Ika-pitumpu't apat na Kabanata

627 41 26
                                    

-IRENE-

"Why are you giving me this?" Nakayukong tanong ko kay Luis pagkasakay ko ng Sasakyan.

"Sus don't hide na I know na umiiyak ka. I also know na you still wanna cry kaya here, take this and you can cry habang bumabiyahe tayo" sagot niya.

Bigla namang nagsitulo ang mga luha ko pagkatapos niyang sabihin yun, kinuha ko ang inaabot niyang tissue at towel at umiyak.

Narinig ko pa ang mahinang tawa nito kaya hinampas ko siya.

"Hate you Lulu, you're making fun of me" wika ko

"Hala si mommy overthinker, Im not making fun of you noh? Im so thoughtful nga na nagready ako ng ganyan. Syempre expected na babaha ng luha mo pagkatapos nating ihatid si Lily" wika niya habang patuloy na nakatingin lang sa daan.

"Napakatigas ng ulo ng mga kapatid mo, stress na stress na ako paano ito aayusin. Ayokong umuwi ang daddy mo dahil dito, marami yung problema sa Ibang bansa tapos dinadagdagan pa natin" iyak ko.

Maya maya ay naramdaman kong iginilid niya ang sasakyan at hininto ito kaya tumingin ako sakanya. Nakatingin lang ito sa akin.

"Why did you stop?" Hindi ito sumagot at bumaba nalang ng sasakyan at naglakad sa kabilang banda, binuksan nito ang pintuan sa gilid ko at lumapit sa akin.

Tinignan ko siya ng nagtatanong na tingin, hindi ito nagsalita basta niyakap nalang ako kaya nagsitulo nanaman ang mga luha ko.

"We will help you, we promised" mahinang wika niya while caressing my back to comfort me.

"Aayusin natin ito mommy, let's just wait na maging okay sila bago natin maayos ito. Don't stress your self too much please? Nangangayayat ko na oh, mas pumayat ka mapapagalitan kami ni daddy niyan" biro niya.

"Thanks lu, hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala kayo ng kuya mo" wika ko. Ulit niya akong niyakap at cinonfort ako.

Nang kumalma ako ay bumitaw na ito sa yakap at sinabing b-biyahe na kami ulit.

"Itulog mo na muna mom, I know wala kang tulog kagabi kakaisip kung tama ba ang desisyon mo na payagan si Lily" wika niya

How did he know?

"Wake me up kung malapit na tayo okay? Thanks again lu"

------

"Kuya Si give me back my phone na, wala nga kasi akong kachat eh. Mama Meldy oh!" Maingay na boses na rinig namin.

"Is that Zia?" Tanong ni Luis habang naglalakad kami papasok ng bahay, tinanguan ko naman ito.

Sa kabilang garage pinark ni Luis ang sasakyan kaya naman kailangan naming maglakad papasok.

Habang naglalakad kami ay nakita namin sa bandang Garden sila Simon Zia at Borgy na naghahabulan dahil siguro dun sa phone.

"Kuya Borgy help me naman oh" reklamo ng anak ko habang hinahabol si Simon.

"She looks so happy here" napangiti naman ako ng mapait.

"Tita Irene! Luis Bro!" Napahinto sila sa paghahabulan nang marinig ang wika ni Borgy. Napatingin sila sa amin at agad na lumapit.

"Tita I missed you, how are you?" Tanong ni Borgy pagkatapo kaming ibeso

"Fine borgz, what about you? Where's your brothers?"

"Matt is in Ilocos Norte tita while Mike is busy with law stuff" sagot nito.

Sunod na bumeso sa amin si Simon, niyakap ko naman ito.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now