Ika-apatnapu't limang Kabanata

719 44 32
                                    

-IMEE-

"Manang, Kuya Rod Good afternoon. Mabuti at maaga kayo ngayon" salubong ni bonget sa amin pagkarating namin sa San Juan.

Nagset kasi si Mommy ng Dinner ng buong pamilya dahil kahapon pa na isa kumpleto ang mga apo kaya naman pinatawag narin kaming mga anak niya.

"Yeah mabuti nalang at hindi pa bumalik ng Davao si Rod" wika ko naman

"Sila Greggy nandito na ba?" Tanong ni Rod

"They're on their way na papunta rito, hinintay pa raw matapos ang training ni Zia" sagot nila kaya tumango ako

"You okay manang?" Tanong ni Liza.

"Yeah may iniisip lang, mag-usap tayo mamaya. Asan ang mga magpipinsan?" Tanong ko tinuro naman nila ang isang kwarto kung saan ginawa nilang Movie Room.

"Puntahan ko lang" wika ko.

"Susunod ako hon, ilalagay ko lang ang gamit natin sa kwarto" wika naman ni Rod kaya tinanguan ko at nagpunta na sa movie room

"Mommy/Tita" bati ng boys pagkapasok ko. Isa isa silang lumapit sa akin para magbeso.

"Busy kayo ha, hindi pa ba kayo nagsasawa sa mukha ng isa't isa? Kahapon na isa pa kayo nandito" pabirong wika ko tumawa naman sila.

"Want to join us watching this movie?" Tanong ni Borgy.

"Horror ba yan? No thanks, afraid" tinawanan naman nila ako.

Hindi nagtagal ay bumukas ulit ang pintuan at iniluwa nun si Rod kaya bumati sila.

"Tito join us, we're watching a movie"

"Sure sure, Hon manonood ka rin? Himala ha"

"Ofcourse not, kayo nalang ang magbonding diyan at pupuntahan ko pa si Mommy. Bye" wika ko at agad ng umalis.

---------

"Oh akala ko ba pupuntahan mo si mommy? Bakit lumabas ka na agad?" Wika ni bonget pagkakita sa akin na naglalakad palapit sakanila, nakatambay sila ngayon sa terrace kung saan malapit sa kwarto ni Mommy.

"Tulog si Mommy ayaw ko naman gisingin kaya guguluhin ko muna kayo rito" wika ko naman.

"What are we going to talk about pala manang?"

"About lily"

"You have lead na kung saan siya nakatira? Bumalik na ba siya sa bahay niya?" Umiling ako.

"Hindi na siya nakatira sa bahay na tinitirahan niya dati, pero nakatira siya kasama si Helen. Ang problema eh hindi ko pa alam kung saan sila tumutuloy dahil hindi naman nagagamit ang luma nilang bahay na pinuntahan natin dati"

"She really wants to live far away from us. Nagtatago nga sa atin eh"

"Malamang we caused her so much pain lalo na yang magaling mong kapatid" wika ko sabay irap ng mata.

"Manang what if we tell Irene the truth? Sabihin na natin sakanya ang totoo, parang ang hirap humarap kay Irene na may tinatago tayo"

"I honestly want to tell her the truth also but I don't know how"

"And what is it?" Biglang rinig namin sa likuran, napalaki ang mata namin nang makita si Mommy.

"M-mommy, I thought you're sleeping?"

"Nagising na ako kasi nauuhaw ako, I was about to go downstairs but I heared you guys kaya pumunta ako rito"

"Now tell me, anong katotohanan ang di niyo masabi sabi kay Irene? Na pati ako ay di niyo sinasabihan?" Natahimik kaming tatlo, walang gustong sumagot.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now