Ika-walumpu't pitong Kabanata

1K 47 22
                                    

"Ate When are you going home? Please go back na, I miss you na ate" wika ni Gigi sa phone

"I still don't know Gi, basta one of these days uuwi na diyan si Ate okay?"

"You promise that ha?"

"Opo, basta be a good girl there okay? Sige na Gi I have to hung this up na, May gagawin pa si ate eh" pagpapaalam ko sabay end ng call.

Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko. Magt-tatlong araw na ako dito sa Lingayen at balak ko ng bumalik sa Alaminos bukas dahil alam kong umuwi na sila Mommy sa Manila.

Pagkatapos kong iayos ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng Hotel, agad akong naglakad patungo sa baywalk na palagi kong ginagawa tuwing hapon.

"Lily mukhang napaaga ka ha" wika ni Thea, kaedadan ko lang siya at nakilala ko siya rito. Malapit lang ang bahay nila kaya palagi rin siya rito.

"Ah oo inagahan ko talaga dahil sinusulit ko na, aalis na kasi ako bukas eh" sagot ko.

Nakitaan ko ng lungkot ang mata niya pero agad niya iyong iwinala

"Ganun ba? Sayang naman"

"Dibale we can still talk on facebook friends na tayo dun diba?" Medyo naglight ang mukha niya jaya napangiti ako

"Oo nga pala"

"Tara punta tayo kay Ate Erika" isa ding babaeng nakilala ko rito, mga 21 years old na siya at may cafe siya na business dito sa Baywalk at dun ko siya unang nakausap. Mabait siya at sa saglit na panahon na nakakausap ko siya ay maraki na siyang naishare na kwento ng buhay niya sa akin na medyo nakakarelate ako.

"Mauna ka na susunod ako, okay lang naman na gabihin ka ngayon diba? Bukas ka naman na aalis kaya magtagal ka na rito" wika nya kaya tumango ako. Natuwa naman ito at agad na nagpaalam sakin para gagawin na daw niya ang kailangan niyang gawin para makasunod na.

Naglakad ako patungo sa Cafe ni Ate Erika. Marami na ang tao rito, agad kong hinanap si Ate Erika

"Oh Lily hanap mo si Erika?" Tanong nung isang staff ng cafe na kaibigan ni Ate Erika, tumango ako

"Opo"

"Maupo ka muna, nagdeliver lang siya saglit pero pabalik na yun"

"Sige po, mamaya nalang din ho ako oorder pag nandito na si Thea" wika ko, tinanguan niya naman ako.

Mga limang minuto ang nakalipas ay dumating na si Ate Erika. Nakipagkwentuhan naman ito sa akin at nung dumating na si Thea ay umorder na kami.

"Dadalaw dalaw ka parin dito pag nagawi ka ulit sa Pangasinan ha?" Wika ni Ate

"Hala si Ate parang others, syempre naman po. Dalaw rin po kayo sa amin pag may time kayo, promise ipapasyal ko po kayo"

"Ate mukhang masaya yun" wika ni Thea, natawa naman si Ate.

"Sige ba pero sa susunod na bakasyon na"

Nang matapos kaming magmeryenda ay dumami na ang customers sa cafe kaya kailangan ng tumulong ni Ate Erika. Napagpasyahan naman naming maglakad lakad muna sa Baywalk ni Thea. Padilim na dahil lagpas ala-singko na.

"Lily hindi mo ba namimiss ang pamilya mo?" Random na tanong niya. Napatingin ako sakanya at umiwas ng tingin.

Iilan nalang ang tao rito dahil madilim na, ang mga naiwan nalang ang yung mga balak mag night swimming sa dagat.

"Namimiss" simpleng sagot ko.

"Eh bakit hindi ka pa umuwi sakanila? Bakit sa Alaminos ka uuwi eh wala naman sila dun?"

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now