Ikapitong Kabanata

560 34 7
                                    

"are you all done preparing your things guys?" Tanong ni Ms. Irene

Ngayon ang panghuling araw ng Intramurals, ngayon rin ang mga laro ng sports kaya naman pupunta kami sa sports complex ng school para manood at suportahan ang mga kaklase naming athlete lalo na si Jenny.

"Tara na kung gusto niyong hindi tayo maubusan ng upuan" wika ni Ms kaya dali-dali kaming lumabas ng room at naglakad papuntang sports complex.

Excited ang mga kaklase namin dahil ang unang larong papanoorin namin ay ang basketball, may tatlo kasi kaming kaklase na kasali kaya todo support sila.

"Ma'am Irene, Good Morning" bati ni Ma'am Roda nang makasalubong namin siya. Huminto kami ni Ms, pero ang ibang mga kaklase ko nagpatuloy sa paglalakad.

"Good Morning Ma'am Roda, you're not going to sports complex?"

"Ah susunod ako, may aasikasuhin lang ako saglit" tumango naman si Ms.

"Hoy parang walang kakilala ah, di na kita bati bahala ka diyan" parang batang wika niya sa akin kaya natawa ako.

"Luh si Ma'am parang ewan, alangan naman sumingit ako agad eh magkausap pa kayo ni Ms" napakamot siya sa ulo

"Oo nga noh? Oh dali na batiin mo na ako, di ko na kausap Ma'am mo"

Hay nako minsan di ko na rin maintindihan kung sino ang mas bata sa amin ng mga ito.

"Magandang umaga pero mas maganda ka Binibining Roda, namiss kita tagal mo ring nawala ah" natatawang wika ko at yumakap sakanya.

"Baliw may inasikaso kasi ako hindi ba sinabi sayo ni Yen kung ano?" Umiling ako

"Huwag na magtampo may pasalubong ako sayo"

"Talaga po? Hihintayin ko yan, sige po mauna na kami at baka di na namin mapaumpisahan yung laro" wika ko dahil baka mainip si Ms Irene sa aming dalawa pag nagpatuloy kami sa chikahan

"Osige huwag kang pasaway kay Ma'am Irene, hahanapin ka namin sa complex pag pumunta kami dun mamaya ni Yen" tumango naman ako at kumaway sakanya bago kami nagpatuloy sa paglakad ni Ms. Irene

Tahimik lang si Ms habang naglalakad kaming dalawa patungong complex, hindi na rin ako nagsalita dahil wala naman akong sasabihin.

Nang makarating kami sa complex ay agad naming nakita ang mga kaklase ko na nakaupo na sa mga bleachers kaya nilapitan namin sila.

"Ms san ba kayo galing ni Lily? Bigla kayong nawala" wika ni patricia

"Nakasalubong kasi namin si Ma'am Roda kaya nakipagkwentuhan saglit"

Umupo si Ms sa tabi niyang bleachers at ako naman sa may itaas nila umupo.

"You don't want to sit beside me Lily?"

"Gusto naman po Ms kaso tatabihan ko nalang po si Ellen para may kasama siya rito" sagot ko tumango naman ito at umiwas ng tingin.

Napansin kong nakatingin sa akin si Patricia ng masama nang makita niya akong nakatingin rin sakanya ay inirapan niya ako.

Tusukin ko mata mo eh.

Hindi nagtagal ay nagumpisa na ang larong basketball, todo cheer ang section namin dahil 3 members sakanila ay kaklase namin.

"Del Valle Galingan mo pre nanonood si Lily!" Sigaw ng isa naming kaklase na malapit lang nakaupo sa akin kaya naman hinampas ko sakanya yung dala kong payong.

"Walanghiya ka Eric pati ako dinadamay mo sa katarantaduhan mo"

"Nagbibiro lang eh, di ka naman mabiro" reklamo niya sabay himas sa ulo niya na hinampas ko ng payong.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now