakayuko parin ako, si Ma'am ay nagpatuloy sa kanyang pagtuturo.

Naramdaman kong nagtutubig ang mga mata ko, ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganun. Wala ngang 5 minutes ang late namin ni Jenny pero grabe na agad si Ma'am.

-------

"Jennylyn at Lilianne maiwan kayo at mag-uusap tayo" wika ni Ma'am pagkatapos kaming idismiss.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon