Ika-limampu't dalawang Kabanata

761 43 14
                                    

"Lily wait!" Rinig kong sigaw pero patuloy parin ako sa pagtakbo sa kalsada para makalayo na kahit kanino sakanila.

"Lily please wait lang" rinig ko nanaman. Si kuya Luis yun, simula nung tumakbo ako sa bahay nila para makalayo sa kahit sino sakanila ay sinundan niya ako.

Patuloy parin ako sa pag-iyak at hinang hina na ang katawan ko. Kanina pa nagbblur ang paningin ko at anytime feeling ko di na ako makakatakbo dahil bigla nalang akong babagsak sa semento.

Huminto ako dahil sa hingal, sobrang pag-iyak at panlalambot ng katawan. Ilang sandali pa ay may naramdaman akong kamay na humawak sa siko ko. Hinihingal rin na huminto si kuya Luis.

"G-gusto ko hong mapag-isa" hinihingal na wika ko.

"I know but let me talk to you for a while"

"Kuya kung ganun din lang sa kanina ang pag-uusapan natin pasensiya na po umuwi k---"

"Lily please give me atleast 5 minutes to talk" wika niya kaya wala na akong nagawa kundi tumango.

"Okay 5 minutes, aalis na ho ako after at huwag na huwag niyo akong susundan" wika ko.

"Lily I know magulo ang isip mo ngayon and I want you to know na so we are. Everyone was still shocked by the truth, sinasabi ko ito hindi para sisihin ka pero sinasabi ko ito para malaman mo na nabigla kami nung nalaman namin ang totoo pero hindi na kami nahirapan na tanggapin dahil kahit walang revelation na nangyari talagang pamilya na ang turing namin sayo, una palang minahal ka namin na parang tunay naming pamilya" wika niya, gabing gabi na at madilim na sa labas pero kitang kita ko kung paano magluha ang mata ni Kuya Luis.

Tumango tango ako. Ramdam ko naman na totoo yung pagmamahal nila sa akin kahit hindi pa nila nalalaman ang totoo. Ramdam ko ang pagyakap nila sa akin sa pamilya nila.

"Alam ko po yun kuya, I will forever be grateful to that kasi you guys made me feel that I am complete again. Kaya pala ang gaan gaan ng mga loob ko sainyo kasi pamilya ko kayo pero kuya sana maintindihan mo na hindi madali sa akin ang lahat, ang dami na pong nangyari at hindi kanais nais ang iba. Nagkakasakitan na po tayong lahat at ayoko ho ng ganun,

Kuya pasensya na po kung nadisappoint ko kayo pero ito po talaga ang plano ko pag nahanap ko ang tunay na pamilya ko, kakausapin para magpasalamat pero hindi ho kasali talaga sa plano na tumira kasama ng totoo kong pamilya"

Liar lily! Napakasinungaling mo.

Wala naman talagang ganun na plano, gusto mo pa ngang mafeel yung buong pamilya diba? Gusto mong maranasan yung mga ginagawa ng magulang sa anak nila at ang mga bonding ng mga kapatid?

"Lily naiintindihan kita sa ngayon kaya hahayaan kitang umalis para makapagisip isip, sana huwag mong isarado ang puso at isip mo sa amin dahil antagal naming nangulila sayo lily. Mahal na mahal ka namin despite of what happened, lalo na si mom at dad mukhang di nila kakayanin kung mawala ka ulit sa amin" wika niya sabay punas ng mga luha.

Tumango ako kay kuya luis, "k-kuya salamat pero pasensiya na po talaga. Aalis muna ako gusto kong mapagisa para makapagisip isip, pero kuya ayokong umasa kayo na pagbalik ko ay titira na ako kasama niyo hindi ko maipapangako" sagot ko. Tumango rin ito

"Aalis na ho ako" wika ko at kahit hinang hina na ay nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Nang makalayo na ako ay hindi ko na kaya ang paglalambot ng katawan ko, humawak ako sa may puno pero umiikot na ang paningin ko hanggang sa makabitaw ako at maging black ang lahat.

---------

-IRENE-

"Luis anak! Ano nasaan si Lily?" Tanong ko kay luis na kakarating lang ng bahay dahil sinundan nito si Lily

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon