Ika-animnapung Kabanata

813 51 15
                                    

"Ganun ba? Sayang naman akala namin makakachikahan ka ulit namin hanggang madaling araw eh, basta mag-iingat ka diyan Lily" wika ni Ate Karla.

Habang nasa sasakyan kami ni kuya Alfie ay tinawagan ko na ito para sabihin kay Manong Robert na hindi ako makakasabay sa Van pauwi sa resort dahil may pupuntahan ako

"Salamat po Ate, baka bukas ho babalik ako diyan para po kunin na yung mga gamit ko"

"Sige Lily call us anytime kung need mo kami. Ingat ka" wika niya at ilang sandali pa ay binaba niya na ang tawag.

Napansin kong tumitingin tingin si Kuya Alfie sa akin kaya naman nilingon ko ito

"M-may problema po kuya?"

"Nothing lily, i just can't believe na sumama ka sakin pauwi. Finally, sana magtuloy tuloy na umayos na ang pamilya natin" nakangiti niyang wika, ngumiti rin naman ako at di na kumibo.

Tumingin lang ako sa labas ng bintana, madilim na pero kitang kita parin ang ganda ng lugar na ito. No wonder kung bakit kahit ang layo layo sa siyudad ay dinarayo parin ng mga turista.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kung ito, bahala na basta ang mahalaga sinubukan ko.

Sana nga maging maayos na, nakakapagod na rin kasi.

Ilang sandali pa ay tumunog ang phone ni kuya nakaconnect ito sa bluetooth ng kotse kaya naman rinig ko rin ang paguusapan nila.

"Hello?"

"Bro where are you na? I thought after lunch you'll go home na? They are waiting for you kanina pa" boses iyon ni kuya Luis.

"Sorry may kinausap pa ako eh something important, but I'm on my way home na"

"Kuya Luis nasusunog na yung Chiken na nakasalang, I can't remove it natatakot ako baka tumalsik yung mantika" rinig na boses ni Zia, natawa naman si Kuya Alfie.

"Wait Zi, turn it off first kausap ko si Kuya Alfie" sagot naman ni Kuya Luis.

"Go here nalang, kuya dali" wika niya ulit

"You two are cooking? Wow, first time ulit after many years?" Natatawang wika ni Kuya Alfie.

"Yeah Zia wants us to prepare dinner for mom and dad"

"Kuya halika na rito" malakas na boses ni Zia, nakarinig naman kami ng pagtakbo kaya baka lumapit na si Kuya Luis sa kusina.

"Kainin mo yan kuya halos black na oh"

"Its toasted OA mo Z"

"Whatever, you put this na so we can finish na. Btw, hi kuya Alfie where are you na?"

"Daldal mo Zi, Im on my way na"

"See you later kuya, baka naman may pasalubong"

"Wala pero I'll see kung may madaanan akong shop dito"

"Hmm smell delicious, kayo ba ang nagluluto Luis and Zi?" Rinig naming boses, ang tatay nila iyon.

"Yes Dad, we want to prepare dinner for you and Mom" sagot ni Zia

"Oh you're so sweet Zi, I'm sure matutuwa ang mom niyo niyan"

"Hey Dad, How's Mom? Pauwi na ako" wika ni Kuya Alfie.

"Oh you're there pala Alf, your mom is still sad but getting better na lalo na ngayon nagprepare ang mga kapatid mo ng dinner for sure matutuwa yun kahit papaano" sagot nito. Napaiwas naman ako ng tingin nang napatingin sa akin si Kuya.

As much as possible hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay, ayaw ko lang dahil hindi ko alam ang sasabihin kung sakali.

"Matagal ka pa ba kuya?"

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now